MySandbox Forums
Whatever ! => In My Opinion... Whatever! => Topic started by: helterbrand on June 14, 2010, 11:44:31 AM
Title: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 11:44:31 AM
Since iniwanan na ni Direk Jerwin yung "Silong", gagawa din ako ng kagaya ng "Silong" nya..
Para sa unang handog, itatampok ko sina :
"Enchong Dee" - As Dale, Solo heredoro ng POKIA Cellphones, Inc.
"Bella Flores" - As Mrs Pokia, matapobre at byudang nanay ni Dale.
Abegail09 - As Angie, may gusto kay Dale.
Jannaerron - As BJ, computer shop owner.
at ang female lead
Gelatociao - As TRICIA, laundrygirl ng Pokia family.
Ang unang mga eksena.. Maya maya po lamang.
ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 12:17:33 PM
1
{ Sa pagbubukas ng eksena ay makikita si Tricia na may nakaipit na hamper na punong puno ng labada sa kaliwang tagiliran nya habang ang kanang kamay ay may hawak na Pokia 0210i CP. Naglalakad sya sa hallway papuntang laundry area... Nang biglang lumitaw si Mrs Pokia }
Mrs Pokia : CP na naman ang hawak mo?! Ano bang uunahin mo? Ang maglaba o ang magtext ng magtext ha?!
Tricia : Hellow?! Sino hong maysabi sa inyong nagtetext ako? {nakairap}
Mrs Pokia : At ano yang ginagawa mo ha??
Tricia : Nag e SB ho ako!
Mrs Pokia : At anong SB yan ha?
Tricia : Naku, wag nyo na hòng alamin at baka maadik pa kayo.. Tabi nga ho kayo dyan sa daraanan ko at nakakaabala na kayo!
Mrs Pokia : Ay sorry naman.. {tatabi}
Taas noo naman si Tricia habang nagmarcha na ito papuntang laundry area. Habang naiwan si Mrs Pokia na pagtataka ang nakalarawan sa mukha.
Mrs Pokia : {Bubulong sa sarili} Bakit feeling ko parang naisahan ako?
{Biglang maririnig ang boses ni Tricia}
"Feeling mo lang yun!"
Mrs Pokia : Ha? ako ba kausap mo? {pasigaw}
"Hindi ho! eto hong mga ka SB ko! Yung helterbrand kasi masyadong feeling! {pasigaw din}"
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 01:01:11 PM
2
Sa laundry area, kasalukuyan nang nakasalang ang mga labahin ni Tricia sa washing machine. At habang naghihintay, tutok na tutok ang mga mata ni Tricia sa screen ng CP nyang POKIA 0210i
Tricia : Ohmyenchong, out na naman ako sa botohan? Kainis. Kelan ba ako mahahotseat?? Gustong gusto ko na mahotseat since Week 1. Anong petsa na? Week 18 na di pa rin ako nahahotseat.
Eksaktong natapos na ang mga binabanlawan. Kinuha na ni Tricia ang mga damit at isa isa itong isinampay. Nang biglang matigilan ito nang may mahawakang di inaasahan sa mga nilabhan.
Tricia : Ohmyenchong, di ko napansin tong VINTCH brief ni HoneyDale.. Kasama pala sa mga nalabhan. {Lilinga linga sa paligid, nang makasigurong walang nakakakita, kanya itong inamoy nang inamoy} Bakit walang amoy? Bakit amoy malinis lang? {disappointed}
Biglang may boses na sumagot na ikinagulat ni Tricia.
"Natural, wala ng amoy yan at amoy malinis na kasi nalabhan na! Aha."
SINO ANG NAGMAMAY ARI NG BOSES?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 01:29:16 PM
3
Tricia : Angie, ikaw pala.. Kanina ka pa ba yan? { Patay malisya. Iniiwas ang tingin kay Angie at patuloy na nagsampay }
Angie : Namaaan! At ngayon ko lang nalaman na may pagnanasa ka sa Dale ko! {Nakapamewang}
Tricia : Bakit? Kayo na ba ni Dale? {nagsasampay pa rin}
Angie : Hindi pa! Pero malapit na.. Pero bakit ba si Dale ang pinaguusapan natin? Binabalaan kita, wag na wag kang lalandi landi sa Dale ko ha??! Or else, malilintekan ka sa akin.
Nakatapos na ng pagsasampay si Tricia. Hinarap nito si Angie na naniningkit ang mata.
Tricia : Wag mo akong daanin sa paniningkit ng mata mo! Kaya ko rin yan! {Pinasingkit ang mata gamit ang dalawang kamay} O ano?!
Angie : Whatevah! Basta wag kang didikit sa Dale ko!
Tricia : Bakit? Insecure ka?! {ililis ang 2 manggas ng suot na uniform}
Angie : Bakit sinabi ko ba?! Ikaw? Bakit? lalaban ka sakin?!
Tricia : Bakit? Sinabi ko rin ba?
Angie : E bakit para kang naghahamon ng suntukan at nililis mo pa yang manggas ng suot mo?
Tricia : Inggit ka? E di gumaya ka!
Angie : {maglilislis din nang biglang matigilan} Next time na lang pala. {Taas kilay} Nakasleeveless nga pala ako. Hmp.
"Hey Honey, there you are.. Kanina pa kita hinahanap"
KANIN0NG BOSES KAYA ETO?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 02:20:51 PM
4
Dale : O ano? Titingnan mo na lang ba ako? How about a hug? {nakaopen arms}
Angie : Sure Dale! {Lalapit kay Dale}
Subalit lalapitan ni Dale ang nakatulala at mukhang takot na si Tricia. Di pansin si Angie. At niyakap si Tricia na mukhang nastagnant sa kinatatayuan dahil hindi gumaganti ng yakap.
Tricia : Dale, wag dito.. please.
Kumalas sa pagkakayakap si Dale at nagtatakang tiningnan si Tricia. Di pa rin nya napapansin si Angie.
Dale : What's wrong huh? Bakit ayaw mo dito?? Di ba etong laundry area ang yung queendom mula nang mapatalsik ka sa Big Manong Bahay??
Tricia : Kasi ahmmm
Biglang sasabat si Angie.
Angie : Aha! Alam na ba to ni Tita Pokia? I guess hindi pa.. And I guess it's my duty to inform her. { Tatalikod at pupuntahan si Mrs Pokia }
Tricia : Wag Angie! {Hawak ang kamay ni Angie} Hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan ng buhay ko pag nalaman to ni Mrs Pokia.
Angie : {Iwawaksi ang kamay ni Tricia} You're wrong! I know what will happen to you! Kaya nga Im gonna tell Mrs Pokia!
Tricia : Please Angie, nakikiusap ako sayo! Kahit ibigay ko na sayo tong POKIA 0210i ako, wag ka lang magsusumbong!
Angie : Hello?! Aanhin ko naman yan?! Nang iinsulto ka ba?
Tricia : Wag mong maliitin itong Pokia 0210i ako.. Naka SB to ngayon.
Angie : {Manlalaki ang mata} Weeh?? Hindi nga? May SB ka rin??
Tricia : {ilalabas ang CP} Eto o.. Tingnan mo.
Angie : Ay oo nga, ang galing.. Sino ka dito? Ano username mo? Ako, abegail09. Ikaw?
Tricia : Gelatociao ako dyan..
Angie : Ahihi. Small world.. Sino crush mo dyan.. Ako? crush ko yung kidbro ni Helter dyan.. Ahihi
{at nagtsismisan na ang 2 girls habang napatingin na lang sa camera si Dale. Nagkakamot ng ulo}
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 02:54:16 PM
Tuluyan na kayang magkasundo sina Tricia at Angie dahil sa SB?
Ano ang kinatatakutan ni Tricia kung kaya't ayaw nyang malaman ni Mrs Pokia ang relasyon nila ni Dale?
Pakatutukan ang mga susunod pang kaganapan dito sa unang handog ng SBCinema..
SBCinema Presents
"Pasan Ko Ang Labada"
June 14, 2010
All Rights Reserved
To God be the glory.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 03:44:49 PM
5
Patuloy na nagtsismisan ang 2 girls dahil nadiskubre nilang pareho lamang pala silang SB adik. Nakikinig lang sa kanilang 2 si Dale.
Angie : Hey girl, hindi ka ba naiinis pag tinatawag kang Laundrygirl ni Helter?
Tricia : Hindi! Totoo naman kasi na laundrygirl ako. And Im proud of it.. Hey, Angie, may post si Aeron mo sa "Famous Song In Lines" . Mukhang para sa yo to..
Angie : Anong sabi?
Tricia : Sabi nya, "witwiw" at "meowt".
Angie : E pano mo nasabing para sa akin yan? Parang pumaswit na pusa lang naman yang "witwiw" at "meowt" na yan.
Tricia : Wag ka ngang nega.. Kilala ko yang si Aerron. Kapag nagpost yan ng "witwiw" at "meowt", ibig sabihin crush nya yung sinusundan nya?
Angie : {namimilog ang mata}. Talaga?! E anong ibig sabihin pag nagpost si Aerron ng tatlong dots < ... >
Tricia : Hays, ang slow mo girl.. Di ba pumapaswit na pusa yung "witwiw" at "meowt" , yung tatlong dots, yun naman yung tae ng pumapaswit na pusa! Gets?
Angie : Ah so pag nagpost sya ng 3 dots, ibig sabihin, tumae yung pumapaswit na pusa?
Tricia : Ta - ma!!
Angie : E yung video nya sa MG, yung may never say never..? For me din ba yun?
Tricia : Ay di ko na alam.. Si Butler tanungin mo.. Tsismoso yun eh.
Sasabat si Dale
Dale : So paano? Friends na ba kayo?? Wala nang problema? {Aakbayan si Tricia}
Sa narinig ay natigilan si Angie. Biglang nawala ang mga ngiti sa labi nya...
- - itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 04:28:16 PM
6
Dale : Oh bakit natahimik ka Angie? May nasabi ba akong masama?
Angie : Hindi! Hindi dapat ako makipagkaibigan sayo, Laundrygirl! Okay! Hindi ako magsusumbong kay Tita Pokia pero kailangang masira ko ang isa pang kaligayahan mo Tricia!
Tricia : Anòng ibig mong sabihin Angie? Kala ko, okay na tayo?
Inagaw ni Angie ang Pokia 0210i mula sa mga kamay ni Tricia.
Angie : Eto! etong CP na to! Oo! Di na ako magsusumbong kay Tita Pokia na may relasyon kayo ni Dale pero mula sa araw na to, hinding hindi ka na makakapag SB, Tricia!
Dali daling inihulog ni Angie ang CP sa isang timbang may lamang tubig at nilagyan pa ng isang galong Zonrox, isang galong Downy at isang sachet ng Ariel ang timba kung saan nakalubog ang CP ni Tricia saka hinalo ng hinalo.
Dale : Anong ginagawa mo Angie?! Stop that!
Angie : Ayan! Isampay mo na yang CP mo, Laundrygirl! Kahit man lang dyan e nakaganti ako.
Sabay labas ng Laundry area. Naiwan sina Dale at Tricia na nagbabadyang pumatak ang mga luha. Lumuhod eto sa harap ng timba kung saan nakalubog ang CP nya.
Tricia : Huhuhu... ilang taon kitang pinag ipunan Pokia0210i.. Kung alam mo lang kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin, mabili lang kita.. Kung alam mo lang kung ilang beses ko pinagtaguan si Bombay 5-6, ma acquire lang kita.. Ngayon, paano na ang lahat? Paano pa ang pangarap kong makaupo sa Hotseat kapag nalaman ng mga taga SB na wala na akong fone? Paano na?! {tuloy tuloy ang pag agos ng luha at sipon na di namamalayan}
PAANO NA NGA KAYA ANG PANGARAP NI TRICIA NA UMUPO SA HOTSEAT?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 05:44:14 PM
7
Dale : Tama na! Wag ka nang umiyak.. It's just a CP.
Tricia : Hindi mo ako naiintindihan Dale.. Yang CP na yan ay simbolo ng pagiging masipag.. PINASAN KO ANG LABADA, magkaCP lang ako ng ganyan..At sa lahat ng mga labandera dito sa buong village, ako lang ang may CPng Pokia 0210i. Sila, puro Pokia 3210 at 5110. At isa pa, paano pa ang pangarap kong makaupo sa Hotseat? Dale, 18 weeks ko nang hinahangad na maupo sa Hotseat, 18 weeks!!
Dale : Don't worry.. Tagapagmana ako ng POKIA Cellphones, Inc di ba? Papaltan natin yan.
Tatayo si Tricia na medyo galit at haharapin si Dale.
Tricia : No! Ano na lang iisipin nila pag nalaman nila na bibigyan mo ako ng CP? Hindi ko matatanggap yan.
Dale : Eh sino ba may sabing bibigyan kita? May bayad din yun. Salary deduction.
Tricia : Ay?? {medyo natameme}.. Sige okay na rin yun.
Dale : Ayusin mo na yang mukha mo.. Ngapala, Sunday bukas, ano plano mo?
Tricia : Ahm, magnenet siguro ako bukas. Try ko magSB sa computer.. May bagong bukas na computer shop dyan sa kanto.. Yung BJ Computer shop.. Bakit?
Dale : Ah sige, after ng ROTC ko bukas, dun kita puntahan huh? Date tayo.
Tricia : Oh sige.
SAMANTALA, nang mga oras na yun, mainit ang ulo ni BJ.. Ang may ari ng computer shop..
BJ : Watta tempura! Tanghali na wala pang customer! Eto namang ka SB ko, ayaw sagutin ang tawag ko! Kinakancel! Nalintekan! Meowt!
Biglang may pumasok.. Si Angie.
Nakasuot ng napakaikling short at nakatube lang..
Natulala si BJ.
ANO ANG MANGYAYARI SA COMPUTER SHOP?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 07:12:26 PM
8
Angie : Paonline nga! 1 hour lang.
Nanatiling nakatulala si BJ.. Unti unting bumubuka ang bibig. Lumapit na sa counter si Angie.
Angie : Sabi ko paonline!
BJ : {Nakanganga na} Haaaah???
Angie : {Tinapik na sa ulo si BJ} Sabi ko, paonline!! Ano bang nangyayari sa iyo?
Para namang natauhan si BJ. Nataranta si BJ.. Lumabas ng counter.
BJ : Sige pumili ka na ng PC dyan..
Angie : {Nanlaki ang mata} Oh my! {tumalikod}. Napakapromiscuous mo BJ!
BJ : Bakit? {nagtataka}
Angie : Hanggang dito ba naman sa shop mo, umiihi ka pa rin at suot mo pa ang pampers mo??
Nagulat si BJ.
BJ : Ay sorry.. sorry talaga.. San mo gusto magOL? Pili ka na.. at bubuksan ko na lang tapos magbibihis muna ako.
Angie : {nakatalikod pa rin} Dun pa rin sa paborito ko.. Yung hindi naghahung..
BJ : Ah sa unit 69.. Sige, iopen ko na.. Pasensya na talaga..
Binuksan ni BJ ang PC # 69.
BJ : O ayan, okay na. Iwanan muna kita at magbibihis ako.
Umupo na sa harap ng computer si Angie at dumiretso sa kuwarto nya si BJ na asa loob din ng shop nya.
Sa loob ng kuwarto nya..
BJ : Shet! Kakahiya! Ang engot engot ko..
Hinubad na ni BJ ang pampers nya at nagsuot ng maikling shorts at sando. Pagkuway sinipat ang sarili sa salamin.
BJ : Ang pogi ko talaga! {sabay kurot sa sariling pisngi}. Siguraduhin kong maiinlove ka sa akin..!
Sa labas naman, nakasimangot si Angie.
Angie : Kainis! Hindi pa sya online! Hmp! {titig na titig sa screen ng PC}
SINO ANG HINIHINTAY NI ANGIE SA SB?
- - itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 08:22:33 PM
9
Lumabas na ng kuwarto nya si BJ at habang papalapit sya kay Angie, palìhim syang tinitingnan ni Angie.
Angie : Hmm, pogi naman si BJ.. Binata.. May sariling negosyo.. Malaki ang katawan.. Alam kong may gusto sya sa akin.. Pero bakit di ko magustuhan??
Pagkaupo naman ni BJ sa counter, napaisip sya.
BJ : Pogi naman ako... Malaki ang katawan.. May pinagkakakitaan.. Bakit kaya ayaw sa akin ni Angie?
{Mahahati ang screen ng mga eksena. Sa kalahati, si BJ.. Sa kalahati, si Angie.. at halos sabay nilang babanggitin ang mga dialogues nila}
BJ: Ah! Kasi nakapampers pa ako!
Angie : Ah! Kasi nagpapampers pa sya!
BJ : Aahh!! Kung bakit kasi sinanay ako na parang bata! Hmp! MakapagSB na nga lang! {itinuon ang atensyon sa computer}
Samantala, sa POKIA residence, nagdidinner ang mag ina
Mrs Pokia : So iho, how's school?
Dale : Great ma! I can almost see, Dale Pokia, president, Pokia Cellphones, Inc. And how is that mom?
Mrs Pokia : That's great! Im proud of you son!
Tuloy ang pagdidinner ng mag ina nang biglang may narinig silang ingay na nanggagaling sa laundry area..
"krash!"
"blag!"
"clank!"
Mrs Pokia : What the fucking bloody hell is that??
ANO ANG NANGYARI? ANO ANG INGAY NA YUN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 14, 2010, 08:48:14 PM
10
Natigilan si Dale. Matapos ang isang subo ng pagkain, dali dali nyang pinunasan ang lips gamit ang napkin na nakalapag sa hapag kainan. Tumayo at sumigaw
Dale : Triciaaaa!! { halos takbuhin ang hallway papuntang laundry area }
Pagdating ni Dale ng laundry area, naabutan nya si Tricia na nakabulagta sa sahig, walang malay at katabi ang sari saring basura na dapat ay itatapon nya
Dale : Tricia! Gumising ka! Anòng nangyari?
Nang biglang may sumabat.
"Alam mong walang malay, tatanungin mo pa??"
Napalingon si Dale sa pinagmumulan ng boses. Nakita nya ang mama nya.
Dale : Ma?
Mrs Pokia : Tabi dyan.. at erevive natin yang babaeng yan!
Dinampot ni Mrs Pokia ang bote ng Zonrox at isinaboy sa mukha ni Tricia na walang malay..
Samantala, sa computer shop..
BJ : Hey, 69, time na!
Parang walang narinig ang nakaupo sa 69.. Nakaheadset kasi.
BJ : Hoy! 69, time ka na!
Wala pa rin reaksyon si Angie kaya nilapitan na ni BJ at tinanggal ang headset at inilapit ang bibig sa mismong tenga ni Angie at sumigaw,
BJ : Hoy! time mo nah!!!
Tumayo ang Angie at hinarap si BJ.
Angie : {mataas ang boses} Oo! alam ko!! Ganyan ka ba sa mga customers mo ha???
Napalingon ang ilang nagnenet dahil sa taas ng boses ni Angie.
SAAN HAHANTONG ANG EKSENA NINA ANGIE AT BJ?
AN0NG NANGYARI SA PAGBUHOS NG Z0NROX KAY TRICIA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 15, 2010, 10:19:46 AM
11
Sa computer shop..
Hindi nakahuma si BJ.
Angie : O ano? Hindi ka makapagsalita? Hindi mo ba alam ang kasabihan na "the customer is always right"?
BJ : Pasensya ka na Angie.. Eto kasing katext ko, ayaw sagutin ang tawag ko?
Angie : Eh talagang di sasagutin ang tawag mo kasi nga katext mo lang di ba?? Hello?!
BJ : Ay oo nga pala.. Tsk tsk ang bomplangs ko talaga.. tsk tsk..
Angie : Extend mo pa ako ng 1 hour, dali!
BJ : Okay!
Sa Pokia residence..
Dale : Ma, what are you doing?
Mrs Pokia : Wag kang mag alala dahil yang Zonrox ang makakapagbalik ng malay nya.
Maya maya nga ay unti unti nang nagkamalay si Tricia
Tricia : Anong nangyari?
Dale : Nawalan ka ng malay tapos katabi mo etong mga nagkalat na basura.
Tricia : Ah oo, napansin ko kasi naiipon na ang mga basura kaya kailangan ko nang itapon.
Mrs Pokia : Eh tonta ka pala eh! Sino may sabi sayong pakialaman mo ang pagtatapon ng basura? May boy tayo dito para sya ang gumawa nyan!
Tricia : Pinalayas nyo ho ang boy natin last week nang makita nyong magkausap sila ng tindera ng isda sa labas. Nagselos kasi kayo.
Mrs Pokia : {Natigilan} Pinalayas ko ba? Oh my boytoy lollipop! Hindi ko sinasadya. Nasaktan kasi ako sa nakita ko pero di ako nagselos! {mataas ang boses}
Dale : E bakit ka defensive Ma?
Mrs Pokia : {nakairap} Hindi ako defensive! Nagpapaliwanag lang! Magkaiba naman yun!
Dale : {Natatawa} At kanina rin lang, pinalayas mo ang cook natin dahil ang gusto mo, alamang at asukal lang ang ilalagay sa meryenda mòng spaghetti..Dahil kamo, gusto mo malaman ang lasa pag ganun ang sauce ng spaghetti.. Na hindi mo nagustuhan nung tikman mo kaya ayun, pinalayas mo sya..
Mrs Pokia : Wag mo nang ipaalala yan.. Hoy ikaw labandera, tutal gusto mong gawin ang duty ng pinalayas kong boy, ikaw na rin ang cook ngayon!
Dale : Pero Ma..
Tricia : Sir Dale, okay lang po yun..
Mrs Pokia : And may I remind you, na ang almusal dito e alas syete empunto! Maliwanag?
Tricia : Weeh? As in 7am?
Mrs Pokia : Kaya nga almusal eh!
Tricia : Aba malay ko, sa kaweirduhan nyo e baka type nyo mag almusal ng 7pm.
Mrs Pokia : {Napaisip} Hmm.. sounds interesting.. Pero hindi, 7am ang breakfast! Sharp! Maliwanag?
Tricia : Okay okay.. Pero just in case na tulog pa ako ng 7am, mauna na po kayong mag almusal ha?
Natigilan si Mrs Pokia habang pigil ang tawa ni Dale..
ANO ANG MAGIGING REAKSYON NI MRS POKIA SA HULING SINABI NI TRICIA?
- - itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 15, 2010, 09:06:39 PM
12
At sa pagpapatuloy...
Mrs Pokia : Hindi ba ako lugi dyan sa kondisyon mong pag tulog ka pa ng 7am e mauna na kami magbreakfast?
Tricia : Ay hindi ho! Malaki nga ho tipid nyo kasi di ako nagbebreakfast.. Ahm wait lang po, maiwan ko po muna kayo.. magtatapon na ako ng basura..
Muli ay kinolekta ni Tricia ang mga nakakalat na basura at isinilid lahat ito sa isang black plastic.. Nang maisilid nya, bigla syang napahinto at muli ay ikinalat ang mga basura..
Mrs Pokia : At bakit kinalat mo uli ang mga basura??
Sa computer shop..
BJ : 69! Time ka na ulet!
Angie : Alam ko! Wag kang magulo! Extend 1 hour!
Tumahimik si BJ.. Pero sa isip isip nya..
BJ : Extend nang extend.. Lagi namang utang.. Kung di lang kita mahal Angie.. Hay ewan ko..
Nang biglang tumunog ang telepono
KRIIINGG!
Agad dinampot ni BJ ang awditibo..
BJ : Ala eh, thanks for calling BJ computer shop! How can I assist you today?
"Bj, kaw ba yan? Ibang iba ka na ngayon ha?"
BJ : May I know who is in the line please?
"Wow! Ang tatas mo na mag English ngayon huh?"
BJ : If you're just playing a prank on me, then Bye! { at talagang ibababa na sana ang fone }
"Hey little bro, what's the matter with you?"
BJ : {Natigilan at di naituloy ang gagawin sanang pagdrop ng call} Ate??? Ikaw ba yan??
ATE NGA BA NI BJ ANG KAUSAP NYA? AT BAKIT IKINALAT PA ULI NI TRICIA ANG MGA BASURANG DAPAT E ITATAPON NYA NA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 16, 2010, 02:49:44 PM
At ang latest addition sa cast
Storm0523 - As Maggie, Adoptive sister ni BJ
13
BJ : Ate Maggie? Kaw ba yan? Kumusta ka na? Alam mo bang miss na miss na kita?
Maggie : Ako rin naman BJ, sobrang namimiss na kita. Tapusin ko lang tong kontrata ko dito sa Italy at uuwi na ako.
BJ : Weeh si Ate, patawa! Dyan ka kaya sa Iraq ngayon at hindi sa Italy. Hahaha!
Maggie : Eto naman! Pagbigyan mo na ako. Yung bwiset kasing recruiter na yun, Italy raw pagdadalhan nya sa amin! Yun pala, dito sa Iraq! Hmf. Pero di bale, pareho naman silang nagstart sa letter I kaya feeling ko, asa Italy na rin ako.
BJ : Ay syangapala ate, salamat dun sa perang pinadala mo ha? Malaking tulong na yun sa negosyo ko.
Maggie : Wala yun. Napakabait nina itay at inay sa akin nung inampon nila ako. At ikaw din. Tinanggap mo akong parang tunay na kapatid. Kaya kulang pa lahat ng mga naitulong ko sa kabutihang ipinakita sa akin ng pamilya mo.
BJ : Hays si ate, nagdrama na naman.. Okay lang yun. Puwede ka nang umuwi dito. Pagtulungan na lang nating palakihin ang negosyo ko.
Maggie : No.. Gusto ko tong ginagawa ko.. At gusto kong umuwi dyan na galing ng Italy at hindi Iraq.
BJ : Sige ikaw ang bahala ate. Basta mag iingat ka palagi ha? Pag nagkagiyera dyan, magtago ka na lang sa ilalim ng kama ha?
Maggie : Kahit hindi mo sabihin, talagang gagawin ko.. Syangapala, kumusta na sina itay at inay?
BJ : Ayun, wala pa rin silang komunikasyon.. Sinusuyo ngayon ni tatay si nanay para magkasundo uli sila pero mukhang mahìhirapan na ang itay.
Maggie : Hays, si itay naman kasi.. Kung bakit kasi lumalabas ang pagkabarubal pag lasing. Naglalasing pa rin ba sya hanggang ngayon?
- - itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 16, 2010, 04:01:56 PM
14
BJ : Ang tagal ko na ngang sinasabihan na tigilan na ang pag-inom pero wala pa rin kaya ayun, ayaw na sa kanya ni nanay. Kung meron nga lang daw divorce dito sa bansa eh talagang matagal na syang nakipagdivorce. Sising sisi nga raw si nanay kung bakit di sya pumayag sa alok ni tatay noon na sa States sila ikasal.
Maggie : Eh saan ba ikinasal sina itay at inay?
BJ : Eh saan pa eh di sa Baguio?
Maggie : Ah BJ, sige... Tapos na ang break ko dito sa barracks... kelangan ko na uli bumalik sa trabaho.
BJ : O sige ate... ingat ka palagi ha?
Maggie : Ikaw rin little Bro... Alagaan mo ang sarili mo, Okay? Miss you Bye!
BJ : Miss you too ate...
At halos magkasabay silang nagbababa ng telepono...
Samantala sa POKIA residence
Mrs Pokia : Tatanga tanga ka talaga! Bakit mo ikinalat ang mga basura ha?
Tricia : Hellaer?! Are you not aware sa waste segregation huh? Don't you know the difference bretween a non biodegradable and biodegradeable?
Mrs Pokia : (Clueless) Meron ba nun?
Tricia: See? Kaya baka pa magdilim ang paningin ko e lumayas layas na ho kayo sa harap ko. (Nanlalaki ang mata)
Dale : ( Natatawa ) Halika na nga Ma, hayaan na natin si Tricia dyan.. She knows what she is doing. ( At inakay na ang ina pabalik sa dining area )
Mrs Pokia : Bakit feeling ko parang naisahan na naman ako ng labandera natin iho?
Dale : Feeling mo lang yun Ma...
Sa Computer Shop...
BJ : 69, time mo na ulit...
Tumayo na si angie at lumapit sa counter...
Angie : Nakailang oras ako?
BJ : 3 hours...
Angie : I mean, lahat... Mula nung isang linggo?
BJ : 17 hours lahat including this one...
Angie : O sige, utang muna ha? Bayaran ko na lang pag nakasal na ako kay Dale Pokia...
ANO ANG MAGIGING REAKSYON NI BJ SA SINABING IYON NI ANGIE?
- - itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 18, 2010, 01:29:17 PM
15
Sa pagpapatuloy...
Biglang lumungkot ang mukha ng babyface na si Wonwon este BJ pala. At hindi ito nakaligtas sa matalas na dila este pakiramdam pala ni Angie.
Angie : O bakit? Bakit biglang sumama ang mukha mo? Though talagang dati nang masama yang mukha mo.
BJ : {Pilit pinasaya ang mukha} Sige, ililista ko na lang uli dito yung utang mo.
Angie : Weeh? masama ata ang loob mo eh? Para 17 hours lang times 15pesos... e di ka na makatulog.
BJ : Hindi ah.. Para 255pesos lang yun..
Angie : {Natigilan} Huh? Ganun na ba kalaki utang ko?
BJ : Hindi naman malaki yun.. Pero ganun na nga ang utang mo.
Angie : Hindi mo naiintindihan BJ! Kung kinontrol ko lang sana pagnenet ko, may pambili na ako ng ticket ng concert ni China's singing sensation Angel Meow. 250 ang ticket sa gallery. O di may 5pesos pa sana ako na pambili ng boy bawang baon ko sa concert.
BJ : Sira! Bawal kaya magdala ng food sa Big Dome.
Angie : Problema ba yun? Marami ako mapapagsiksikan. Puwede sa undies ko.
BJ : Weeh.. Di ka naman nag a undies kaya..
Angie : Aba't... Bastos to ah?! Pano mo nalaman yan?
BJ : Sa Friendster mo.. Nakalagay dun "Hey guys, wanna play with me? I hate undies at di ako nagsusuot nun"
Angie : Teka? Asa Friendster ba kita?
BJ : Wala.
Angie : Eh paano mo nalaman ha? {Mataray pero halatang nahihiya}
BJ : Di mo kaya nalogout yung account mo the last time you're here.. Hahaha. At nakita ko, fan ka pala ni Angel Meow.. Hahaha.. Meowt meowt! Rawr.
{Patlang}
BJ : Di ba ANGEL lang dati name nya? Tapos sa mga interviews nya, puro MEOW sinasabi nya? Kaya nabansagan syang ANGEL MEOW?
Samantala sa POKIA Residence, hindi makatulog si Tricia. Bangon higa, higa bangon.. Halatang di mapakali.
Tricia : Kainis! Di ako makapagSB! Hmph! Dapat lagi akong present para mavote na ako sa Hotseat!! Pakiramdam ko, on it's homestretch na ang Hotseat! Hindi puwede ito! Kailangang maHotseat muna ako bago ito tapusin nung feeling na Helterbrand na yun! Grr!
Nang biglang may marinig syang nagdive sa pool.. Dahan dahang lumapit si Tricia at sumilip sa bintana upang alamin kung sino ang naliligo sa dis oras ng gabing iyun.. At napanganga sya ng makitang umaahon sa pool si Dale na nakaswimming trunks lang.
Tricia : Ohmyenchong!! Hihimatayin na ata ako sa nerbyos at excitement
ANO ANG NARAMDAMAN AT GAGAWIN NI TRICIA NANG MAKITA ANG MATIPUNONG KATAWAN NI DALE?
AT SINO NGA BA ANG CHINA'S SINGING SENSATION NA SI ANGEL MEOW NA MAY UPCOMING CONCERT TITLED : TO ALL THE GIRLS IVE LOVED BEFORE.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: abegail09 on June 18, 2010, 01:41:18 PM
ue?bat ganun?di ako nag uundies dito?
lols..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 18, 2010, 01:45:16 PM
Yun ang role mo Abe.. Wag na umangal.. Haha.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 18, 2010, 02:07:24 PM
Ay pede ba magc0mment dt0? Haha.. Natawa ako sa title ng c0ncert..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on June 18, 2010, 02:17:05 PM
lol..natawa talaga ako dun sa title..ahahaha astig..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: 07mEkisses11 on June 18, 2010, 02:36:05 PM
hahaha.,.ang kulit!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 18, 2010, 06:52:00 PM
16
Tricia : {Panay ang lunok} Gosh, hindi ko akalaing ganun pala talaga kayummy ang honeyDale ko. {Napakagat labi}
*Zoom in ang camera kay Dal*
Slow motion
Mula sa ulo, iwinawasiwas ang buhok at makikitang nagtatalsikan ang tubig mula sa basang buhok
Then sa may leeg, kitang kita ang adam's apple.
Then sa dibdib at hinahaplos pa ng mga sariling kamay. Pababa sa pusod na may mga maninipis pang balahibo.. Ipapasok ang kamay sa loob ng swimming trunks.
*sabay balik ng camera kay Tricia at napatingin ito sa cameraman*
Tricia : {Frustrated at malakas ang boses} Direk naman eh! Nambibitin ka naman eh!
Napalingon si Dale sa kuwarto ni Tricia.
Dale : Tricia? Gising ka pa?
Di umimik si Tricia. Tinakpan ng kamay ang sariling bibig. Lumayo sa bintana.
Dale : Come on, Tricia. I know you're still up.
Napilitang sumagot si Tricia
Tricia : Pano mo nalaman?
Dale : Ayan o, kitang kita ko dito sa labas ang anino mo. Di ka kasi nagpatay ng ilaw bago mo ko bosohan. Haha.
Tricia : {Sa mahinang boses} Ay shocks! Ang shunga shunga ko talaga.
Dale : Ano? Come on, join me here. Masarap ang tubig.
Tricia : I can't.
Dale : Why not? Dahil ba kay Mama? Wag ka mag alala, kahit bagsakan ng nuclear bomb ang buong Pilipinas, di magigising yun.
Tricia : Hindi yun Dale. Paano ko ba to sasabihin?
Dale : Ah wala kang swimsuit?
Tricia : Sira! Andami kong swimsuit from CATALINA SWIMWEAR nung nanalo ako sa Bb. LaundryGirl.
Dale : Eh bakit di ka puwedeng jomoin saken dito?
Nagdive uli eto at sumisid at pag ahon ay muling kinausap si Tricia.
Dale : Oh ano na?
Tricia : Can't you understand? I can't swim. Di ako marunong!
Sa kuwarto naman ni BJ, nageSB ito gamit ang kanyang laptop na regalo ng kanyang nanay sa kanya. Sa maliit na mesa eh may kwatro kantos na nangangalahati na ang laman.
BJ : {Tutok ang mata sa screen ng laptop}. Gosh, ang ganda pa rin nya. No! Kailangan ko na syang kalimutan. Ikakasal na sya! Damn..
Sabay tagay.
BJ : Makapunta na nga lang ng Forums. Alaws kwenta dito sa MG. Offline ang Minatamis.
Pagdating nya ng Forums, may 1 message sya sa PM Inbox nya. Pag open nya, nakita nyang ang sender ay si Abegail09.
BJ : Ano na naman kaya kelangan ng makulit na girl na ito!?
Shot uli ng isa. Binuksan ang PM at binasa. Kapagkuway
BJ : Huwaaaat?? Watta tempura!
ANO ANG NABASA NI BJ? MAKAPAGSWIMMING KAYA SI TRICIA KAHIT DI SYA MARUNONG LUMANGOY?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 18, 2010, 08:20:43 PM
17
BJ : Eto talagang si Abe, talagang may gusto sa akin eh.
Eto nakalagay sa PM ni Abe
"Hey aer0n, an0 pa ba kelngan k0ng gwn? crush tlg kta. 3 hourz akuh ngay0n nagnet pero di ka man lang nagrereply. i love you aer0n"
BJ : Jusko, talagang desperada na to. Wag ko nga replyan. Kahit kilala ako sa SB na chickboy, si Angie ang mahal ko. At wala ako balak ipaalam kay Angie ang SB dahil baka masulot na naman ako. Kagaya nung ginawa nung isang taga SB dati. Kala mo kung sinong mabait. Pero wala na sya. Kung mag e SB si Angie, naku, baka naman mangulit ang aking Kuya Helt. Tsk tsk.
Samantala, sa bedroom ni Angie, hawak nito ang kanyang P69 {Pokia 69} at nag e SB habang nag iisip.
Angie : Gusto ko introduce kay BJ ang SB kaya lang baka pag may SB na sya, at malaman nyang love ko yung forumer na si Jannaerron, baka lalong di na ako tantanan ni BJ.. Kainis naman tong si Jannaerron, hanggang ngayon, di pa nagrereply sa mga PMs ko. Nagkautang na nga ako ng 255 kay BJ pero tong lintek na Jannaerron eh di man lang magreply. Hmp.
Sa Pokia residence, lumabas na ng kuwarto si Tricia papuntang pool at naka pajama set.
Dale : Alam mo bang ang ganda mo kahit ano lang suot mo? {Umahon mula sa pool}
Nagulat si Tricia. Kaagad na tumalikod.
Tricia : Dale, magshorts ka nga muna.. Naaasiwa ako.
Dale : Haha. At san ka naaasiwa? Maganda naman katawan ko ah?
Tricia : Oo pero.. Hindi ako sanay..
Nagsuot ng bathrobe si Dale saka hinawakan ang magkabilang balikat ng nagulat na si Tricia
Samantala, sa kuwarto ni BJ..
"You can never say never" - ring tune ng CP ni BJ, may tumatawag.
BJ : Aaah! Sino na naman kaya tong tumatawag? Abala! {Dinampot ang CP at tiningnan ang caller}
BJ : Ikaw na naman?! {Sabay cancel sa tawag at inihagis ang fone sa kama}
"Dòn't let me go! Don't let me go" - Makulit ang caller.
BJ : Ahhh bahala ka sa buhay mo! Nakainom ka na naman kaya panay ang tawag mo! Manigas ka! Di ko sasagutin tawag mo!
SINO ANG TUMATAWAG KAY BJ AT AYAW NITONG SAGUTIN?
AT SAAN HAHANTONG ANG PAGDIDIKIT NG MGA BALAT NINA TRICIA AT DALE?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: abegail09 on June 18, 2010, 08:37:39 PM
Haha.bat ganun dalawa na r0les namen ni bj.haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 18, 2010, 09:07:42 PM
Ang ganda ng twist.. Haha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 18, 2010, 09:08:11 PM
Isa lang kaya..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on June 18, 2010, 09:29:37 PM
.. kuya hELt.. ang astiG..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 19, 2010, 12:19:13 AM
*saya saya saya* Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 19, 2010, 04:48:41 AM
GaNda! kAkAtUwA!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 19, 2010, 08:17:47 AM
At ang latest additional sa Cast:
Kidlat as Kate Allena - ang baklang mukhang kabayo na tiyuhin ni Anjie, siya ay umiibig din kay BJ.
Nyahahahah!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Jameson1 on June 19, 2010, 08:28:41 AM
Ang GALING GALING ni author..!!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 19, 2010, 01:27:38 PM
18
Nagsawa rin ata ang caller dahil hindi na muling nagring ang telepono ni BJ. At sa pag eSB nya, hindi nya maiwasang mapangiti nang makita ang thread na FAMOUS SONG LINES
BJ : Hehe. Astig talaga. Ang haba na ng TT {Tanging Thread} ko. Second sa TT ng aking Kuya Helt. Hehe.
Sabay Taga uli.
"You can never say never"
BJ : Ah hindi ka pa rin ba talaga nagsasawa? Bahala ka sa buhay mo! {shot uli}
Eh talagang makulit ang caller.
"Don't let me go. Don't let me go!"
Napilitang damputin ni BJ ang CP at tiningan ang screen. Landline ang nakaregister kaya't sinagot nya na eto.
BJ : Hello?! Sino ba eto?
"Nak, ang tatay mo ito..Hik!"
Balikan naman natin sina Tricia at Dale.
Nakatalikod pa rin si Tricia at hawak pa rin ni Dale ang magkabilang balikat nya.
Dale : Mahal na mahal kita Tricia. Makatapos lang ako ng pag-aaral eh magpapakasal na tayo.
Napapapikit ang mga mata ni Tricia dahil sobrang kinikilig. Subalit biglang nag alinlangan eto nang may maalala. Humarap sya kay Dale.
Tricia : Dale, pag nalaman to ng mama mo, tyak magagalit yun. Hindi nya matatanggap ang isang kagaya ko na mapabilang sa inyo.
Dale : For God's sake Tricia! Pagtatalunan na naman ba natin yan? I don't care about her at all! I don't care!
Tricia : But I care about my job, sir! And I care about you!
Dale : Yun naman pala eh. So wala tayong problema. Ako ang magdedesisyon para sa buhay ko.
Tricia : Weeh?? Kahit tanggalan ka pa nya ng mana?
Natigilan si Dale.
Tricia : O kitams? Hindi ka makaimik dyan?Mas importante syempre ang mana mo di ba?
Dale : No.. Iniisip ko lang kung saan mo nakukuha yang mga ganyang idea?
Tricia : Aba, syempre.. Kaming mga Laundrygirls,numero unong libangan namin ang mga tagalog pocketbooks at ang panonood ng mga teleserye.
Dale : Hahaha. They are just "make believe" stuffs. At imposibleng tanggalan ako ng mana ni mama dahil Im her solo heir. Kaya bago ka pa sipunin at mapuyat, ihatid na kita sa room mo at matulog na tayo. Maaga pa ang pasok ko sa ROTC bukas.
Samantala..Balikan natin si BJ at ang kausap nya sa CP.
BJ : O ano na naman ba kailangan nyo?
"Hik. Ayaw mo kasi ako kausapin kaya nakigamit na lang ako ng telepono dito"
BJ : Asan ba kayo?
"Andito ako sa SUPER CLIMAX bar."
BJ : Umiinom na naman kayo? Wala nang katapusang inom yan ah? {Binottoms up ang tirang kuatro kantos}
"Parang sya hindi"
BJ : Pano nyo nalaman?
"Eh san pa ba magmamana ang kwatro kantos? Eh di sa Redhorse?"
BJ : Oo na.. E ano ba kailangan nyo? Matutulog na ako. Sabihin nyo na at nang makapagpahinga na ako.
"Wala naman"
BJ : Wala naman pala e o sige, ibababa ko na eto at -
"Maraming magaganda rito. Mga bago at nagsasayaw sila sa stage. At kako, since Father's Day bukas, gusto kita makabonding ngayon at tuloy e itreat na kita at bigyan ng katable kahit ilan"
BJ : Eh bakit hindi nyo sinabi agad? Teka at magbibihis na ako.
"O kala ko ba matutulog ka na?"
BJ : Ah umh, wala akong sinabing ganun. Sige,bye na. Wait nyo ako dyan in 30 minutes. {Excited}
SA PAGTATAPOS NG UNANG YUGTO, ANO ANG KAHIHINATNAN NG PAGKIKITA NG MAG-AMA? MAWALA KAYA ANG PAGKAINIS NI BJ SA AMA? AT ANO ANG MAGIGING KAPALARAN NG PAGMAMAHALAN NINA DALE AT TRICIA?
HUWAG NA HUWAG BIBITAW SA MGA SUSUNOD PANG MGA EKSENA.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 19, 2010, 01:35:55 PM
naah, nakabitiw! haha. Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 19, 2010, 01:55:02 PM
W0ohh.. I l0ve it!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: russeinASHY on June 19, 2010, 02:26:53 PM
woah! ganda Naman....HAHa! galing...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 19, 2010, 04:32:16 PM
19
Sakay na ng jeep si BJ papunta ng SUPER CLIMAX. Habang asa daan sya, naiisip niya ang kanyang itay.
BJ : Tsk tsk.. Anong klaseng anak ako? Kung di pa sya tumawag, e di ko maaalala na Father's Day nga pala bukas.
"mama, bayad ho.. pakisuyo naman" - pasahero
BJ : Mabait naman ang tatay. Yun nga lang, taran.tado pag nakainom.
"saan to? {taas ang pera}" - driver ng Jeep
"Sa Canto Tinio lang yan galing sa Pinaghimasan" - Pasahero
BJ : Nagkaganun lang naman si Tatay nung mabankrupt ang Helterbrand's Beauty Salon. Naging mabuting ama naman sya.
"sukli.. pakiabot" - driver
BJ : Tapos kapag lasing na sya, si nanay ang napagbubuntunan nya..
"mamang driver, kulang ng 50cents tong sukli mo" - pasahero
BJ : Grabe naman tong pasaherong ito, singkwenta sentimos lang, di pa ibalato kay mamang driver
"naubusan na ako ng tigbebente singko eh. Dis oras na kasi" - mamang driver
BJ : Kawawa naman si mamang driver. Gabi na pero kayod pa rin. Ganyan din si tatay noon. Inuumaga na sa salon sa kasipagan. Yun ay dahil samin ni Ate Maggie.
"pambihira naman, ganyan lagi ang dialogue mo sa ilang beses ko nang pagsakay dito" - pasahero
BJ : Ayun naman pala.. May pagkabuwaya pala si mamang driver. For sure, mahalaga kay mamang pasahero bawat sentimo dahil siguro sa pamilya nya. Ganyan din si tatay noon. Pag makalat kami sa pagkain at nakakakita ng mga kaning di nauubos sa plato namin, pinagagalitan kami. Di na raw kami naawa dun sa lolo naming nagbubukid sa Mindoro. Kahit daw libre kami sa bigas, dapat daw, iniisip namin hindi lang si lolo kundi lahat ng magsasaka sa Pilipinas.
Nakatulog si BJ at naramdaman nya na lamang na may tumapik sa balikat nya.
Nagising sya.
"Iho, nakatulog ka. Nakalagpas ka. San ba dapat ang baba mo?" - driver
BJ : Sa SUPER CLIMAX ho.
"Naku, medyo malayo yun dito. Pero huwag ka mag alala, maraming pedicab dito. Mga 10minutes ang byahe. O eto ang pera. Pamasahe mo. Mag abang ka at marami pa namang pedicab sa ganitong oras"
BJ : Naku, maraming salamat ho. {Inabot ang pera at bumaba ng jeep at nagpunta sa abangan ng pedicab} Hindi naman pala talaga buwaya si mamang driver. Kung tutuusin e kasalanan ko kung bakit ako lumagpas.
Samantala, sa loob ng SUPER CLIMAX..
( Itinatampok ang mga bagong addition sa cast )
Helterbrand - As Jay, tatay ni BJ
Iandgreat - As Ian, kumpare ni Jay,ninong ni BJ.
Chrizhel09 - As Hazel, veteran dancer ng SUPER CLIMAX, matagal nang may gusto kay Jay.
Ian : Oh pareng Jay, bakit ang tagal ng anak mo?
Jay : Ewan ko ba.. Baka natraffic. Oh paubos na pala alak natin. Kuha pa tayo. Kaya mo pa ba?
Ian : Oo naman! Ako yata ang pambato sa inuman sa min sa Tarlac.
"Hi babes!"
Napalingon si Jay. At nangunot ang noo.
Jay : Puwede ba, Hazel. Wag muna ngayon. Darating ang anak ko. Baka lalo magalit yun. Baka isipin nya, ipinagpalit ko na ang nanay nila..
Kumandong na si Hazel kay Jay at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng hiwalay sa asawang lalaki saka pinupog ng halik. Natatawa lang si Ian saka lumagok sa baso nitong may lamang Redhorse.
Hazel : Babes, alam mo bang masayang masaya ako nung nalaman kong nagkahiwalay kayo nung asawa mong heredera ng isang zoo?
Jay : Puwede ba wag mo na ipaalala yun? Tumabi ka na nga lang sa akin. Huwag ka nang kumandong.
Hazel : Mabango naman ako ah? {umalis na sa pagkakakandong}
Jay : Alam ko mabango ka pero ang bigat mo.. Tingnan mo naman ang katawan mo..
Ian : Pare andyan na pala ang inaanak ko oh.
Luminga si Jay sa may pintuan ng bar at nakita ang anak na palinga linga din. Halatang hinahanap ang ama. Itinaas ni Jay ang kamay at agad naman itong nakita ng anak at dumiretso sa kinaroroonan ng ama.
ANO ANG MAGIGING RESULTA NG MULING PAGKIKITA NG MAG AMA? AT PAANO PAKIKITUNGUHAN NINA HAZEL AT BJ ANG ISA'T ISA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 19, 2010, 05:03:30 PM
Wahahaha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on June 19, 2010, 06:05:54 PM
.. hahah... nalintikan..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on June 19, 2010, 08:37:51 PM
hahaha..astig boss helt...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 19, 2010, 09:49:58 PM
lagoot.. papakawalan daw mga lions at tigre sa zoo! tahaha. xD
nice nice. Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Dareen117 on June 19, 2010, 10:11:29 PM
Hahaha nxt..natutuwa talaga ako dito..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 19, 2010, 10:48:17 PM
20
Lumapit si BJ sa ninong Ian nya at nagmano. Habang titig na titig si Hazel kay BJ. Lumapit si BJ sa ama at nagmano. Tapos umupo sa tabi ng ama.
Hazel : Ah babes, anak mo ba ito? Ang pogi ah? Hindi ka ba nasalisihan? Hahaha!
Jay : Ang sama ng ugali mo ah? Para mo nang sinabi na wala akong karapatang magkaroon ng anak na tao ah?
Hazel : Woi relax ka lang babes.. Ano yan? Mood swing na naman?
Jay : Mood swing ka dyan! {binalingan ang anak} Oh anong gusto mo anak? Redhorse? Gin? Colt? San mig lights? or da bar?
Di umimik si BJ. Kinuha ang kamay ng ama at nagmano. At nang nakapagmano, niyakap ang ama at nagwika
BJ : Happy Father's Day 'tay! {nakayakap pa rin}
Di nakaimik si Jay. Matapos ang ilang segundo, sya na rin ang nagkalas sa pagkakayakap at matamang tiningnan si BJ.
Jay : Madrama ka ngayon ha?
BJ : Tatay naman eh.. Wag ka ngang ganyan..
Jay : Ah, alam ko na gusto mong inumin pag ganyan ka na.. {bumaling kay Hazel} Isang basong gatas nga.. Ganyan yang baby namin pag madrama na..
Samantala sa POKIA residence..
Hindi pa rin mapakali si Tricia.. Samu't sari ang nararamdaman..
Tricia : Ang hirap magmahal.. Lalo nat amo mong mayaman ang minamahal mo.. {tatagilid ng higa} Sana nga maipaglaban ako ni Dale.. Sana maisip ni Mrs Pokia na hindi lahat ng Laundrygirl eh mababa at walang maipagmamalaki..
Sa SUPER CLIMAX..
Hazel : Ano ba yang binata mo Jay? Gatas ang iinumin? Nakapagbaòn ba yan ng pampers?
Nagpanting ang tainga ni BJ
BJ : Sino ka ba? Bakit ka ba nangengealam? Nakasuot ako ng pampers ngayon. At may baon akong condom! {Mataas ang boses}
Jay : Hey 'nak! Chilax. {Binalingan si Hazel} Wag kang masyadong harsh. Di mo kilala anak ko, hindi lang pampers at condom binabaon nyan.. May balisong din na dala yan..
Nagulat si Hazel.. Biglang lumambot at tumayo at tinabihan si BJ.
Hazel : Ah iho, tutal may baon ka palang condom, sino gusto mo itable ngayon ha? {Sabay abot ng MENU na naglalaman ng mga pictures at profile ng mga newbie dancers sa bar na yun}
Inabot ni BJ ang menu at binuksan at tiningnan ang listahan ng mga dancers
Ana
Ara
Azenith
Becky
Bona
Cathy
Farah
Issey
Katrina
Maya
Menchu
Oprah
Quennie
Rahamae
Sweet
Willeth
BJ : Ayos ah? Alphabetical.. Ahmm.. Available ba yung Rahamae?? Kamukha kasi sya nung niligawan ko eh.
SINO SI RAHAMAE? MAKAKATABLE KAYA SYA NI BJ?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: abegail09 on June 19, 2010, 10:58:14 PM
waAh.kakal0ka!haha para akung sira dito tawa ng tawa haha.mambabae na nga lang nakapampers pa.haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 19, 2010, 11:08:16 PM
Kal0ka.. Haha..
beautifully crafted!
-James Camer0n
superb and very surprising!
- time magazine
highly entertaining.
-New Y0rk Today
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: essai517 on June 19, 2010, 11:21:53 PM
Ang ganda! I love it..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Dareen117 on June 20, 2010, 12:08:59 AM
Pasan ko ang labada a tv series inspired from a new york's bestseller book by sidney sheldon
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 20, 2010, 11:21:09 AM
21
At ang pagpapatuloy
BJ : Si Rahamae ang gusto ko.. Tay, di ba sabi mo, bibigyan mo ako ng katable ngayon? Puwes, si Rahamae ang gusto ko makatable ngayon.
Jay : (Binalingan si Hazel) Oh narinig mo sabi ng Anak ko? Ibigay mo si Rahamae..
Eksaktong dumaan ang bouncer.
Hazel : Bouncer, sabihin mo kay Rahamae, punta sya ngayon dito.
Tumango lang ang bouncer
Hazel : Naku BJ, siguradong mag eenjoy ka kay Rahamae... Flawless yun at marami ang nahuhumaling sa kanya... To think na kahapon lang yun nagstart dito.
Ian : Gusto mo BJ, dagdagan pa natin katable mo?
BJ : Naku ninong, wag na po... Nakakahiya naman sa inyo... Kayo po pala, bakit wala kayong katable?
Ian : Naku, ayaw ng tatay mo. Sya na lang daw ang katable ko... Ahahahaha...
Nakitawa rin sina BJ, Hazel at JAy. Bumalik ang bouncer.
Bouncer : Ma'am Hazel, wala na po pala si Rahamae.
Hazel : Anong nangyari? Anong ibig mong sabihing wala na si Rahamae? (Mataas ang boses)
Bouncer : ayun po sa mga kasamahan nya, itinanan daw po nung katable nya kahapon.. Yung vegetable dealer...
Hazel : Wtf! Yung dealer? Ang laki ng talong nun... Bumili nga ako ng isang sako kahapon eh... O sya, bumalik ka na sa trabaho mo. ahm, BJ, iho, pumili ka na lang ng iba pa sa MENU.. magaganda naman lahat yan at dumaan sa quality control test ng DOH kaya siguradong malilinis yang mga yan...
BJ : Naku di bale na lang ho... Enjoyin ko na lang ho dito... Tay, mag inuman na lang tayo nina Ninong Ian...
At biglang sumingit ang kanta ni Lady Gaga at naglabasan ang mga dancers...
Ra ra ra ra ra ra ra oh la la
(Next scene, umaga na.. sa POKIA residence)
Galit na galit si Mrs Pokia dahil 10am na eh wala pa syang breakfast...
Mrs Pokia : Lintek talaga itong labanderang ito... Talagang ginagalit ako ha?
Sumugod ito sa kuwarto at agad na binuksan ang pinto at nakitang nakahilata pa si Tricia at mukhang sarap na sarap ang tulog...
Mrs Pokia : Hoooooyyyy!!!! tanghali na!!!! Wala pa ang almusal ko!!!!!
SAAN HAHANTONG ANG EKSENANG ITO? MAISAHAN PA KAYA ULI NI TRICIA ANG AMO NYA?
- - itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 20, 2010, 12:02:15 PM
22
Nagising si Tricia.
Tricia : Mrs Pokia, galit ka na naman ( Sabay bangon)
Mrs Pokia : Natural!!! Anong oras na at nakahilata ka pa dyan?
Lumapit sa amo at tiningnan ang oras sa relong suot nito. Sabay itinutok ang kamay na may suot na relo sa mukha ng amo.
Tricia : Hindi ho ba kayo marunong tumingin ng oras? ayan ho oh... Ayun sa relo nyo, it's 10:20 ey em.
Mrs Pokia : Alam ko!!! at bakit wala pa ang almusal ko?! (Iwinaksi ang kamay)
Tricia : Aba bakit ho ako ang tinatanong nyo? Ako ho ba ang nagtatago ng mga kaldero dito?
Mrs Pokia : Kahapon ka pa talaga huh!!!! (Akmang susugod at talagang sasabunutan ang labandera)
Ihinarang ni Tricia ang mga palad sabay sabing...
Tricia : Uh oh... Hanggang dyan ka lang Mrs Pokia... Alam ko ang gagawin mo... Don't you ever dare touch even my fingertips.... (Sabay ngisi na parang nakakaloko)
Mrs Pokia : At bakit hindi ha?
Tumingin sa camera si Tricia at sabay nag emote :
Tricia : Cos only Belo touches my skin... (sabay harap sa amo) Who touches yours? (Sabay kindat)
Hindi nakaimik ang Amo... nagtataka... Inayos ang hinigaan.. At habang nag aayos, nagsalita uli si Tricia
Tricia : Pakisara na lang ng pinto pag lumabas kayo... SUNDAY ngayon... day off ko.. Kaya sa labas kayo kakain...
Para namang natauhan ang amo. Wala itong nagawa kundi lumabas ng kuwarto at padabog na isinara ang pinto
BLAG!
Tricia : Susugod sugod kasi na hindi inaalam kung anong araw ngayon. (Nagpaparinig pa rin)
Sa labas...
Mrs Pokia : Lintek talaga tong babaeng ito... Lagi na lang akong naiisahan...
Samantala, sa bedroom ni BJ...
Ngoooooorkkkkzzz.... Zzzzzzzzzhhhhh!
"Hooyyyy!!!!"
"Magbubukas ka pa ba ng shop mo?!"
Blag! blag!
"Iniintay na ako ng kaYM ko!"
"Kailangan ko maggoogle para sa ANONG KONEK thread!"
"Yung thesis ko, kailangang matapos ko na to ngayong araw na ito"
Blag blag blag blag!!!!
NAGWAWALA NA ANG MGA CUSTOMER NI BJ!!!! KAILANGANG MAGISING NA SYA!!!!
- - itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: assylaenaj on June 20, 2010, 12:45:46 PM
haha ang galing! gnda po ng obra neo!..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on June 21, 2010, 02:51:59 PM
Perfect! Bravooo
*clap clap clap*
Nka2tuwa 2.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: MiNATAMiS on June 21, 2010, 06:17:51 PM
wow. akalain mo napasama pa ko dito. thanks kuya. :]
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 22, 2010, 06:44:00 AM
{Second Week}
23
Dahil sa walang tigil na pagkalampay ng mga naghihintay na customers ng BJ computer shop, nagising na rin sa wakas ang may ari nito.
BJ : Nalintekan! Sino ba tong mga maiingay na ito?! {Sabay tingin sa orasan}
11:08am
BJ : What the... Tanghali na pala! Ang sakit ng ulo ko! Nalintekan {Agad bumangon ito nang biglang natigilan} Bakit basa dito sa higaan ko? {Dinaklot ang isang parte ng bedsheet at inamoy} Nalintekan! Hindi ako nakapagpalit ng pampers kagabi! Ahh! Badtrip talaga!
Tuluyan na itong bumangon.
BLAG! BLAG! BLAG!
BJ : {Pasigaw na medyo humihingi ng paumanhin} Oo sandali! Naman eh. Mahina ang kalaban.
Dali dali itong kumuha ng maayos na shorts at briefs sa cabinet saka nagpalit.
BLAG! BLAG! BLAG!
BJ : {Nagpapanic} Amp talaga!
Pumunta sa pinto ng room. Binuksan ng bahagya at sumungaw at sumigaw.
BJ : Sandali sabi eh!!
Tumigil ang kalampagan at ingay na parang may dumaang anghel.
Sa labas, parang nafreeze ang mga customers. May dumaan kasi na convoy at ang asa unahan ay isang celebrity na akala mo ay isang kandidatong pakaway kaway pa.
Sa loob..
BJ : Hay salamat at napatahimik ko din sila. {Kinolekta ang mga kumot at bedsheet at hinubad na pajama at briefs na basa ng guess what?}
BJ : Tsk tsk.. Labahin na naman eto.
Nang maayos na ang lahat. Lumabas na sya ng shop at binuksan ang main door kung saan andun pa rin ang mga tulalang customers.Nagtataka si BJ.
BJ : Aba? Bakit para silang nadaanan ng anghel?
At talagang literal na may dumaan na anghel. Bakit?
"Yey! Andito na sa bansa si Angel Meow!"
- sigaw ng isang customer.
Pagkatapos ay tumakbo ang sumigaw na customer papalapit sa convoy. Hindi nagtagal ay nagsunuran na ang lahat sa naunang customer.
"Shocks! Ang gwapo pala sa personal ni Angel Meow!"
"Hihiwalayan ko asawa ko para sa yo Angel Meow!"
"Pag naging tayo Angel Meow, kahit ilang anak, ibibigay ko sa yo!"
"Baliw! Kailan pa nanganak ang isang baklush?!"
"Ikaw ang baliw! Sino may sabing magpapaanak ako kay Angel Meow?Kako kahit ilang anak, ibibigay ko! Mag aampon kami! Pwe!"
Natawa na lang si BJ sa mga narinig.
BJ : Hays kakatuwa talaga tong mga baklush.. Di naman nanganganak pero dumarami.. Hahaha.
Nang mapansin nyang may isang naiwan na customer, si Tricia.
BJ : Magnenet ka rin?
Tricia : Oo sana..
BJ : Halika. Tuloy ka.
Pumasok si Tricia
BJ : Bago ka ano?Halos kilala ko lahat ng mga kliyente ko.
Tumango si Tricia
BJ : Well, dito ka na lang sa 69. Maganda performance nito. Bali-baligtarin mo man ang mundo, hindi ka madidisappoint sa 69. Hehe.
Nang mai-set na ang unit 69, umupo na si Tricia at pandalas na pumunta sa site ng SB.
Tricia : Gosh! Kelangan ko talaga magparamdam dito para maHotseat na ako! Kung kinakailangang ikampanya ko sarili ko, gagawin ko.
Pagdating nya sa homepage ng Forums, agad iniscroll down pababa para makita kung sinong online.
Eto nakita nya.
1 user
50 guests
Tricia : Naman eh! Bakit ako lang ang online?
Maya maya ay may pumasok.. Si Angie. At talagang naningkit ang mata nito nang makita nyang may ibang nakaupo sa 69.
Angie : Well, well, well.. Anong ginagawa ng ambisyosang labandera sa 69 ko ha?? {Galit at nakapamewang}
MAY CATFIGHT KAYANG MANGYAYARI SA LOOB NG BJ COMPUTER SHOP?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 22, 2010, 10:26:35 AM
nagtataka na mga classmates ko tuloy sakin!
ba't daw ako nangingiti mag-isa.. hahay! :D
nice nice. Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 22, 2010, 11:08:49 AM
24
Sabay na napalingon sina Tricia at BJ kay Angie. Dire diretso sa loob si Angie at nilapitan ang di makakibong si Tricia. Nakaramdam ng tensyon si BJ kaya agad syang lumapit sa dalawa.
Angie : Hoy! Ikaw! Labandera! Lumayas ka nga dyan sa puwestong yan.
Tricia : Bakit? Ako ang nauna dito ah?
Angie : Ikaw nga ang nauna pero exclusive yan sa akin! Kaya lumayas ka dyan or else..
Tumayo si Tricia at mukhang palaban.
Tricia : Or else ano?? Ikukulada mo naman ngayon etong computer gaya ng ginawa mo sa CP ko ha? {Umupo uli} Ayan, hindi ako aalis. Tingnan natin.
BJ : Angie, dun ka na lang sa counter. Para wala nang gulo.
Binalingan ni Angie si BJ
Angie : At ikaw naman na lalaki ka na laging may baong pampers! Bakit ibinigay mo sa kanya ang 69 ha?? Sagot!
BJ : She's a new client kaya kelangan kong ibigay sa kanya ang 69. {At sa mahinang boses} 69 ang gusto, lagi namang si utang.
Angie : May sinasabi ka?
BJ : Bakit? May narinig ka?
Angie : Wala.
BJ : O ayun naman pala. Ayos gyud. Punta ka na sa counter. Dun ka na lang.
Angie : Ayoko!
BJ : At bakit naman ayaw mo?
Angie : Mag ispy ka lang sakin. Tinitingnan mo mga site na pinupuntahan ko. Kaya paalisin mo yang labanderang yan dyan sa 69! Now na!
Hindi nakatiis si Tricia. Tumayo at sumabat.
Tricia : Ahm, excuse me.. Mr--?
BJ : BJ! Just call me BJ. And you are--?
Tricia : Tricia. Ahm, Mr. BJ, can I call you on a first name basis?
BJ : Yeah sure.
Tricia : Ahm BJ, {Sabay baling kay Angie} Ano ba plano sayo ng GF mo? Manduhan ka? Pagmukhain kang walang balls? E ngayon pa lang,dinidiktahan ka na.
Kinilig si BJ nang marinig ang word na GF. Sa isip isip nya.
"Hays, kung kay Angie rin lang.. Handa akong magpaalipin"
Si Angie naman, mukhang nandiri.
Angie : Ewww! Hindi ako magbi BF nang may pampers noh!
BJ : Angie naman eh! Pati ba naman yun, kelangan mo pa bang sabihin?
Tricia : {Sarcastic} Good heavens! Ni wala pala kayong relasyon pero kung umasta ka, daig mo pa ang asawa.
Susugurin na sana ni Angie si Tricia nang biglang marinig nila ang popular na boses ni Pokwang sa TV. Host ito ng HOTSEAT ON U.T.O.T. CH 3.
Pokwang : Magandang tanghali Pilipinas. Welcome sa HOTSEAT ON U.T.O.T. CH 3. Ang atin pong panauhin ngayon ay ang China's singing sensation, Angel Meow!
Lumabas si Angel kasama ang isang interpreter na Pinoy.
Pokwang : Ang guapo pala talaga ni Angel. Please do have a seat.
Interpreter : {Tumingin kay Angel} kingu shek nyok ching chang kienes kever lushuk.
Umupo si Angel.
Angie : Oh my Angel Meow! {Kinikilig}
Kasalukuyan din palang pinapanood ni Mrs Pokia ang H0TSEAT ng mga sandaling iyon.
Mrs Pokia : Goodness! Ikaw na nga! Matagal na kitang hinìhintay! Ikaw ang puputol sa aking matagal nang pagkauhaw.. At all cost, ikaw ANGEL MEOW ay mapapasaakin.
SI ANGEL MEOW NA NGA KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 22, 2010, 11:16:46 AM
go, angie, go! :D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on June 22, 2010, 12:36:12 PM
angel mEow..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 22, 2010, 12:58:54 PM
THE END
Hahaha!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 22, 2010, 02:02:06 PM
tatlong BJ nga! medium! hahay. Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 22, 2010, 06:05:55 PM
An0ng the end? Please c0ntinue, nakakatawa ang story parang 'True Or False?' ng www.pinoystories.tk n0on! Nyahahah!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 22, 2010, 10:09:41 PM
25
Tutok na tutok si Mrs Pokia sa panonood.
Pokwang : Ahm, Angel, marami ang nagtatanong.. Available ka pa raw ba? Kung single ka pa.
Interpreter : Angel, bushing boshung smushung samsung?
Angel : {Tatawa} Kamarun kenka gabos kimusha mishua tseng tsung tsawer kashem mekeni embagulus ken namet bushu tsing tsung tsaw king jol li bee lat keku dashu sheng kaw kaw kawpal kashung beshung
Pokwang : Ano sabi nya?
Interpreter : Ahm Miss Poke, ganito kasi yun, sabi nya, secret daw.
Pokwang : Yung haba ng sinabi nyang yun? Yun lang ang ibig sabihin?
Interpreter : Ganun na nga Ms Poke.
Pokwang : Okay, eto next question.. Ano ba tipo mong babae? Yung gaya ko ba? Ahahaha. Hindi. Joke lang.
Interpreter : Angel, shengsun jang mao zhe dung shung sing sòng do re mi fa chu chu chùva chenevertush girlalush?
Angel : {Tatawa uli} Hahaha. Geng kung bilo bilo ba.
Pokwang : {Excited} O ano raw?
Interpreter : Sabi nya, ang type nya raw e yung maraming pera para pareho sila. Bilo bilo means pera Ms Poke. Ayaw nya raw sa walang pera kasi baka bilo bilo na lang daw rred nya raw yung mga biyudang palaban na mukhang bilo bilo ang katawan at sana dito raw sa Pilipinas nya matagpuan yun at ayaw nya na raw malink kung kani kanino lang.. Tama na raw yung pagkakalink nya kay Mae Ling.
Pokwang : Yung ikli nang sinabi nyang yun? Ganun kahaba ang meaning?
Interpreter : Ahaha. Yes Ms Poke.
Pokwang : Kalerkey! {Kinikilig} Anyways, sabihin mo marami akong bilo bilo pero hindi pa ako byuda.. Haha.. Oy hindi. Joke lang.
Sa Pokia residence.
Mrs Pokia : Ang landi naman ng host na ito. Pero di bale, mukhang ako ang tipo ni Angel Meow.
Sa BJ Computer Shop
Angie : Hays, pala ako qualified..
Sa isang Everest, na pag aari ni Dale na kasalukuyan nyang minamaneho pauwi mula sa ROTC, pinapanood nya rin ang HOTSEAT ON U.T.O.T. CH. 3.
Dale : Kalog din pala etong si Angel Meow.. No wonder, maraming naugnay na tsikas sa kanya.. Papanoorin ko concert nya.. Isasama ko si Tricia.
Sa studio
Angel : Suk shang kai chek Poke tsung kyung Alito Uban.
Interpreter : Ah Ms Poke, may tanong sayo si Angel. Kung okay lang daw.
Pokwang : Aba, aba.. Ako ang host dito bakit tatanungin ako? Haha. Hindi. Joke lang yun. Sigaha. Hindi. Joke lang yun. Sige ano yun?
Interpreter : {Binalingan si Angel} Sheng chai nyuk kyang tsung tsaw? {O sige raw, ano raw yun?}
Angel : Poke tsung kyung Alito Uban?
Pokwang : Hahaha! Wala pa akong uban!
Interpreter : Hindi Ms Poke. Kung kumusta na raw paghahanap mo kay Carlito Buban.
Pokwang : Hahaha! Echusero ka rin pala!
Sa Everest
Dale : Hahaha! Kalog talaga tong si Angel.
Biglang may tumawid at buti na lang mabagal ang patakbo nya.
SCREEEEECCH!
Dale : Oh my! Nakadisgrasya ata ako.
Na out of balance ang muntik masagasaan. Agad bumaba si Dale. Nakayuko ang babae habang kinokolekta ang mga damit nyang nangalat at ibinabalik sa bayong.
Dale : Are you okay Miss?
Nag-angat ng ulo ang babae at nagulat si Dale nang makita ang mukha ng babae.
Dale : Angie?!
Parang takot na takot ang babae.
Dale : Tulungan na kita. Ano bang drama to? At bakit manang na manang ang suot mo?
Hindi pa rin umiimik ang babaeng hanggang talampakan ang palda at naka long sleeves. Last na dinampot nito ang isang eyeglass na kulay black ang frame at nanginginig ang mga kamay na isinuot ito. Tumayo. At mabilis na lumayo. Naiwan si Dale na nagtataka.
Dale : Bakit di ako pinansin ni Angie? At bakit ganun ang ayos nya na malayong malayo sa pagiging liberated nya?
BAKIT NGA BA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 22, 2010, 10:21:46 PM
kilala ko yun! si sunako!
katribo ko.. tahaha. naligaw ng set. :D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 22, 2010, 11:39:45 PM
26
Nag ìisip at naguguluhan si Dale nang muling istart ang Everest.
Dale : Bakit ganun si Angie? Teka, hindi kaya nagbabagong imahe sya para magustuhan ko? Napakadesperada naman nya kung ganun. Pero bakit parang di nya talaga ako kilala kanina? Umaarte lang ba sya? I know, nag audition sya sa talent search ng U.T.O.T. CH 3 na STAR CIRCLE QUESTRUCK dati.. Posible kayang pinaghahandaan nya na ang next season ng SCQT?
Sa studio
Pokwang : Final question. Bakit kailangang panoorin ng mga pinoy ang iyong concert?
Interpreter : Bibishingaw shungaw kaw kushung dao ming zuto san chai meketòng, mebuni, melipunga melason?
Angel : Jun pyu chi cha ron ae ron chu chu wa ri wap jan geum shok tong it sha pwe rafanot bunshic buchikik panasonic ek ek tsenek.
Interpreter : Manood daw kayo kasi ang bawat manonood daw ay may libreng panasonic products.
Pokwang : Huh? Bonggalicious ang lolo mo, ha? Message para sa lahat?
Interpreter : Uzu zhi ro kametush bongs plangshuk?
Angel : {Solemn ang mukha} Meow.
Pokwang : Anong Meow?
Interpreter : {Apologetic} Wala pong nakakaalam nyan. Basta laging ganun sinasabi nya pag hinihingan sya ng message.
Pokwang : Kalokah naman eto..
Sa Everest
Ring! Ring! Ring!
Dale : Hello! Sino to?
"Is this Mr Dale Pokia? The most eligible and desirable bachelor in town?"
Dale : Yeah. Who's this?
"Pare, nalimutan mo na ba? Si Rustom Bellaking eto. Yung kababata mo sa Cebu"
Dale : Ui pare! Kumusta na? Asan ka ngayon?
"Dito ako sa Cebu now. Papunta ako Manila. In 2 hours, andyan na ako"
Dale : Nice to hear that. Ano gagawin mo dito sa Manila?
"Dyan na ako mag-aaral"
Dale : Huwaw! Masaya to. Gusto mo sunduin kita mamaya sa airport?
"Yun naman talaga ang purpose ko ng pagcall sayo eh. Kung di mo ako susunduin talagang magtatampo ako sayo"
Dale : O sige pare, maya na lang ha? Malolobat na rin kasi ako.
"Okay"
Samantala sa BJ Computer Shop..
Tricia : Makapag out na nga. Wala man lang nag OL sa SB.
Nilog out nya na ang account nya at tumayo at lumapit sa counter para magbayad.
Tricia : Magkano?
BJ : 30 lang.
Eksakto pumasok si Dale.
Dale : Hi honey!
Tricia : Oh hi! Wait lang at magbabayad lang ako.
Dale : Huwag na. Ako na. Pare, magkano?
BJ : 30 lang tol.
Tricia : Ah Dale, sya si BJ, may ari ng computer shop.. BJ, sya naman si Dale, anak ng amo ko.. Bale amo ko na rin..
Kinuha ni BJ ang bayad at nagkamay sila.
Maya maya ay lumabas si Angie mula sa CR at agad syang nakita ni Dale na gulat na gulat..
Dale : Angie?
Lumapit si Angie.
Angie : Para kang nakakita ng multo?
Dale : Di ba kanina lang eh--
Angie : Ano?? {naiirita}
Dale : Ahm, never mind. Lika na Tricia. Tol BJ, una na kami. Nice meeting you.
Tumango si BJ. Lumabas na ang magkasintahan at naiwan si Angie na nakasimangot.
Sa Pokia residence, Kausap ng byuda ang portrait ng asawa nyang namayapa na.
Mrs Pokia : Fidel, asawa ko.. Kailangan na kitang kalimutan.. Almost 10 years na rin mula nang mawala ka.. Its about time na makahanap na rin ako ng iba.. Makulit ka naman kasi eh.. Anong naisipan mo at sumali ka sa mga nagvolunteer sa DINGDING BUILDING charity program ng SAGIP-U.T.O.T. ng U.T.O.T. CH 3? Yung natoka sayong dingding, kung kelan naman tumataas na e saka pa nagiba at natabunan ka.. Kaya walang dapat sisihin sa pagkamatay mo Fidel kundi ikaw lang, ikaw!
{echoing} Kaw.. kaw.. kaw..
Sa airport sa Cebu,
Atat na atat nang sumakay ng eroplano ang kausap kanina ni Dale na si Rustom Bellaking..
CYNTHIA? {SINO SIYA?}
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 22, 2010, 11:56:41 PM
nakow. baaaad. haha.
goodnight. Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 23, 2010, 05:43:08 AM
27
At ang latest addition sa cast, DarylJab94, ang kababata ni Dale na si Rustom Bellaking.
Rustom : Sa wakas, makakarating na rin ako ng Maynila. Dati hindi ako naniniwala na merong Maynila kasi hindi ko pa nakikita pero ngayon,malapit na akong maniwala. At higit sa lahat, malapit ko na uli makita si Dale. Ano na kaya itsura nya? Excited na ko.
Sa Maynila, lulan na ng Everest sina Tricia at Dale.
Dale : San mo gusto mamasyal?
Tricia : Sa Cubao na lang. Gusto ko kumain sa Food Court ng SM.
Dale : Haha. Honey, wala na yung food court sa SM ngayon. They converted it into a Cyber zone. Mga gadgets, CP at computer accessories stores na ito ngayon. Pero maganda ang food court ngayon ng Ali Mall. From basement, they transferred it to 3rd Floor. Gusto mo dun?
Tricia : O sige, dun na lang tayo. Tapos sakay tayo sa mga rides sa Fiesta Carnival.
Dale : Hahaha! Matagal kang di nakapunta ng Cubao ano?
Tricia : Yeah. Gusto ko makita yung carabao sa Fiesta Carnival.
Dale : Honey, matagal na ring wala ang Fiesta Carnival. Ahm, andun pa naman yung dating kinalalagyan nya but now, isa na rin syang shopping center. Shopwise na ngayon ito.
Tricia : Ganun ba? O sige kain na lang tayo. Then mamasyal.
Dale : Manood ng sine sa Gateway? Gusto mo?
Tricia : Parang mas gusto ko manood ng basketball sa Big Dome.. Im not a PBA fanatic pero gusto ko maexperience makapanood ng ganun.. Tuloy e mapasok ko na rin ang Big Dome.
Dale : O sige, watch na lang tayo ng games sabay uwi. Tapos, bibili tayo ng ticket sa concert ni Angel Meow.
Samantala, kalalabas lang ng Domestic Airport ni Rustom. Inilabas niya ang CP at agad na tinawagan si Dale.
"Ring! ring! ring!"
Papasok na noon ng Big Dome sina Tricia at Dale. Maingay na kaya di marinig ang tawag.
Nagtry uli si Rustom.
"Ring! ring! ring!"
Rustom : Yawa! Bakit ayaw nya sagutin?! Yawa talaga!
Nag eenjoy na sa panonood si Tricia sa Big Dome. Nagchecheer pa nga ito.
Tricia : Go Helterbrand!
Dale : Honey, wala dyan si Helterbrand. Sa Ginebra yun.
Rain or Shine at San Miguel ang naglalaban that time.
Tricia : Eh di ba, Ginebra San Miguel yun? At hindi ba yun si Helterbrand? Yung #7 sa San Miguel? Si Dondon Helterbrand na jowa ni Valerie Concepcion.
Dale : Magkaibang teams ang Ginebra at San Miguel. At yung #7 na sinasabi mo, si Dondon Hontiveros yun at hindi si Helterbrand.
Sa airport.. Mahigit 2 hours nang naghihintay si Rustom.
Rustom : Yawa! Ano na bang nangyari sa Dale na yun? Wala pa naman akong alam dito sa Maynila..
Natapos ang game at habang asa Everest na sila.
Tricia : Honey, magaling yung Hontiveros ha? Taga saan naman yun?
Dale : Tubong Cebu sya at --
Natigilan si Dale.
Tricia : Oh bakit?
Dale : My goodness! May susunduin pa nga pala ako sa airport! {Dinukot ang CP} Empty batt na ako! {Iniabot ang fone kay Tricia} Icharge mo nga sandali dyan.
Isinaksak ni Tricia sa charger sa Everest ang CP.
Tricia : Pano kung umalis na pala sa airport yung susunduin mo?
Dale : Hindi aalis yun. Walang alam sa Maynila yun. I hate to say this pero aanga anga yun dito. {Kinuha ang CP na noòn ay nakaopen na}
At eto ang nakita nya sa screen ng CP nya.
119 Missed Calls
84 New Messages
Dale : Damn! {Agad na idinial ang # ni Rustom}
"The subscriber is either unattended or out of coverage area. Please try again later"
Sa airport, ang kaninang inis at galit na si Rustom e natatakot na.
Rustom : Bumalik na lang kaya ako ng Cebu? Huhuhu! Marami raw loko loko dito sabi ni Mudra. Huhuhu!
MAS LOKO LOKO KA PA KAYA.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on June 23, 2010, 06:56:42 AM
Hahaha ang galing kwa2 c rustom! Nka2loka ka tawa ako ng tawa haha!brother knumpleto mo ang araw ko,sana wlang sumira! Pnganda mo ang umaga ko! Haha
Spam lang.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 23, 2010, 07:53:53 AM
28
Sa wakas ay nakarating din ang magkasintahan sa airport. Bumaba naman agad si Dale at agad syang nakita ni Rustom. Lakad takbo ang ginawa ni Dale at ganun din si Rustom.
*slow motion*
Nang magkalapit sila, agad hinapit sa bewang si Rustom, iniangat at inikot ikot habang nakawide spread ang mga kamay ni Rustom at nakatingala sa kalangitan. {Ala Yna at Angelo sa Pangako Sa Yo}
PLAK!
Isang mahinang sampal ang gumising kay Rustom.
Dale : Hui! Kanina ka pa nakatulala dyan.
Nakalapit na pala si Dale kay Rustom. Para namang nagising ito mula sa isang panaginip.
Rustom : Huh? {At sa isip isip nito} Ano ba tong nangyayaring ito sa akin? Bakit kailangang ganun ang makita ko sa pantasya ko na para kaming mga lovers
Napukaw ang iniisip ni Rustom nang muling magsalita si Dale.
Dale : Pasensya ka na at nalibang ako sa Cubao kanina kaya nawala sa isip ko ang pagsundo sayo.
Wala pa ring katinag tinag si Rustom. Hindi makapaniwala sa laki ng pinagbago ng itsura ni Dale.
Dale : Woi! Ano bang nangyayari sayo? Namiss ko kababata ko ah? Pahug ka bro.
Lalong nataranta si Rustom. Hindi makahuma. Si Dale na mismo ang yumakap kay Rustom. Hindi gumaganti ng yakap si Rustom. Lalo itong naguguluhan.
Dale : {Kumalas sa pagkakayakap} Pare, ang bango mo ha? Tsk tsk.. Ilang girls kaya paiiyakin mo dito sa Manila. {Kinuha ang isang maleta at travelling bag ni Rustom}
Nagumpisa na silang maglakad papunta sa sasakyan ni Dale.
Rustom : {Medyo confident na} Pare, guwapo ka ngayon ah? Mukhang tatalunin mo na ako nyan.
Dale : Sus! Wag ka nga, mas guwapo ka nga sa akin. Ilan ba sa mga classmates natin noong high school tayo ang nagpakita ng motibo sayo at kulang na lang eh sila ang manligaw sayo.
Natawa si Rustom
Dale : Bakit nga ba wala kang pinatos kahit isa sa kanila?
Rustom : Hindi ko type yung mga ganun. Yung sila pa ang manliligaw sa akin. Mga babaeng haliparot! Mga kiri.
All smile si Rustom.
Nasa sasakyan na sila. Nakatayo lang sa pinto sa right side sa unahan si Rustom habang hinihintay nya si Dale na kasalukuyang inilalagay ang mga bagahe nya sa likod ng sasakyan. Nang mailagay ito at maisara ang pinto, dumiretso eto sa tapat ng ikalawang pinto sa right side. Binuksan at nagwika.
Dale : At dahil ako ang driver, ikaw ang aking pasahero ngayon at kagalakan kong ikaw ay pagsilbihan, pare.
Lalong natuwa si Rustom. Sabay pasok sa loob ng sasakyan. Di nya napansin si Tricia. Nang makapasok si Dale.
Rustom : Ibang klase ka talaga pare. Ikaw ang mayaman na hindi astang mayaman. Marunong ka makipagkapwa tao.
Dale : Hahaha! Binola mo pa ako.. Teka magsounds muna tayo.. {Ini on ang stereo at ihinanap ng magandang station}
Rustom : Pare, sa Love Radio.
Dale : Okay. Love Radio then. Your wish is my command.
Rustom : Hahaha. Ang suwerte ng magiging asawa mo.
Ewan kung bakit napangiwi si Rustom. At sa loob loob nya, di nya maintindihan kung bakit parang nagpoprotesta ang bawat himaymay ng kanyang laman sa huling sinabi nya.
Dale : Oh by the way pare, speaking of asawa, meet Tricia. Ang asawa kong hilaw. In short, my GF.
Lumingon kay Rustom si Tricia mula sa kanyang kinauupuan. Friendly.
Tricia : Hi Rustom!
At tuluyan na talagang nawala ang ngiti sa mga labi ni Rustom. Hindi naman nahalata ng dalawa sa harap dahil dim ang ilaw. Napilitang sumagot si Rustom.
Rustom : Oh Hi din.
At nahanap din ni Dale ang Love Radio na kasalukuyang may nakaplay..
"Unbreak my heart. Say you love me again. Undo this hurt you caused when you walk at the door. Uncry these tears. Ive cried so many nights. Unbreak my heart. My heart."
MAY TISSUE KAYA SA LOOB NG SASAKYAN? PAMUNAS NG TEARS?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: abegail09 on June 23, 2010, 08:23:21 AM
Feeling ko bakLa si rustom.haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 23, 2010, 08:39:10 AM
wag ka maingay abby!
baka malaman nilang BAKLA NGA YON! xD
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: abegail09 on June 23, 2010, 08:40:44 AM
Filing lang naman nuh.haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 23, 2010, 07:35:10 PM
Ganun ba yung r0le na idiniscribe m0 sa hs, kuya? Nyahahah...! Hindi naman ganyang r0le ang inirequest ko, e! Nyahahahah! But anyway, mas natawa ako ngayun dahil sa name ko, haha, panay tawa k0 ngay0n lalo na sa 'yawa' expresi0n part! Mas bagay sana si kidlat maging pure babae... Request k0 na naman yan kuya, babaeng role 4 kidlat - ang baklang demal!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 23, 2010, 07:37:11 PM
Joke lang yun kidlat, wag ka magalit, baka kasi umulan! Nyahahah! Peace out, bro!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 23, 2010, 07:47:11 PM
Hahah. Bakit, ms. Kidlat? Ayaw m0 nun, sisikat ka na, magkakapera ka pa! Kada actorz dito, papasahan ng lod 2php ni kuya helt kada episode!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 23, 2010, 09:30:25 PM
29
Habang tumatakbo ang Everest
Dale : Ngapala Pare, tumawag kanina si mama at ayon sa kanya sa bahay ka pala titira. Nagkausap na pala mga mama natin before ka lumuwas. Naku tyak, matutuwa si mama pag nakita ka. Paborito ka nun sa mga friends ko.
Rustom : Mabuti naman kung ganun. Ahm Dale, maluwag ba bed mo?
Dale : Oo naman! Bakit gusto mo bang magkaroom tayo?
Rustom : {Defensive} Ay wala akong sinabing ganun.. I merely asked if spacious ang bed mo. Pero kung gusto mong magkaroom tayo, aba papayag ako.
{Weeh? Parang may mali ah?}
Dale : Gustong gusto ko pare pero hindi papayag si Mama.
Rustom : At bakit hindi papayag?! {Medyo mataas ang boses}
Dale : Ay syempre, ayaw ni Mama na mapintasan sya ng Mudra mo. Syempre, gusto ni Mama, may sarili kang room. Ano na lang iisipin ni Tita Mudra pag nalaman nyang di ka binigyan ng sariling room.
Rustom : Ay sayang!
Dale : Sayang ang alin??
Rustom : Kako, sayang yung nadaanan nating magbabalot. Gusto ko sana ng balot.
Dale : Ah ganun ba? No problem. Balikan natin.
Bumalik ang sasakyan.
Ang sinasabing magbabalot ni Rustom ay asa harap ng SUPER CLIMAX bar.
Nang makatapat sila sa magbabalot, bumaba silang tatlo. Nang makalapit sila sa magbabalot.
Dale : Oh pare, ilan gusto mo?
Rustom : Lima!
Dale : Ikaw Honey?
Napaismid si Rustom sa sinabi ni Dale.
Tricia : Tama na ang isa.
Nang makabili sila, kinain na rin nila dun. Ambilis naubos ni Rustom ang kanyang 5 balot. Wala pa atang 2 minutes.
Dale : Pare hinay hinay lang. Baka mahighblood ka.
Nagthumbs up lang si Rustom. Nang makabalik sila sa sasakyan, hindi muna pinaandar ni Dale ang sasakyan. Kinausap muna nya nang masinsinan si Rustom.
Dale : Pare, hindi pa kasi alam ni Mama ang tungkol sa amin ni Tricia. Kung maaari sana eh wag na wag kang madudulas sa kanya.
Ewan ni Rustom kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam nya.
Rustom : Oh sure.
Si Tricia naman, wala sa dalawang nag uusap ang atensyon nya kundi sa babaeng nakita nyang kausap ni Hazel sa harap ng SUPER CLIMAX.
Tricia : Angie?!
Sa harap ng SUPER CLIMAX
Hazel : Kung mag aapply kang serbidora dito, hindi puwedeng ganyan ang ayos mo. Para kang Maria Clara. At etong salamin mo, {tinanggal ang salamin mula sa mata ng kausap} tsk tsk.. Hindi bagay sayo to.. Ikukuha kita ng bagong eyeglass sa OPTICAL ESTABLISHMENT ko.. Yung seductive ang dating.
Sa Everest.
Tricia : {Sa isip isip nya} Si Angie?! Papasok sa bar?? Bakit ganun ang ayos nya? Para syang manang?
SI ANGIE NGA BA ANG KAUSAP NI HAZEL NA NAKITA NI TRICIA NA NAKITA NA RIN NI DALE NA DALAWANG BESES NYO NA RING NAKITA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 23, 2010, 09:40:33 PM
Haha! Bakit balot? Ayoko ng balot, yung hilaw na itlog, masarap. Nyahahah.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on June 23, 2010, 09:47:27 PM
daryl supot..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 23, 2010, 09:48:36 PM
An0ng 'supot' , iandgreat?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: abegail09 on June 23, 2010, 09:59:44 PM
Di kapa daw tuli daryl.haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on June 24, 2010, 02:03:11 AM
si daryl supot pala,..bakit di kapa nag patuli nung summer..
-boss helt tirahin mo nga sa pwet si daryl puro spam tong mokong na to..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on June 24, 2010, 02:23:22 AM
..whahahahahahahah.. nalintikan.. npatawa ako dun ahhh.. langya..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: DarylJab94 on June 24, 2010, 04:29:40 AM
Ah, yun pala meaning ng supot? Ogagz! Baka ikaw ang supot, ian! Nyahahah! Wag m0 ipasa sakin! Hahahah! Tinira ka na pala sa puwet? Nyahahah! Magkapareho pala kayo ng dugo ni kidlat, nyahahah!
Kidlat, may kapatid ka na sa SB, si Ian! Nyahahah!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 24, 2010, 05:13:00 AM
Hey Guys, nilabas ko tong thread na to para lang maaliw tayong lahat.
Allowed kayo magpost dito basta tungkol sa kuwento. Feedbacks. Comments.
Wag na po tayong mag asaran. May asaran thread naman.
Salamat sa kooperasyon.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 24, 2010, 07:34:16 AM
30
Sa Pokia residence.. Sa kuwarto ni Mrs Pokia
Mrs Pokia : {May kausap sa CP nya} Oo amiga! On the way na sila.
"Alagaan mo mabuti anak ko ha? Alam kong maganda ang reputasyon ng pamilya nyo"
Mrs Pokia : Don't worry amiga! Ako bahala sa Rustico Tomas mo!
"Amiga, its Rustico Thomas and not Tomas."
Mrs Pokia : Pareho na rin yun. Naku, excited at eager na rin akong mameet uli ang Rustico Tomas ko! A sweet and endearing boy.
"Ang kulit mo Amiga ha? It's Thomas.. And not Tomas. May I remind you pala na nagagalit yang batang yan pag tinatawag sya sa full name nya. Sige ka"
Mrs Pokia : Naku hindi magagalit yun..
Nang may marinig siyang parang nagkakaingayan na naghaharutan sa sala.
Mrs Pokia : Mukhang andyan na ang mga bata. I have to go na, Amiga. Text text na lang tayo ha?
At ibinababa na ang fone.
Sa SUPER CLIMAX
Hazel : Oh umupo ka muna dyan ha? Obserbahan mo mga serbidora dito kung paano gumalaw. Para magka idea ka..
Kausap ni Hazel ang babaeng nakita ni Tricia na nakita ni Dale na nakita na natin ng ikatlong beses.
Hazel : Teka nga at {Pumaswit} Witwiw!
Agad namang lumapit ang isang serbidora.
Hazel : Bigyan mo sya ng Sandwich at orange juice. {Ang tinutukoy ay ang babaeng manang}
Sumabat ang babae
"Di po ako kumakain ng anong tinapay at kahit anong juice" {Nahihiya}
Hazel : Ha? Bakit?
"Sa tinapay ho e mataas ang carbo.. Ayaw ko lomobo ang katawan ko.. Sa juice naman ho, galing na yan sa factory.. May mga chemicals na rin ho yan kahit sabihin nilang made from fresh orange and with beta-carotene"
Hazel : {Namamangha at napapataas ang kilay} Aba? Ibang klase ka ha. O sya, {Baling nito sa isang serbidora} Bigyan mo sya ng spaghetti at coke.
Aalis na sana ang serbidora para kumuha ng nirerequest ni Hazel nang sumabat uli ang babaeng manang.
"Kung tomato sauce ho ang ilalagay nyo na galing din sa Delmonte, di bale na lang ho.. Kung fresh na tomato na ginisa, puwede pa ho.. At mas lalong ayoko sa Coke dahil mataas ang acid content nito"
Medyo napipika na si Hazel. At sa medyo mataas na boses :
Hazel : Kung Lactum milk ang gusto mo, aba wala kami nun! Kung umiinom ka pa ng gatas, aba maghanap ka na lang ng ibang mapapasukan.
"Easy ka lang, highblood ka na naman. Malas yan sa negosyo"
Lumingon si Hazel. Nakalapit na pala si Jay, kasama ang ever loyal nyang kumpare na si Ian. Medyo umaliwalas ang mukha niya.
Hazel : Oh Babes! You're here. Wait lang at kausap ko tong applicant.
Binalingan uli ang nakaupong nakayukong babaeng manang. At sa magiliw na pananalita..
Hazel : Eh ano ba kasing gusto mo iha?
Nag angat ng mukha na nakangiti na akala mo e nabigyan ng isang mentos candy.
"Yan lang po naman ang iniintay kong itanong nyo. Kung anong gusto ko. Kalahating cup po na rice at kahit na ano pong gulay na meron kayo"
Hazel : O sya bigyan mo sya ng gusto nya. Yun lang pala ang gusto nya.
Agad tumalima ang serbidora. Agad namang pinaupo ni Hazel ang mga bagong dating. Umupo ang 2 magkumpare. Huling umupo si Hazel sa tabi ng babaeng manang na medyo nahihiya. Sa opposite ng table eh magkatabi naman ang magkumpare.
Ian : Mama Hazel, ang ganda ng recruit mo ah? I love her na.
Hazel : Tumigil ka Ian ha.. Wag mong manyakin mga recruits ko. Kahit ganito ang business ko, priority ko pa rin ang welfare ng mga bata.
Ian : Nagbibiro lang ako Mama Hazel {Natatawa}
Hazel : At wag mo rin akong tatawaging "Mama".. Si Jay lang may karapatang tumawag sa akin nyan.
Ian : Eh bakit ni minsan ata eh di ko narinig na tinawag ka nyang mama?
Hazel : Ah ewan ko ba dyan sa kumpare mo. 2 years ko nang iginigiit na tawagin nya akong mama mula nung nagkahiwalay sila ng heredera ng zoo, pero hanggang ngayon wala pa rin.
Natawa si Ian. Nangingiti lang si Jay.
Ian : Eh ano pala name ng new recruit mo?
Hazel : Sya si -- {Binalingan ang babaeng manang} Teka, kanina pa tayo nag uusap, di ka man lang nagpapakilala!
"Eh hindi naman ho kayo nagtatanong eh"
Natawa si Jay.
Jay : Eh kasalanan mo naman pala Hazel eh.
Hazel : It's Mama Hazel. {Giit nito}
Jay : Haha! {Eto na ang nagtanong sa babaeng manang} Iha, anong name mo?
"Gee-ann po"
PATI BA NAME NI ANGIE, BINALIGTAD? SI ANGIE NGA KAYA SI GEE-ANN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 24, 2010, 08:24:25 AM
Haha.. Sguro naman kilala na nla kung sin0 it0ng si gee-ann.. Wahahahaha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 24, 2010, 12:29:05 PM
31
Sa Pokia Residence
Dale : Ma, andito na kami ni Rustom.
Wala na si Tricia. Nakapasok na agad ito sa kuwarto nya. Iginala ni Rustom ang paningin sa buong sala.
Rustom : Eto ba ang living room nyo? Banyo lang namin to sa Cebu.
Imbes na maasar si Dale, natawa pa ito.
Dale : Haha.. Alam ko naman pare eh.. Kayo ang pinakamayaman sa Cebu and I guess your family owns half of Cebu.
Rustom : Sobra ka naman.. Mga two-thirds lang siguro.
Dale : Haha. Teka nga, asan na ba si Mama.
"Rustico Tomaaass!"
Sabay silang napatingin sa taas. Andun si Mrs Pokia na galak na galak.. At habang nagmamadaling bumababa ng hagdanan..
Mrs Pokia : Oh Rustico Tomas, sa wakas andito ka na rin sa Manila. Ang guapo guapo mo!
Nang makalapit kay Rustom ay agad nya itong niyakap.
Mrs Pokia : Ang laki laki mo na! At ang guapo guapo mo na! Parang kailan lang, may uhog ka pa na naglalaro ng ebak ng mga alaga nyong kabayo.
Dale : Ma! You're so gross! Haha.
Kumalas sa pagkakayakap si Mrs Pokia at sinipat si Rustom. Kinurot nang banayad ang pisngi.
Mrs Pokia : Ang kyut ng Rustico Tomas ko!
Rustom : Awwww! Tita..?
Mrs Pokia : Oi sobra ka naman makapagreact. Hindi naman masakit yung kurot ko ah?
Rustom : Hindi ganun yun tita.. Learn to pronunce my name properly.. Thooo Mas.
Mrs Pokia : Tama naman ah? Tu Mas.
Sumimangot si Rustom.
Mrs Pokia : Wag ka na sumimangot.. Bukas, pagkalabas mo ng school, ipagshashopping kita. Kakain tayo sa labas.
Medyo matamlay si Rustom.
Mrs Pokia : Ipagdridrive tayo ni Dale.
Biglang sumaya si Rustom.
Rustom : Talaga tita?
Mrs Pokia : Oo iho. Then sasamahan nyo ako magpaganda sa beauty parlor.
Parang natakot si Rustom.
Rustom : Pag beauty parlor ba tita, maraming bakla?
Mrs Pokia : Natural! Bakit parang takot na takot ka?
Rustom : {Defensive} Tita, hindi ah? As a matter of fact, galit na galit ako sa mga bakla!
Sa room ni BJ, kaharap nito ang laptop nya at nag e SB na naman..Kasalukuyan nyang binu view ang 19th Week ng Hotseat.
BJ : Tsk tsk {Tutok ang mata sa screen ng laptop} Asa Hotseat na naman ako.. Talagang ginawan ng paraan ni Kuya Helt na ibalik ako eh.. Ahhh nalintekan! Tinatamad ako magsagot!
Bep! bep!
-May nagtext.
Binasa nya.
"Nak, baka gusto mo pumunta uli dito SUPER CLIMAX. May bagong serbidora. Maganda"
Sender : Tatay
BJ : Hmm, why not?? Besides boring mag SB.
Sinagot nya.
"Okay"
Sinend. Lumipad ang sobre.
After 5 seconds.
"Check operator services"
BJ : Badtrip talaga!
Idinial nya : *808
Tas idinugtong ang # ng ama at ini okay.
After 5 minutes, may natanggap syang text. Iniopen nya.
1/2 20Jun 19:00:P115 Extra pack is loaded to BJ's # from TATAY JAY Consume by 08/20/10.
BJ : Ang baet talaga ni tatay. Hehe. Maganda kaya yung bagong serbidora nya?
Gumayak na ito. Samantala, sa Pokia's residence.
Mrs Pokia : Triciaaa!
Agad dumating si Tricia.
Mrs Pokia : Ihatid mo si Rustom sa magiging kuwarto nya. Yung tapat ng sa Sir Dale mo.
Tricia : Opo. Rustom, halika na. Sumunod ka sa akin.
Mrs Pokia : Pakiulit nga ng sinabi mo Tricia? Rustom is a family friend kaya dapat iaddress mo sya ng tama.. Say Sir Rustom. Pronto!
Rustom : No tita.. It's okay. Halika na Tricia, ihatid mo na ako. {Friendly}
Si Rustom na ang umakay kay Tricia kaya napilitan nang sumunod ni Tricia. Walang nagawa si Mrs Pokia. Nang makarating sila sa pinto ng nakatokang room ni Rustom.
Tricia : Salamat nga pala kanina ha?
Rustom : Forget it Tricia {Hostile} I don't care ke tawagin mo akong Sir or Rustom. Gusto ko lang linawin na hindi kita gusto. Hindi kita gusto para sa pamilyang ito. Wag kang umastang parang close tayo. Dahil hindi tayo magkalevel.
Tricia : Naiintindihan ko po Rust...Sir Rustom. {Yumuko}
Rustom : Madali ka naman palang matuto. Now, you can call me Rustom sa harap ni Dale.. And one more thing, wag na wag kang magkakamaling magsumbong kay Dale.. Dahil pag ginawa mo yun, hindi ako magdadalawang isip na ipaalam kay Tita Pokia ang relasyon nyong dalawa!
PARA LANG SI GLADYS REYES SI RUSTOM. PANIBAGONG ANGIE NA NAMAN BA SI RUSTOM SA BUHAY NI TRICIA? OOPS DUMARAMI ANG KONTRABIDA SA BUHAY NG ATING LAUNDRYGIRL. AT ANO NAMAN KAYA ANG REACTION NI BJ KAPAG NAKITA NYA NA SI GEE-ANN? OR ANGIE? HINDI, GEE ANN DAW EH.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 25, 2010, 07:55:49 AM
32
Sa SUPER CLIMAX
Hazel : O iwan ko muna kayo ha at may gagawin lang ako sandali sa ladies. I'll be back {Tumayo}
Ian : Kahit wag ka nang bumalik Mama Hazel. Haha.
Hazel : Hmp. Pasalamat ka at naging Kumpare ka ng Babes ko. Teka at ipapahatid ko dito drinks nyo.
Jay : Ah Hazel, dagdagan mo na rin ng kuatro kantos ha? Darating yung unico iho ko.
Hazel : Yes babes.
Umalis na si Hazel. Naiwan ang magkumpare at si Gee-Ann na kumakain.
Jay : Ilang taon ka na iha?
Gee-Ann : Mag 18 po. {Nahìhiya}
Jay : Mahiyain ka. You remind me of my unica iha, Maggie.
Ian : May anak kang dalaga Pare?
Jay : Oo. Asa Iraq nga lang sya ngayon.
Ian : Bakit parang di ko ata alam na may anak kang dalaga?
Jay : Paano? Matagal kang nawala. Nung bininyagan si BJ noon, proxy lang ang tumayong ninong nya. Teka, may picture dito ang Maggie ko.
Dinukot ni Jay ang wallet at ipinakita sa kumpare ang picture ng anak. Manaka naka eh tumitingin sakanila si Gee-Ann.
Para namang nastarstruck si Ian nang makita ang picture ng anak na babae ni Jay.
Ian : Wow pare! Ang ganda ng anak mo!
Jay : Magtataka ka pa ba?
Ian : Hindi nakakapagtaka pare, maganda ang nanay eh! Kaya dapat kang magpasalamat sa nanay ng mga bata, nalahian kayo ng magaganda!
Isinampal ni Jay ang wallet sa pisngi ni Ian.
Ian : Aray naman pare! Hindi ka na mabiro.. Hehe.. Patingin nga uli picture ng anak mo?
Inilapit ni Jay sa mukha ni Ian ang wallet para makita ni Ian.
Ian : Ang ganda talaga pare.. I think Im inlove. Puwede na rin ba kitang tawaging "itay" pare?
Muli ay isinampal ni Jay ang wallet sa mukha ni Ian. This time, medyo mas malakas ng konti.
PLAK!
Ian : Aray pare! Masakit na yun ha?
Jay : Tumigil ka. Wag mong manyakin ang anak ko.
Ian : Ikaw naman pare, hindi ka na mabiro {Inakbayan ang kumpare} Ikaw ang gusto ko manyakin. Pakiss nga!
Muli ay nakatikim ng sampal ng wallet si Ian. PLAK.
Ian : Aray! Pare naman, nakakarami ka na ha?
Dumating ang drinks. Kasunod ay dumating si BJ. Nagmano ito sa ninong at sa ama.
Jay : O tabihan mo na muna si Gee-Ann. Sya yung sinasabi kong bago dito. Serbidora.
Nagtama ang mga mata nina BJ at Gee-Ann. Gulat si BJ.
BJ : Angie?
Jay : Magkakilala kayo?
BJ : Oo tay, suki ko sya sa shop.
Sumabat si Gee-Ann.
Gee-Ann : Nagkakamali ka. Hindi kita kilala.
Umupo na si BJ sa tabi ni Gee-Ann.
BJ : Naks! Kaw Angie ha.. Anòng drama to? {Makulit} Hindi bagay sayo.. And look at yourself.. Teka {Tinanggal ang salamin ni Gee-Ann} Hahaha. Para kang lola dito sa salamin na to.
Gee-Ann : Amina nga yan {Pilit kinukuha ang salamin}
Lalo namang inilayo ni BJ ang salamin.
BJ : Hahaha! Ang galing mo umarte ha..
Gee-Ann : Wala akong makita.. Amina yan please. Hindi naman ako nakikipagbiruan sayo eh.
Sumabat si Jay. Sinaway ang anak.
Jay : Hey son, stop that.. It's not proper..
Agad namang tumalima ang anak. Ito na mismo ang nagbalik ng salamin sa mga mata ni Gee-Ann. At sa isip isip nya..
BJ : Sige sasakyan ko ang drama mo kung yan ang gusto mo..
NAGDRADRAMA NGA LANG BA SI GEE-ANN? SYA NGA BA TALAGA SI ANGIE?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 25, 2010, 10:37:51 AM
sige tay.. Pagsasampalin mo pa ng wallet mo..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 25, 2010, 02:43:53 PM
33
Kinaumagahan, sa Pokia Residence, maagang nakapaghanda ng almusal si Tricia. Pakanta kanta pa ito.
Tricia : I wanna know what love is.. I want you to show me.. {Tiningnan ang mga nakahain sa mesa} Spamsilog, pandesal, papayang hinog, danggit {na dala ni Rustom}.. Hmm, ano pa ba kulang? A yung kapeng barako..
Nang biglang dumating si Mrs Pokia. Nakagayak na ito para pumasok sa POKIA CELLPHONES, INC. May kausap ito sa wireless landline nila
"Thank you for calling ticketnet. This is Joy. How can I help you?"
Mrs Pokia : Ahm, gusto ko magpareserve ng 2 patron tickets para sa concert ni Angel Meow.
Maya maya bumaling ito kay Tricia.
Mrs Pokia : Tricia, timplahin mo na kape ko. Kakain ako pagkatapos ko dito sa kausap ko.
Bahagyang lumayo si Mrs Pokia. Pero naririnig pa rin nya ito
"Anong sold out na?! Hindi maaari ito!"
Tricia : Ayan nagalit na naman ang matandang dragòn!
Matapos matimpla ang kape.
"Hoy Tricia! Mainit ba yang kape?"
Tricia : Oho..
"Hindi maaari ito! Gawan mo ng paraan na mabigyan ako ng ticket!"
Tricia : Teka, mainit pa ba itong kape ng amo ko? {Isinawsaw ang hintuturo sa cup na may kape} Hmm, mainit pa naman. {Pagkuway isinubo ang sariling hintuturo} Hmmm, parang matabang ah? {Muli ay isinawsaw ang hintuturo at tinikman} Hmm, matabang nga. {Binuksan ang lalagyan ng asukal, isinawsaw ang basang hintuturo at isinawsaw sa cup na may kape. 5 beses nyang inulit ang ganun at nang makatapos sya, hinalo ang kape gamit pa rin ang hintuturo. Nang matapos, tinikman ang hintuturo, napangiti ito} Hmm, okay na.. Tama na ang timpla {Saka nagmartsa papuntang laundry area, pakanta kanta pa rin} And if,forever's not enough for me to love you.
Bumalik si Mrs Pokia sa dining room, kausap pa rin ang CSR ng Ticketnet.
"Sorry talaga ma'am"
Mrs Pokia : Aalisin ko ang sponsorship ng POKIA sa concert na yan pag di nyo ako nabigyan ng ticket.
"Hindi po kasali ang POKIA sa mga spònsors. Nung kinukuha po kayo ng organizers ng concert, di po kayo pumayag kasi wala kayong tiwala sa artist."
Natigilan si Mrs Pokia, kapagkuway...
Mrs Pokia : Itsetsek ko mamaya yan pagdating ko ng office. Beset.
Sabay tinapos ang call. Umupo ito sa nakareserbang upuan para sa kanya upang makapag almusal na. Tumingin sa bandang laundry area.
Mrs Pokia : Mukhang maayos ang unang araw ng pagiging cook ng labandera ko ah. {Tumingin uli sa bandang laundry area} Hinding hindi mo na ako maiisahan, labandera! {Sabay higop sa kape,napangiti} Hmm, masarap.
Sa BJ Computer shop, may ilan na ring mga customers.
BJ : Ayus si Angie kagabi ah? Style nya lang siguro yun para maipakita nya rin na gusto nya ako.. Nahihiya siguro kaya nagpapanggap syang ibang tao.. Pero okay lang, sasakyan ko na lang ang drama nya..
Dumating ang Angie na super sexy sa trademark nitong tube na nakashort shorts.
Angie : Puwede bang magOL?{Medyo nahihiya,parang guilty}
BJ : Oo naman {Nangingiti}
Angie : Salamat ha? Utang uli. {Malumanay ang boses}
BJ : Oh sure.. {At sa isip isip nya} Kitams, nahihiya sya ngayon sa akin.. Hehe.. Ngapala Angie, mamayang gabi uli ha?
Angie : What do you mean mamayang gabi uli?
BJ : Basta.. {Sa isip isip} Ang galing nya talaga magdrama..
Hindi naman maintindihan ni Angie kung ano sinasabi ni BJ.
Pagtataka ang nakalarawan sa mukha nito.
UMAARTE NGA LANG BA SI ANGIE NA GEE-ANN? KUNG OO, BAKIT KAILANGAN NYA PANG PUMASOK SA SUPER CLIMAX?
BJ : {Sumingit} Kasi, para makabayad sya ng utang sa akin at makabili ng ticket sa concert ni Angel Meow.
HMM, MAY POINT KA.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on June 25, 2010, 02:50:36 PM
Hahaha,ntawa ako dun sa hintu2ro! Ouchnez naman yun,mainit na kape,pnanghalo yung hintu2ro! Hahaha kpal naman ng balat sa hintu2ro,ginayuma pa c pokia sa pma2gitan ng laway nya! Wahahaha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 25, 2010, 02:56:38 PM
*nakasulat sa speech balloon na hugis ulap*
"Anu ba yan. ayoko
sanang tumawa,
pero NATATAWA TALAGA
AKO! wahaha! nice nice."
*sabay hinangin yung ulap at naglaho*
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 26, 2010, 10:06:22 AM
34
Lumipas ang maghapòn. Asa sasakyang Everest ang magkababatang Dale at Rustom kasama nila si Mrs Pokia na asa likod. Papunta na sila sa beauty salon para sa pagpapaganda ng matandang dragon.
Mrs Pokia : Ahm, Rustico Tomas,
Rustom : Tita naman eh.. Its Thoooo... Mas. {Di maipinta ang mukha}
Natatawa lang si Dale.
Mrs Pokia : Tama naman pagkakasabi ko ah? Tu mas.
Rustom : Whatever tita. {Nakasimangot}
Mrs Pokia : Kumusta ang family business nyo?
Rustom : Okay lang ho. Soon it'll be mine. Kagaya ho ni Dale, pareho ho kaming {Pinahina ang boses} compatible.
Hindi narinig ni Dale.
Mrs Pokia : Compatible? Saan?
Eh matalas pala pandinig ng matandang dragon.
Rustom : Ho? Ah eh.. I mean, swak talaga kaming magkabarkada at in the future, business partners.
Mrs Pokia : Yeah. Right. And I want the two of you na magkaroòn ng mga esposa na galing din sa buena familia.
Tumikhim si Rustom. Medyo tumahimik naman si Dale.
Mrs Pokia : Eh may GF ka na ba iho?
Rustom : Naku wala pa ho..
Mrs Pokia : Eh bakit wala ka pang GF?
Rustom : Eh kasi ho --
Walang masabi.
Mrs Pokia : Ah kasi nag aaral ka pa kagaya ni Dale?
Rustom : Yeah. You're right tita.
Mrs Pokia : Eto ngang Dale ko, ayaw ko pa pagnobyahin. Baka makasira sa pag aaral nya. Gusto ko handang handa na sya kapag hahawakan nya na ang POKIA empire.
Rustom : Eh tita, what if magkaGF si Dale ng di nyo kalevel? I mean, let say, tindera ng tinapa?
Tumikhim si Dale sabay sagi sa tuhod ni Rustom gamit din ang sariling tuhod. Parang winawarningan ang kababata. Iba naman ang pakahulugan ni Rustom sa pagsagi ng tuhod.
Rustom : {Sa isip isip} Wow type! {Gumanti ng pagsagi ng tuhod}
Mrs Pokia : No. Hindi mangyayari yun. Ang unico iho ko? Papatol sa tindera ng tinapa? I know my son better.
Rustom : {Makulit at nanantiya} Eh tita, what if nga di ba? Kunyari lang. Halimbawa, dumating isang araw si Dale, may kasamang tindera ng tinapa, lobo ang tyan, si Dale ang ama tapos may regalo sa inyong sangkatutak na tinapa. Anong gagawin nyo?
Muli ay sinagi ni Dale ang tuhod ni Rustom. Napapapikit si Rustom sa sobrang pagkakilig.
Rustom : {Sa isip isip} Body language pa lang, nagkakaintindihan na kami.
Mrs Pokia : Ah pag ganun ang nangyari? Palalayasin ko sya na ang tanging dala eh ang suot nyang damit. Maiiwan mga ATM at Credit Cards nya pati ang sasakyan na ito.
Biglang sumabat si Dale.
Dale : Ma, andito na tayo.
Ang tinutukoy ni Dale ay ang paboritong beauty salon ng matandang dragon. Tiningnan at binasa ni Rustom ang pangalan ng salon.
HELTERBRAND'S BEAUTY SALON.
Actually, ganito talaga ang nakalagay
HELTERBRA BEAUTY SALO
Wala yung unang letter N kasi tinangay ng bagyong Ondoy at yung ikalawang N at yung D e pundido kaya di maaninag.
Rustom : Tita? Dito ka nagpapaganda? Eh bankrupt na to a? 100 branches dati ito dito sa Pinas tapos may 10 pa overseas. Eto na lang natira di ba? Bakit dito mo gusto? Hindi kaya makakasira sa reputasyon mo yan?
Mrs Pokia : Napabilib mo ako iho. Sa murang edad pa lang e alam mo na ang history ng salon na yan. Magiging magaling kang businessman.. Anyway, ang sagot ko sa tanong mo eh ganito : Mabait yung may ari nyan. Kahit nung di pa nalulugi yan, he keeps his feet on the ground. Tsaka katsokaran ko yan. Nagoffer nga ako na pahiramin yan ng capital para makabawi pero he turned it down. Wala na raw syang bubuhayin pa. Napagtapos naman na daw nya 2 kids nya.
Rustom : Nasira nga lang ho dahil sa nagumon sa alak dahil sa kasawian sa pag-ibig.
Mrs Pokia : Tsismis lang yun iho. Wag basta basta maniniwala.
Bumaba na sila. Sa loob ng salon, andun ang magkumpareng Ian at Jay. Tsinecheck ni Jay ang accounts. Pumasok sina Mrs Pokia. Unang nagkatama ang paningin nina Ian at Rustom.
Napalunok at bumilis ang tibok ng puso ni Rustom nang makita si Ian na nakafit na pants at tshirt na namimintog ang mga dibdib at muscle.
HMMMMM.. NAIISIP NYO BA ANG NAIISIP KO?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 26, 2010, 11:05:05 AM
wahahahahahahaha..
adik.. [napalun0k din.]
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 26, 2010, 01:42:10 PM
35
Nakipaglaban ng titigan si Ian kay Rustom. Naputol ito nang magsalita si Jay.
Jay : Anong masamang hangin ang nagdala sa aking paboritong customer?
Bati ni Jay kay Mrs Pokia sabay salubong dito at nakipagbeso beso.. Pagkatapos ay tinanguan si Dale.
Mrs Pokia : Kumusta ang negosyo?
Jay : Eto, matumal. Pero okay lang nakakaraos pa rin naman.
Mrs Pokia : Sabi ko naman sayo pumasok ka na lang sa kumpanya ko eh.
Jay : Nagpapatawa naman kayo. Ang sarap ng buhay ko, kain, tulog, pacheck check lang ng mga accounts tapos pagtratrabahuhin nyo ako? No offense meant madam pero di ko talaga matatanggap yan. Mukhang may bago kayong kasama ah?
Mrs Pokia : Ah sya si Rustico Tomas. Family friend. Kababata ni Dale. Dito na rin nag aaral sa Manila. Taga Cebu sya.
Jay : Magandang lalaki ah? For sure may naiwanan marami ka nang pinaiyak na babae ano iho? {Baling nito kay Rustom}
Rustom : Naku wala pa ho {Nahihiya, maya maya ay manaka nakang nagnanakaw ng tingin kay Ian na kasalukuyang nakikipagharutan sa isang gay beautician}
Binalingan ni Jay si Mrs Pokia.
Jay : Magpapaano ho ba kayo ngayon Madam?
Mrs Pokia : Magpapahair relax sana.. Any advice?
Jay : Magpagupit na rin ho kayo para lalo kayong bumata.
Mrs Pokia : Ay sige kayo na ang bahala. Basta kelangang gumanda ako.
Jay : Mukhang may pinagpapagandahan ho kayo ah?
Mrs Pokia : Kinda. {Sabay beautiful eyes}
Tinawag ni Jay ang kumpare.
Jay : Pare, ishampoo mo si Madam.
Ian : {Sumigaw mula sa kinaroroonan} Pare, nakakadyahe naman.
Jay : Huwag ka nang magreklamo. Para naman may pakinabang ako sayo. Sige ka, di mo makakatable si Tarcila mamaya sa SUPER CLIMAX.
Ian : Oo na! {Lumapit ito kasunod ang gay beautician}
Jay : Ursula, pagandahin mo si Madam. {Baling sa gay}
Ian : Madam, sumunod po kayo sa akin. {Aya ni Ian}
Sumunod si Mrs Pokia kay Ian. Narinig pa nila ang sinabi ng matandang dragon
"Iho gusto mo pag aralin kita?"
Naiwan si Ursula na sumisinghot singhot sa ere.
Jay : Oh ano? Huwag mong sabihing gutom ka na naman?
Ursula : Hindi iyon Kuya Jay. May naaamoy akong di kanais nais.
Jay : {Inamoy ang sariling kilikili} Mabango kilikili ko ha. {Inilapit sa gay ang kilikili. Inamoy naman}
Ursula : Kuya, hindi yan ang naamoy ko. Kakaiba.
Nakatingin lang sakanila sina Dale at Rustom. Nang makita ni Ursula si Rustom, lumapit ito pero agad nairita. Pumunta ito sa likod ni Dale at nagwika.
Rustom : Wag mo akong lalapitan! Papatayin kita!
Hindi naman lumapit si Ursula.
Ursula : {Itinuro si Rustom} Ikaw! Ikaw ang naaamoy ko!
Rustom : {Asa likod pa rin ni Dale} Hoy! Baklang yawa ka! Mas mabango pa ako sa yo!
Ursula : I knew it! Ikaw ang naaamoy ko!
Tinawag ni Ian si Ursula.
Ian : Ursula, umpisahan mo na pagandahin si Madam.
At biglang nagtitili na nagtatalon si Ian!
Ian : Oh my god! Eeeeeeee!
BAKIT BIGLANG NAGTITILI SI IAN? AT ANO ANG NAAMOY NI URSULA KAY RUSTOM?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 26, 2010, 01:56:47 PM
tahaha! ipis ipis ipis! xD spoiler?? bwahaha! saya saya. naamoy ang kapwa berdeng dugo. :D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 26, 2010, 02:53:07 PM
Hahaha.. O0 nga bka my ipis.. Haha.. Magtitili talaga huh.. Nacucurious ako kay rust0m tumas.. Haha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Kidlat10176 on June 26, 2010, 06:40:28 PM
Sino si Dale?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 26, 2010, 06:42:25 PM
36
Dali daling lumapit si Ian sa kumpare at nagtitili pa rin.
Jay : Oh bakit?
Ian : May ipis pare! Huhuhu! Ayan na naman oh! {Sabay turo sa lumilipad na ipis palapit sa kanya}
Rustom : {Sa isip isip} Haha. Ang laki laki ng katawan takot sa ipis.
Lumapag sa sahig at gumapang palapit kay Ian.
Ian : Waaah! Ayan na siya!
Umalis si Rustom sa likod ni Dale at nilapitan ang ipis. Tinapakan nang madiin at kahit natapakan na eh sige pa rin sa pagdiin.
Rustom : O ayan. Wala na yung kinatatakutan mo. Ang laki laki ng katawan mo pero ipis lang na mas dapat na matakot sayo, para ka nang hinahabol ng aswang.
Ian : {Relieved} Thanks pare ha! {Binalingan si Dale} Ang galing nitong dabarkads mo Dale ha?
Ngumiti lang si Dale. Sa galak eh nayakap ni Ian ang nagulat na si Rustom.
Ian : Thanks pare ha? {Mahigpit pa rin ang pagkakayakap}
Sa di kalayuan, nakatingin si Ursula kina Ian at Rustom. Ginugupitan na nito ang matandang dragon.
Ursula : Hmp.
Sa SUPER CLIMAX..
"I wanna take you away, let's escape into the music DJ let it play, i just can't refuse it, like the way you do this, keep on rocking to it, please don't stop the music"
Kasalukuyang may mga nagsasayaw. First night din ni Gee-Ann bilang serbidora.
Dumating si BJ. Agad naman syang inasikaso ni Hazel. Ipinuwesto sa VIP table na sadyang laan para sa Tatay Jay nya.
Hazel : Iinom ka na ba? Or wait mo pa tatay mo?
BJ : Wait ko na lang po sila.
Hazel : Ah iho, hindi naman sa gusto na kita painumin pero malelate ang tatay mo. May important client ito sa shop nya. Kung ordinary client yun eh iiwanan nya na. Baka mainip ka.
BJ : Ganun ho ba? Di bale na lang ho. Hihintayin ko na lang sila. Ahm tita, palagi ba sina Tatay dito?
Tuluyan na ring umupo si Hazel.
Hazel : Iho. Wag mong sasabìhin sa Tatay mo ha?Wag mong iisipin na sinisiraan ko sya sayo pero gabi gabi sya dito mula nung nalugi negosyo nya at nung nagkahiwalay na sila nung nanay mong heredera ng zoo.
BJ : Ganun po ba?
Hazel : Ahm iho, ako naman magtatanong kung okay lang sayo ha?
BJ : Ano po yun tita?
Hazel : Asan na nga pala nanay mo?
BJ : Nasa Baguio po. Dun sa zoo nila. Pero matagal na pong wala kaming kontak. Tinetext ko po pero di po sya nagrereply. Nung minsan ko pong tawagan eh unattended na.
Hazel : Ah ganun ba? Sige, iwanan muna kita ha? Papuntahin ko si Gee-Ann dito para may makausap ka.
Umaliwalas ang mukha ni BJ. Para syang batang nabigyan ng mentos candy. Maya maya ay dumating na si Gee-Ann.
Nakangiti ito. Iba na rin ang salamin nito. Maganda at seductive ang dating.
Gee-Ann : Ang aga mo ah? Wala na bang tao sa shop.
BJ : {Sa isip isip} Kitams, nadulas ka. Alam mo ang shop ko samantalang wala naman akong binabanggit sayo.
Gee-Ann : Kwinento ka na kasi sa akin ng tatay Jay mo.
BJ : {Sa isip isip} Ang galing mong magpalusot Angie ha? Pero sasakyan kita. Sa drama mo na ito man lang e maayos tayo. Hindi nagbabangayan.
Gee-Ann : Ang aga mo ata ah?
BJ : May surprise kasi ako sayo. {At inilabas ang isang maliit na sobre}
ANO ANG SORPRESA NI BJ PARA KAY GEE-ANN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 26, 2010, 06:50:46 PM
Asa first page nito yung gumanap na Dale ah?
"Enchong Dee" - as Dale
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 26, 2010, 07:33:35 PM
37
Gee-Ann : Talaga?? Ano yan??
Iwinawagayway ang sobre.
BJ : Nababasa mo ba yan? {Inilapit ang maliit na sobreng kulay puti sa mukha ni Gee-Ann para mabasa nito}
Binasa naman ni Gee-Ann.
Gee-Ann : Ti-cket-net. Ticketnet!
BJ : Tama!
Gee-Ann : O e ano naman yan?? {Nagtataka}
Inilabas ang laman ng sobre at iwinagayway sa harap ni Gee-Ann.
BJ : Dyaran! 2 lower box tickets para sa concert ni Angel Meow! Tig-isa tayo!
Gee-Ann : O e aanhin ko naman yan?!
BJ : Di ba gusto mo manood sa còncert ni Angel Meow?
Gee-Ann : Nagkakamali ka. Ni hindi ko nga kilala yang Angel Miyong na yan.
May dumating na kapwa serbidora.
"Excuse ho Sir BJ, pero pinapatawag sandali ni Madam Hazel si Gee-Ann"
BJ : No problem.
Tumayo si Gee-Ann. Umalis.
BJ : Nagpapakipot ka pa ha. In fairness, magaling umarte si Angie. Puwede na uli sya sumali sa Star Circle Questruck.
"Beep! Beep!"
-May nagtext.
Binasa ni BJ.
"BJ, pautang naman kahit 500. Gusto ko talaga manood sa concert ni Angel Meow."
Sender : Angie
BJ : Ang bilis naman magtext. Kaaalis lang sa harap ko, nakapagtext na agad.
Nireplyan.
"Bukas. Usap tayo sa shop. Meowt."
Sinend.
Message Sent.
Sa Pokia residence, nakauwi na sina Dale. Kasalukuyan namang tinatapos ni Tricia ang mga labahin.
Biglang may bumagsak sa harap nyang mga labahin.
PLOK!
Rustom : Ayan! Labhan mo lahat yan! Mga damit ko yan! Imported lahat yan!
Tricia : No problem! {At inisa isa ang mga damit. Nagulat ito sa isang maliit na tela} Sa yo to? {Itinaas ang kamay na hawak ang maliit na tela}
Ang tinutukoy ni Tricia ang isang kulay pulang T-Back na pambabae.
Namutla si Rustom. Agad inagaw ang T-back mula sa mga kamay ni Tricia.
Rustom : Hindi akin ito! Sa GF ko to!
Tricia : Kala ko wala kang GF?
Rustom : Ex GF, meron!
Tricia : Weeh?! Sabi mo kahapon, di ka pa nagka GF?
Rustom : {Mataas ang boses} Wag kang makulit! Baka nakakalimutan mong mutsatsa ka lang dito?!
Dumating ang Dale.
Dale : Nag-aaway kayo? What's goin on?
HALA KA RUSTOM! AT BAKIT MAY T-BACK KA NA PAMBABAE?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 27, 2010, 08:38:05 AM
38
Agad itinago ni Rustom ang T-back
Dale : Hey, what's goin on here? Nag -aaway ba kayo?
Tricia : Naku hindi Dale. MAy tinatanong lang sa akin si Rustom.
Dale : Akala ko naman nag-aaway na kayo. (Binalingan si Rustom at inakbayan) Ano masasabi mo sa GF ko Rustom?
Rustom : Ah eh... Ano nga ba? Maganda sya... Mabait... Masipag... Wala ako maipipintas... Ahm ano pa ba?
Hindi naman umiimik si Tricia. Ngayon nya lang naconclude ang isang bagay : Plastic si Rustom. Ipinagpatuloy nya lang ang paglalaba.
Dale : Mabuti naman kung ganun... Ahm, Pare, punta muna tayo sa kuwarto, may ipapakita ako sayo.
Namilog ang mata ni Rustom
Rustom : (At sa isip) Huwaw... ipapakita nya na... Sabi ko na nga ba, yun ang ibig sabihin ng pagsagi sagi nya sa tuhod ko kanina e...
Dale : Halika na...
Tumalikod na si Dale at sumunod na si Rustom.
Dale : Ah Tricia, sumunod ka rin dun ha? Iwanan mo muna yan. May ibibigay ako sayo.
Napasimangot si Rustom. Pagdating nila sa kuwarto, agad inilabas ni Dale ang "ipapakita" kay Rustom : Mga old pictures nila.Nawala ang sigla sa mukha ni Rustom.
Dale : O dyan ka lang muna ha? Magshashower lang ako. (Sabay hubad ng shorts sa harap ni Rustom at mabilis na nagtapi)
Nakatalikod si Dale kaya hindi nya nakita na titig na titig si Rustom sa Matambok nyang puwet. Pumasok na sa bathroon si Dale, na asa loob din ng room na iyon at naiwan si Rustom na hindi man lang magawang tingnan ang mga old pictures nila ni Dale. Maya maya ay narinig na niya ang lagaslas ng tubig galing sa bathroom. Tanda na naliligo na si Dale. Nakatawag ng pansin nya ang hinubad na shorts ni Dale. Agad nya itong dinampot at luminga linga sa paligid. Maya maya ay inamoy nang inamoy ang shorts at nagwika
Rustom : Ohhh Dale, ambango ng shorts mo... Paano mo kaya ako pakikitunguhan kapag nalaman mong mula pagkabata natin eh mahal na kita hindi bilang isang kapatid... Pinagnanasaan kita and at the same time ay mahal kita.
ANG LAHAT NG SINABI NI RUSTOM AY NARINIG NI TRICIA. GULAT NA GULAT ITO.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 27, 2010, 08:09:46 PM
39
Asa may pintuan si Tricia
Tricia : Si Rustom? Isang... Darna???
Noon naalala ni Tricia ang hostility sa kanya ni Rustom kapag silang dalawa lamang. At ang latest nga ay ang pagkakaroon ng T-Back na pambabae sa mga labahin nya. Mula sa pinto ay lumayo muna sya ng mga 2 metro at saka dahan dahan uling lumapit sa pinto habang kumakanta.
Tricia : This guy is inlove with you pare.. This guy is inlove with you pare.
Sa loob ng kuwarto ni Dale ay dinig na dinig ni Rustom ang papalapit na si Tricia.
"Ba.ding na ba.ding sayo"
Agad nyang binitawan ang shorts ni Dale. At kinuha ang remote control ng TV at agad binuksan ang TV. Eksakto namang nakalapit na uli si Tricia sa pinto.
Tricia : Papasok ha?Pinapapunta naman ako dito ni Dale eh.
Inasikan ni Rustom si Tricia.
Rustom : Ang kapal talaga ng mukha mo! Kala mo kalevel mo lang si Dale kung tawagin mo sya..
Tricia : Ay sorry naman ma'am este sir Rustom. Wait ko lang si sir Dale dito. May ibibigay raw sakin eh.
"Alam ko na ang sikreto mo, datu puti ang toyo mo"
-Patalastas sa TV.
Sa isip isip ni Rustom
Rustom : Bakit parang napakaconfident ng babaeng ito ngayon?
Sa SUPER CLIMAX, nagkakasayahan na sa VIP table para kay Jay. Panay ang banat ng jokes ng magninong na Ian at BJ na ikinatutuwa naman nina Hazel at Gee-Ann. Bukod tanging si Jay lang ang tahimik bagamat paminsan minsan eh nakikitawa ito.. Napansin yun ni BJ kaya agad nyang tinabihan ang ama.
BJ : Tay, may problema ka?
Jay : Wala 'nak.. Pagod lang ang tatay..
BJ : Kung gaano mo ako kakilala bilang anak mo 'tay, ganun din kita kakilala itay.. Namimis mo si nanay??
Natigilan si Jay. Medyo napasimangot si Hazel.
"Im sorry that I have hurt you.. As many things I wish never do"
-Ringing tone ni Jay. May tumatawag.
SINO ANG TUMATAWAG? NAMIMIS NGA KAYA NI JAY ANG INA NG MGA ANAK NYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 28, 2010, 10:26:34 AM
wahahahaha.. Ba.ding na ba.ding sayo.. Hakhak..
sin0 nga kaya yung tumatawag?..si maggie? O.. weee.. Baka si m0mmyness.. Hakhak.. Kilig..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 29, 2010, 12:50:34 PM
Dahil sa 24hours mahigit na ang lumipas mula nang mailock ang original thread nang wala man lang malinaw na dahilan, ipapagpatuloy natin dito ang kuwento ng laundrygirl.
Para sa mga first time lang na makakasaksi ng kuwento nito, asa baba ang unang 39 episodes para lubusan nyong maintindihan ang kuwento.
At para sa inyo na magsasara na naman nito, go ahead. Hindi ako magdadalawang isip na magtayo ng ikatlong sinehan kung kinakailangan.
Ang 40th episode, maya maya po lamang.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on June 29, 2010, 01:16:18 PM
Yees! Excited na ako..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 29, 2010, 01:23:59 PM
3rd Week
40
Maluha luha si Jay sapagkat hindi nito alam kung papaano sasang ayunan o papabulaanan ang sinabi ni BJ : Na namimiss nya na ang asawa. Tumayo ang ama at humakbang papalabas ng SUPER CLIMAX. Habang sige pa rin ang pagring ng kanyang CP.
"Ive found a reason for me
to change who I used to be
a reason to start over new
and the reason is you"
Ian : Pare, telepono mo. May tumatawag ata.
Hindi na narinig ni Jay ang sinabi ng kumpare. Nakalabas na ng club si Jay kasunod ang ama. Naputol ang tawag. After a minute...
"Ive found a reason for me
to change who I used to be
a reason to start over new
and the reason is you"
Ian : Nakupo! At tumatawag na naman.
Sumabat na si Hazel.
Hazel : Sagutin mo na muna kasi baka importante yan.
Ian : E eto na nga, sasagutin na.
Sinagot ni Ian ang tawag.
Ian : Hello?!
"Tay? Kaw ba yan?!"
Ian : Ay hindi. Kumpare nya Ian to. Lumabas sandali ang tatay mo. Kaw ba si Maggie?
Maggie : Oo. Paano nyo ho nalaman?
Ian : Naikuwento ka na kasi ng tatay mo. At nakita ko na rin mga pictures mo.. Intayin mo ba tatay mo?
Maggie : Never mind. I'll just call na lang after an hour. Bye.
SA IRAQ
Maggie : {Humiga sa kama. Asa dibdib ang fone} Goodness! Bakit parang affected ako nung kumpare ni Tatay? Ngayon ko lang to naramdaman.
Sa labas ng SUPER CLIMAX. Tapos nang mag usap ang mag ama.
Jay : Ayan sana napaliwanagan na kita. Anak, pag ikaw ay naging isang tatay na, huwag na huwag mo akong gagayahin. Kung ano mga panget na ginawa ko sa nanay nyo noon, huwag na huwag mòng gagawin sa magiging asawa mo.
Tumango lang si BJ. Maya maya ay nag aya na si Jay na bumalik sa loob. At habang papasok sila. May biglang lumapit sa kanila. Base sa kasuotan nito, mapapagtanto mong isa itong barangay tanod.
"Boss, regular customer ba kayo dyan sa club na yan?" Tanong nito kay Jay
Jay : Paano mo nalaman?
"Lagi ko kayong nakikita dyan gabi gabi. Ako nga pala si Al. Head ng barangay tanod dito"
Natawa si Jay. Tiningnan mula ulo hanggang paa. Nagtaka sya kumbakit imbes na batuta ang hawak nito ay floor mop at walis tambo ang hawak nito.
Jay : Sigurado ka, tanod ka? Eh sa ayos mong yan, mukha kang janitor eh.
Al : Yun na nga ho eh. Tamad yung mga kasamahan ko sa headquarters kaya ako na lang naglilinis nito. Isinawsaw ko lang sa may kanal tong mop kasi walang tulo sa headquarters. Naputulan kasi kami ng tubig. Hindi pa binabayaran ng barangay.
Jay : Naku dapat sinabi mo agad. Marami sa mga lalaki dyan {Tinuro ang club} ang may tulo.
Natawa si BJ sa narinig. Mukhang di naman nagets ni Al ang sinabi ni Jay.
Jay : {Sa isip isip} Mukhang kelangan nito ng iodized salt.
Sa POKIA residence, nakabihis na si Dale nang lumabas ng bathroom. Agad nitong inaya si Tricia sa study room.
Dale : Honey, tara sa study room at may ibibigay ako sayo.
Lalong napasimangot si Rustom.
ANO ANG IBIBIGAY NI DALE KAY TRICIA? BAKIT GANUN ANG NARAMDAMAN NI MAGGIE NANG MAKAUSAP ANG KUMPARENG IAN NG KANYANG TATAY? SINO NAMAN KAYA ITONG AL NA ITO NA MUKHANG KELANGAN NG IODIZED SALT AYON KAY JAY?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 29, 2010, 01:33:02 PM
Me ganun talagang epek epek?? Hmf.. Inis yung nararamdaman ni magz.. inis.. Hahaha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 29, 2010, 02:22:23 PM
41
Bago pumasok sa study room ang dalawa.
Dale : Tol, bahala ka muna dyan ha? May ibibigay lang ako kay Tricia. {Baling nito kay Rustom sabay kindat}
Rustom : Okay tol. {Pilit pinasasaya ang mukha}
Tumalikod na si Dale para buksan ang pinto ng study room. Lumingon si Tricia kay Rustom. Napatingin sa kanya ang lalaki. Inilabas ni Tricia ang dila. Parang ganito --> :P Dinampot ni Rustom ang isang photo album at iniaambang ibato kay Tricia. Napahagikhik na lang si Tricia.
"Tricia, antagal mo! Halika na at sabik na akong ibigay sayo to. Alam kong sabik at matagal mo na ring inaantay to"
-Boses ni Dale. Asa loob na pala ito ng study room.
Tricia : Oo andyan na.
Sabay lingon uli kay Rustom {na nòon ay di na maipinta ang mukha} At nag iwan uli si Tricia ng isa pang --> :P Sabay pasok sa study room at isinara ang pinto.
BLAG.
Rustom : Nakakainis! Grrr! Ano kaya yung ibibigay na kinasasabikan at matagal nang inaantay?
Ipinagpatuloy ni Rustom ang panonood bagamat walang rumerehistro sa pag iisip nya. Makalipas ang ilang sandali. Nainip ito. Lumapit sa pinto ng study room at idinikit ang tenga.
"Ang liit naman Dale"
-boses ni Tricia
Rustom : Ang liit ng ano? {Nanlalaki ang mata}
"Huwag mong maliitin to. Baka maadik ka dito"
-Dale
Rustom : Oh my God! Tama ba ang naiisip ko?
"Dale, nahihiya akong hawakan"
"Huwag ka nang mahiya. Akina yang kamay mo. Hawakan mo para masanay ka"
"Buksan mo muna kaya"
-Tricia
Rustom : Hindi maaari ito! Masyado nang sinusuwerte ang Tricia labandera na to!
"Ang tagal namang lumabas"
-Tricia
"Ganyan talaga pag bago, matagal lumabas"
Rustom : Ang alin ang matagal lumabas pag bagong ligo?
"Ayan Dale, lumabas din"
"Oh wag mo masyado paglaruan yan at baka talagang maadik ka at hanap hanapin mo na"
Rustom : Grabe! Ang dali namang lumabas nun!
Maya maya ay narinig na ni Rustom ang mga yabag papalapit sa pinto. Agad itong bumalik sa dating puwesto si Rustom. Naunang lumabas si Tricia na tuwang tuwa.
Tricia : Hi Rustom! Binigyan ako ni Dale ng isang bago at maliit na POKIA cellphone. Ang tagal lumabas nung start up logo niya kasi bago pa. Tapos nung lumabas na, ang sarap sarap nya paglaruan.
Hindi alam ni Rustom kung matutuwa o maiinis. Ramdam nya kasi na pasimple syang inaasar ni Tricia.
AYAN KASI. ANG DUMI NG ISIP MO RUSTOM BELLAKING!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 29, 2010, 02:53:45 PM
Recap tayo ng ating cast of characters :
Gelatociao - As Tricia. Labandera ng Pokia Family.
"Enchong Dee" - As Dale. Solo heredero ng POKIA CELLPHONES, INC.
"Bella Flores" - As Mrs Pokia, Biyuda at matapobreng nanay ni Dale.
Jannaerron - As BJ. Computer shop owner
Abegail09 - As Angie. May gusto kay Dale.
Abegail09 {??} - As Gee-Ann. Nagpapanggap na 2 ang katauhan nya? ??
Storm0523 - Adoptive sister ni BJ. Asa Iraq
Chrizhel02 - As Hazel. May ari ng SUPER CLIMAX club.
Iandgreat196 - As Ian. Ever loyal na kumpare ng tatay nina BJ at Maggie.
Helterbrand - As Jay. Ang tatay nina BJ at Maggie. Hiwalay sa asawa.
Arcangel - As Angel Meow. China's Singing sensation.
DarylJab94 - As Rustom. Kababata ni Dale na Taga Cebu.
at ang latest addition
angLumad - As Al. Barangay Tanod chief ng lugar na nakakasakop sa SUPER CLIMAX.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Arcangel on June 29, 2010, 03:01:10 PM
ayun malinaw na..
:-)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: ylreveb1227 on June 29, 2010, 03:11:01 PM
;D
Natutuwa n ko s mga kaganapan ha..
Mas lalo siguro pag nasama p ko s mga character,
hehe..
Joke lang,
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jerwin10 on June 29, 2010, 03:28:33 PM
SBNN (SAND BOX NEWS NGAYON)
Exclusive Interview:
Reporter: ano po masasabi nyo sa seryeng ito?
Direk Win: NAPAKAGANDA! kahit hindi ko ito naumpisahan, malalaman mo kaagad yung pinagmulan ng istorya. Yung mga role ng bawat artista is very challenging at sa palagay ko dapat makakuha sila ng award. Tsaka nga pala yung location sobrang high budget.
Reporter: baket nyo po nasabi na high budget?
Direk Win: kung napanood nyo ang episode kanina may shoot dun sa iraq at talagang masasabi natin na kaya ng pinoy makibagsabayan sa ibang bansa.
Reporter: last message nyo po sa cast at director nito?
Direk Win: uhhmm... Unang una dun sa mga artista sa serye, wala na akong mahihiling pa, isa na lang sana makakuha ang PILIPINAS ng international award at positibo ako na mangyayari yun.. At kay Direk Helt mabait na direktor yan, nung nagaaral pa kami nyan sa London para magaral ng film & directing, makikita mo sa kanya ang positive idea at laging fresh. Ipagpatuloy mo lang yan at alam kong isa kang mahusay na direktor. Keep it up!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 29, 2010, 03:39:22 PM
HAYUUUPPPP KA DIREK JER! HAHAHAHA!
Kung di mo iniwan ang "Silong" hindi lalabas to. Hahaha!
Andun sa baba yung 1st 39 episodes. Nilock kahapon. Wala man lang eksplanasyon.
Ano kayang role ang ibibigay ko sa yo? Hahaha.
Hui basahin mo yung orig thread nito. Hehe.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jerwin10 on June 29, 2010, 03:50:34 PM
@helt
Uu nga eh.. Nabilitaan ko nga na nalock.. May susi ka ba dyan para mabuksan naten.. Hehe.. Kapag may nababasa akong nalock thread naiimbeyrna lang ako..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: essai517 on June 29, 2010, 04:29:52 PM
Wuiii, lagi ko tong inaabangan...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 29, 2010, 04:48:30 PM
42
Nilapitan pa ni Tricia si Rustom. At ipinakita ang bagong POKIA phone nya.
Tricia : Para memorable ang unang pix dito, tayo muna ang magpapapix dito. HoneyDale, kuhanan mo nga kami sandali ng pix nitong friend natin {Idiniin ang salitang 'friend' sabay umakbay kay Rustom}
Game naman na kinuha ni Dale ang CP at kinuhanan ang dalawa.
Dale : Ayusin mo mukha mo Tol..
Tiningnan ni Tricia ang mukha ni Rustom. At nang mapansin nga na mukhang hindi okay,hinawakan ni Tricia ang baba nito at iniangat.
Tricia : Ang gloomy mo ngayon. Anong problema?
Inalis ni Rustom ang kamay ni Tricia.
Rustom : Inaantok na ako. {Tumayo at nagpalabas ng isang pekeng hikab}
Rustom : Goodnight sa inyong dalawa. {Inilapit ang mukha kay Tricia at nakipagbeso beso}
Nakipagbeso beso naman si Tricia pero pareho silang pasimpleng nakaismid.
Sa isip isip nila
Rustom : Yuck. Kadiring labandera
Tricia : Eww, bak.litang mapagpanggap.
Nagmartsa na palabas ng kuwarto si Rustom. Naiwan ang dalawa.
Tricia : O paano? Huhulug hulugan ko na lang to {Itinaas ang hawak na CP}
Dale : Ano ka ba? Im just kidding the last time around. Sige, bumalik ka na dun sa ginagawa mo. At nang makatapos ka na rin at makapagpahinga.
Tricia : Yes boss!
Lumabas na ng kuarto si Tricia at tuwang tuwang tiningnan ang fone.
"Nakaopen na GPRS nyan. Alam mo na, pag galing POKIA, di na kailangang iactivate ang GPRS. Puwede ka na rin magSB. Kinausap ko na may ari ng SB"
Narinig pa nyang pahabol ni Dale.
Tricia : Yesss! Tuloy na tuloy pa rin ang Hotseat quest ko!
E PAANO KUNG TATAPUSIN NA ANG HOTSEAT AT DI KA PA RIN NAHAHOTSEAT?
PAANO NGA BA? {IBOTO NYO NA KASI!}
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Kidlat10176 on June 29, 2010, 11:26:34 PM
Inaabangan ko yung next episode, kaya pala di na lumabas sa unread replies kasi may bago.
SB Cinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada" ::: FIRST TO 39 Episodes, click here!!
http://yrforum.mysandbox.com/index.php?topic=7923.0
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: abegail09 on June 30, 2010, 12:06:50 AM
the best ,! two thumbs up!haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 30, 2010, 05:03:04 AM
43
Tuwang tuwa si Tricia. Agad syang naglog in sa SB.
Tricia : Kelangang magparamdam na ako sa SB. Pucha. 21 weeks na, di pa rin ako nahahotseat.
Naglalakad na sya sa hallway nang biglang may kamay na bigla na lamang pumigil sa kanya.
"Mag-usap nga tayo mutsatsa!"
Napatingin sya sa taong nagmamay ari ng boses at sa kamay na mahigpit na nakahawak sa mga braso nya. Si Rustom.
Tricia : Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!
Binitawan naman ni Rustom.
Tricia : Ano bang problema mo ha?!
Rustom : Ikaw ang problema ko! {Asik nya sabay duro kay Tricia} Akala ko nagkakaintindihan tayo?! Bakit kung makaasta ka e akala mo magkalevel tayo?
Tricia : Nagpapakatotoo lang ako! {Palaban din} At kung plinastic man kita kanina sa harap ni HoneyDale {Idiniin ang salitang HoneyDale}, yun ay dahil tinuruan mo ako maging plastic towards you!
Rustom : Aba't lumalaban ka na ngayon ha? Hindi ba malinaw sayo yung sinabi ko na hindi kita gusto! Hindi kita gusto para sa pamilyang ito!
Tricia : {Ngumiti nang sarkastiko} I don't care! Hindi rin kita gusto! In the first place, hindi kayo ang magdedesisyon ng kung sinong dapat mahalin ni Dale at hindi. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ng isang kaibigan na kagaya mo si Dale.
Rustom : Ang tapang mo ha?? Ano ba ipinagmamalaki mo? Yang pagiging labandera mo? Yang mga Ariel at Zonrox at Downy mo?
Tricia : Oo! Dahil sa mga yan e napapagaan ang trabaho ko! At hindi lang yan, ipinagmamalaki ko ang pagmamahal sa akin ni Dale.
Rustom : Ah ganun? {Ngumisi} Tingnan natin kung maipagmamalaki mo pa yang pagmamahal na yan bukas! Wait and see and suffer kapag sinabi ko kay Tita Pokia lahat ng alam ko tungkol sa inyong dalawa ni Dale!
Hindi man lang natinag si Tricia.
Tricia : Go ahead! Anong oras mo balak magsabi kay Madam? Kasi, sasabayan ko din ng pagsasabi kay HoneyDale kung anong klaseng dugo meron ang kanyang kababata! Dugo ng kabaklaan!
NAMUTLA SI RUSTOM. MAY PANLABAN NA SI TRICIA.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 30, 2010, 06:51:18 AM
44
Agad namang nakabawi sa pagkabigla si Rustom.
Rustom : Ako? Bakla? Nagpapatawa ka! Haha. {Pilit ang tawa}
Hindi rin natinag si Tricia.
Tricia : Huh? Nice try Rustica!! So paano mo ipaliliwanag ang nakita kong pambabaeng T-Back sa mga labahin? At eto pa.. Mabango ba talaga yung bagong hubad na shorts ni HoneyDale kanina?
Lalo nang namutla at hindi nakaimik si Rustom.
Tricia : Oh ano?! Hindi ka makaimik ngayon? Oh nag-iisip ka pa ng bagong palusot? You can fool them but not me..
Wala pa ring imik si Rustom.
Tricia : Kung wala ka nang sasabihin, itutuloy ko na ang paglalaba ko. {Sabay talikod at tinungo na ang laundry area}
Naiwan si Rustom na parang kandilang itinulos sa pagkakatayo. Narinig pa nya ang sinabi ni Tricia.
"Huwag ka nang mahiya. Ipalaba mo na sa akin ang T-Back mo"
Rustom : Yawa! Bakit kasi napakacareless ko! Yawa talaga! Naku Tricia! Sarap mo kulatahon!
Kinaumagahan, sa BJ Computer Shop. Tuwang tuwa ang may ari nito sapagkat occupied lahat ng units maliban sa 69 na sadyang inirereserba nya kay Angie. Maya maya ay dumating si Angie. Dumiretso ito sa counter kung saan ay naroroon si BJ na kasalukuyang nag e SB. Nang maramdaman ni BJ na may tao sa harap nya ay agad syang nag angat ng ulo. Nakita nya ang maamong mukha ni Angie na malayong malayo sa nakasanayan nyang mataray at aburido.
BJ : {Sa isip isip} Talagang bistado na kita. Ang bait mo ngayon sa akin.
Angie : Hi BJ! Di na ako magpapaligoy ligoy pa!
BJ : Oo, nakareserba na yung 69.
Angie : Hindi ito tungkol sa 69, BJ. In fact, medyo nagsasawa na ako sa kaka 69. Tungkol ito dun sa tinext ko sayo kagabi. Mapapautang mo ba ako?
BJ : Ah dahil gusto mong makakuha ng ticket sa concert ni Angel Meow?
Angie : Ganun na nga. Ano? Mapapautang mo ba ako?
Hindi umimik si BJ. Dinukot ang wallet.
Sa isip isip ni Angie "See? Andali nya hingan ng pabor. Andali nya utuin. Palibhasa, may gusto sya sa akin"
Manaka nakay nakikisilip din si Angie sa wallet ni BJ. At muling naisip : Ngee! Bakit 20pesos lang laman ng wallet nya?
BJ : Dyaran!! {Hawak ang sobreng may tatak na "TICKETNET"} Hindi kita pahihiramin ng pera pero ibibigay ko sayo tong 2 lower box tickets para sa concert ni Angel Meow.. Hehe.. Meowt! Meowt!
Namilog ang mga mata ni Angie. Agad nya itong inagaw mula sa mga kamay ni BJ.
Angie : Naku salamat BJ! {Inamoy amoy pa ang sobre} Bye! {Tumalikod at tinungo ang pinto}
BJ : Oh san ka pupunta?
Lumingon si Angie.
Angie : Kina Dale. Dalawa to di ba? Ibibigay ko sa kanya ang isang ticket.
Nawala ang sigla sa mukha ni BJ. Sa muling pagharap ni Angie sa pinto ay may nakabangga ito. Dahilan upang ma out of balance sya. Plakda ito sa sahig.
Angie : Namputsa naman oh..
Si Jay ang nakabangga nya. Agad namang tinulungan ni Jay si Angie.
Jay : Here {Iniabot ang isang palad}
Angie : No! Never mind! I can manage! {Iniangat ang mukha}
Nagulat si Jay.
Jay : Gee-Ann??
ANO BA TALAGA? ANGIE? O GEE-ANN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on June 30, 2010, 09:50:26 AM
Di na ako makapaghintay sa susunod na mga mangyayari.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on June 30, 2010, 12:40:00 PM
tapos na horoscope! akyat kang SPAMsilog! haha. xD
*teknik para mapunta sa Unread Replies*
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Kidlat10176 on June 30, 2010, 12:49:33 PM
SB Cinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada" ::: FIRST TO 39 Episodes, click here!!
http://yrforum.mysandbox.com/index.php?topic=7923.0
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on June 30, 2010, 01:15:00 PM
45
Nagulat si Jay. Dahil alam nya, asa SUPER CLIMAX si Gee-Ann at kasalukuyan pang tulog. Lalo syang nagulat nang makita ang seksing attire ni Angie na nakatube at short shorts tapos may hikaw na halos mapapagkamalan mo nang hula hoops.
Jay : Gee-Ann? Anong ginagawa mo dito? Akala ko hindi ka marunong magcomputer. At saka, ang aga mo yatang nagigising..?
Angie : Hello?! Hindi ho Gee-Ann ang pangalan ko. Im Angie. Tabi nga ho kayo sa daraanan ko. At nagmamadali ako.
Tumabi naman si Jay. Hinayaan nyang makalabas si Gee-Ann. Takang taka pa rin siya. Lumapit si Jay sa kinaroroonan ng anak.
BJ : Alam ko tay, kagaya ko, nagtataka rin kayo.
Agad namang ikinuwento ni BJ kung sino talaga si Angie. At ipinaalam nya rin ang kanyang hinala na ang Gee-Ann na namamasukan bilang serbidora sa SUPER CLIMAX at ang Angie na kalalabas lang ay iisa. Agad namang naunawaan ni Jay ang lahat.
Jay : So ang ibig mòng sabihin, kaya ginagawa ni Angie na magpanggap na ibang tao sa pamamagitan ni Gee-Ann ay upang makapagbayad sya ng utang nya sa yo?
BJ : Ganun na nga itay. Pero hindi lang yan. Nagpapanggap syang iba para kahit papaano ay maipadama nya rin sa akin ang tunay nyang nararamdaman.
Napatango tango na lang si Jay. Napagkasunduan ng mag-ama na sakyan na lang muna ang "drama" ni Angie/Gee-Ann. May napansin si BJ.
BJ : Mukhang wala kayong anino ngayon ah?
Jay : Ah ang ninong Ian mo? Wala. Hindi nakasama sa akin at finollow up yung application nya dun sa agency.
BJ : Ah mag aabroad din siya? Saan ho?
Jay : Sa Iraq.
Samantala, hindi na inabutan ni Angie si Dale. Si Tricia ang inabutan nya na nagdidilig ng bermuda grass. Nanlaki ang mata nya at hindi makapaniwala si Angie sa nakita.
BAKIT KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on June 30, 2010, 01:20:51 PM
Denied! Denied! Denied! Ang visa nyan.. Denied!!!
uuwi na si maggie!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on June 30, 2010, 01:21:00 PM
Yehey, my karugtong na!
Sana gawing book ito para di na mahirap magbasa! sobrang nakakaaLiw..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: gelatociao on June 30, 2010, 04:36:57 PM
ANNOUNCEMENT!
Habang nago-google ako ng "ohmyenchong" ay lumabas ito. How dare you butler! Bakit mo ako ipinangalan sa IMPAKTA?!
:@
Oh well, balik research.
:3
xoxo,
gelato<3
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 01, 2010, 04:59:56 AM
Ayun oh.. Lumabas na ang bida.. Hehehe..
Originally, Angie dapat pangalan mo.. As in Tita A.. Tita Angge a.k.a. Cornelia.. Hahaha! Then I remember, you hate TRICIA of PBB Teen CLASH.. Kaya yun na ang ipinangalan ko sa yo.. Hahaha!
* * * * * * * * * * * *
Puwede na bomoto para sa Phase 2.
PM or Text me
"LHYN Vs GELATO Vs ABE Vs MENTOS"
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 01, 2010, 05:53:52 AM
46
Hindi makapaniwala si Angie sa nakita. Si Tricia, nagdidilig ng bermuda grass na ang tanging suot ay two-piece bikini lang. Pakanta kanta pa ito..
"Mahal kita, basta't mahal kita.. Iniisip nila ay hindi mahalaga.. Mahal kita maging sino ka man"
Sa isip isip ni Angie
Angie : Hanep! Ang ganda pala ng katawan ni Tricia.. Tsk tsk..{Nagdoorbell para makuha ang atensyon ni Tricia}
Dan...
Tes!
Dan...
Tes!
{Tunog ng doorbell}
Lumingon si Tricia at nakita si Angie.
Tricia : Oh hi Angie! Wait lang. {Lumapit at dala dala pa rin ang hose..}
Tricia : Ano'ng maipaglilingkod ko sa yo?
Angie : Bakit ganyan ang ayos mo?
Tricia : Ang init kasi. Kaya naisipan kong magsuot nito. Ang dami ko kayang mga swimsuits courtesy of CATALINA SWIMWEAR.. Mga nakuha ko sa mga beauty contests na sinalihan ko..
Angie : You mean, parati kang best in swimsuit?
Tricia : Hindi naman. Puro Miss Congeniality lang nakukuha ko.
Angie : Eh pano ka nagkakaswimsuit ng ganyan?Bigatin ang CATALINA SWIMWEAR ha?
Tricia : Eh kasi yung mga kapwa ko mahal ko na mga contestants, naaawa sa akin kasi beterana na raw ako sa mga beauty contests pero nì hindi man lang ako mapasok kahit sa semis. Kaya ayun, ibinibigay nila sa akin mga swimsuits nila. You like?
Angie : No thanks. Hindi ka ba nahahalayan sa ayos mo?
Tricia : Sus hindi noh.. Ginawa na rin to ni Angelica Panganiban sa soap nila. Yung Maging Sino ka man.. {Tuloy ang pagdidilig habang kausap si Angie}
Angie : Ay oo nga! Napanood ko din yun! Pero, subukan mo kayang tumingin sa bakod nyo.. Andami nang nagpipiyesta sayo..
Tricia : Asan? {Pumihit hawak pa rin ang hose kaya ang tubig na nanggagaling dito e pumatak sa mga nagpipiyesta sa panonood}
May tindero ng taho
estudyanteng papasok pa sa school
lalaking mukhang goon na may hangover pa
At marami pang iba
Nagtakbuhan papalayo ang mga ito nang mabasa sila.
"Pambihira naman!"
"Ang ganda ng katawan!"
"Katawan lang!"
Narinig pa nyang sinabi ng mga ito.
Tricia : Mga bastos! Kahit ano pang sabihin nyo! Hindi nyo ko matitikman! Belated San Juan basaan sa inyo! {Pinatay ang gripo}
Tricia : Ano nga palang sadya mo Angie?
Hindi na nasabi ni Angie ang balak na pagbibigay ng Ticket kay Dale. Naisip nyang dapat si Dale mismo ang makaharap nya.
Angie : Andyan ba si Dale?
Tricia : Wala. Nakapasok na sila.
Angie : Sige, babalik na lang ako.
Lumabas ng bakuran si Angie. Pumara ng tricycle. Pumasok. May isang babaeng pasahero. Tumabi sya. Paminsan minsan eh nagtitinginan sila sa salamin ng tricycle sa harapan nila.
Maya maya ay pareho silang nagulat. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila sa salamin.
BAKIT KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on July 01, 2010, 06:26:40 AM
Alam ko yan! Gudmrning... C GE-ANN nkasakay nya.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Kidlat10176 on July 03, 2010, 06:51:22 PM
Good morning too Chriz at sa lahat!
Yes, magkikita na sila.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on July 03, 2010, 06:59:33 PM
*kumikinang mata*
oo nga! oo nga! :D
kid, hapon palang ah? Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Kidlat10176 on July 05, 2010, 11:01:29 AM
Thanks aL!
Then kung kaya pa ng powers mo. E-merged mo yung next episodes nito. Nasa HB Cinema yun nakalagay.
SB Cinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada" ::: FIRST TO 39 Episodes, click here!!
http://yrforum.mysandbox.com/index.php?topic=7923.0
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: poach3r27 on July 05, 2010, 11:06:32 AM
(_~~)
bukas na,...ummm..nice,. :)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on July 05, 2010, 11:10:19 AM
granted.. sa wakas! ;]
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on July 05, 2010, 11:18:08 AM
sana inexplain para nalaman agad.. e bat daw kaya sinara nung 'hindi sya'?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: poach3r27 on July 05, 2010, 11:20:44 AM
(_~~)
pa ispam..napagbintangan lang siya ganun..? eh alam ko kahit mods at admin, may kanya-kanyang account..i mean may sarili silang user name and password..soo..panu yun?
hi kid and candy.. :)
Title: line to neverland
Post by: mentoscandy on July 05, 2010, 11:27:33 AM
baka mga kasapi ng salisi gang!
haha. pero onga?
uy nakamerge na! Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: angLumad on July 05, 2010, 11:29:05 AM
Waw, hindi ako alam na tampulan pala ako ng chismis nitong mga nakaraang araw. Sayang, hindi ko nabasa 'yun mga posts na 'yun. Hmmm...
Anyways, pasensiya na pagpapabaya, ngayon lang ako nakapag online kaya ngayon ko lang siya na-open.
Paalala lang, 'yung spam posts pakilipat sa SPAMsilog. Doon niyo nalang ituloy ang chikahan tungkol sa akin.
SBCP related things lang po ang pwede i-post dito, by that, I meant the story, so chismis is out.
I'll delete your posts if I deem them as spam. I'll lock this is you filled it with unrelated spam.
So move. Move. Move! Thanks.
PS @Kid: Actually, I didn't read your message because it was to long. Tinamad ako. Lol.
Tsaka para iwas inis narin. Masisira lang araw ko, natin, pag nagkataon. Hahah. Thanks.
PPS @Kid: Sorry for making you cry. :^P
@Poach: Sa totoo lang walang gusto mag mod dito. Ako lang kaya hindi na ni-log out account ko. Lol. I'm also online at home. This doesn't make sense. Hmmm.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: poach3r27 on July 05, 2010, 11:30:00 AM
(_~~)
aww..ok, sorry.. :)
Title: line to neverland
Post by: mentoscandy on July 05, 2010, 11:43:21 AM
ok.. kaso sana lang maituloy pa to.. anyways, pa delete nalang po. thanks. :]
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 06, 2010, 05:36:32 AM
{4th Week}
47
"Eeeeeeeeeeeeeeehhhh!"
Pagkatapos nang tila walang hanggan na pagtili ng dalawa ay naputol ito at an instant. Pagkuway nagtalikuran sila. Habang tumatakbo ang sasakyan,manaka naka ay palingon lingon ang isa sa katabi. Ganun din ang isa. Kapag inaakala nito na hindi nakatingin ang isa, patingin tingin din ito.
Ang nakasakay ni Angie sa tricycle ay walang iba kundi ang babaeng inaakala ng karamihan na si Angie. Walang iba kundi si Mentoscandy este Gee-Ann
(Tadan!! Ang latest addition sa cast: Mentoscandy as Gee-Ann. Tama si Chrizhel sa hula nya sa last episode na si Gee-Ann ang kasakay ni Angie. Kaya ikaw Chrizhel, ay nanalo ng libreng make-up sa FUNERARIA HELTERBRAND)
Taka naman ang driver ng tricycle dahil sa biglang pananahimik ng dalawang babae. Ang driver ay walang iba kundi ang head ng barangay tanod na si Al.
Al : Ano kayang nangyari sa dalawang girl na ito? Nagsigawan tapos biglang nanahimik? Oh well, mga babae talaga..
Sa loob naman
Biglang sumingit si Gee-Ann
Gee-Ann : Mamang driver! Para! Dyan na lang ako sa tapat ng SUPER CLIMAX!
Agad namang tumigil sa tapat ng club ang tricycle. Dali-daling nag-abot ng pamasahe si Gee-Ann at dali daling umibis ng sasakyan at walang lingon lingon na tinungo ang pinto ng club sabay tumingin ng isa pa sa tricycle kung saan nakatingin din sa kanya si Angie. At nang magtama ang kanilang paningin ay agad ding nagbawi ng kanilang paningin ang dalawa. Pumasok na sa loob ng club si Gee-Ann at umalis na rin ang tricycle.
Sa loob ng tricycle.
Angie : May kakambal ba ako? Bakit may kamukha ako na bagamat manang na manang ang itsura eh di maikakailang talagang para kaming pinagbiyak na bunga?? Tsk tsk.. Eto ang kailangan kong alamin sa itay..
Sa loob ng SUPER CLIMAX, nag-iisip din si Gee-Ann.
Gee-Ann : Kakambal ko ba yun? Sa kabila ng pananamit nya na halos kita na ang kaluluwa at lamang loob eh hindi maitatangging para kaming yung mga bida sa "The Parents Trap". Kailangan kong ipaalam ito sa inay.. Baka sya ang makakasagot nito.
Sa Pokia residence, nakatapos na ng kanyang mga gawain si Tricia. Nakadamit na to ng pambahay at inihilata ang katawan sa napakalaking sofa sa sala. Sa isang maliit na mesa na katerno ng sofa, nakapatong dun ang isang basong may lamang fresh orange juice at isang platito ng baked macaroni. Nakadapa sya na nakataas ang magkasalikop na paa. Sa harap nya ay ang magazine na U.T.O.T. MAGAZINE. Kung saan asa cover ang China's singing sensation na si Angel Meow.
Tricia : Guwapo pala talaga to si Angel Meow.. Despite his age.. No wonder dami nagkakagusto sa kanya.. Including my dragon employer..
(U.T.O.T. MAGAZINE, An U.T.O.T. CHANNEL 3 OFFICIAL NEWS MAGAZINE)
U.T.O.T. CHANNEL 3
U- Ur
T - TV
O - Our
T - TV
Tricia : Guest pala sya ngayon sa SHOWKIETIME. Hmmm.. Magpeperform pala sya sa MAGPASUKAT segment..
Agad nyang ini-on sa pamamagitan ng remote control ang isang giant LCD TV sa harap nya at agad tumambad sa screen ang mukha ni Angel Meow na kasalukuyan nang nagpapasukat sa MAGPASUKAT segment ng SHOWKIETIME.
At biglang dumating si Mrs Pokia... Hindi makapaniwala sa nakita nito na ayus ni Tricia na para bang sya ang may ari ng bahay.
HALA KA TRICIA!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: 07mEkisses11 on July 06, 2010, 06:12:51 AM
1 post lng...
Ang saya!very nice,magandang panimula ng araw=)
Title: line to neverland
Post by: mentoscandy on July 06, 2010, 06:19:58 AM
goooood mooorniiinng!
haha. onga! saya saya,
tinuloy na ni sir helt! Ü
ang ganda naman nung bagong addition.. tahaha! ;D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 06, 2010, 07:39:30 AM
Ito nagpaganda ng araw ko.. Buti nalang mer0n na t0h..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 06, 2010, 07:50:18 AM
48
Hindi makapaniwala si Mrs Pokia. Tinalo pa sya ni Tricia sa postura nito...
Napansin ni Tricia ang employer. Di man lang ito nagulat.
Tricia : Oh you're here, Madam. Come! Come! {Iminuwestra pa nito ang mga kamay} Oh come and join me here.. Don't be shy. {Ang tono ay parang kumakausap lang sa puppy ni lhynpisces}
Hindi na nakapagpigil si Mrs Pokia.. Sinugod na nito si Tricia
Mrs Pokia : Walanghiya ka talagang babae ka!!!
Agad namang iniharang ni Tricia ang mga kamay sa paraang "Macarena" step.
Tricia : Ah-uh.. Not now Madam.. {Buong buo ang confident}
Tumigil naman sa pagsugod si Madam pero bakas pa rin sa mukha ang galit.
Mrs Pokia : Ano na naman ang ipagmamalaki mo? Na only Belo touches your skin?? Sa gagawin ko sayo ngayon, hindi si Belo ang kakailanganin mo kundi ang Funeraria Helterbrand!!
Tricia : {Relaxed pa rin} Easy ka lang Madam.. Huwag mòng gayahin ang Famous Mood Swing ng ka-SB kong si Butler. {Itinuro ang LCD TV} Look oh? He's handsome.. Mas handsome pa dun sa nasirang Mr nyo na si Sir Fidel.
Ibinaling ni Madam ang paningin sa LCD TV kung saan nagpapasukat na thru kanta si Angel Meow sa MAGPASUKAT segment ng SHOWKIETIME.
Agad namang lumambot si Madam. Napalapit ito at napaluhod sa screen ng TV at pinupog ng halik ang screen.
Mrs Pokia : Oh Angel ng buhay ko!!!
Tricia : Naku Madam, masama yang masyadong malapit sa screen ng TV.
Sumagot si Madam habang nakaharap pa rin sa screen.
Mrs Pokia : Naku, matagal ko nang narinig yan sa mga ninuno ko na kesyo masisira raw ang mata kapag malapit sa TV.
Tricia : Ay Madam, tama ka dyan. Hindi totoo yun.
Napalingon si Madam at nagtanong nang pabulyaw.
Mrs Pokia : At bakit mo nasabi ngarud na masama ang malapit sa TV ha??
Tricia : Kasi hindi ko makita! Nakaharang ho kayo dyan Madam.. Halika rito sa tabi ko! {Sabay lagok sa fresh orange juice hanggang masaid ang laman nito}
Natigilan si Madam. Talagang sinugod na si Tricia pero napigilan nya ito
Tricia : Uh- oh, Madam, bumibirit na si Angel Meow ng chinese version ng "To all the girls, Ive loved before"!
Napatigil si Madam at napalingon sa TV.. Lalo itong lumambot..
Tricia : Tumabi na ho kasi kayo sa akin.
Wala sa loob na tumabi ang matandang dragon sa katulong. Habang nanood, sinasabayan pa ito ni Madam na akala mo eh alam ang lyrics. Bagamat asa tono naman sya..
Sa BJ Computer Shop, pinapanood ng may ari nito ang SHOWKIETIME habang nag e SB. Malungkot ito dahil sa pagpili ni Angie kay Dale na makakasama nito sa concert ni Angel Meow.. Nakadagdag pa sa kalungkutan at pagkainis nito ang munti at maikling ugnayan ng isang taga MG at taga Forums.
BJ : Meowt! Kailangan nya pa ba itanòng yun sa Hotseat ko? Eh puwede nya namang replyan yung text ko.
{Voice over : Eh bakit ikaw? Nagrereply ka rin ba sa mga texts nya?}
Naputol ang gloominess ni BJ ng isang boses ng babae.
"Kumusta ka na, 'Nak?"
EHEM EHEM EHEM!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 06, 2010, 08:09:19 AM
wo0oh! W0oh! W0o0oh!
l0ve it..
"korek! Taas ng level n0h?"--Rubi
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 06, 2010, 08:50:32 AM
49
Napalingon si BJ sa pinanggalingan ng boses. At nakita nya roon ang magandang nanay Selya nya.. Agad nya itong sinalubong ng isang mahigpit na yakap. Gumanti naman ang nanay Selya nya ng isa ring mahigpit na yakap.
BJ : Nay, bakit ngayon ka lang dumalaw?? Alam mong miss na miss na miss kita? (Voiceover: Ako rin)
Kumalas sa pagkakayakap si Selya. Tumingin sa anak na maluha luha.
Selya : Ang baby ko? Umiiyak pa rin? (Voiceover : Paano? Sinanay mo kasi. Ayan, para tuloy lampa)
BJ : (Titingin sa camera) Hoy Voiceover! Tumigil ka nga! Nag uumpisa ka na naman ng away!
(Voiceover : *mouth zipped*)
BJ : (Titingin sa inang halos kasing tangkad lang nya) 'Nay, kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?
Tuluyan nang kumalas sa pagkakayakap ang isa't isa
Selya : Nak, been very busy kasi sa Zoo natin sa Baguio. Wag kang mag alala. Sa inyo ding dalawa ng Ate Maggie mo mapupunta yun balang araw..
Saka lang napansin ni BJ na may isang lalaki sa likuran ng nanay nya.
BJ : Sino siya 'nay? Kasama mo ba sya??
Selya : Oh my.. Nalimutan ko nga palang ipakilala sayo.. Nak, may I present to you, si Ivo.. Ivo, eto naman ang anak ko, si BJ.
Nagtanguan ang dalawang lalaki..
Ivo : Pogi pala ang anak mo Sel..
Selya : Syempre.. Galing saken eh.
(Voiceover : Weeh? *mouth zipped*)
BJ : Ang pogi rin ng kasama nyo 'Nay.. BF nyo po?
Medyo namula si Ivo.
Selya : No anak, he's just a good friend.. Kaw nak ha? You're reminding me of your tatay.. Masyadong malisyoso.
(Voiceover : Hindi naman... Hindi naman masyado)
BJ : So bakit po pala kayo napadpad dito?
Selya : May operation bakuna kasi kami.. Nagvolunteer ako kahit medyo busy sa zoo.. You know, panata ko na ang love for the animals.. Kaya ayun.. Ang Tito Ivo mo naman eh isang environmentalist kaya in a way, medyo connected yung mga interests namin..
BJ : Ah ganun po ba? Sige 'Nay, tuloy na po kayo sa kitchen.. Bibili lang po ako ng makakain sa labas..
Selya : Ah sige.. ang sweet talaga ng baby ko
(Voiceover : Oh bakit di mo dinugtungan uli ng : "You remind me of your tatay"?)
Binalingan ni Selya si Ivo. Inaya na ito sa kitchen at lumabas na rin si BJ para maghanap ng pagkain. Di nya tuloy napansin ang pagdating naman ng Tatay Jay nya.
Samantala, sa POKIA residence. Nanonood pa rin ang mag amo.
Tricia : Ah Madam, ikuha mo nga ako sandali ng orange juice at baked macaroni.
Magagalit na naman sana ang matanda pero agad syang napigilan ni Tricia.
Tricia : Madam, wag ka nang umangal.. I know parang may mali pero patalastas pa naman.. Inaabangan ko yung promo ng SHOWKIETIME. Mananalo ng tickets sa concert ni Angel Meow.. At pag nanalo ako, sa yo ko ibibigay yun. Ang saya di ba?
Biglang sumaya ang matandang dragon.
Mrs Pokia : Ah talaga..? Sige sige gusto ko yan.. {Tumayo na to at kinuha ang mga baso at platitong wala nang laman at diretso sa kusina}
Nagpahabol pa si Tricia
Tricia : Samahan mo na rin Madam ng Boy Bawang.. Tsaka sukang may sili..
"Masusunod!"
Sagot naman ng matandang dragon.
Samantala, nakapasok na sa loob ng computer shop ni BJ si Jay.
- - Itutuloy (After one year) - -
Title: line to neverland
Post by: mentoscandy on July 06, 2010, 09:24:25 AM
E X C I T I N G ! :D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 06, 2010, 09:30:04 AM
Naman!! Nambibitin!
after one year ka jan.. Hmf!!
yung kasun0d.. Ngiting ngiti ako dito habang nagbabyahe.. Haha.. Ang saya!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 06, 2010, 10:26:54 AM
50
Sa kitchen naman ng computer shop..
Selya : Iwan muna kita dito ha? Silip lang ako sa kuwarto ni BJ. Kaw muna bahala sa sarili mo ha?
Ivo : Don't mind me.. {Nakangiti}
Selya : Naku, pasensya ka na sa lugar na to.. Solo flight kasi si BJ kaya ayan, medyo jurassic tong lugar nya. {Tuluyan nang iniwan si Ivo}
Pinasadahan muna ng tingin ni Selya ang mga customer..
Selya : Hmm, maraming customer..
Napadako ang tingin nya sa lalaking nakatayo sa may pinto. May kausap ito sa CP nya. Nakatalikod. Samantala, sa kinatatayuan ni Jay, kausap nya ang kumpareng Ian nya sa CP.
Jay : Congrats kung ganun! Magpainom ka mamaya!
"Oo pare!"
Jay : O sya, sige, maya na lang tayo mag usap. Sayang ang load mo. Utang pa naman yan.
Inoff na ni Jay ang fone at humarap na sa loob kung saan nahagip ng paningin nya ang babaeng pumasok sa kuwarto ng anak..
Samantala nakapasok na sa kuwarto si Selya. Pinasadahan nya ng tingin ang kuwarto ng anak.. Andun ang laptop ng anak na kanyang iniregalo nung grumaduate ito ng salutatorian nung high school. Naalala pa nya na dapat valedictorian ang anak nya pero ang mahigpit na katunggali ng anak nya na naging valedictorian ay anak ng principal ng SandBox High kung san grumaduate si BJ. Napangiti si Selya sa naisip. Naaalala nya kasi ang sarili nya sa anak pagdating sa academics.
Mabilis ding nawala ang ngiti nya nang makita ang isang kuatro kantos na kulang sa kalahati ang laman. Naalala nya naman ngayon ang asawa nya sa nakita.
Selya : Hmp.. Ang daming puwedeng manahin ng anak ko sa ama nya, yung alak pa!
(Voiceover : Bakit? May ibubuga naman ang ama nya sa academics ah?)
Selya : Oo nga at magaling din sa academics ang ama ni BJ, lasenggo naman nun.. Kaya di nakatapos on time. Hmp.
(Voiceover: Change topic)
Itinuloy na ni Selya ang pag aayos sa kuwarto ng anak. Samantala sa labas, puzzled si Jay sa nakitang babaeng pumasok sa kuwarto ni BJ kaya nang mapadaan sya sa tapat ng pinto, idinikit ang tenga sa pinto. Wala syang narinig kaya nagkibit balikat na lang ito.
Jay : Lalaki ang anak ko.. Kaya natural lang na may babae eto.. Ayoko makialam sa personal nyang affair..
Dumiretso ito sa kitchen kung saan inabutan nya na nagyoyosi si Ivo {na ginagampanan ni Poach3r27}. Napadukot si Jay sa bulsa..
Jay : Nakow, wala na pala akong yosi {napatingin ito sa sigarilyo sa harap ni Ivo} Pare, puwede pahingi ng sang stick?
Ivo : Oh sure. {Inabot ang kaha}
Kinuha ni Jay ang kaha. Kumuha ng isa at ibinalik sa lamesa. Nakisindi ito kay Ivo. Nagpuff at nagpasalamat.
Jay : Pare, salamat ha?
Ivo : No problem pare..
Tinapik ni Jay ang balikat ni Ivo. Deretso pasok sa CR si Jay. Sa isip isip nila.
BJ & Ivo : Customer siguro.
Saka naman lumabas si Selya ng kuwarto at dumiretso ito sa kitchen.
Selya : Okay ka lang? {Tanong nito kay Ivo}
Ivo : Okay lang ako friend..
Tumango si Selya. Nakaramdam ito na naiihi kaya tinungo nya ang CR at pinihit ang seradura at agad naman itong lumuwag.. Tanda na di ito nakalock.
HAHAHAHAHAHA!
- - Itutuloy (Pag trip ko na uli) - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 06, 2010, 10:54:16 AM
Shocks ang ganda..
tawa ako ng tawa dito sa ram0n magsasay center kahit kasama ko si medusa..
next episode na!! Haha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 06, 2010, 11:11:06 AM
Yehey! May karugtong na..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 06, 2010, 11:45:26 AM
51
Tuluyan nang ibubukas ni Selya ang pinto nang biglang may puwersang pumigil dito pasara. Tanda na may tao sa loob. Agad namang napagtanto ni Selya na may tao nga sa loob. Kaya humingi ito ng paumanhin sa kung sinoman ang nasa loob ng palikuran.
Selya : Ay sorry po.. Kala ko kasi walang tao..
Sa loob ng CR, narinig ito ni Jay. Medyo natigilan ito.
Jay : Medyo familiar ang boses pero di ko maalala kung san ko huling narinig yun. Ahh baka isa sa mga customers ni BJ.. Sa pagpunta punta ko rito eh narinig ko na lahat ng mga boses ng customers nya.. Pero napakaganda ng boses.. Kakainlove.
Sa labas
Ivo : Naku friend, sensya ka na.. Di na kita naabisuhan na may tao pala dyan.. May katext kasi ako eh.
Selya : Okay lang yun.. Gamitin ko na lang yung CR sa kuwarto ni BJ.. Kape? You want?
Ivo : Ah sige.. Pero ako na bahala magfix ng coffee ko.. Magbanyo ka na..
Ngumiti si Selya.
Selya : Sige, bahala ka na muna sa sarili mo dyan..
Umalis na si Selya at tinungo ang kuwarto ng anak. Eksakto namang nakatapos na rin si Jay. Lumabas eto ng CR. Nakita nyang nagtitimpla ng kape si Ivo. Sa isip isip ni Jay.
Jay : Ayus ah, customer de kape?? Ah baka kasama sa mga freebies ni BJ ang kape para makaengganyo ng mga customer. Teka, asan kaya yung batang yun?
Binuksan nya ang refrigerator sa kitchen. Nakakita sya ng 4 na Red Horse in can. Kumuha sya ng isa. Binuksan at binottoms up. At itinapon sa basurahan ang lata. Nagkatinginan sila ni Ivo. Tinanguan nya ang environmentalist. Sa isip isip ni Ivo.
Ivo : Customer ba talaga to? Bakit kung makaasta eh kala mo kanya ang shop? Ah baka katulong ni BJ. Mukha kasi syang katulong.. Mukhang boy. Naku, ayokong umepal. Baka namamali ako.
Lumabas ng kitchen si Jay at pinasadahan ng tingin ang mga customers. May isang tumayo at nang mapansin na wala ang may ari, iniwan na lang nito sa counter ang bayad nya.
Jay : Aba, honest yung isang yun.. Teka nga at nasaan ba yung batang yun?
Lumapit sya sa pinto ng kuwarto..
Jay : Pag ito, nakalock, di ko na sya gagambalain.. Pero pag ito nakabukas, sensya na anak, pa-invade na ng privacy mo.. After all, Im your father.
At hinawakan ni Jay ang seradura at pinihit. . . .
NAKALOCK KAYA? O HINDI? ANG MAKAKAHULA NANG TAMA AY MAY LIBRENG MAKEOVER SA HELTERBRAND'S SALON.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on July 06, 2010, 11:49:53 AM
asus.. nambibitin pa.. :))
*kilig kilig*
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 06, 2010, 12:05:28 PM
Naman!! Nambibitin talaga!
pagkitain na yang dalawang yan! Sus!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 06, 2010, 12:14:15 PM
Balik HOST uli ng GKNB. Masyado nang delayed yun.
:P
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 06, 2010, 06:34:32 PM
Nabitin naman ako dun..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"A
Post by: jannaerron on July 06, 2010, 11:37:52 PM
.. kuya hELt.! yung susunod na mga taGpo.. hHintayin ko ha.. heheh..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 07, 2010, 06:21:17 AM
52
At nang pihitan ni Jay ang seradura, ito ay bukas.. Hindi nya ito ganap na binuksan. Bahagya lamang ang pagkakabukas.. At medyo sinilip nang bahagya.
Samantala, sa loob ng CR sa room ni BJ kung saan nanunubig si Selya. Napaisip ito.
Selya : Grabe naman yung gumagamit ng CR sa labas kanina.. Ni hindi man lang naglock ng pinto.. Kala mo sakanya ang bahay.. Naalala ko tuloy yung asawa ko.. Ganun kasi yun.. Hindi naglalock ng pinto ng CR.. Naalala ko, pag may kailangan sa kanya ang mga bata, kahit nakaupo sya sa trono, parang ordinaryo lang sa kanya at sa mga bata.. Minsan, nagpaturo ng assignment sa kanya si BJ, pumasok ito sa CR dala ang kanyang mga notes.. Game naman syang tinuruan ng ama habang nakaupo ito sa trono.
Napangiti si Selya sa alaalang iyon inspite of everything ng nangyari sa kanila ng asawa nya. Naalala pa nya ang paliwanag sa kanya ng asawa kung bakit di ito naglalock ng CR.
"Kasi, isa yan sa mga sign na closely-tied ang family natin"
Medyo tumamlay lang si Selya nang maalala naman kung gaano ka-uncivilized ang asawa kapag lango ito sa alak.
Samantala, nakapasok na ng kuwarto ni BJ si Jay.
(Voiceover : Wow! Rhyming)
Samantala, patingin tingin si BJ sa menu board ng AL TAPSIHAN.
Bulalo - 80
Nilaga - 50
Sinigang na Bangus - 50
Sinigang na Pata - 50
Pinakbet - 30
Chopsuey - 35
Canton - 45
Sotanghon - 50
Bihon - 40
Bihon/Canton - 40
Tapsilog - 20
Bangsilog - 20
Chicksilog - 20
Tosilog - 20
Longsilog - 20
SPAMsilog - Not Available
BJ : Nakow, wala na namang SPAMsilog.. Tsk tsk.. Paborito ko pa naman yun..
Nagsalita ang may ari ng Tapsihan na nasa di kalayuang counter.
Al : Iho, anong order mo?
BJ : SPAMsilog ho sana kaya lang bakit wala na naman po?
Al : Ah yun ba? Nagkakaubusan kasi sa market ng SPAM. Ewan ba kung bakit naaadik ang mga tao sa SPAM ngayon. At napansin namin, SPAM everywhere.. Nagkalat na rin ang ibang tapsihan na nagbebenta ng SPAMsilog.
BJ : Naku tama ho kayo dyan.. Ako nga rin eh mahilig sa SPAM.. Di bale na lang ho.. 3 order na lang ho ng pancit canton..Take out
Al : Yun lang ba?
BJ : Opo.. Puwede ho parequest? Padagdag ho ng maraming gulay sa pansit. Kahit magdagdag na lang ho ako ng extra payment.. Paborito ho kasi ng nanay ko yung pansit na maraming gulay.
Al : No problem iho.. (Inilapit ang mouth sa microphone na asa harap nya) Pansit canton for 3, dagdagan ng maraming gulay, takeout!
Tinitingnan ni BJ si Al. May naalala ito.
BJ : Hindi ba, kayo rin yung head ng barangay tanod na nakausap namin ni tatay nung isang gabi?
Al : (Napangiti) Ako nga iho.
BJ : Ayos pala kayo ha.. May tapsihan pa kayo..
Al : Kailangang doble ang kayod ngayon.. Sa hirap ng buhay ngayon.
BJ : Tama ho kayo dyan! Hintayin ko na lang ho yung order ko.
Umupo si BJ sa isang bakanteng mesa. Tumingin ito sa labas kung saan may pumaradang truck. May 2 nakasakay sa unahan. Isang lalaking mukhang goons na di gagawa ng matino, ito ang driver. At isang napakagandang babae sa tabi nya. Binasa ni BJ ang nakasulat sa tagiliran ng truck.
ASWANG VEGETABLE DEALER
Sa kuwarto naman ni BJ, pumunta si Jay sa may bintana. Tinitingnan ang mga asa labas. Eksakto namang palabas na rin ng CR si Selya..
MASARAP MAMBITIN.
:P
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 07, 2010, 12:04:37 PM
Next episode na!!
dali dali..
[agitated]
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on July 07, 2010, 12:29:06 PM
¤ so i can track this cellopera here it goes. ¤
Highly critical reviews:
FHM phils: entertaining read, better than the bumbling SuperBongg!
Cosmo Phils: Hotter than the annual 69 batchelors.
Top Gear Phils: better than driving a Bugatti Veyron even Jeremy Clarkson would agree!
Sports Illustrated: (cover story) annual swimsuit edition postponed, eds busy covering the "pasan ko ang labada" cellopera production!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 07, 2010, 12:36:17 PM
53
Dinukot ni Jay ang nagvibrate nyang CP. At sa pagdukot nya ay nalaglag ang ilang pera nya na puro papel kaya't lumuhod ito upang pulutin ang mga nalaglag na pera. Medyo mataas ang kama ni BJ kung kaya't di sya nakita ni Selya na lumabas ng CR at diretso lumabas na ng room. Medyo napalakas ang sara nya.
BLAG.
Napatayo si Jay upang tingnan ang pinagmulan ng tunog. Tanging ang nakasarang pinto ng room lang ang nakita nya.. Pagkuway tiningnan ang CP upang malaman kung sino nagtext.
Binasa nya.
"Morning Jay. Punta ka dito club ngayon. Asap. ={ "
Sender : Hazel
Medyo naalarma si Jay. Alam nyang seryoso si Hazel pag "Jay" lang ang ginagamit nitong pag address sa kanya. Alam nya may problema ito. Kaya dali dali syang nagreply.
"Okay. Punta na ako dyan"
Message Sent
Tapos nagtext din ito sa anak.
"Nak, galing ako ng shop. Kita tayo maya sa SUPER CLIMAX. Blowout Ninong Ian mo"
Message Sent.
Dali daling umalis si Jay at pumunta na ito ng SUPER CLIMAX.
Samantala, paalis na rin ng TAPSIHAN si BJ dala ang pagkain. Nagtama ang mga paningin nila nung driver ng vegetable dealer. Sa isip isip ni BJ
BJ : Ang angas naman nito. Mukhang di gagawa nang matino. Sya yung tipo na nilalagyan ng gripo sa tagiliran.
Agad namang binawi ni BJ ang naiisip.
BJ : Bad, Baby Jannaerron, Bad. Erase. Erase.
Tuluyan na nitong nilisan ang Tapsihan ni Al.
Samantala, sa Pokia residence, magkatabi ang mag amo sa panonood.
Mrs Pokia : Ano Tricia? Nakapagtext ka na ba dun sa promo? (Nakatingin ito sa hawak na CP ni Tricia na kasalukuyan atang may tinetext)
Tricia : Oho, wag ho kayong magulo.. Eto isisend ko na.
Tuwang tuwa naman si Madam na punong puno ng pag-asa ang mukha. Pag asang mananalo sa promo si Tricia. Na ang premyo ay tickets sa concert ni Angel Meow
Mrs Pokia : Galingan mo Tricia. Naubusan ako ng ticket. Kailangang manalo ka.
Tricia : Ayan, okay na ho. Sana manalo.
Ang sinasabi ni Tricia na okay na eh ang successful na pagpasok nya sa Forums. Buong akala naman ni Madam eh may promo talaga eto.
Tricia : Teka Madam, bakit nga pala kayo umuwi?
Mrs Pokia : Gusto ko kasi magpalit ng damit. Yung paborito kong sleeveless, nalabhan mo ba?
Tricia : Ah oho. Andun na ho sa kuwarto nyo. Kunin nyo na lang. Nakaready na yun.
Agad tumayo si Madam at pumunta na ng kuwarto upang kunin ang kanyang damit.
Tricia : Hmm, in fairness, madaling matuto ang amo ko. Kala ko, ako pa ang pakukuhanin nya sa damit nya.
Samantala, dumiretso na si Jay sa kuwarto ni Hazel na asa taas din ng club. Inabutan nya itong mugto ang mga mata
HMMM.. ANOTHER SUB PLOT IN THE OFFING??
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 07, 2010, 10:15:58 PM
54
Nang makita ni Hazel si Jay ay lalo na itong napahagulgol.. Nilapitan naman agad ni Jay si Hazel sa kama..
Jay : Hey?! Anong problema??
Nagtataka si Jay. Si Hazel, imbes na sumagot eh yumakap sa lalaki at todo iyak na.
Hazel : Jay, hindi ko na kaya! Nakokonsensya na ako! Huhuhu!
Magkayakap pa rin sila nang magtanong si Jay.
Jay : Anong problema? Bakit?
Imbes na sumagot si Hazel ay lalo itong sumubsob sa balikat ni Jay. Tuloy ang pag iyak. Hinayaan naman ni Jay ang kaibigan sa pag iyak.
Jay : Sige, iiyak mo lang.. Nakahanda akong makinig pag naiiyak mo na ang lahat...
Pagdating naman ni Angie sa bahay nila kung saan nadatnan nya ang tatay nyang si Mon na nagbubutingting ng isang motorsiklo. May talyer ang ama ni Angie.
Nilapitan ni Angie ang ama na busy sa pagpapalit ng kadena sa isang motor..
Angie : Tay, puwede ba kita makausap sandali?
Lumingon si Mon
(At ang latest addition sa cast, sa papel na Mon na tatay ni Angie, KYUUBI07)
Mon : Ui anak, andyan ka na pala, sandali lang ha??
Mabilis na tinapos ni Mon ang ginagawa at sinamahan si Angie papasok ng munting bahay nila.
Nang mga oras na iyon, kasalukuyan namang kausap ni Gee-Ann ang nanay sa pamamagitan ng CP na hiniram lang ni Gee-Ann sa bouncer ng SUPER CLIMAX dahil naka unli call ito.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
-ina ni Gee-Ann na asa kabilang linya.
Gee-Ann : Sabihin mo nga sa akin Nay, may kakambal ba ako?
Kina Angie.
Mon : Ano bang kambal ang pinagsasabi mo?
Angie : Tay, nakita ko sya! Kamukhang kamukha ko! Pati sya, gulat na gulat!
Sa SUPER CLIMAX, kausap pa rin ni Gee-Ann ang ina sa CP
(At ang latest addition, 07mEkisses11, sa papel na Mitch, nanay ni Gee-Ann)
Mitch : Lahat ng tao, may kamukha. Pano mong nasabi na kakambal mo nga yung nakita at nakasakay mo?
Kina Angie
Angie : Tay, magkamukhang magkamukha kami! Pati sya nagulat.
Mon : Wala kang kakambal! Ako ang ama mo kaya alam ko.
Sa SUPER CLIMAX
Gee-Ann : Kayo nga ang ina ko kaya dapat alam nyo yan! May nililihim ba kayo sa akin?
At sabay na napaisip sina Mitch at Mon sa kanilang kinaroroonan.
Mitch & Mon : Dumating na ba ang panahon para malaman ng anak ko kung ano ang lihim nya na pinakakaingatan ko?
SUB PLOTS NA NAMAN. TSK TSK. HAHABA ANG STORY.
YUN ANG AKALA NYO! ABANGAN.
:P
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: 07mEkisses11 on July 07, 2010, 10:22:20 PM
Hahaha.,.ang saya,nakakatuwa,magandang panimula ng gabi b4 mgduty...tenx kuya=>
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: ceLineteK on July 07, 2010, 10:23:40 PM
Wow! "TEN" thumbs up.. Haha!:D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: kyuubi07 on July 07, 2010, 11:42:36 PM
..ay siya...
9 Tails Up
-Uzumaki Naruto
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 08, 2010, 04:06:08 PM
Hehe, kakaaLiw!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 09, 2010, 05:47:20 AM
55
Samantala, nakauwi na si BJ dala ang pagkain mula sa TAPSIHAN NI AL. Nadatnan nya ang kanyang nanay at ang kanyang tito Ivo na masayang nagkukuwentuhan sa kitchen.
BJ : Andito na ko.. Meowt! Nainip ba kayo sa akin?
Selya : Naku nak, hindi naman (Sabay tayo at kinuha ang supot ng pagkain mula sa mga kamay ni BJ) Ako na anak ang bahalang magsalin nito sa plato (Inamoy ang plastic) Hmmm, mukhang masarap ah?
Tinungo ni Selya ang lalagyan ng mga plato. Kinuha nito ang malaking bowl at isinalin ang lamang pansit ng plastic.
BJ : Paborito nyo ho yan, 'nay..
Selya : Hay ang galing talaga ng baby ko. Sige, umupo ka na dyan at saluhan mo kami ng Tito Ivo mo.
Umupo na rin si BJ sa mesa.
Ivo : Teka BJ, pano yung mga customer mo? Hindi kaya mag 1-2-3 yang mga yan kapag time na nila?
BJ : Naku hindi ho.. Honest ho yang mga yan..Kahit wala ako sa counter pag time na nila, iiwanan na lang nila dun yung bayad nila..
Ivo : Mabuti naman kung ganun..
May sumilip sa kitchen na isang customer. Isang gay na regular customer dun.
"Papa BJ, out na ko.. Iniwan ko na sa counter yung bayad ko"
- Ang sabi ng gay.
BJ : Ah okay, Max.. Ang aga mo ata nagsawa??
"It's Maxene, Papa BJ.. Kelangan ko nang umuwi.. Mamayang gabi na lang uli"
-sabi pa ng gay.
Umalis na ang gay at eksakto namang nakatapos na magsalin ng pagkain sa plato si Selya. Nag umpisa na silang kumain.
Selya : Nga pala 'nak.. Would you like to join us mamayang gumimik kasama ang Tito Ivo mo?
BJ : Oh sure 'Nay! Gusto ko yan..
Ivo : Mukhang mapapalaban ako dito sa binata mo Sel.. Mukhang malakas uminom..
Selya : Hindi naman.. Subukan nyang magpakalasing at masesermunan ko sya (Nangingiti)
Nakikinig lang si BJ sa usapan ng dalawa. Nagpatuloy sila sa pagkain. Tumunog ang CP ni BJ. May nagtext. Dinukot ni BJ ang CP at binasa ang text. Ang text ay galing sa kanyang tatay. Yung text na sinend kanina ni Jay bago umalis ng shop. Late ng almost an hour. Tumayo siya at nagpasintabi sa Nanay at Tito Ivo nya..
BJ : Excuse me lang ho ha?
Lumabas sya ng kitchen. Luminga linga. Sumilip sa room. Lumabas ng shop.. Parang may hinahanap..
BJ : Nanggaling nga siguro dito si Tatay. Malamang hindi ito nagpakita nang malamang andito si Nanay at si Tito Ivo..
Bigla ay parang nagliwanag ang mukha ni BJ.. Napangiti.. sobrang napangiti..
BJ : Hmmm.. Ayos tong naiisip ko.. Blowout pala ni Ninong Ian mamaya..
Tumalikod si BJ at pumasok na ng shop.
ANO ANG NAIISIP NI BJ?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on July 09, 2010, 07:56:12 AM
wuhahaha na miss ko toh.. ahaha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 09, 2010, 09:26:24 AM
56
Samantala, sa Pokia residence, para pa ring prinsesa ang laundrygirl ng pamilya. Nakadapa ito sa sofa at hawak ang brand new nyang Pokia CP. Nakaalis na noon ang kanyang amo. Kasalukuyang nag e SB si Tricia gamit ang kanyang bagong bagong fone. Natuwa ito nang makitang sya ang nanalo sa 21st week ng Hotseat.
Tricia : Sa wakas! Natupad na rin ang matagal ko nang pinapangarap na makaupo sa Hotseat. Grabe ha? 21 weeks ang inantay ko para lamang makaupo sa upuang yan.
Binuksan nya ang thread kung saan kasalukuyan itong nakasticky..
Tricia : Hmm, ano ano kaya ang mga tanong? Teka nga at mabasa.. Aba, page 1 pa lang? Hmmm, as usual, unang mga tanong eh from butler na pang slum book.
Scroll down sya.
Tricia : Ahm, next questions ay from Kidlat.. As usual, pang popularity contest mga tanong nya..
Iniscroll nya uli pababa.
Tricia : Ay! Both spams yung last two posts? Hmp. Nawalan ako ng gana.. Next time na lang ako magsasagot..
Naglog out ito. Sabay bangon at tinungo ang bathroom upang maligo na.. Pakanta kanta pa ito.
Tricia : Labadami, labango.
Sa talyer naman ni Mon, kasalukuyan nyang pinagmamasdan ang anak na si Angie na nagduduyan habang hawak ang CP at mahahalata mong may katext ito.
Mon : Si Angie? May kakambal? Hindi ko ata mapaniwalaan ito.. Unti unti na bang lumalabas ang katotohanan sa pagkatao nya?
Sa SBHos (SandBox Hospital), kung saan nakaduty ang nanay ni Mitch.. Iniisip din nito ang tawag kanina ni Gee-Ann tungkol sa hinala nitong may kakambal ito.
Mitch : Mahirap paniwalaan ito.. Pero paano nga kaya kung may kakambal ito..? Tsk tsk, tiyak magagalit si Gee-Ann kapag nalaman nito ang lahat.. Kailangan kong mameet ang tatay ng sinasabi nyang kakambal nya.
Samantala, nakasakay na ng MRT that time si Ian. Galing ito sa agency at pauwi na sya. Nakaschedule na ang pag-alis nya papuntang Iraq next week.
Ian : Ayus! Nagbunga rin ang matagal kong paghihintay.. Kung dito lang ako sa Pinas, nakow walang mangyayari sa akin dito.. Andami pang ipis dito..
Napansin nya ang isang gay na kanina pa nakatingin sa kanya.. Si Max.. este Maxene pala ayun kay BJ.
Kumindat pa sa kanya si Max.. este Maxene pala.. Parang nagpapahiwatig na type sya nito.. Nainis si Ian kaya inilabas nya ang kanyang batuta este ang kanyang kamao na parang sinasabi nya rin na : "Etong kamao ko, gusto mo?"
Para namang natakot si Max.. Napadaklot ito sa kanyang dibdib at iniiwas ang tingin kay Ian na bagamat medyo nainis sa gay at di maikakaila ang kasiyahan dahil sa napipintong pag alis nito sa mundong ibabaw este sa bansa pala.. Nakadagdag pa sa kasiyahan nito nang may maalala..
Ian : Oo nga pala! Asa Iraq din pala yung dalaga ni Pareng Jay.. Hehehe.. This is what you call, fate.. Nakatadhana talaga tayo Maggie para sa isa't isa..
Sa computer shop.. Nagpapaalam na si Selya sa anak..
Selya : Mag iingat ka lagi dito ha? Wag mo pababayaan ang sarili mo..
BJ : Opo nay.. Kayo rin po.. Ingat po kayo ni Tito Ivo..
Kumuha si Selya ng pera mula sa bag nya na gawa ng mga katutubo ng Baguio.
(Scriptwriter : Sensya, di ko alam tawag sa ganung bag)
Iniabot nito ang pera sa anak. Pero tinanggihan ni BJ.
BJ : Wag na nay.. Sobra na sa pangangailangan ko yung kinikita ng shop.. Tapos andami nyo pa dinideposit ni ate Magz sa account ko..
Selya : Ayaw mo ba talaga?? (Muli ay dumukot sa bag nya na hindi ko alam ang tawag. May inilabas itong garapon)
Selya : O eto na lang.. Minatamis na strawberry..
BJ : Ano ka ba nay, ayoko ng minatamis. Nauumay na ako sa Minatamis. Ibigay mo na lang kay tatay yang minatamis.
Selya : (Parang walang narinig.. Muli ay dumukot sa bag na hindi ko talaga alam ang tawag) Ayaw mo ng minatamis? (May inilabas uling garapon) O eto, coco JAM.
BJ : Ay ayaw ko rin yan! Nay, pareho lang matamis yang JAM at Minatamis na yan eh.. (Nakasimangot)
Selya : O sya sya.. Tutuloy na kami.. Mayang gabi na lang ha? Tetext kita kung saan..
BJ : O sige po.
Umalis na sina Selya at Ivo. Naiwan si BJ na may naglalaro sa isip
BJ : Mamayang gabi ang gabi ng lahat ng mga gabi.. Hehehe..
ANO YANG INIISIP MO HA? MINATAMIS NA SAGING, YOU LIKE?
- Itutuloy -
BJ : (Tingin sa camera) Isa ka pang makulit! Buntot pa-ge gusto mo?
HUWAG NANG HUMIRIT. LUMABAS NA NGA YUNG "ITUTULOY" EH..
Tumalikod si BJ at pumasok na ng net shop nya.
- - Itutuloy - -
SANA WALA NANG HUMIRIT
.
.
.
.
.
.
AYUS WALA NA.
Ay waley!
'NAK NG!
ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY ITUTULOY
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 09, 2010, 09:42:53 AM
Naku.. Magaantay na naman ako ng umaga para makabasa ng next episode nito..
c0me to think of it,
ito lang ang drama na sa umaga umeere!.. Hahaha.. Kakaiba.
Title: spam! Spam! Spam!
Post by: abegail09 on July 09, 2010, 09:44:36 AM
dami kasi babae e.yan tul0y.haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 09, 2010, 09:53:52 AM
U.T.O.T. Management Official statement :
Request po ng mga kababayan natin abroad, particularly sa Espanya at Italya na ilabas ang soap sa oras na wala na silang work.. Kaya ayun, gabi umeere sa kanila, umaga sa atin.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 09, 2010, 10:27:54 AM
Haha.. Ganun.. Adik..
sila pa yung inuna talaga..
anyway, ayon sa aking reliable source eh, madurugtungan naman kagad ngay0ng ang last episode..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 09, 2010, 10:45:15 AM
57
Nang makapasok si BJ sa computer shop, nangingisi ang isang mama na kanina pa pala nakikinig sa usapan nilang mag ina..
(At ang ating bagong karakter, si Win TheRamAss, na gagampanan ng isa ring direktor dito, si JERWIN10)
Win : Mukhang big time ang batang yun.. Kailangan manmanan at tiktikan ko para malaman kung magkano ang net worth nya dito sa SB Subdivision.. Hehehe.. Mag ingat ka bata, baka ikaw na ang magpapanhik ng milyones sa akin..
Kinagabihan, nagdidinner na sina Mrs Pokia, Dale at Rustom. Nagseserve naman si Tricia. Tinitingnan ang bawat bowl ng isa kung may soup pa..
Rustom : Tita, try this.. (Nilagyan ang plate ni Madam ng sugpo, alimango at balat ng lechon)
Mrs Pokia : You're so thoughtful talaga iho..
Ipinagbalat pa ni Rustom ng hipon si Madam at sinubuan ito. Game namang tinanggap ng matanda ang pagkain na isinusubo sa kanya ni Rustom. Maya maya ay lumapit si Tricia sa matanda at isa isang inalis ang mga pagkain na inilagay ni Rustom sa plato nito.
Parehong natigilan si Rustom at Madam.
Tricia : Madam, hindi ho maganda ang mga pagkain na ito sa inyo.. Puro cholesterol at fats po ang dala nito.. Which is hindi maganda sa health ng isang matandang kagaya nyo.
Parang di nagustuhan ng matanda ang adjective na ginamit ni Tricia sa huling sinabi nito. Binalingan nito si Tricia at medyo napipika.
Mrs Pokia : Pakiulit nga nung sinabi mo..!
Parang nasukol naman si Tricia. Pero hindi ito nawalan ng composure.
Tricia : (Tingin sa camera) Para saan pa ang mga experiences sa mga beauty contests na sinalihan ko kung wala ako nung sinasabi nilang "grace under pressure" (Bumaling kay Madam) Ahm Madam, sabi ko ho, Hindi maganda sa health nyo ang mga foods na ito dahil po kayo ay isang matanda at maganda pa rin.. Gusto nyo ba masira ang kagandahan nyo?
Medyo umaliwalas ang mukha ni Madam.
Mrs Pokia : Ay hindi syempre.. Thanks for reminding me Tricia. Sorry Rustom pero ayoko na nyan.
Tiningnan nang matalim na matalim (Ala Gladys Reyes) ni Rustom si Tricia. Di naman natinag si Tricia. Hindi nakatingin sakanya ang mag ina kaya nilagay nito ang mga kamay sa 2 tainga at ikinampay kampay na para bang sinasabing "belat!" sabay labas ng dila parang ganito --> :P
Rustom : Tita, binobola ka lang nyan eh.
Mrs Pokia : (Natigilan at muli ay bumagsik ang mukha) Binobola mo lang ata ako eh?!
Tricia : Ay naku tama ho kayo dyan Madam, binobola na yung mga entries sa Angel Meow promo para sa free tickets!
Muli ay umaliwalas ang mukha ni Madam
Mrs Pokia : Naku Tricia! Hulog ka ng langit! Sana manalo ka at para may libreng ticket ako sa concert ni Angel Meow. (Kinuha pa ang kamay ni Tricia at pinupog ng halik)
Napasimangot si Rustom. Si Dale naman ay napangiti na lang at naisip nya.
Dale : I can't see any reason kung bakit di magugustuhan ni Mama si Tricia. Huling huli ni Tricia ang kiliti ni Mama.
Nang mga oras na yun, nagkakasayahan na sa SUPER CLIMAX. Asa table na nila sina Jay, Ian at BJ. Nagseserve pa rin si Gee-Ann at si Hazel ay mas pinili muna nitong magnilay sa kuwarto nya dahil sa kanyang pinagdadaanan.
Walang tigil sa pagsalin si BJ sa pagrefill ng Red horse sa baso ng ama kapag nauubusan ito. Nang mapuno ito, si BJ na mismo ang nag abot sa ama.
BJ : Tagay pa, tay! Hahaha!
Inabot naman ni Jay ang baso. Medyo tipsy na to that time.
Jay : Lalasingin mo ata ako anak ah?
BJ : Aba, dapat lang tay! Despedida ni ninong ngayon kaya dapat malasing tayo pareho.. di ba ninong?
Ian : Aba, oo! Tama yun! Wala nang ganito pagdating ko ng Iraq..Kaya cheers!!
Nagcheers ang tatlo at uminom. Bukod tanging si Jay lang ang nagbottoms up.
Sa labas ng SUPER CLIMAX, huminto ang isang owner-type jeep na minamaneho ni Ivo. Bumaba ito at inalalayan si Selya sa pagbaba. . . . . . .
THIS IS IT!! IT'S SHOWTIME!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 09, 2010, 12:12:28 PM
58
Nakababa na si Selya mula sa owner. Nagpasalamat ito sa kaibigan.
Selya : Salamat..
Ivo : Walang anuman. Teka, sure ka, gusto mo talaga sa place na yan? (Sabay turo sa SUPER CLIMAX)
Selya : Oo naman! (Sabay pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ng club)
Biglang naalala ni Selya na sa mismong club na ito nga pala naglalagi ang kanyang asawa nang malugi ang HELTERBRAND'S BEAUTY SALON. Narinig nya na noon na hindi masyadong malinis ang loob nito at bulung bulungan pa na may itinatagong lihim ang may ari nito na hindi nya naman kilala.
Naputol ang pagbabalik alaala ng bumukas ang pinto ng club. Lumabas ang dalawang binatilyo na gegewang gewang. Base sa mga postura nito ay mahahalatang nakarami na ang mga ito ng ininom. Dali daling tumakbo sa gilid ng kalsada ang isa at sumuka nang sumuka. Lumapit ang kasama nito na imbes na tulungan eh kinantyawan pa ang nagsuka.
"Waahh! Ang hina hina pala ng sikmura mo! Hindi ka dapat isinasama sa inuman.. Hahah! Nakakahiya ka!"
Napikon ang kinantyawan kung kayat sinuntok nito ang kasama. Gumanti ang isa. Kaya nauwi na sa suntukan ang dalawa.
Napaatras si Selya.
PRRRRRTTT!
Maya maya ay dumating na ang mga tanod sa pangunguna ni Al na may dala uling floor mop at walis.
Al : Hala sige, dalhin yang dalawang yan sa headquarters (Utos nito sa mga kasamahan nya)
Ewan ni Selya pero bigla syang sumakay uli at umupo sa passenger's seat ng owner.
Selya : Wag na lang dito Ivo.. Mabuti pay dun na lang tayo sa pinagcheck inan nating Hotel. May bar naman doon. Wala na tayong aalalahanin. Malapit lang sa mga rooms natin. Isa pa, ayokong mamulat ang anak ko sa ganyang environment.
Ivo : Okay. Kaw ang bahala Sel.
Sumakay na sa jeep si Ivo. Pinaandar at lumayo sa lugar na iyon.
Sa loob ng SUPER CLIMAX, lasing na si Jay.. Talagang hindi na nito kaya.. Kaya lumapit si BJ sa ninong, may binulong. Tumango tango naman si Ian. Pagkatapos ay may inabot si BJ sa ninong na hindi nakita ng mga bumabasa nito.
Tumayo na si BJ at iniwan ang dalawa. Lumabas na sya at kinuha ang fone na kasalukuyang may tumatawag..
Sinagot nya..
BJ : Oh nay?? O sige parating na ako dyan in 15minutes..
Ini off ang fone at pumara ng taxi at nagpahatid sa Hotel na sinabi ng ina.
Samantala, sa bahay ni BJ, makikita ang isang taong nakabonnet ng itim. Umakyat sa bakod para makapasok sa bakuran ni BJ. Nang makalapit ay lumuhod sa harap ng pinto.. Inilabas ang mga parapernhalia, screw driver, plais, long nose, kikil atbp. At dinistrungka ang seradura. Agad namang lumikha ng munting ingay ito.
CLICK!
Ngunit nang pihitan nya ito ay ayaw bumukas.
"Bakit ayaw bumukas?"
- sa isip ng intruder.
Pwinersa na nya ang pagbubukas pero ayaw pa rin.Sa inis ay hinubad na nito ang suot na bonnet. At nalantad ang kanyang mukha.
Si Win TheRamAss.
Win : Ano bang klaseng pinto eto? Kainis! Hindi mabuksan!
Maya maya ay may narinig syang tricycle na tumigil sa harap ng bahay ni BJ.
Win : Damn! Mapupurnada pa ata ang plano ko!!
- - itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 09, 2010, 12:20:47 PM
ituloy na! :D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 09, 2010, 03:37:32 PM
59
Dali-daling umalis si Win TheRamAss (Deramas). Dala ang mga gamit eh muli itong lumiban ng bakod na hindi man lang inalam kung sino ang sakay ng humintong tricycle sa tapat ng bahay ni BJ.
Samantala, sa bar ng Hotel na tinutuluyan nina Selya at Ivo, masaya nang nag iinuman ang tatlo.. May live band sa may mini stage ng bar na yun.. Katatapos lang ng isang performance ng host na nagngangalang Raja Salvador. Nagsalita ito sa mic.
Raja Salvador : Hey, to our dear guests, puwede po kayong kumanta rito sa stage. Just send us a note kung sino kakanta at ano kakantahin.
Sa table nina BJ
Selya : Ivo, di mo naitatanong magaling kumanta tong binata ko.
Ivo : Wow talaga?
Binalingan ni Selya ang anak..
Selya : Pakitaan mo nga ang tito Ivo mo nak.
BJ : Naku, nahihiya ho ako.
Selya : Naku, wag ka na mahiya.. Kailan pa nahiya ang baby ko? Eh ikaw ata ang champion ng school nyo noon pagdating sa kantahan..
Pumunit si Selya ng isang piraso sa pad ng POST IT mula sa bag nyang hanggang ngayon eh hindi ko alam ang tawag. Isinulat ang pangalan ng anak at ang kakantahin nito.
Samantala, nakalayo na si Win TheRamAss sa bahay ni BJ. Nakaramdam ito na parang naiihi kaya lumapit ito sa isang wall (of shame?) na may nakasulat na POST NO BILL. Ibinaba ang zipper ng pants at dinukot ang *beeeep* at inilabas lahat ng laman ng kanyang *beeeeep*
Eksaktong napadaan naman ang Everest na sakay sina Dale, Tricia at Rustom.. Gigimik. Napalingon si Rustom kay Win na kasalukuyang umiihi.. Sa isip isip ni Rustom : WOW!
Sa Hotel, kasalukuyan nang bumibirit si BJ.
BJ : Nais ko'y makapiling ka ahh muli, nais ko'y mayakap kahit na sandali.. Buong pangarap ma'y tatanggapin ko ohh, ikaw pa rin ang iniibig ko
Patingin tingin pa ito sa host na si Raja Salvador.
Makalipas ang ilang sandali, nakatapos din ng kanyang performance si BJ. Matunog na palakpakan. Nagchant pa ang mga andun.
"More!"
BJ : (Nagsalita ito sa mic) Maya na lang po uli.. Hehehe.
Bumaba na ito ng mini stage at muli ay nagjoin sa table nina Ivo at Selya. Tinabihan ang ina.
Ivo : May ibubuga pala etong binata mo pagdating sa kantahan eh..
(Voiceover : Syempre, marunong din kumanta ang ama eh)
OWS?
Selya : Sabi ko sa yo eh.. (Niyakap ang anak) Ang galing talaga ng baby ko.
Gumanti ng yakap si BJ. Mahigpit na mahigpit.
BJ : Nay, namiss talaga kita
(Voiceover : Ako rin naman ah? Namiss kita)
Natunugan ni Selya ang ibig ipahiwatig ni BJ.
Selya : Ui naglalambing ang binata ko? May kailangan ka siguro noh? Motor? Alam ko matagal mo nang gusto yun..
Kumalas sa pagkakayakap si BJ.
BJ : Hindi yun nay.. Simple lang gusto ko..
Selya : Ano ba yun? Just tell me baka kaya ko.
BJ : (Tumikhim) Gusto sana kita makatabi sa pagtulog ngayong gabi 'Nay. Gaya nang dati.
ANO ANG MAGIGING SAGOT NI SELYA? AT ANO ANG MAGIGING PAPEL NI WIN THERAMASS SA HUMAHABANG KWENTONG ITO?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 09, 2010, 04:41:57 PM
60
Medyo natigilan si Selya. Napaisip ito. Kelan nga ba nya huling nakatabi sa pagtulog ang kanyang binata? Bigla ay parang namiss din ni Selya ang anak. Namimiss nya na rin ang baby smell ng kanyang anak bagamat binata na ito.
Selya : Yun lang ba?? Oh well, single lang yung bed ko dito sa hotel pero mas masaya yung siksikan tayo di ba?
BJ : Nay, hindi po yun ang gusto ko mangyari.. Gusto ko sana sa bahay.. Para tayong alien dito sa Hotel.. At least sa bahay, mapifeel talaga natin.
Hindi kaagad nakaimik si Selya. Sumabat si Ivo.
Ivo : Pagbigyan mo na ang binata mo Sel.. Minsan lang maglambing.. Uuwi na rin tayo ng Baguio bukas..
Selya : Iniisip ko ikaw Ivo.. Wala ka makakakwentuhan bago ka matulog.
Napangiti si Ivo.
Ivo : Don't mind me friend.. We all have time bukas para magkwentuhan.. For now, kailangan mong pagbigyan ang anak mo..
Selya : Okay, okay.. (Bumaling ito sa anak) Sige nak.. Give me a minute or two, I guess I have to go to the john.. (Tumayo ito at medyo nahilo kaya muntik nang matumba)
Nakita ito ni Ivo.
Ivo : Hey are you okay friend? Would you like me to guide you to the john?
Selya : No, I can manage.. Just wait for me here.
Ivo : Okay pero ihahatid ko na kayong mag ina mamaya sa bahay ni BJ.
Tumango si Selya at lumakad na to papuntang CR bagamat maayos ang lakad eh nahìhilo talaga..
Sya namang pagpasok ng grupo nina Dale.
Dale : Salamat nga pala Rustom, napapayag mo si Mama na isama natin si Tricia.
Rustom : Kitamo naman, effective yung sinabi ko kanina na si Tricia ang magiging bantay mo sa mga chics na posibleng makasilo sa yo.
Dale : Salamat talaga tol ha?
Rustom : Wala yun! Sus! Ganda ng love story nyo ha? Pag kinasal kayo, ako ang bestman ha?
Dale : Oh sure pare.. Kahit di mo sabihin yun, ikaw talaga ang kukunin kong bestman.
Sa isip isip nina Rustom at Tricia
Rustom : As if naman may kasalang magaganap.. Gagawa ako ng paraan para malaman na ni Tita ang relasyon nyo.
Tricia : Bestman? Baka bridesmaid pa.. Ang plastic talaga..
Nakakuha na ng table sina Dale. Eksakto namang palabas na ng Hotel sina BJ. Sumakay na sila at pinaandar na ang owner upang ihatid ang mag ina.
Samantala, sa labas ng magarang bahay nina Dale, andun naman si Win TheRamAss at nagmamatyag.
Win : Mukhang bigtime ang may ari ng bahay na to ah? Tiba tiba ako pag nagkataon. Kailangan kong malaman kung ilan ang tao dito para magawa ko nang tama ang gameplan ko.
Samantala, nakarating na sina BJ sa bahay nya. Bumaba na ng owner ang mag ina.
Ivo : Are you sure BJ, di ko na kayo kailangang ihatid sa loob?
BJ : Oho Tito Ivo.. Bumalik na po kayo sa Hotel para makapagpahinga na rin kayo. Salamat ho sa paghatid.
Ivo : Alalayan mo ang nanay mo. Mukhang naparami ang inom..
Hindi na rin halos kumikibo si Selya. Talagang groggy na to.
BJ : Opo Tito.. Ingat sa pagdridrive.
Pinaandar na ni Ivo ang sasakyan at umalis na ng lugar na yun. Pumasok ang mag ina. Ginamit ni BJ ang kanyang palad sa isang scanner na malayo sa pinto at bumukas ito.
BJ : Kung mautak ang mga magnanakaw, mas mautak ako.. Decoy lang ang doorknob ng pinto ko.. Hehe..
Pinaupo muna ni BJ ang ina sa unit 69.
BJ : Ayusin ko ho muna kuwarto ko nay..
Tumango lang si Selya. Pumasok na si BJ sa loob ng kuwarto.
Naidlip si Selya at sa muling pagtungo ng ulo nito eh naalimpungatan ito.
Selya : Ang tagal mo naman 'nak!!
Walang sagot. Tumayo si Selya.
Selya : Mukhang nakatulog na rin ang lekat. Nalimutan nya na ako.
Nag inat at naghikab si Selya bago pumasok sa kuwarto. Marahan nyang isinara ang pinto nang makita at marinig na naghihilik na si BJ sa kama na nakatalukbong ng kumot.
Selya : Ang daya talaga ng binata kong ito! Namiss daw ako? Pero tinulugan ako..
Hinubad ni Selya ang sneakers nya. Isinunod ang long sleeves nya kaya ang naiwan eh isang manipis na kamison at brassiere.. Isinunod ang pants kaya ang naiwan eh isang short shorts.. Pagkuway tumabi ito kay BJ na nakatalukbong ng kumot. Yumakap.
NGOOOORKKS.
Selya : Hays 'nak, di ko alam naghihilik ka na pala ngayon at ang lakas lakas pa.. Para kang yung tatay mo.
Lalo pang hinigpitan ni Selya ang yakap. Mukha namang na istorbo si BJ kaya tumalikod ito kay Selya.
Selya : Suplado ka ha? (Lalo pang yumakap at inamoy amoy ang batok at likod ng anak. Idinantay pa nito ang mga hita sa hita ng anak) Paamoy nga sa anak ko.. Hmmmm.. Hindi ka na amoy baby, anak.. Kailangan mo nang maligo anak..
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 09, 2010, 05:12:29 PM
BWA-HA-HA-HA! (literal) xD
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 10, 2010, 11:15:27 AM
61
Lalo namang hinigpitan ni Selya ang yakap sa anak na si BJ. Nang mga oras na iyon ay asa CR pala ang inaakalang katabi sa higaan. Pasilip silip si BJ sa CR at napapahagikgik sa nakikita.
BJ : Ayus to! Ahahaha!
Sige pa rin sa yakap si Selya. Nabugnot ata ang katabi... Walang iba kundi ang asawang si Jay. Tinabig ang kamay ng asawa at tinanggal ang pagkakadantay ng mga paa nito. Napilitang tumalikod ni Selya. At kahit medyo under sila sa impluwensiya ng alak eh nakuha pa rin nilang mapaisip.
Sa isip isip nila...
Jay : Hindi ako matandaan na naglabas ako ng babae sa SUPER CLIMAX.
Selya : Ang suplado naman ng anak kong ito...
Nang makatiyak si BJ na tulog na ang mga magulang ay saka pa lamang ito lumabas ng CR at tuloy tuloy sa kanyang shop at tinawagan ang kanyang ninong Ian. Maya maya ay kausap na nito ang kanyang ninong.
BJ : Ninong, salamat sa tulong mo ha?
Ian : Naku wala yun... Syanga pala, yung card na ginamit ko sa pagswipe dyan sa scanner mo eh iniwan ko sa may paso sa may gate mo gaya ng instruction mo kaninang maghiwalay tayo sa SUPER CLIMAX.
BJ : oho Ninong... Nakita ko na nga ho...
Ian : Oh kumusta ba sina kumare at kumpare?
BJ : Ayun ho... Parehong asa dreamland na.
Ian : Oh sya, goodluck na lang sa plano mo....
Samantala, papasok na rin ng gate ng Pokia residence ang Everest ni Dale. Tapos na rin sila gumimik. Agad na naispatan ni Rustom ang lalaking nakita nya kaninang umiihi, si Win TheRamAss. Asa di kalayuan ito at nagyoyosi.
Rustom : Ah Dale, ako na ang magbubukas at magsasara ng gate.
Hindi pa nakakasagot si Dale ay bumaba na si Rustom. Habang papalapit sya sa gate upang buksan ito ay nakatingin pa rin sya sa lalake. Sa kinatatayuan ni Win TheRamAss....
Win : Kailangan kong kaibiganin ang mga may-ari ng bahay... Kailangan kong makapasok sa bahay na iyan....
Nakapasok na ang Everest at naisara na rin ni Rustom ang gate ay nakatingin pa rin si Rustom kay win.
Rustom : Mukha syang guwapo kahit asa malayo at madilim huh?
"Hindi ka pa ba papasok Rustom?"
-boses ni Dale. Tinatawag na sya.
Nagkunwari si Rustom na hindi maisara ang gate.
Rustom : Ahm mauna na kayo sa loob...Hindi ko kasimaisara tong gate... Mukhang kailangan ng lubricant para dumulas...
Dale : Gusto mo ba tulungan kita dyan?
Rustom : Naku hindi na! Kaya ko na to...
Dale : Sigurado ka?
Rustom : Oo... para eto lang? Sisiw lang to sa akin.
Dale : O sige, mauna na kami ni Tricia sa loob... Sunod ka na lang...
Rustom : Oo ( Nakatingin pa rin kay Win)
Dale : Kailangan maghire na ng guard o kaya boy... Sabihin ko kay mama bukas (At tuluyan nang pumasok sa loob ang magkasintahan)
Tumingin muna si Rustom sa pintong pinasukan ng magkasintahan saka pasimpleng sumutsot.
Rustom : Psssstt.
Mukha namang hindi narinig ni Win. Sige ang puff nito sa sigarilyo.
Nilaksan ni Rustom ang sutsot...
Rustom : PSSSSSSSSTTTTTT!!!!
Nakuha naman ni Rustom ang atensyon ni Win. Nang makasiguro si Win na sya nga ang tinatawag ni Rustom ay agad itong tumayo.
Win : Tingnan mo nga naman ang pagkakataon... Ako na ang tinatawag ng grasya ngayon... hehehehe
At lumapit ito kay Rustom
NAKU NAKU NAKU.... MASAMA ANG KUTOB KO...
-- Itutuloy --
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 10, 2010, 08:51:22 PM
next episode please..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 10, 2010, 08:56:03 PM
Di na ako makapagHintay para sa mga susunOd na mga tagpo..
KakaaLiw!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 10, 2010, 10:13:23 PM
62
Kumakabog-kabog naman ang dibdib ni Rustom habang papalapit sa kanya si Win TheRamAss. Namimintog kasi ang mga dibdib at hita nito kagaya rin ng una nyang makita si Ian sa HELTERBRAND'S BEAUTY SALON.
Sa isip isip nya
Rustom : Napakabait ko sigurong bata kaya binigyan ako ni Lord sa paligid ko ng mga lalaking may kaaya ayang pagmumukha.
Si Win naman habang papalapit eh inilabas na ang pinakaboyish na smile nya para makuha ang loob ng lalapitan.
Win : Smile Win.. Smile nang smile though your pocket is aching.. But not so long.. Soon, dadaigin ko pa yung mga contestants sa cash motto.. Soon ay hindi ko na alam kung san ko isusuksok ang perang makukuha ko mula sa bahay na to.. At ang lahat ng iyon ay dahil sa lalaking pumaswit sa akin kanina.
Nakalapit na si Win kay Rustom.
Win : (Friendly) May kailangan ka ba sa akin pre?
Sa isip isip ni Rustom : Hindi naman pala ako mahìhirapan sa isang ito.. Friendly sya.
Rustom : Ah kasi kanina nakita kita dito sa area tapos ngayon, mag isa ka dun sa kinatatayuan mo kanina.. May inaantay ka?
Bago sumagot si Win ay dumukot muna ito sa kanyang *beep* at nagkambyo. Napalunok si Rustom tionist pala to.
Win : (Pinalungkot ang mukha) Naghanap kasi ako ng trabaho maghapon.. Eh minalas.. Tapos naubusan pa ako ng pera.. Kaya naglakad na ako pauwi.. Eh pagod na ako kanina kaya nung nakita mo ako eh nagpapahinga ako dun at balak kong dun na lang matulog.
Rustom : Ay kawawa ka naman pala.
At kaagad napagtanto ni Win na masyadong mapagtiwala si Rustom.
(Voiceover : Masyadong mapagtiwala? May pagnanasa kamo)
Sinubok ni Win kung talagang naive si Rustom. Inilabas nya ang kanyang bonnet na itim at mga gamit pagdistrungka ng mga doorknob, padlock at lahat ng klase ng lock na gawa nina angLumad at jelai.
Win : Eto nga ang mga gamit ko sa pag-aapply ko ng trabaho kanina. Pero talagang malas eh.
Rustom : Ay ang galing! Masipag ka siguro noh? Naghahanap si Tita ng boy dito.. Balik ka bukas..
(Voiceover : Pangunahan ba? Hello?! Sabi ni Dale, sasabihin pa lang nya sa mama nya yung tungkol sa paghire)
Sa isip isip ni Win, madaling mapasakay si Rustom..
Win : Ako nga pala si Win. (Inilahad ang kamay)
Rustom : (Inabot ang kamay) Rustom name ko.
Pagkatapos magkamay, muling sinubok ni Win si Rustom kung talagang shonga ito.
Win %3 shonga ito.
Win : Sige pare, uwi na ako.. Balik na lang ako bukas.. Kaya lang wala na akong pera.. Baka puwedeng makahiram.
Agad pumayag si Rustom na ikinagulat ni Win..
Rustom : Oo ba.. (Dumukot sa bulsa) Naku pare, 50pesos lang cash ko dito eh. Kasya na ba to?
Win : Naku pare, kulang yan.. Magtataxi kasi ako tapos magkakape pa ako sa Starbucks..
Rustom : Wala akong cash pero may ATM card ako.. Gusto mo hiramin mo muna?
Namilog ang mga mata ni Win.
Win : Aba, hindi ko tatanggihan yan..
Kinuha ni Rustom ang ATM card mula sa wallet nya at iniabot kay Win. Agad namang tinanggap ni Win ang ATM Card.. Tatanungin nya na sana ang PIN nito nang magsalita si Rustom.
Rustom : Yung PIN nya, andyan sa likod ng card..
At talagang nakumpirma ni Win na may pagkashunga ang kaharap nya.
Nagpaalam na si Win kay Rustom at nangakong babalik ito bukas kasama pati ang ATM Card nya..
TITTILAOK!!
7:24am, sa bahay ni BJ.. Kasalukuyang nagluluto si BJ ng almusal. Nang biglang may marinig syang sigawan na nagmumula sa kanyang kuwarto!
"Anong ginawa mo sa akin? Anong ginawa mo sa akin ha??! Wag mong sabihing magkakaroon na naman ng kapatid sina Maggie at BJ?!"
"Hoy ang kapal ng mukha mo!! Nauna ako sayo sa kamang eto!!"
Napangiti lang si BJ.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 10, 2010, 10:20:50 PM
Yehey.. Sana next na..
Title: ?
Post by: ylreveb1227 on July 10, 2010, 10:22:01 PM
Nyaha..
Bitin.,
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 10, 2010, 10:35:39 PM
Waaahh!! Kinikilig ako!
super!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 11, 2010, 05:52:33 AM
62
Patuloy pa rin ang pagsisigawan sa kuwarto ni BJ. Napapangiti pa rin si BJ na noòn ay nakatapos na ng kanyang pagluluto. At naisip nya na nagtagumpay sya sa kanyang munting plano nung nagdaang gabi at yun ay ang pagtagpuin ang kanyang mga magulang.
Samantala, silipin naman natin ang mga kaganapan sa kuwarto nya. Parehong asa kama pa rin ang mag asawa bagaman nakabangon na ang mga ito. Nakatakip ng kumot si Selya mula leeg pababa habang si Jay ay nakahubad ang pangtaas at may kumot din mula bewang pababa.
Selya : Anong ginawa mo sa akin? Walanghiya ka talaga!
Jay : Huwag ka nga OA dyan! Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Nauna ako sa yo dito.
Selya : Siguro plinano mo talaga to! My God!
Jay : Huwag ka nga magjump agad sa conclusion! Ikaw nga tong panay ang dikit ng katawan sa akin kagabi!
Pinagpapalo ni Selya ng unan si Jay. Ilag naman nang ilag ang lalaki.
Selya : Hindi ko alam na ikaw ang katabi ko kagabi!!! Kaya pala iba ang amoy na naamoy ko kagabi!! Kaya pala naghihilik ka!! Akala ko si BJ ang katabi ko kagabi!! My God!! Kailangan ko ng disinfectant!!
Jay : Walang tatalab na disinfectant sa dumi ko.. (dinampot ang isang bote ng alcohol sa di kalayuan at iniitsa sa harap ng asawa) Ayan, subukan mo yan! (Sabay alis ng kama kaya nakita ni Selya na nakabrief lang ang asawa)
Lalo nang nagwala si Selya.
Selya : Bastos ka talaga! Magsuot ka nga ng shorts!!
Jay : O e ano namang problema mo sa ayos ko..? (Humarap at lalo pang ibinuyangyang ang kahubdan)
Selya : Can't you see? Or bulag ka lang talaga? Andito pa ako tapos didisplay display ka nang ganyan? Buti sana kung malaki ang katawan mo at hindi bacon ang brief mo!
Jay : Sus! Eh bakit sa dami ng manliligaw mo nun na malalaki ang mga katawan eh ako ang nanalo? Tsaka wag ka ngang magpakademure dyan, dalawa na anak natin para mahiya ka pa na makita akong ganito. (Nagsuot na ng pants)
Selya : Bastos ka talaga!! Wala ka pa ring modo hanggang ngayon! (Panay ang pahid sa katawan ng alcohol)
Bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ni BJ.
BJ : Hellow pipz!
Tuluyan nang binuksan ni BJ ang pinto at tumambad ang isang cart na may mga pagkain.
BJ : How about a nice breakfast for my tatay and nanay??
Nanatiling nakatingin ang dalawa sa anak. Itinulak ni BJ ang cart papasok ng kuwarto..
BJ : Wag na kayong magbangayan dyan, magbreakfast na lang tayo.
Agad napansin ni Jay ang isang videocam sa di kalayuan. Alam nyang nagfafunction/nagrerecord pa ito ng mga kaganapan sa loob ng kuwarto dahil sa red indicator nito. Medyo nadismaya siya. At sa pormal at medyo mataas na tinig :
Jay : Plinano mo ba ang lahat ng ito, BJ?
Medyo nagulat si BJ sa tono ng pananalita ng ama.
NALINTEKAN KANG BATA KA.
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 11, 2010, 06:19:40 AM
saya saya. Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 11, 2010, 07:09:59 AM
63
Hindi agad nakakibo si BJ. Kilala nya ang ama na kapag ganun na ang tono eh nagbabadyang sumabog ang pamoso nitong mood swing. Ewan ba nya kung bakit hanggang ngayon eh di pa rin sya masanay sanay sa mood swing. Maging si Selya ay ganun ang nararamdaman.
BJ : Tay ginawa ko lang naman yun dahil --
Jay : Dahil ano? Gusto mo kaming pagkasunduin ng nanay mo?! (Mataas na ang boses)
BJ : (Medyo takot na sa taas ng boses ng ama) Tay, kasi --
Jay : Huwag ka nang mangatwiran!! Ang tanda mo na di ka pa rin nag iisip! (Lumapit sa anak at dinuro duro ang sentido nito) Paminsan minsan gamitin mo yan!! Isa sa ayaw na ayaw ko eh yung pinangungunahan ako!!
Naramdaman ni Selya na sa wala mapupunta ang ginagawang iyon ng asawa kaya to the rescue ito para sa anak.
Selya : Hoy Jay! Ikaw ang walang pinagkatandaan!! Hanggang ngayon ganyan ka pa rin!! Umagang umaga!
Ang asawa naman ang napagbuntunan ni Jay.
Jay : Kaya lumalaking lampa yang anak mo dahil lagi mong pinoprotekhan!! Magsama nga kayo!
Lumabas ng kuwarto si Jay na nakapants lang at nakasampay sa balikat nito ang t-shirt na ginamit nung nagdaang gabi. Dumukot ito sa pants.
Jay : Pucha! Wala na naman akong yosi!!
Dire- diretso ito sa labas kung saan kahihinto lang ng owner type jeep ni Ivo. Bumaba ito at agad nagkamukhaan ang dalawa.
Jay : Pare, pahinging yosi at pasindi na rin.
Ivo : Oh sure. (Agad inilabas ang kaha ng sigarilyo kasama ang lighter)
Kumuha ng 3 sticks si Jay at sinindihan ang isa. Nagpuff saka nagpasalamat.
Jay : Salamat pare ha? 3 sticks na kinuha ko para may reserba.
Tumango lang si Ivo. Samantala, sa kuwarto ni BJ.. Bagamat hindi umiiyak si BJ, bakas sa mukha nito ang kalungkutan. Napaupo ito sa kama.
Selya : Wag mo nang intindihin ang Tatay mo.. Parang di ka na nasanay sa kanya..
BJ : Hindi man lang nya naappreciate yung effort ko.
Selya : Tama naman ang Tatay mo.. Dapat di mo sya pinangunahan.. Or kami pala.. May mga issues pa kasi na dapat ireconsider.. Kaya siguro nagreact ng ganun ang iyong ama.. But It's not a big deal.. So cheer up!
Maya maya ay narinig nila ang pagpapatao po ni Ivo.
Selya : Andyan na pala ang Tito Ivo mo.. Ayusin mo na yang mukha mo at sasaluhan ka namin dito sa inihanda mo.. Mukhang masarap ah?
Samantala, sa Pokia residence.. Dumating sa may gate si Win TheRamAss. Nakaformal attire ito na akala mo ay isang Chief Executive Officer ng isang bigating kompanya.. Nagdoorbell ito.
Dan..
tes!!
Dan
tes!!
Patapos nang magbreakfast sina Dale noon.
Mrs Pokia : Tricia, tingnan mo nga kung sino yun..
- - Itutuloy - -
Title: "ghostown"
Post by: Dareen117 on July 11, 2010, 08:08:39 AM
Bitin
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 11, 2010, 08:21:36 AM
64
Para namang nahuhulaan na ni Rustom kung sino ang nagdoorbell kaya ito na ang nagprisinta upang harapin ang bagong dating. Nagpunas ito ng bibig gamit ang napkin saka tumayo.
Rustom : No Tita.. Ako na lang ang lalabas. You stay here Tricia..
Mrs Pokia : Wow at talagang pinabibilib mo talaga ako Rustico Tomas!
Napasimangot si Rustom.
Rustom : Tita, its THOOO MAS. (Sabay alis)
Habang papunta ng gate si Rustom, nadaanan nito ang isang life-size mirror sa sala. Huminto at humarap saglit sa salamin. Inayos ang sarili. Ang damit pang eskuwela, kung maayos ang pagkakatuck in. Sinipat mabuti ang mukha. At inayos ang buhok na bagamat maikli ay kung bakit isinabit ang ilang strands sa likod ng tenga na akala mo ay mahaba ang buhok.
Dan
tes!
Dan
tes!
Napatigil sa ginagawa si Rustom at agad lumabas. Hindi nga sya nagkamali. Si Win TheRamAss ang asa gate. Malinis at guwapong guwapo ito sa paningin ni Rustom. Nilapitan nya ito.
Rustom : Ang aga mo ah?
Binuksan ang gate at pinatuloy si Win. Pumasok ang bagong dating.
Win : Kailangang maganda agad ang impression sakin ng future employer ko. (May dinukot sa bulsa) O eto nga pala yung ATM mo. (Iniabot kay Rustom)
Kinuha ni Rustom ang kanyang ATM mula sa mga kamay ni Win.
Win : 5,000 lang kinuha ko dyan.. Ang laki pala ng laman nyan.
Rustom : Sus! Para 5,000 lang kinuha mo, nagpapasalamat ka na? Wala yun. Sana dinagdagan mo pa.. Halika, pasok ka sa loob.. Sumunod ka sa akin.
Nagpatiuna na si Rustom. Habang papasok sila, napaisip si Win.
Win : Ampota, ang laki ng laman ng ATM nya.. Mahigit kalahating milyon! Tsk! Tiba tiba ako kung kinulimbat ko na lahat ng pera nya at hindi na ko nagpakita dito.
(Voiceover : Ganun? Eh di parang walang kuwenta pala role mo dito kung sinunod mo sarili mong script)
Win : Pero hindi ko kailangang masilaw sa kalahating milyon. 100x pa nun makukuha ko pag nagtyaga ako dito sa bahay na ito. (Palinga linga sa dinaraanan at talagang ina assess ang value ng bawat makitang kagamitan) Sa antic jar na yun pa lang, tyak, solve na ang ticket ko para mangibang bansa at magbagong buhay.. Hehehe.. Kaya tama lang na hindi ko pinag interesan ang pera ni Rustom. Para isipin nya rin na mapapagkatiwalaan ako..
Nakarating na sila ng sala.
Rustom : Maupo ka muna at tatawagin ko si Tita..
Umupo si Win at pinuntahan na ni Rustom si Madam.. Sa kinauupuan ni Win, nalula ito sa karangyaang nakapaligid sa kanya..
Win : Oh jerwin! Win na win ka dito! Hehehe.
Si Rustom naman..
Rustom : Win na win ako kay Win.. Madali ko sya mapapasunod sa lahat ng gusto ko sa pamamagitan ng pera ko.. It's like hitting two birds with one stone.. Bwahahaha!
ANO ANG NAGLALARO SA ISIPAN NI RUSTOM? KAYA NYO RIN BANG LARUIN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 11, 2010, 09:16:31 AM
65
Nang makarating sa dining area si Rustom ay ipinaalam nito ang pagdating ni Win TheRamAss.
Rustom : Tita, may aplikante po.. Gusto yatang mamasukan bilang security guard slash helper slash boy.. In short, all around.
Napahinto si Madam sa paghigop ng kape nya na -- (Oo, tama kayo.. Kape na ginamitan na naman ni Tricia nang mahiwagang finger-licking good)
Mrs Pokia : Teka teka.. Wala ata akong matandaan na nagpalagay ako ng ads sa dyaryo na nangangailangan ako ng additional kasambahay ah? (Tinuloy ang paghigop sa kape. Inilapag) Hmm, lalong sumasarap ang kape ko ah.
Pinigilan ni Tricia ang kanyang pagtawa kaya napangiti na lang ito nang pilya.
Rustom : Pero tita, sabi ni Dale kagabi nagpapahire ka raw.
Takang napatingin si Mrs Pokia sa kanyang unico iho. Humihingi ng kumpirmasyon ang nakalarawan sa mukha nito.
Dale : Bro, sabi ko, isasuggest ko pa lang kay Mama.. (Bumaling sa ina) But I guess Ma, kailangan natin ng karagdagang tao rito sa bahay.
Medyo napataas ang boses ng matandang dragon.
Mrs Pokia : No! Huwag nyo ako pangunahan! Though kaya ko magbayad ng kasambahay na sing dami ng kasambahay ni Jun Pyo, hindiC kayang kaya ni Tricia ang lahat ng trabaho rito sa bahay! Di ba Tricia?!
Tricia : Aba oho naman!! Kape ho gusto nyo pa?
Mrs Pokia : Tama na muna! Baka maadik ako sa kape! Narinig mo ako Dale? Hindi natin kailangan ng karagdagang tao dito sa bahay.
Rustom : But Tita, this is not about Tricia.. This is all about you.. See? Minsan mag isa ka rito.. And hindi ka basta basta nagigising kahit bagsakan ng nuclear bomb ang buong Pilipinas.. Let say kagabi, nung lumabas kami, paano pala kung may mga masasamang loob sa area.. Say pinagnakawan at nilooban ka..
Dale : Ang morbid naman ng naiisip mo..
Rustom : Let's be realistic Dale. Naglipana ang ganyang mga tao.. What if hindi lang pagnanakaw ang ginawa? Say pinatay pa si Tita..?
Mrs Pokia : Ay oo nga, napapanood ko yang mga ganyan sa U.T.O.T. News. Ginagahasa pa nga di ba bago patayin??
Tricia : Naku Madam, sa case nyo, Ipupusta ko ang reputasyon ko na hindi na kayo gagahasain pa.. Pag nakita kayo eh diretso murder na agad.
Napatingin si Madam kay Tricia. Clueless sa huling sinabi ni Tricia. Bagamat sumang ayon naman dito si Rustom.
Rustom : She's right, tita.. Kaya dapat maghire na tayo ng bagong kasambahay. tayo ng bagong kasambahay.
Ngunit matigas pa rin ang matanda.
Mrs Pokia : No! Hindi tayo maghahire ng bagong kasambahay! And that's that!
Dale : Ma, I guess, tama sina Tricia at Dale.
Mrs Pokia : No! This will be the last time na pag uusapan natin ito! Dalian nyo pagkain nyo at kung hindi eh pare pareho tayong malelate nito!
Rustom : Tita, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?? (At sa isip isip) Mapupurnada pa yata ang plano ko.
Mrs Pokia : No! Sarado na ang usapan..
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Rustom.
Rustom : Tita, guwapo sya. Kamukha ni Gerald Anderson.
Bigla'y napatayo si Madam at sininghalan si Rustom.
Mrs Pokia : Eh bakit hindi mo sinabi agad?? Asan? Asan ang aplikanteng yan?
HINDI MO KASI SINABI AGAD RUSTOM NA GUWAPO ANG APLIKANTE EH.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 11, 2010, 09:51:51 AM
I love chapter 62!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 11, 2010, 10:08:57 AM
EhhHhH.. Kakatawa, especiaLLy yung sinabi ni tricia na diretso murder na agad.. Hehehe..
gaLing ni kuya heLter!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on July 11, 2010, 10:42:54 AM
i love u storm.,
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 11, 2010, 01:29:55 PM
66
Dali daling pinuntahan ni Mrs Pokia si Win sa sala na kasalukuyang inaassess ang value ng isang painting sa wall (of shame?). Nakatalikod ito.
Mrs Pokia : Ahhm excuse me, ikaw ba ang aplikanteng sinasabi ni Rustom?
(Voiceover : Hello? Meron pa bang iba? Eh sya lang naman ang tao sa sala)
Humarap si Win nang dahan dahan. Pigil ang hininga ni Mrs Pokia. At nang ganap nang makaharap si Win, napasinghap ang matandang dragon at sa isip isip nito..
Mrs Pokia : My boytoy lollipop! Ang guwapo nya!
Win : Ako nga po Ma'am. Dala ko po mga requirements ko. Narito po (Ipinakita ang hawak na malaking envelope) Narito po lahat Ma'am.. Kung gusto nyo pong icheck. (Sabay abot)
Mrs Pokia : No iho.. Ngayon pa lang tanggap ka na..
Namilog ang mga mata ni Win..Hindi makapaniwala na ganun lang kadali nya makukuha ang trabaho.. Nang mga sandaling iyon ay nasa sala na rin sina Dale at Rustom na dala na ang kanilang mga backpacks. Palatandaan na handa na ang mga ito para pumasok sa skwela.
Win : Naku ma'am, ganun po ba? Naku salamat ho..
Mrs Pokia : Teka at ililibot kita sa buong bahay para maging pamilyar ka rito.
Nagprotesta si Dale.
Dale : Ma, malelate na tayo.. (Tumingin sa kanyang wristwratch)
Mrs Pokia : Naku iho, maaga pa.. Teka, (bumaling kay Win), ano nga palang pangalan mo?
Win : Win po.. Win TheRamAss.
Mrs Pokia : Ah okay.. Halika Weng, sumunod ka sa akin..
Dale : Ma, Win daw at hindi Weng..
Mrs Pokia : Nakow pareho na rin yun.. Halika Weng, at itotour kita.
Nagpatiuna na si Madam. Sumunod naman si Win. Narinig pa nila ang sinabi ni Madam.
"Iho, marunòng ka ba magmasahe? Mahilig din kasi ako magpamasahe sa dati kong boy eh"
Samantala, kina BJ, asa labas na ng gate ang mag ina. Asa driver's seat na si Ivo.
Selya : Oh mag ingat ka rito ha? Wag mo pababayaan ang sarili mo..
BJ : (Malungkot pa rin) Oho nay.
Selya : Tsaka wag mo na muna isipin ang tatay mo. Parang di mo naman yun kilala.. Makikita mo, sya rin ang unang hihingi ng paumanhin sayo.
BJ : Eh bakit ikaw Nay, hanggang ngayon, di ka pa rin nakikipag ayos sa kanya?
Selya : As I said earlier, iba yung issue namin.. Hayaan muna nating ganito ang sitwasyon.. In time siguro, anak.. In time.
BJ : Nay tell me, may iba ka na bang mahal? Mahal mo pa ba si Tatay?
Selya : Ano bang klaseng tanong yan Anak?
(Voiceover : Weeh umiiwas)
BJ : Just say yes or no.. Do you still love our Tatay?
(Voiceover : Oo nga! Sagooot!)
Selya : Kailangan na talaga naming umalis ng Tito Ivo mo.
(Voiceover : Boooo!)
Nag iwan si Selya ng smack kiss sa lips ng anak.
(Voiceover : Humpph!)
Sumakay na si Selya at habang umaandar ang jeep eh kumakaway pa si Selya. Ginantihan naman ito ni BJ ng isang flying kiss. Nang mawala na sa paningin nya ang sasakyan ay pumasok na rin sya shop kung saan may ilan na ring mga customers. Eksaktong nagring ang CP nya pagkaupo nya sa counter.
Tiningnan nya kung sino ang caller. Numero ng Ate Maggie nya ang nakarehistro. Agad nyang sinagot ito..
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on July 11, 2010, 01:37:30 PM
astig astig... (voiceover ou nga ou nga)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 11, 2010, 09:34:09 PM
67
Sinagot ni BJ ang tumatawag sa kanyang CP na si Maggie
BJ : Oh ate? Kumusta? (Medyo malungkot)
Maggie : Eto okay lang.. Medyo nakapagpahinga sandali sa work kaya nagkaroon ako ng time para tawagan ka.. Ikaw? Kumusta ka na?
BJ : Okay lang ako ate. (Matamlay) Masaya ako at napatawag ka.
Maggie : Masaya? Eh bakit parang di ko maramdaman? Hey, may problema ka ba? May problema ka noh?
Napilitang magkwento ni BJ.. At nang matapos nitong magkuwento..
Maggie : Haist.. Wala ako masabi.. Bukod sa maganda ang intensyon mo eh tama rin si Tatay.. Dapat hindi mo muna sya pinangunahan.. Pero don't worry, parang di naman natin kilala sa tatay.. Mapagtataasan ka lang nya ng boses pero di ka nya papatayin.. Kaya cheer up ka na ha?
BJ : Oo ate..
Maggie : Pero teka, anòng nangyari kanina? Pano sila nagreact nang malaman nilang magkatabi pala sila magdamag? (Excited)
Medyo sumaya si BJ. Natatawa nyang ikinuwento ang mga nangyari.
BJ : Nakuhanan ko sila ng video.. Hahaha! Isesend ko sayo ate sa email mo.. Naku, matatawa ka talaga..
Natawa rin si Maggie nang marinig ang kuwento ng kapatid..
Maggie : Ang galing mo naman little bro.. Nagawa mo talaga yun...?
BJ : Oo ate.. Sa tulong ni Ninong Ian..
Nang marinig ni Maggie ang pangalan ni Ian ay medyo natahimik ito at parang bumilis ang tibok ng puso nya.
Maggie : Ahm BJ.. Lam mo naman di ko pa nakita ninong Ian mo.. Ano ba itsura nya?
Dinescribe naman ni BJ. At sa huli, sinabi nya..
BJ : Ayun, para ding syang si tatay.. Bestfriend ang alak.. Pero mabait din gaya ni tatay.. At kung maliligo lang nang apat na beses sa isang araw si ninong Ian, eh halos magkasimpogi na kami.. Hahaha!
Lalong naexcite si Maggie sa sumunod na sinabi ni BJ.
BJ : Next week, aalis na sya sa bansa.. Pupunta rin sya dyan sa Iraq.
MAGTATAGPO NA BA ANG STORMIAN?
- - Itutuloy - -
(Voiceover : Pustahan, may magrereact?)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on July 12, 2010, 12:15:02 AM
.. maGtAtaGpo yan.. Xempre.. hahah.. meow..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 12, 2010, 06:51:17 AM
Nagdoble pala ang Episode 62. Next Episode is 69. My apologies.
Paumanhin. Di ko sure kung makakapagpost ako dito ngayong araw na to.. Wala kasi ako mapigang idea.. Medyo puyat pa.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 12, 2010, 09:14:20 AM
(5th Week)
69
Hindi maintindihan ni Maggie kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso nyo. Ngayon nya lang ito naramdaman at hindi nya ito maipaliwanag.
Maggie : Ahm BJ, may itatanong sana ako tungkol sa ninong mo?
BJ : Ano yun ate?
Maggie : Ah may asawa or girlfriend ba ang ninong mo?
BJ : Naku ate, wala pa. Binatang binata pa yun. Ewan ba kung bakit wala pa syang nobya hanggang ngayon.
Hindi maintindihan ni Maggie kung bakit parang gumaan at sumaya ang pakiramdam nya.
Maggie : Oh sige little bro, balik work na ako.. Regards na lang kay tatay at nanay.
Ibinaba nila ang mga telepono nila.
Sa IRAQ
Naghahum si Maggie habang sinisipat ang sarili sa salamin.
Maggie : Ha hum, hum hum hmm ha hmm hum mmm
Boom! Kablam! Pow! Bang! Bratatat!
-Background, maririnig sa paligid.
Maggie : Ano ka ba, Magz! Wag ka ngang mangarap! Ang laki laki ng Iraq para magkita kayo nung ninong ni BJ.
Samantala, sa Pokia residence, tanggap na si Win bilang boy/security guard/helper. Ipinagkatiwala na sya ni Mrs Pokia kay Tricia. Kaya naiwan na ang dalawa sa bahay. Inorient sya ni Tricia.
Tricia : Dito, kailangan, 5am pa lang gising ka na.. Tsaka bago ka matulog, kailang itsetsek mo lahat kung nakasara ang mga dapat isara.
Win : Ah ganun ba? Walang problema dun. Kayang kaya ko ang trabahong yun.
Tricia : Tsaka dahil all around ka, kailangan mo rin akong tulungan kung kinakailangan.
Win : Areglado. So ano ang maitutulong ko sayo ngayon?
Tricia : Linisan mo lahat ng kuwarto sa taas. Except yung kay Madam at kay Dale. Ako lang pinagkakatiwalaan nilang maglinis dun mula nung lumayas ang ilang mga kasambahay dito.
Win : Ah ganun ba? No problem..
Tricia : Kaya simulan mo na ngayon pa lang at ako naman ay maghahanda na ng lunch natin. Maliwanag.
Win : Maliwanag. Ahm Tricia, matagal ka na ba dito?
Tricia : Personal questions are not allowed. Try again later.
Tumalikod na si Tricia at diretso na ng kitchen. Naiwan si Win na hindi pa rin makapaniwala sa sobrang swerteng dumating sa kanya..
Samantala, isang motor ang tumigil sa tapat ng SUPER CLIMAX. Nagtanggal ng helmet ang sakay niyon.
Si Mon.
Mon : Dito raw bumaba yung pinaghihinalaan nyang kakambal nya.. Kailangan ko itong makita.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: kyuubi07 on July 12, 2010, 09:41:38 AM
,broomm broomm...
,hehe
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 12, 2010, 10:52:56 AM
KakaaLiw!
=)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 13, 2010, 06:56:27 AM
71
Matapos maiparada nang maayos ang kanyang motor ay agad itong pumunta sa di kalayuang tindahan at bumili ng pop cola at isang cheese cake.
Mon : Dapat noon pa lang sinabi ko na sa kanya kung anong pagkatao meron sya.. Tsk tsk.. Pero kahit anong mangyari, kahit malaman pa nya ang lahat, mahal na mahal ko sya.. At walang makakapagbago nun.
Sa loob ng SUPER CLIMAX, andun ang nanay ni Gee-Ann. Magkausap ang mag ina..
Mitch : Anak, hindi mo sinabing ganito ang trabahong papasukin mo.. Kung alam ko lang hindi kita pinayagan..
Gee-Ann : Wag kang mag alala Nay, maayos ang trabaho ko rito.. At mababait silang lahat lalong lalo na si Madam Hazel..
Mitch : Pero napakabata mo pa para magtrabaho.. Sapat naman yung kinikita ko sa hospital para mabuhay tayo nang maayos.
Gee-Ann : That is exactly my point Nay.. Habang bata pa ako, dapat na akong matutong kumayod.. Napag usapan na natin ito noon.. Kaya huwag na natin pang ungkatin..
Mitch : O sya dadalawin na lang kita uli dito pag may free time ako.. Huwag mong pababayaan ang sarili mo..
Gee-Ann : Oo Nay. Sayang at tulog pa si Madam Hazel.. Gusto sana kita ipakilala sa kanya...
Mitch : Sige.. Sa susunod na lang na punta ko dito.. Basta mag iingat ka palagi..
Sa labas, isinasauli na ni Mon ang kanyang bote ng pop colang wala nang laman at binabayaran kaya di nya nakita ang pagbukas ng pinto ng SUPER CLIMAX at paglabas ng mag ina.. At nang makapara ng tricycle at makasakay si Mitch ay agad na ring bumalik sa loob ng club si Gee-Ann. Sa muling pagharap ni Mon ay ganun pa rin ang tanawin.
Mon : Baka tulog pa ang mga tao.. Tsk tsk.. Kailangan ko na sigurong umalis.. Babalik na lang siguro ako sa ibang araw..
Sumakay na uli sa kanyang motor si Mon.. Kinuha ang helmet na nakasabit sa puno ng left side mirror ng motor at isinuot. Pinaandar sa pamamagitan ng kick starter saka pinaharurot.. Sa bilis ay nagtilamsikan ang tubig sa kalsada na galing sa ulan at natilamsikan si Al na noon ay naglalakad..
Al : Pambihira naman!! Mag ingat naman kayo sa pagmamaneho! Hmmmp!
"Chrizhelda... Chrizheldaa.. Chrizheldaaaah!! Bwahahahahaha!!"
"Huwaaag!!!! Maawa ka sa akin!! Patahimikin mo na ako!!!"
"Chrizheldaaaaaahhh..!!! Bwahahahaha!!!"
"Hindi ako si Chrizhelda!! Maawa ka!!!"
Aaaaaaaaahhhh!!!
At napabalikwas ng bangon si Hazel.. Sa baba ay dinig na dinig ni Gee-Ann ang pagtili ni Hazel kaya agad itong umakyat papunta sa kuwarto ng amo.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: BudGurL21 on July 13, 2010, 07:55:56 AM
haha adik ka talaga otor sumakit mata ku.pwede pakibasa nlang makikinig aku with action hehe :d
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 15, 2010, 06:29:09 AM
72
Nadatnan ni Gee-Ann si Hazel na nanginginig sa takot at basang-basa ng pawis. Agad nya itong nilapitan sa kama. Umupo ito sa may bandang dulo ng kama..
Gee-Ann : Madam Hazel, okay lang po ba kayo?
Imbes na sumagot e sumubsob sa kanyang mga palad si Hazel. Impit itong napaiyak.
Hazel : Oh my God! Hanggang sa panaginip, sinusundan ako. Patahimikin nyo na ako!
Naalarma si Gee-Ann. Agad nyang nilapitan ang kanyang amo. Niyakap ito at inalo. Ramdam na ramdam nya ang panginginig ng katawan nito.
Gee-Ann : Madam, gusto nyo po ba ng tubig?
Nag angat ng paningin si Hazel. Iwinaksi ang pagkakayakap sa kanya ni Gee-Ann at tiningnan ito nang matalim na matalim.
Hazel : Sinabi ko bang pumasok ka rito sa kuwarto?
Medyo napaatras si Gee-Ann.
Gee-Ann : Madam, narinig ko po kasi ang pagtili nyo kanina.. Binangungot po yata kayo.. Concerned lang naman po ako sa inyo..
Inasikan na ni Hazel si Gee-Ann.
Hazel : Hindi ko kailangan ng concern mo! At sa susunod, huwag na huwag kang basta na lang papasok dito kung di ko sinabi!!
Gee-Ann : Gusto ko lang po sanang makatulong, Madam.
Hazel : Ganun? Kung gusto mo talagang makatulong, lumabas ka sa kuwartong ito, ngayon din!! Out!! Get out!! (Nakaturo sa pinto)
Walang nagawa si Gee-Ann. Tumayo ito at yuko ang ulong lumabas ng kuwarto ni Hazel. Naiwan si Hazel.
Hazel : Kasalanan mo lahat ito!! Kasalanan mo!!
(Voiceover : Nino?? Hindi ko magets huh?)
"Sorry Angie.. Pero si Tricia ang kasama ko sa concert"
Textmessage ni Dale kay Angie. Paulit ulit nyang binabasa.
Angie : Kainis! No choice.. Si BJ ang kasama ko sa concert.
Nagtext ito kay BJ. Sinend. Nareceive ni BJ at binasa.
"Samahan mo ako sa concert ni Angel Meow kahit labag sa kalooban ko. Don't forget to wear your pampers"
Napapangiti si BJ habang binabasa ito.
BJ : Witwiwww! Ayus gyud!!
Samantala sa HELTERBRAND'S BEAUTY SALON, magkasama ang magkumpareng Ian at Jay habang may isang ginugupitan si Ursula.. Akala mo maraming customer pero huwag ka, kasamahan lang nung ginugupitan ang mga ito. May nagbabasa ng dyaryo. May nakikipagtelebabad sa landline kaya manaka naka ay sinisita ito ni Ursula.
Ursula : Telebabad! May Inaantay akong tawag!
Meron namang panay ang ayus sa sarili sa harap ng salamin. May 2 nagkwekwentuhan.
"Ampanget kaya ng mga shows ng GMA.. Puro remake at pantasya"
"Mas panget ang DOS, puro fabrications lang mga story nila sa MMK."
Kaya manaka naka e sumisingit din si Ursula sa usapan ng dalawa.
Ursula : Mga echusero! Pati yun pinagtatalunan pa.. Para walang gulo, mas maganda ako sa Syete at sa Dos.
Natatawa ang ginugupitan. Pati ang magkumpare.
Jay : Oh pare, (Sabay abot ng isang maliit na package) Pakiabot na lang to sa Maggie ko.. Mga books yan.. May mapaglibangan man lang sya dun kapag walang trabaho. Andyan, nakasulat ang address nya dun.
Ian : Okay pare.. Makakarating to..
MAGTATAGPO NA KAYA ANG PINAKABAGONG LOVETEAM?
(Voiceover : Pustahan, may magrereact na naman thru text? Haha)
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 15, 2010, 04:48:38 PM
73
Sa pagpapatuloy
Jay : Tsaka pare, pakisabi mag ingat na lang kamo sya dun. Miss na miss na kamo namin sya ng kapatid nya..
Ian : Oo pare.. (Inilagay ang maliit na package sa kanyang backpack)
Jay : Eh teka pare, ano bang magiging work mo dun??
Ian : Helper daw ng cook dun sa barracks..
Jay : Ah talaga? Eh ni hindi ka nga marunong magluto di ba?
(Voiceover : Ano ka? Kanya nga ata yung "Magluto Tayo" thread eh)
Ian : Sobra ka naman pare.. Kaya nga helper lang pinasukan ko eh.. Tsaka marunong naman akong magluto ng nilaga at piniritong itlog at isda.
Jay : Kaya pala yung pinirito mong galunggong kanina eh sunog pero hilaw ang loob?
Ian : Naku, wag mo naman ipangalandakan pare.. Kakahiya sa mga nakakarinig..
Jay : Yung dalaga ko, chef dun sa Iraq.. Baka naman magkasama kayo sa work?
Ian : Wala pang sinabi ang agency eh.. Dun ko na lang daw malalaman..
Jay : Hay namiss ko talaga yung dalaga ko.. Masarap magluto yun.. Naturuan kasi ng tatay eh..
Ian : Eh pare, si mare, hindi mo ba namimiss?
Jay : Tumigil ka nga..
Ian : Deny ka pa ha? Tell me, may kasunod na ba ang inaanak ko?
Dinampot ni Jay ang isang lumang dyaryong Tiktik, binalumbon at ipinalo sa ulo ng kumpare.
PLAK!
Jay : Tamong pareho kaming nakainom..
Ian : Aray ko pare, masakit yun ha..
Jay : At talagang masasaktan ka lalo pag di ka pa tumigil..
Ian : Oh ano na lang.. SUPER CLIMAX na lang tayo mamaya.. Ano?
Jay : Pass muna ako.. Kailangan kong puntahan yung inaanak mo.. Baka nagtatampo na sa akin yun dahil sa mga sinabi ko sakanya.
Ian : Mabuti pa nga..
Sa IRAQ,
Hindi mapakali si Maggie.. Gusto nya tawagan ang kanyang ama pero hindi sya sure kung ito talaga ang gusto nya makausap.
Maggie : Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit gusto kong tumawag sa Pilipinas pero parang ayaw ko naman makausap kahit sino sakanila maliban kay... Ahh. Puft.
Tumunog ang CP nya.. May tumatawag.. Nakarehistro ang number ng tatay nya. Excited nya itong sinagot.
Maggie : Hello Ian?!
Jay : Anong Ian? Tatay mo to..
Nataranta si Maggie..
Maggie : Ah tay, may kausap kasi ako dito katrabaho ko.. Pinoy.. (Inilayo ang CP sa bibig at nag iba ng boses) Magz, alin ba dito yung regalo mo sa akin? (Inilapit uli ang CP sa bibig at balik normal ang boses) IAN, (diniin ang word na IAN), iyang hawak mong yan.. Sayo na yan.. Once ko lang ginamit. (Inilayo uli ang CP at nag iba ng boses) Salamat, Magz ha? (Inilapit uli ang CP sa bibig at balik normal ang boses) Walang anuman.. O tay napatawag ka..
Jay : Sigurado ka bang may ibang tao dyan?
Maggie : Oo naman tay..
Jay : Oh well, kaya ako napatawag kasi..
Ikinuwento ang pagdating ni Ian at ang mga padalang books. At nang matapos silang magusap, talagang abot tenga na ang ngiti ni Maggie.
Samantala, sa NAIA, isang sopistakadang matangkad na babae ang nag aabang ng taxi. Mapapagtantong bagong dating ito.. May dala itong isang maleta.. Si Sharmaine. (Na gagampanan ni Asianchic22)
Sharmaine : Ngayong nandito na uli ako, oras na ng paniningil ko sa lahat ng mga yumapak sa pagkatao ko.
WOW! PARANG SI VICTORIA LANG SA MAGKARIBAL AH?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on July 16, 2010, 10:01:56 AM
Haha ang saya!brother namiz kta..!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 16, 2010, 10:37:35 AM
hay naku...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 16, 2010, 10:46:03 AM
"Hay naku talaga.. Napagbigyan na ang Jay-Selya kaya gusto rin namin ng fresh.. Ian-Magz naman"
- Aling Azon, Senior Citizen.
(Episode 74.. Ui 74 na.. Ahehehe.. Mamaya bago magstart ang GKNB?.. Nahihirapan ako dun sa bagong character)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 16, 2010, 10:51:50 AM
Puft..watever.. Hmf.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 16, 2010, 12:51:54 PM
74
Tinanggal ni Sharmaine ang kanyang shades at tiningnan ang buong paligid. Napapangiti ito na naluluha..
Sharmaine : My God, I missed this place.. Kahit masasakit na alaala ang ibinigay sa akin ng lugar na to, Im just glad that I'm home already.. (Naningkit ang mga dati nang singkit na mata) At oras na ng paniningil ko para sa lahat ng may pagkakautang sa akin.
May humintong taxi sa tapat nya.. Agad nyang binuksan ang pinto sa likod nito.. Bumaba ang driver at kinuha ang kanyang maleta at ikinarga sa compartment. Pagkapasok uli ng driver ay agad nyang sinabi ang kanyang destinasyon. Tumango ang driver at pinaandar na ang taxi.
Habang asa daan ang taxi, iginala nya ang kanyang paningin sa paligid. Nakakita sya ng mga streetchildren. Napaluha sya.
Sharmaine : Sakit na talaga ng bansa ang mga batang iyon na pinabayaan ng mga magulang.. Kahit eyesore sila sa paningin ko, natutuwa akong makita sila dahil minsan naging kagaya rin nila ako.. Anong klaseng mga magulang kaya meron ang mga batang ito at nagawa nilang pabayaan ang kanilang mga anak?
Napapikit si Sharmaine sa naisip. Dahil sa isip isip nya, bagamat nagtagumpay na sya sa kanyang piniling karera, alam nyang may nawawala pa ring bahagi sa kanyang pagkatao. At iyon ang isa sa mga hahanapin nya sa pagbabalik sa bansa. Huminto ang taxi sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard. Crossing. Traffic.
(Voiceover : Ang tan.ga naman ng driver at sa ibabaw pa dumaan. Hindi na lang sa ilalim)
Nang dumilat si Sharmaine, nakakita naman sya ng mga Metro Aide (Street Sweeper). Muli ay may naalaala ito.
Sharmaine : Mananatiling mataas ang pagtingin ko sa mga kagaya nilang mga streetsweeper.. Dahil sa kanila, nabìhisan ako.. Nabigyan ng panibagong kalinga at pagmamahal.. Na hindi ko naramdaman sa mga tunay kong magulang.. At kahit sumulpot pa sila ngayon sa harap ko, ang tatay kong streetsweeper pa rin ang kikilalanin kong ama.
Umandar ang taxi at pagsapit nagright turn ito sa SHAW Boulevard.
(Voiceover : Ah kaya naman pala sa ibabaw dumaan at hindi sa ilalim. Sorry naman)
Nakakita sya ng isang billboard. Ang nakalagay ay :
GANDANG RICKY REYES.
Tumiim ang bagang nya sa nakita. Muli ay may nabuhay na galit sa puso nya..
Isa isa nyang naalala ang mga linyang hinding hindi nya makakalimutan habang sya'y nabubuhay.
"Sorry Sharmaine, mahal kita pero mas mahal ko ang pamilya ko"
"You are just a face.. Walang ibang maipagmamalaki.. Ang kagaya mo ba, sa tingin mo eh matatanggap ko sa pamilyang ito?"
"Layuan mo ang kapatid ko.. Maawa ka para sa kinabukasan nya.."
Sharmaine : Kakainin nyong lahat ng mga sinabi nyo sa akin!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 17, 2010, 09:07:24 AM
75
Napapikit si Sharmaine nang maalala ang nakaraan. Ang mga linyang yun ang naging motivations nya para magkaroon ng self confidence.
"Iha, andito na tayo.. San bang banda dito ang pupuntahan mo?"
Naputol ang pagmumuni muni ni Sharmaine.. Iminulat niya ang mga mata at nakita nya ang isang pamilyar na lugar.. Andun pa rin ang matayog na puno ng avocado.. Na bagamat sumasabit na sa mga sari saring kable mula sa Meralco at Telephone Service Provider at mga Cable Networks ay di pa rin nila magawang ipaputol ito dahil sa paniniwalang may engkantong namumugad dito.. Andun pa rin ang estero na naging piping saksi sa kanyang pagluha noon. Bagamat maayos na ang mga dwellings doon, masasalamin pa rin ang pagdarahop ng mga taong nakatira doon.
Napangiti siya. Isa lang ang nabago. Wala na ang kanilang barong-barong.. Napalitan na ito ng isang Up & Down apartment.. Sa baba nito ay prominente ang business sign na AL TAPSIHAN.
Sharmaine : Mamang driver, dyan mo ako ibaba sa may tapsihan..
Napalingon ang driver.
"Sinong pupuntahan mo dyan sa tapsihan ko?"
Nagulat si Sharmaine.
Sharmaine : Tay, ikaw ba yan? Si Maine ito!
Sinipat na mabuti ng taxi driver, na walang iba kundi si Al, ang pasahero..
Al : Weeh? Si Maine ka? Ang ganda mo naman masyado para maging ikaw yung anak.. Huwag mo nga ako lokohin iha.
Sharmaine : Tay, si Maine ito.. Bakit di mo ako mamukhaan?
Sinipat pa uling mabuti ni Al ang pasahero nya. Bigla ay kumanta si Sharmaine.
Sharmaine : Basta't tayo'y, magkasama.. Laging Mayrong umagang kay ganda.. Pagsikat ng araw..
Naluha si Sharmaine habang kumakanta. Natigilan si Al. Ang kantang yun ang madalas nilang kantahin ni Maine nung bata pa ito kapag isinasama nya sa pag i streetsweep sa kalakhang Maynila. Napalabas silang pareho sa taxi. At nang magkaharap.
Al : Ikaw nga si Maine.. Anak! Halos talagang di na kita nakilala! Sinorpresa mo ako! Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na! Di sana nasundo kita.
Napangiti si Sharmaine.
Sharmaine : Talagang sosorpresahin kita, itay. Pero di ba, parang nasundo mo na rin ako.
Masayang nagyakap ang mag-ama.
Kinagabihan, sa Pokia residence, bago umakyat ng kuwarto si Madam, kinumusta nito ang Angel Meow promo na sinalihan ni Tricia.
Mrs Pokia : Ano Tricia? May pag asa ka ba para manalo?
Tricia : Sure na sure 100% madam!
Mrs Pokia : O sya sige, magpapahinga na ako.. Sa isang linggo na ang concert ni Angel Meow.
Tricia : Huwag kang mag alala Madam, sure na sure na makakapanood ka!
Umakyat na ang Matandang Dragon. Siya namang pagsulpot ni Dale na narinig pala ang usapan.
Dale : (Nangingiti) Parang sigurado kang mananalo ka ah? Tsaka alam ko, wala namang promo ang U.T.O.T. Channel 3.
Tricia : Wala nga! Sino bang maysabing may promo? (Natatawa din)
Dale : Eh anòng ibibigay mo kay Mama? Hala ka!
Imbes na sumagot si Tricia, dumukot ito sa loob (Sa may bandang baba, Oo! Sa may undies nya)
Tricia : Dyaran! (Hawak nito ang sobre ng ticketnet na binili ni Dale nung nanood sila sa Big Dome)
Dale : Hey! Hey! Huwag mong sabihing yan ang ibibigay mo kay Mama?Aba, hindi puwede yan.
Tricia : Huwag ka nga dyan! (Inilabas ang laman ng sobre) Eto o, apat itong tickets! May giveaway na 2 tickets!
Kinuha ni Dale ang tickets at tiningnan.
Dale : Tsk tsk. 2 GALLERY Tickets ang give away? Sa tingin mo, mapapayag mo ang presidente ng POKIA CELLPHONES, INC na manood sa gallery?
Tricia : Aba, bakit hindi? Magbaon sya ng largabista..
At nagtawanan ang magkasintahan. Sa di kalayuan ay andun si Rustom, na narinig din ang usapan ng dalawa.
Rustom : Tingnan natin labandera, kung may maibibigay kang ticket kay Tita bago dumating ang araw ng concert..
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 17, 2010, 03:55:29 PM
ahaha! Ang ganda ng palabas ng sinehan na ito..
Kakabitin!!
Nice m0vie..
:D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 17, 2010, 03:57:54 PM
Yehey.. HaLos isang Linggo ko itoNg iNaBaNgaN.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 17, 2010, 04:01:49 PM
isang linggo??!!wtf..!
You mean isang linggo pa po bago ituloy??!!
Ehehe..ngay0n ko plang kasi nabasa to..ehehe
Title: ?
Post by: ylreveb1227 on July 17, 2010, 04:03:05 PM
Binasa mo Angel mula scene 1?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 17, 2010, 04:04:00 PM
HiNdi angeL, i mean di ko naBasa ang mga Latest chapTerS kasi minsan Lang ako mag'oL. My kLas kasi.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 17, 2010, 05:11:08 PM
opo..binasa ko na buong chapter..ehe..ang sakit nga mata ko kasi buong araw ko tong binasa..ehehe..
:D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 17, 2010, 06:02:30 PM
Worth it naman pagkatapos mOng maBasa di bA.
Mas maganda sana kung isasaBuhay, yung tipOng ipapaLabas sa tv.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on July 17, 2010, 06:03:34 PM
Sa spamsi po kayo magchikahan..thankz.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 17, 2010, 08:13:20 PM
aw..s0ri po.. :-)
{bawal po pala mag c0mment}
:D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 19, 2010, 02:12:13 PM
76
Agad pinuntahan ni Rustom si Win sa kuwarto nito. Pagbukas nya ng pinto, nagulat sya sa nakita
Rustom : Oh my God.. (Napalunok ng ilang ulit)
Nakabrief lang kasi si Win. Nag aayos ng kanyang damit sa isang maliit na kabinet na makikita sa sulok ng maliit na kuwartong iyon. Napansin ni Win na may tao. Napalingon ito.
Win : Oh Rustom, andyan ka pala? May maipaglilingkod ba ako sayo? (Humarap na nang tuluyan kay Rustom kung kayat lalo nang nalantad ang matipunong pangangatawan nito)
Napalunok uli si Rustom.
Rustom : Hindi ka ba marunong maglock ng pinto?
Win : Wala namang problema dun di ba?
Rustom : Wala? Tingnan mo nga yang ayos mo?
Lumapit si Win kay Rustom sabay akbay. Nabigla ang binata from Cebu. Bumilis ang tibok ng kanyang puso pero hindi ito nagpahalata.
Win : Wala naman talagang problema kasi pareho naman tayong lalaki di ba?
Agad sinang ayunan ni Rustom ang sinabi ni Win.. Inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya ni Win.
Rustom : I came here to do business.
Win : Hmm, mukhang pagkakaperahan yan ha?
Rustom : Tama! Pero kailangan mo munang gawin ang ipapagawa ko sayo.
Win : Eh ano ba yan? Baka naman pagsayawin mo ako ng hubo't hubad?
Sa isip isip ni Rustom : Kung puwede lang ba eh?
Rustom : Gusto kong kuhanin mo ang apat na tickets sa concert ni Angel Meow na kasalukuyang hawak ni Tricia.
Win : Naku, pagnanakaw ang tawag dyan.. Hindi ko kayang gawin yan.
Rustom : Hindi mo naman nanakawin, kukuhanin mo lang.
Napakamot sa ulo si Win.
Win : Ah kung kukuhanin ko lang, walang problema dun.. Pero kung nanakawin eh wag na lang.
Ikinuwento ni Rustom ang kanyang mga plano. At sa huli,
Rustom : 5000pesos ang bayad mo pag nakuha mo ang mga tickets.
Win : Areglado.
Napalingon si Rustom sa may bintana nang makarinig sya ng ingay sa pool. Parang may nagdive. Lumapit ito sa bintana at nakita nyang nagswiswimming si Dale habang nakaupo sa gilid ng pool si Tricia. Nilalaro ng kanyang paa ang tubig. Naka swimsuit din ito. Napalingon si Tricia sa direksyon ni Rustom.
Tricia : Ui Friend, andyan ka pala.. Halika, join us here. Isama mo na rin si Win.
Narinig iyon ni Win.
Win : Ayus yan! Hindi ako tatanggi. Nakabrief na lang ako ngayon kaya ready to fight na.
Hinila na ni Win si Rustom papuntang pool. Hindi makahuma si Rustom. At nang makita ni Tricia ang katawan ni Win,
Tricia : Ang ganda naman ng katawan mo Win.. Rustom, ang ganda ng katawan nya noh? Pangmodelo.
Hindi pa rin makakibo ang palunok lunok na si Rustom lalo na nang umahon si Dale patalikod sa direksyon nya. Kitang kita ni Rustom ang malusog na puwet ni Dale na nakasuot lang ng skimpy swimming trunks.
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 19, 2010, 05:06:58 PM
dami ko na palang na'miss!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 20, 2010, 07:21:08 AM
77
Hindi malaman ni Rustom ang gagawin. Napapaligiran kasi sya ng dalawang matitipunong lalaki na halos kita na ang mga kaluluwa..
Tricia : Oy Rustom, join ka na rin sa kanila. Ang sarap sarap ng tubig oh. (Sige pa rin sa paglalaro sa tubig sa pamamagitan ng kanyang mga paa)
Para namang natauhan si Rustom.
Rustom : Ah talaga? Sige ba.
Akmang huhubarin na nya ang kanyang shorts nang biglang matigilan ito. Napansin iyon ni Tricia.
Tricia : Oh bakit? Hubarin mo na rin yang shorts mo. Flaunt your body, boy. (Idiniin pa ang salitang "boy")
Rustom : Naku, naalala ko, sinisipon pala ako (Pumeke ito ng isang bahing) Hatsit!! Hatsit!
Natawa si Tricia. Sa isip isip nya. "Asus! Kunwari ka pa. If I know, nahihiya ka kasi pangbabaeng t-back ang gamit mo"
Maya maya ay nilapitan ni Rustom si Win at pasimple itong bumulong..
Rustom : I guess, this is the right time para gawin mo yung pinagagawa ko sayo.
Tumango si Win at nagpaalam ito sa mga kasamahan.
Win : Ah Sir Dale, excuse lang po sandali ha? Tsetsekin ko muna yung mga gates natin kung maayos na ang pagkakasara.. Mahirap na ho.. Nagkakasayahan tayo dito pero baka di natin namamalayan eh napasok na pala tayo ng mga kawatan.
Tumango naman si Dale.
Dale : Okay Win. Please do that.
Sabay dive uli ito sa pool.
Samantala, sa Tapsihan nina Al, nag uusap ang mag ama. Marami rami rin ang customer nang gabing iyon. 24/7 kasi ang AL TAPSIHAN at pag dis oras na ng gabi, dyan nagdadagsaan ang mga parokyano. Mga galing sa trabaho.. Mga galing sa tagayan na gustong makahigop ng mainit na sabaw para lang maibsan ang amats.. Mga parokyanòng trip magmidnight snack.. Mga tricycle drivers na namamasada pa rin sa mga ganung oras.
Sharmaine : Maganda pala Tay tong naisip mong negosyo. Nung una, parang wala akong bilib.
Al : Di ba, sinabi ko naman sayo na necessity ang pagkain? Hindi puwedeng hindi kumain ang mga tao.
Sharmaine : Oo nga eh..
Al : Oh kumusta naman ang pagkanta kanta mo abroad?
Sharmaine : Okay naman Tay.. Hindi man ako kasing sikat ng ibang mga singers natin dito, napapansin na rin ako dun sa abroad.. And guess what? Front act ako sa concert ni Angel Meow.. At narinig ko mula sa mga organizers na personal choice daw ako mismo ni Angel..
Al : Naku! Mabuti naman kung ganun! I am so proud of you Iha.. At sana rin, natuto ka na ring magpatawad sa mga taong nakapanakit sayo.
Sa sinabing iyon ng ama ay napalitan ang magandang aura ng anak.. Naningkit ang mga mata nito..
Samantala, sa Pokia residence, tulog na ang mga tao maliban kina Rustom at Win.. Kapapasok lang ni Rustom ng kuwarto ni Win.
Rustom : Ano? Nakuha mo ba?
Isang ngiti ang isinagot ni Win. Inilabas nito mula sa bulsa ang mga tickets.. Napangiti rin si Rustom.. Iniabot ni Win ang mga tickets kay Rustom.. Nang mahawakan ni Rustom at makita ang mga tickets ay agad na nawala ang mga ngiti nito sa labi.
BAKIT KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 20, 2010, 03:50:56 PM
78
Sumimangot si Rustom. At sa mataas na boses:
Rustom : Sabihin mo nga sa akin Win, ano naman ang gagawin ko dito sa mga LOTTO TICKETS na ito? Hindi ito ang pinapakuha ko sa yo! Tickets sa concert ni Angel Meow ang pinapakuha ko sa yo!
Ibinalibag ang mga LOTTO tickets sa mukha ni Win.
Rustom : Kailangan ko ang mga tickets na yun til next week! Maliwanag?
Win : Naku, sorry! Sorry talaga! Wag kang mag alala, makukuha natin yun bago dumating ang takdang panahong kailangan mo ito!
Rustom : Siguraduhin mo lang!
Sabay labas ng kuwarto ni Win si Rustom.
Win : Kung hindi lang sa pera mo, hinding hindi kita pakikisamahan Rustom.
Samantala, sa NBI Headquarters, hawak hawak ng direktor nito na si Jhaizee "Kidlat" Lanting ang isang intelligence report. Astig na astig ang itsura ng bagong talagang head ng NBI na si Jhaizee. Graduate ito ng PMA with Top Honors.
Jhaizee : (Binabasa ang report) Hmm, eto pala ang profile nung Most Wanted na magnanakaw ng bansa. At ayun dito, andito na raw sa Manila ang nasabing kawatan.. Kailangang mahanap na ang taong ito bago pa uli makapamerhuwisyo.
Kinaumagahan, inihatid na ni Jay ang kumpareng Ian nya sa NAIA. Nakatakda na itong pumunta ng Iraq.
Jay : Pakikumusta na lang ako sa Maggie ko ha? Miss na miss na namin kamo sya.
Ian : Oo pare.. Huwag kang mag alala, makakarating tong mga books na padala mo sa kanya.
Jay : Mamimiss din kita pare.. Wala na ako makakasama sa SUPER CLIMAX..
Ian : 2 years lang naman kontrata ko dun.. Mabilis na panahon lang yun.. Tsaka andyan naman yung inaanak ko na makakasama mo sa SUPER CLIMAX..
Jay : Isa pa nga yan sa mga pinoproblema ko.. Masyado ko yata syang nasaktan the last time..
Ian : Ikaw naman kasi pare, paminsan-minsan e rendahan mo rin kasi yang bibig mo.. Kaya pagkagaling mo dito, puntahan mo na yung inaanak ko.. Huwag mo nang hintayin pang lalong magtampo sayo yun..
Jay : Oo pare..
"All passengers bound to Bahgdad.. This is your last call"
Ian : O pano pare? Kailangan ko nang pumasok.. Bago pa ako maiwanan ng eroplano ko..
Jay : O sige pare.. Happy trip na lang.
Pagkatapos ng isang mabilisang yakapan at tapikan ng balikat, agad nang pumasok ng airport si Ian dala ang isang di kalakihang maleta..
Sa computer shop ni BJ, kasalukuyan nyang pinapanood ang video ng kanyang mga magulang.. Nangingiti ito bagamat malungkot..
Angie : Hi BJ!
Medyo umaliwalas ang pakiramdam ni BJ nang makita si Angie sa kanyang trademark attire na tube at short shorts.
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 20, 2010, 04:58:21 PM
ANO ANG LAMAN NG VIDEO NA PINAPANUOD NI BJ?
MAGKAKARON NA KAYA SILA NG BAGONG KAPATID NI MAGGIE?
---pakiituloy na..bilis!---
bwahaha! ba't kasi walang teaser? natatawa kong totoo. wahay! xD
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 20, 2010, 05:19:48 PM
ay, exciteD na ako sa kasunOd.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 20, 2010, 05:31:20 PM
whew! Nakakatuwa..ahahaha! Baklang bakla si rust0m!ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 20, 2010, 11:24:33 PM
nice. c",)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on July 20, 2010, 11:45:45 PM
astig c kid dito.. p.m.a graduate..ahahaha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 21, 2010, 06:36:03 AM
79
Ngumiti si BJ. Hinarap nito si Angie.
BJ : Oh napasyal ka? Ang tagal mo yatang di nagawi rito.
Sa halip sumagot, dinukot ni Angie ang mga tickets sa concert ni Angel Meow at iniabot kay BJ.
BJ : Oh bakit mo isinosoli ito?
Angie : Sira! Hindi ko sinosoli yan.. Ipapahawak ko na uli sayo.. Tutal, ikaw din naman pala makakasama ko sa concert ni Angel Meow.. No choice.
Nalungkot si BJ sa narinig dahil alam nyang second choice lang sya ni Angie para makasama nito sa concert. Pero sya na rin ang umaliw sa sarili nya dahil ang mahalaga, silang dalawa ng pinakamamahal nyang si Angie ang magkasama sa nasabing konsiyerto.. Naputol ang pag iisip ni BJ sa sumunod na sinabi ni Angie..
Angie : Magsi 69 ako ngayon.. Huwag kang mag alala.. Binigyan ako ng tatay ko ng extra allowance ko kasi malakas ang kita nya sa talyer lately kaya mababayaran na kita ngayon sa mga utang ko sa pagsi 69.
Lalo nang umaliwalas ang pakiramdam ni BJ. Iginiya na nito ang dalaga sa unit 69. Nang naiset na ang lahat.. Umupo si Angie sa harap ng 69 at diretso naglog in sa SandBox.. Nang makapasok sya sa Forums, hinanap nya sa mga online ang isang taong sobrang namimiss nya na.. Napabuntong-hininga sya ng makitang wala dun ang taong hinahanap nya at minamahal..
Angie : Hays, ano bang nangyari sa Jannaerron na yun? Ilang araw nang offline.. Ang lungkot lungkot ko kapag wala sya..
Ang Jannaerron na hinahanap nya ay asa counter at kasalukuyang pinapanood ang video ng mga magulang. Tawa nang tawa ito..
BJ : Hay, Im sure, matatawa rin si Ate Maggie kapag napanood nya ito.. Teka nga pala at isend ko na sa e-mail nya.. Hehe.
Nang maisend nya ang videoclip ay siya namang pagpasok ng kanyang Tatay Jay. Medyo nagulat si BJ at may konting takot syang naramdaman.
Jay : Hmm, maganda ang takbo ng business natin ah?
Gumaan ang pakiramdam ni BJ sa narinig. Batid nyang maganda ang mood ng ama. Agad nyang inanyayahan itong pumasok..
BJ : Tay, tuloy ho kayo..
Jay : Huwag na.. Napadaan lang ako.. Gusto sana kitang imbitahan mamaya sa SUPER CLIMAX.. Nakaalis na kasi ang Ninong Ian mo.. Wala na ako makakajamming ngayon..
BJ : Ah ganun ho ba? Sige ho.. Pero Tay, puwede ko ba isama mamaya si Angie?
Paraan ito ni BJ para mabisto nya na ang ginagawang pagpapanggap ni Angie na may dalawang katauhan.. Nagets naman ni Jay ang gustong mangyari ng anak kaya agad itong sumang-ayon sa suhestiyon ng anak.
SINO ANG MASOSORPRESA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 21, 2010, 07:51:36 AM
80
Jay : Sige, isama mo sya mamaya para malaman na natin ang totoo kung talaga bang nagpapanggap sya or kamukha nya lang ang isang tao.
BJ : Ano ka ba Tay? Malakas ang pakiramdam ko na she's just pretending.. At yan ang ating kukumpirmahin mamayang gabi..
Jay : Okay.. Sinabi mo eh.
BJ : Syangapala Tay, pasensya na nung nakaraan.. Nung sinet-up ko kayo ni Nanay.. Gusto ko lang naman sanang magkaayos kayong dalawa.. Pero mukhang nakasama pa yata yung ginawa kong panghihimasok..
Jay : Forget it.. Ako nga dapat humingi ng dispensa sa ginawa ko.. Isa rin yan sa mga purpose ko sa pagpunta dito..
Napasulyap si BJ sa monitor ng PC sa harap nya.. Medyo may sumilay na munting ngiti sa mga labi nya.. Napansin iyon ng ama..
Jay : Teka teka.. Mukhang masaya yang pinapanood mo dyan ah? Baka puwedeng panood din ako?
Nag alangan saglit si BJ kung pagbibigyan ang ama.. Baka ikagalit na naman nito kapag napanood nito ang ginawa nyang pangvivideotape sa kanyang mga magulang. Napansin naman iyon ni Jay.
Jay : Sus! Nahiya ka pa.. Hulaan ko, yan yung video namin ng Nanay mo noh?
Wala nang nagawa si BJ kundi ang tumango.. Hindi na rin sya dapat pang magdalawang-isip na ipanood sa ama ang videoclip dahil mukhang ini-enjoy naman ng ama ang kaalaman na meron nga silang video (scandal?) ng asawa. Inanyayahan ni BJ ang ama sa loob ng counter. Pagkapasok ng ama, nirestart ni BJ ang videoclip ng ama at natuon ang mga mata nito sa monitor ng PC..
Wala nang ginawa ang mag-ama kundi ang tumawa mula umpisa..
Nag umpisa ang eksena sa pagtatalikuran nilang mag-asawa.. Sumunod, humarap si Jay sa nakatalikod na asawa.. Inamoy amoy ang batok at buhok..
"Ambango bango mo naman anak.. Para kang babae" - Jay.
Sumunod ay parang nakikiliti na kinikilig si Selya..
"Ahihi! Nakikiliti ako anak.. Para ka talagang yung tatay mo! Ahihi!" - Selya.
Tumigil si Jay.
"Ngooorks!" - Jay
"Ahihi! Umandar na ang barko! Ahihi!" - Selya.
Puro "Ahìhi" ni Selya ang maririnig. Magigising uli si Jay. Itutulak si Selya na nakatalikod pa rin. Medyo napalakas kaya muntik na itong malaglag sa kama..
"Bayolente ka ha? Ahihi" - Selya. Aayusin ang sarili. Haharap sa tumatalikod na si Jay. Panay pa rin ang "Ahihi"
"Ang ingay mo, tawa ka nang tawa dyan, nakakaistorbo. Bumigay ka na ba?" - Jay.
"Asus! Yang hilik mo nga ang nakakaistorbo eh. Ahihi" - Selya, aamuyin din ang buhok at batok ng asawa.
Nakiliti na parang kinilig din si Jay.
"Ahihi! Anak, tama na. Nakikiliti ako! Ahihi!" - Jay.
"Magkapareho na kayo ng amoy nung ama mo, anak! Ahihi! Bukas paliliguan kita gaya nung ginagawa ko sayo nung Grade 1 ka pa" - Selya, lalong hinigpitan ang yakap. Idinantay ang mga hita sa asawa. Kinikiskis ng mga daliri sa paa ang binti ni asawa.
"Nak, di ko alam, ganyan ka na pala kabalbon ngayon? Though parang balat ng kalabaw ang texture ng balat ng binti mo ngayon ah? Ahihi"
Biglang dinakma ni Jay ang mga binti ng asawa at inalis ang pagkakadantay.
"Ayoko sabi ng dinadantayan ako eh" - Jay, ibinalibag ang mga paa ng asawa..
Tumalikod si Selya.
"Ahihi! Supladong bata! Ahihi!" - Selya
"Ngoooorks! Ngoorks!" - Jay
Napuno ang kuwarto ng "Ahihi!" ni Selya na akala mo ay bruhang mangkukulam at "Ngoorks" ni Jay na akala mo ay barko.
Panay ang tawa ng mag-ama sa panonood..
BJ : May kasunod pa yan, Tay! Kala mo tapos na?
Natigilan at medyo kinabahan si Jay.
EH ANO NGA BA YUNG KASUNOD KASI?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 21, 2010, 10:50:22 AM
aLiw.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on July 21, 2010, 11:08:18 AM
Ayan na ang bedscene! Papalapit na hahaha
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 21, 2010, 08:01:35 PM
buset! abot tenga ngiti ko! haha. xD
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 22, 2010, 06:49:40 AM
81
Bumilis ang pintig ng puso ni Jay. Iba ang pumasok sa isip nito.
Jay : Nak, huwag mong sabihing. . .?
Napangiti lang si BJ.
BJ : Just watch and see for yourself.
Muli ay natuon ang atensyon ni Jay sa monitor.
Wala namang kakaiba sa mga sumunod na eksena. Magkatalikuran lang ang mag-asawa na sige sa "Ahihihi" (Selya) at "Ngooooorrks" (Jay). At mamaya ay nagharapan ang mag-asawa na parehong mga nakapakit pa rin at nagyakap. Nakangiti ang bawat isa na akala mo ay nananaginip nang maganda. Ganun ang eksena hanggang sa nag-umaga na at naunang nagising si Selya (Na di ko na kailangan pang eelaborate dahil napanood nyo na ang ekseknang yun sa Episode 62, na dapat ay 63, Beeeh.)
Pagkatapos mapanood, tigas sa katatawa si Jay.
Jay : Pinakaba mo ako anak dito ha? Akala ko pa naman, mababalandra na ang mga mukha namin ng nanay mo sa mga bangketa sa Quiapo.
BJ : Ayaw mo nun Tay? Instant couple porn stars of the century! Hahaha!
Jay : Loko ka talaga. Eh paano pala kung asa huwisyo ako that time? Tapos nga, hindi ako nakapagpigil dyan sa Nanay mo? Eh di nalintekan na talaga?
BJ : Hahaha! Huwag kang mag-alala Tay, kung sakali ngang nangyari yun, hindi rin ako papayag na kumalat yun sa mga bangketa. Hahaha! Exclusively family property yun! Hahaha!
Nang mga oras na yun sa Iraq, wala ring pagsidlan ng tuwa nang mareceive at mapananood ni Maggie mula sa kapatid na si BJ ang videoclip ng mga magulang.. At pagkatapos mapanood..
Maggie : Hays, namiss ko talaga ang family ko pagkatapos ko tong mapanood.. Ngayon, wala na akong pakialam kung sinoman ang tunay kong mga magulang.. Napakabuti sa akin ng pamilyang umampon sa akin at wala na akong mahihiling pa..
Tumunog ang telepono. Sinagot ni Maggie. Nakipagusap ito sandali sa kung sinoman ang nasa kabilang linya.. At pagkalipas ng ilang sandali ng pag uusap, ibinaba na ni Maggie ang awditibo at abot hanggang tenga ang kanyang ngiti.
Maggie : Yeeees!!
SINO ANG NAKAUSAP NI MAGGIE? AT BAKIT SYA NAPA YEEES?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on July 22, 2010, 07:09:40 AM
C ian,cnabi cguro na nkarating na sa iraq haha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: nylede018 on July 22, 2010, 07:18:14 AM
Ganda neto..
Naluluha na mata ko..
Tuloy ko maya..
I love the character of BJ..wuhaha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 24, 2010, 06:30:11 AM
82
Tanging nabanggit ni Maggie
Maggie : Sa wakas...!
Samantala, balik naman tayo ng Pilipinas.. Sa computer shop ni BJ.. Nakaalis na ang ama nito.. Napagkasunduan nilang mag-ama na magbabarik (mag-iinom/maglalasing) mamayang gabi sa SUPER CLIMAX.. Kasama na rin sa plano nilang mag-ama na bistuhin sa maayos na paraan ang ginagawang "drama" ni Angie na may iba itong katauhan..Tumayo na si Angie mula sa pagsi 69 at lumapit sa counter at nagbayad.. Nag-abot ito ng buong 500pesos kay BJ..
Angie : Kunin mo na rin dyan lahat ng utang ko.. Nahihiya na rin ako sa kakautang sayo.. Buti na lang at maayos ang kita ngayon ni Itay sa talyer.
Nakangiting inabot ni BJ ang buong 500peso bill. At sa isip-isip nya..
BJ : Asus, malakas daw ang kita ng tatay nya.. Kung di ko pa alam, malakas ang kita mo ngayon sa SUPER CLIMAX.. Ako pa ang bolahin mo..
Iniabot ni BJ ang sukli ni Angie sabay inanyayahan ito sa pagpunta sa SUPER CLIMAX mamayang gabi..
BJ : Ahm, Angie.. Gusto ka naming anyayahan mamaya ni Tatay sa SUPER CLIMAX..
Inobserbahang mabuti ni BJ ang magiging expression ng mukha ni Angie matapos nitong marinig ang salitang SUPER CLIMAX.. Pero mukhang wala namang ipinagbago ang expression ng mukha nito.. Nagtanong pa nga ito..
Angie : SUPER CLIMAX? Ano ba yan? Bar? Yung may DJ? Yung ala Faces? Ozone Disco?
Natawa si BJ.
BJ : Hindi.. Para syang Pegasus.. Pero disente naman (Sa isip-isip) Kunyari ka pang hindi mo alam yun pero gabi-gabi ka dun sa bar na yun.
Angie : I don't understand.. Hindi ko rin alam kung anong Pegasus yan..
Napilitang magpaliwanag ni BJ. Ang tono ni BJ ay parang nagpapaliwanag sa isang pre-schooler..
BJ : Girlie joint ang SUPER CLIMAX.. Alak ang iinumin dun kung saan may mga babaeng nagsasayaw sa entablado na ang suot ay mga sexy outfits.. Gaya ng suot mo ngayon.. Puwede ring magtable ang isang lalake dun kapag may natipuhan syang babae dun..
Sa narinig ay biglang nagalit si Angie.
Angie : Nakakaoffend ka naman!! Ako? Isasama mo sa ganyang lugar?! Well, ang masasabi ko lang, nakakadiri ang ganyang lugar na nagbuburles ang mga girls na ibinubuyangyang ang kanilang mga *beep beep* (Censored by MTRCB). At higit sa lahat! Hindi ako tomboy para pumasok sa ganyang lugar!
At matapos isuksok sa bulsa ng kanyang shorts ang sukli nya ay agad itong lumabas ng shop ni BJ. Naiwan si BJ na medyo natatawa.
BJ : Grabe naman.. OA nya ah? Ni hindi nga pinapayagan ni Madam Hazel ang pagsasayaw ng naka two-piece sa bar nya.. Hahaha..
"Gusto mo bang maging the next U.T.O.T.'s next superstar? Eto na ang pagkakataon mo.. Kung ikaw ay teen-ager at matigas ang mukha, mahilig makipag U.T.O.Tan, mag audition na sa amin sa Studio 1 ng U.T.O.T. Be the next U.T.O.T. Grand Star Circle Questruck Big Winner! "
-Plugging sa Ch. 3 sa TV ni BJ.
BJ : Well, ayan na siguro ang pinaghahandaan ni Angie..
Samantala, isang truck ang tumigil sa tapat ng SUPER CLIMAX.. Bumaba ang mga pasahero nito.
SINO SILA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 24, 2010, 08:57:44 AM
83
Bumaba ang driver nito na bagamat mababanaag mo ang kaguwapuhan ay para pa ring goon. Yun bang tipong hindi pahuhuli ng buhay. Makapal ang balbas at bigote. Lumigid ito sa pinto ng passenger's seat at inalalayan sa pagbaba ang isang napakaganda at napakasexing babae.
(Voiceover : Sabi mo, mukhang goon? E gentleman naman pala ah?)
Sa mga makakakita sa couple ay maiisip mong kung hindi man sila lover eh malamang mag-asawa.
Diretso sila sa may pinto ng sarado pang SUPER CLIMAX. Kumatok ang babae habang pumunta naman sa likod ng truck ang mukhang goon na lalake. Binuksan ang pinto nun.
Bumukas ang pinto ng SUPER CLIMAX at iniluwa nito ang magandang mukha ni Gee-Ann.
Gee-Ann : Sino po sila? Ano pong kailangan nila..?
"Andyan ba si Madam Hazel?"
Sa Pokia Residence.. Bago pumasok sa eskwelahan ay kinausap nang palihim ni Rustom si Win.
Rustom : Maraming labahin si Tricia ngayon. Habang busy sya e samantalahin mo ang pagkuha sa mga tickets sa concert ni Angel Meow.. Halughugin mo ang buong kuwarto nya.. Dodoblehin ko ang ibabayad ko sayo kapag nakuha at naiabot mo sa akin ang mga tickets..
Win : Oo Rustom.. Kung kinakailangang baligtarin ko ang kanyang kuwarto patiwarik eh gagawin ko.
May iniabot si Rustom kay Win. Sample ticket mula Ticketnet.
Rustom : Ganyan ang itsura ng ticket na pinapakuha ko.. Ticket yan ng BENCH UNCUT.. Nahalukay ko sa kuwarto ni Tita.. Kung andito lang ako sa Manila, baka napanood ko rin yun.
Win : Ah yung BENCH UNCUT ba? Ang gaganda ng mga chikas dun noh?
"BEEP! BEEP!"
-Busina ng Everest. Tinatawag na si Rustom.
Rustom : (Napipilitan) Ah oo.. Tama ka.. (Pabulong) Mas type ko si Diether at si Enchong..
"BEEP! BEEP!"
-Busina ng Everest. Tinatawag na talaga si Rustom.
Kinuha ni Win ang mga tickets at sinipat nang mabuti..
Rustom : Binibigay ko yang ticket na yan baka kasi mamaya eh Bus ticket naman ang ibigay mo sa akin.. Sige, mauna na ako.. Papasok pa ako.. Baka makahalata na sila..
Tumalikod na si Rustom at dire-diretso ito sa garahe kung saan kasalukuyang umaandar na ang makina ng Everest. Lulan na ang mag-inang Pokia. Si Rustom na lang ang hinihintay. Binuksan ni Rustom ang pinto sa unahan at sumakay. Umandar. Lumabas ng bakuran.. Napadaan sa kalsadang may tubig dahil sa napakalakas na ulan nung nagdaang gabi.. Natalsikan ng nadaanang tubig ang noon ay nag-vuvulcanize ng gulong ng kanyang motor na si Al.
Al : Pambihira! Dahan-dahan naman kayo sa pagmamaneho..!
Samantala sa kuwarto ni Hazel, maririnig ang mahihinang mga katok.
Hazel : Sino ba yan?! Ayokong magpa istorbo sabi ko di ba?
"Madam, si Gee-Ann po ito. May naghahanap po sa inyo sa baba."
Hazel : Hindi ka ba nakakaintinding tonta ka?! Ayaw ko tumanggap ng bisita ngayon, bukas, makalawa, sa isang linggo! Maliwanag ba? Kahit sino!
"Kahit po sabìhin ko sa inyo na si Kuya Jay po naghahanap sa inyo?"
Namilog ang mga mata ni Hazel nang marinig ang pangalan ni Jay.
Hazel : Weeh? Talaga?
"Naku hindi ho.. nagbibiro lang ho.. Eh parang hindi naman namin alam na basta si Kuya Jay eh di na kailangan pang ipaalam sa inyo.. Diretso na ho sana sya dito ngayon kung sya nga ho ang bisita nyo ngayon"
Muli ay nawalan ng sigla si Hazel. Bumalik ang hostility.
Hazel : Tonta ka talaga! Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Kaya lumayas ka na ngayon dyan sa pinto at palayasin mo na rin kung sinoman yang bisitang sinasabi mo!
"Si Rahamae daw po sya.."
Natigilan si Hazel.
HARAPIN KAYA NI HAZEL ANG NAG-FIRST DAY-LAST DAY SHOWING SA SUPER CLIMAX NA SI RAHAMAE? AT ANO KAYA ANG SADYA NI RAHAMAE KAY HAZEL?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 24, 2010, 11:31:41 AM
ayeeehhh!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on July 25, 2010, 06:21:13 AM
Haha nta2wa ako dito! More! More!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 26, 2010, 07:08:27 AM
WEEK 7
. . . . . . . . . . . . . .
84
Nang marinig ni Hazel ang pangalang "Rahamae" ay hindi nya maipaliwanag ang kanyang naramdaman. Oo, talagang nagalit sya nung nalaman nyang bigla itong umalis ng SUPER CLIMAX nang hindi man lang nagpapaalam. Matapos itong magfirst day sa SUPER CLIMAX eh nakipagtanan agad sa mismong unang gabi nito.. Pero ngayon na narinig nya ang pangalan nito ay ewan nya kung bakit parang gumaan kaagad ang pakiramdam nya.. Sa ilang araw na pagmumukmok nya ay bigla syang nabuhayan sa pagdating ni Rahamae.
Hazel : Sige, sabihin mo sa kanya, hintayin ako sandali sa baba.. Mag-aayos lang ako ng sarili ko..
"Sige po Madam.." - sagot ni Gee-Ann.
Narinig ni Hazel ang papalayong yabag ni Gee-Ann. Tumayo ito mula sa pagkakalugmok sa kama at inayos ang sarili.
Samantala, sa POKIA residence.. Inoobserbahan ni Win si Tricia.. Sobrang busy nito sa paglalaba.. Hanga sya sa sipag at tiyaga nito dahil sa kabila ng gabundok na labahan ay parang wala lang ito sa dalaga.. Pakanta-kanta pa ito..
"Kapag ako, ay nagmahal.. ang lahat ng ito'y magagawa.. Di maghahangad.. ng anumang.. Kapalit.."
Sa isip-isip ni Win
Win : Sige, magpakabusy ka dyan.. Kailangan ko nang hanapin ang mga tickets na sinasabi ni Rustom..
Agad na itong dumiretso sa kuwarto ni Tricia at naghalughog sa bawat sulok..
Sa SUPER CLIMAX ay magkaharap na sina Rahamae at Hazel.. Asa VIP table sila na nakalaan talaga kay Jay
Rahamae : Madam, bago ang lahat eh nais kong humingi ng paumanhin sa ginawa kong basta na lang pag-alis nang di nagpapaalam.. Sana mapatawad mo ako (Punong-puno ng kababaang loob)
Hazel : Aaminin ko, nagalit ako nung nalaman kong basta ka na lamang lumayas nang hindi man lang nagpapaalam.. Pero ngayong nakikita kita, ewan ko bakit napakadali para sa akin na kalimutan yun..
Napaiyak si Rahamae.. Napasubsob ito sa mga palad nya.. Natunaw naman ang puso ni Hazel. Nilapitan nya ito at niyakap.
Hazel : Ssssh.. Wag mo nang isipin yun.. Let bygones be bygones nga di ba?
Gumanti ng yakap si Rahamae.
Rahamae : Napakabuti mo talaga, Madam.. Kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon na mahanap at makaharap ang mga tunay kong magulang, kayo ang pipiliin kong maging nanay ko..
Muli ay natigilan si Hazel.. Kumalas ito sa pagkakayakap.. Matamang tinitigan ang kaharap..
Hazel : Anong ibig mòng sabihin?
WALA RIN BANG NAKAGISNANG MAGULANG SI RAHAMAE?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 26, 2010, 04:31:22 PM
85
Nagpahid muna ng kanyang mga luha sa mata si Rahamae bago nito sinagot ang tanong ng dating employer.
Rahamae : Sabi ko na nga ba Madam, medyo hindi maganda yung ginawa kong pag-alis nang di man lang nagpapaalam sa yo dahil di ko nagawang ikuwento sa yo ang pinagmulan ko..
Halos madurog naman ang kalooban ni Hazel sa nakikita sa dating alaga. Hindi maipagkakailang napakaganda pa rin nito pero mababanaag mo sa kagandahang iyon ang kalungkutan.
Hazel : Magkwento ka lang iha.. Makikinig ako.
Rahamae : Well, tama ka Madam kung iniisip mo na hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko.. Lumaki ako sa isang patahian.. Nagtatahi kami ng mga damit ng mga manika.. Okay naman ho sana pero hindi ho makatao ang pagtrato sa amin nang mga may-ari nito na sya ring tumayo kong mga magulang.. Hindi ho kami pinapasahod nang maayos at kulang na kulang din ang pinapakain sa amin.. Sa kakarampot na kita eh hindi ho ako makabili ng mga sexy outfits na sya hong paborito kong suotin.. Minsan ho, isang hatinggabi, habang tulog sila, nagtahi po ako ng mga sexy outfits para po sa sarili ko pero sa kasamaang-palad, nahuli po ako ng mag-asawa at pinalayas nila ako.. Para po akong nakawala sa hawla nang mga oras na iyon.. Subalit mabigat pa rin ho sa kalooban ko nung umalis ako dun..
Hazel : Aba bakit? Di ba dapat maging masaya ka at nakalaya ka sa di-makataong pagkandili sa yo ng mga taong nakagisnan mong mga magulang di ba?
Rahamae : Oho nga ho pero . . .
Sumubsob uli si Rahamae sa mga palad nito at muling pumalahaw ng iyak na akala mo ay inagawan ng Mentoscandy.. Naalarma naman si Hazel..
Hazel : Teka teka.. Bakit? Bakit parang nagsisi ka at nakalaya ka mula sa kanila?
Nag-angat ng mukha si Rahamae.. Sira ang make-up nito dahil tigmak ng luha ang mga mata..
Rahamae : Kasi Madam, hindi ko nadala yung mga sexy outfits na tinahi ko.. Huhuhu.
At sa pagkakataon namang ito ay sa mga balikat ng dating employer pinili ni Rahamae na umiyak.. Inalo-alo namin ito ni Hazel.. Banayad na hinaplos ang likod ng dating alaga.
Hazel : Sssshh.. Tahan na.. Kung sexy outfits lang ang problema mo, marami ako nun sa taas.. Ireregalo ko na lang sayo..
Umalis si Rahamae sa pagkakasubsob sa balikat nito..
Rahamae : Talaga Madam? (Nagniningning ang mga mata na akala mo ay naabutan ng Mentoscandy)
Hazel : Oo! Kaya ayusin mo na yang mukha mo..
Nagpahid ng mga luha nya si Rahamae.. May kinuha ito mula sa shoulder bag at inilabas ang isang sobre at iniabot sa dating employer. Puno nang pagtatakang inabot ito ni Hazel.
Hazel : Para san to? Ano to?
Rahamae : Wedding invitation Madam.. Ikakasal na ako.
Excited na binuksan ni Hazel ang sobre na akala mo ay siya ang ikakasal.. Pahapyaw nitong binasa ang mga nakalagay sa Wedding Invitation..
Hazel : Oh Im so happy para sa yo iha.. Teka, asan yung groom? (Binasa uli ang asa invitation) Lancer?? Ganda ng name ha?
Rahamae : Lancer nga Madam name nya.. Parang kotseng ang sarap sarap sakyan.. Pero you can call him Lance..
Hazel : Oo nga.. Lancer.. Masarap sakyan.. Ahm, nasakyan mo na ba? Ahihi.
Rahamae : Pilya ka Madam..
Hazel : O asan si Lancer? Bakit di mo ata sya kasama?
Rahamae : Asa labas sya Madam.. Teka at tatawagin ko..
Tumayo si Rahamae.. Sa labas naman ay nagkakainitan sina Jay at ang husband-to-be ni Rahamae na si Lance.
BAKIT KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 27, 2010, 06:30:23 AM
86
Nagtatalo sina Jay at Lancer nang madatnan ni Rahamae sa labas.. Nakakalat ang sari-saring gulay sa kalsada mula sa nakatumba ring sako na pinagmulan ng mga nakakalat na gulay.
Lancer : (Mataas ang boses) Ang sabihin mo, hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo!
Jay : (May hawak na CP ang kanang kamay) Aba! aba! Huwag mo akong sinisigawan ha! Andito ka sa teriteryo ko! Ikaw na tong nakabangga, ikaw pa tong galit! (Sabay angat ang CP at itinuloy ang pagtetext)
Lance : (Natawa ng sarkastiko) Nabangga?? Kung hindi ba naman ikaw saksakan ng ewan, hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo! Inuuna mo yang pagtetext! Kaya ka "nabangga"! At mawalang galang na pero hindi ako galit although may karapatan talaga ako na magalit!
Jay : (Tuloy-tuloy sa pagtetext, hindi nakatingin sa nakabanggang si Lance) Aba! aba! Sumasagot ka pa ha! Mamaya ka lang.. (Sige sa pagpindot sa keypad ng hawak nyang CP)
Lance : Nanakot pa.. Oy manong, maawa ka sa sarili mo!
Naisend na ni Jay ang textmessage sa kung sinomang tinetext nito. Ibinulsa ang CP.
Jay : Talagang maangas ka ha.
Sumabat si Rahamae.
Rahamae : Teka Daddy, ano'ng nangyari?
Lance : Eto kasi eh (Tinuro si Jay) Nabangga ko nga nang di sinasadya dahil sa hindi sya tumitingin sa kalsada at busy sa kanyang telepono eh sya pa itong galit.
Jay : Aba talagang hambog ka ha? Huwag mo akong dinuduro-duro ha..! At nagsusumbong ka pa dyan sa --
BEEP! BEEP!
(Textmessage mula sa CP ni Jay)
Jay : Oh drat! I hate interruptions!
Dinukot ang CP mula sa bulsa. At tiningnan kung sino ang nagtext.
Lance : See what I mean Mommy?
Nalilitong nagpalipat-lipat ng tingin si Rahamae sa dalawang lalake.
Jay : (Busy sa CP nya, hindi nakatingin kay Lance) Mamaya ka talaga sa akin! Nagsumbong ka pa talaga dyan sa asawa mo ha!
Lance : Wala akong panahon sa iyo, kung sino ka man.
Inumpisahan na ni Lance ang pagpulot sa mga nakakalat na gulay sa kalsada gaya ng repolyo, beans, sayote, carrots, celery, cauliflower, sitsaro, tengang daga, bell pepper, young corn, talong, ampalaya, sibuyas, bawang, kamatis at ano pa ba?
(Voiceover : Bahay kubo, sabihin mo na lang)
Nakatapos sa pagtetext si Jay. Muling ibinalik sa bulsa ang CP at hinarap ang busy sa pagpupulot ng gulay sa kalsada na si Lance.
Jay : Tingnan mo tong truck mo, alanganin sa pagkakapark.. Sa lapad ng kaha eh halos sakupin na ang isang buong lane ng kalsada..
Napahinto si Lance sa pagpupulot ng gulay.. Tumayo ito na may hawak na talong ang kanang kamay.. Inilapit ang mukha sa mukha ni Jay.
Lance : Ngayon naman, yang truck ko ang pinag-iinitan mo.. Haha.. Kanina naiinis ako sa yo, ngayon, natatawa na lang ako sa yo..
At binalikan ni Lance ang ginagawang pagpulot sa mga nanabog na gulay sa kalsada.. Para namang nainsulto si Jay sa di pagpatol sa kanya ni Lance.
Jay : Suntukan na lang oh..?!
Sabay tinadyakan ang isang repolyo na akmang dadamputin na sana ni Lance.
SAAN HAHANTONG ANG EKSENANG ITO?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 27, 2010, 08:15:49 AM
87
Gumulong ang repolyong tinadyakan ni Jay papunta sa malapit sa owner type jeep ni Newly-appointed NBI chief Jhaizee "Kidlat" Velasco.. Kasalukuyan itong nagmemeryenda sa isang tindahan na pinagmeryendahan din minsan ni Raymond. Habang gumugulong ang repolyo ay sinusundan naman ito ng tingin ni Lance. Medyo may galit na nabuo sa kalooban nya.
Sa isip-isip nya
Lance : Ang repolyong ilang buwan kong pinagpaguran at inalagaan,tatadyakan ng kung sino lang?
Nanigas ang mga kamao nito.
At sa isip-isip pa rin
Lance : Hindi pa nababasa ng dugo kamay ko pero mababasa ito sa kauna-unahang pagkakataong ito pag di ako tinantanan ng payatot na ito.
(Voiceover : Wow Direk, parang alam ko kung saan galing yung linyang "mababasa ng dugo" ha?)
Jay : Ano? Suntukan na lang or suntukan na?? (Sabay hinubad ang t-shirt)
Luminga-linga si Jay.. Naghahanap kung saan ilalagay ang hinubad na T-shirt.. Naglitawan ang mga "guitar string" sa katawan.. Hindi sya pinansin ni Lance.. Si Rahamae naman eh medyo natawa nang makita ang katawan ni Jay.. Napansin iyon ni Jay..
Jay : Oh tutal, natatawa ka dyan, hawakan mo tong t-shirt ko..
Sabay abot ng t-shirt sa nabiglang si Rahamae.. Hindi malaman ang gagawin kung tatanggapin ang t-shirt.. Nang makita ni Jay ang pag-aalinlangan sa mukha ni Rahamae ay pinandilatan nya ito.
Jay : Hahawakan mo ba ito o hahawakan mo? Isa!
Napilitang abutin ni Rahamae ang t-shirt ni Jay. At sa isip-isip ng dalaga.. (Teka? Dalaga pa ba? Oo naman! Ikakasal pa nga lang sila di ba? Kaya may pagkakataon pa si [insert name ng gusto nyo] )
Rahamae : Feeling close tong lalakeng eto ah! (Asa kamay na nito ang t-shirt)
Jay : Ayusin mo paghawak dyan! Mamahalin yan! Regalo yan ng asawa --
(Voiceover : Asawa? Nino?)
Jay : (Natitigilan) Regalo yan ng asawa --
(Voiceover : Nino nga?)
Jay : Ng asawa ng pinsan ko sa Italia!
(Voiceover : Aahh.. Okay.)
Binalingan ni Jay ang busy pa rin sa pagpupulot ng gulay na si Lance.
Jay : Ano? Umpisahan na natin to! (Isinusuntok-suntok ang kamao sa palad na nakabukas)
Napansin ni Jay na parang wala lang sa lalaking nagpupulot ng gulay ang kanyang paghahamon.
Jay : Duwag ka ba? (Sabay apak sa sayoteng akmang dadamputin sana ni Lance)
Parang napuno na rin si Lance. Tumayo si Lance. Hinarap si Jay
Lance : Gusto mo talaga ng away ha? Hindi ka na naawa dyan sa katawan mo. (Pinasadahan ng tingin ang "guitar string" sa katawan ni Jay) Puwes pagbibigyan kita!
Nang marinig ni Rahamae ang sinabi ng kanyang husband-to-be ay namagitan na ito sa dalawa.
Rahamae : Daddy, tama na yan.. Pag-usapan na lang natin nang maayos to..
Lance : Hayaan mo muna ako Mommy.. Turuan ko muna ng leksyon tong hambog na to.. Huwag ka munang makialam..
Jay : Oo nga! Huwag ka munang makialam! (Lumapit pa itong lalo kay Lance at nakipag eye to eye bagamat mas matangkad ito sa kanya)
Lance : Hinahamon mo talaga ako ha? (Hinubad ang t-shirt at ipinahawak din sa kanyang future wife. Dalawang t-shirts na ngayon ang hawak ng dalaga)
Nang hubad baro nito ay hinampas-hampas ni Lance ang sariling dibdib na ala Tarzan.
Napaatras si Jay nang makita ang katawan ni Lance. Napalunok.
Jay : Ulk.. (Lunok)
BAKIT KAYA NAPAATRAS AT NAPALUNOK SI JAY? MATULOY KAYA ANG SARILING VERSION NG SB NG "THE GREAT FIGHT" NG "MAGKARIBAL"?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 27, 2010, 09:27:41 AM
wahahahaha..
adik..
next na!.. Excited nako.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 27, 2010, 04:37:44 PM
88
Hindi makapagsalita si Jay.. Tumaas-baba, bumaba-taas ang tingin nito sa katawan ni Lance..
Lance : Oh ano, mamang payatot? Umpisahan na natin ang pagpapapawis.. Tutal, sawang sawa na ako sa pagpapapawis sa pamamagitan ng pagbubuhat ng sako-sakong gulay sa min e mano-mano na lang tayo nang maiba-iba naman.. Ano ha? (Sige rin sa pagsuntok sa sariling mga palad)
Jay : Teka, teka.. Wag ka naman masyadong high blood.. (Medyo mataas pa rin ang boses pero halatang takot at lalo pang napaatras)
Napahagikhik si Rahamae na hindi rin nakaligtas kay Jay.
Jay : Oi ikaw babae, anong tinatawa-tawa mo dyan? (Medyo bumalik ang dating tapang)
Rahamae : Naku wala ho Manong.. (Pigil pa rin ang tawa)
Jay : Hindi eh.. Parang nakakaloko yang tawa mong yan eh..
Sumabat si Lance.. At sa tonong naghahamon at nananakot..
Lance : Hoy mamang payatot! Huwag ang nobya ko ang pagdiskitahan mo! Para kang ano! Para kang -- (ibinitin ang susunod na sasabihin)
Jay : (Bumalik ang dating tapang) Parang ano ha? Parang bakla ba ang ibig mong sabihin?! (Medyo palaban na rin)
Lance : Ikaw ang may sabi nyan, hindi ako!
Jay : Aba't ang lintek na ito ah! (Susugod)
Lance : Okay game! Fight! (Susugod din)
Jay : Aba teka teka.. Taym pers muna (Aatras)
Lance : Ang tapang tapang mo kanina ha? Ano? Lalaban ka ba? (Lalo pang ibinalandra ang katawan)
Jay : Naku pare, wala naman akong sinabing lalaban ako eh.. (Bumaling kay Rahamae) Akina yang damit ko..
Iniabot ni Rahamae ang damit ni Jay.. Agad itong isinuot ni Jay.
Jay : Hindi mo naman sinabi na malaki pala ang katawan mo eh..
"Ano bang kaguluhan yan?! At bakit andaming gulay na nakakalat?!"
Napalingon lahat silang tatlo sa pinanggalingan ng boses.. Boses ni Hazel. Asa may pinto na ito ng SUPER CLIMAX. Para namang muling bumalik ang tapang ni Jay nang makita ang may-ari ng SUPER CLIMAX.
Jay : Eto kasing loko lokong ito (Itinuro si Lance), sya na ang nakabangga sa akin eh sya pa ang galit..!
Lumapit na si Hazel sa tatlo.. Sa narinig naman ay sumugod na si Lance sa nabiglang si Jay.
Lance : Ah hindi ka lang pala hambog! Mayabang ka pa pala! Tama na ang satsat! Umpisahan na natin ito! (Nagpakawala ng isang bigwas)
Bagamat napakabilis ng pakawala ng suntok ni Lance ay nagawa ni Jay na makailag.. Nagawa pa nito makapunta sa likod ni Hazel.
Lance : Aba tingnan mo nga naman! At talagang nagpakanlong ka pa dyan sa likod ng asawa mo ha?
Sa narinig ay para namang nakakita ng nag-aawitang anghel si Hazel. Nagtwinkle twinkle ang mga mata nito na akala mo ay little star. Naputol lang ito nang muling magsalita si Lance.
Lance : Duwaag!! Ang tapang-tapang mo kanina! Ngayon naman para kang ewan!
Jay : Hindi ako duwag!! Ikaw ang ewan!! Ang kaya mo lang eh yung hindi kasing laki ng katawan mo! (Tapang-tapangan pa rin. Asa likod pa rin ni Hazel)
Patuloy ang palitan ng salita ng dalawang lalake. Nakatawag pansin ito sa Newly-appointed NBI Chief na si Jhaizee "Kidlat" Velasco na noon ay tapos nang magmeryenda.. Pagkatapos mailapag ang bote ng Coke sa tindahan ay lumapit ang NBI Chief sa apat na nilalang na asa SUPER CLIMAX..
At sa baritono at buong-buong boses, nagwika ito :
Jhaizee : May problema ba mga Sir at Ma'am?
Napalingon ang apat sa NBI Chief at sabay-sabay na napanganga..
BAKIT NA NAMAN KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 27, 2010, 04:46:56 PM
"Mga Lihim ni Chrizhelda"
SOON on SBCinema Presents
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on July 27, 2010, 07:40:07 PM
Excited na ako.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 28, 2010, 11:51:18 AM
89
Sabay-sabay ang mga ulo nina Jay, Hazel, Rahamae at Lance sa pagtaas-baba sa ginagawa nilang pagkilatis mula ulo hanggang paa ng bagong talagang NBI Chief. Machong-macho ito sa kanyang leather jacket at maong pants at leather shoes.. Parang si Bong Revilla sa kanyang mga action movies noon.. Si Hazel ang unang bumasag ng katahimikan.
Hazel : Teka! Teka! Parang namumukhaan ko kayo.. Hindi ko lang matandaan kung saan ko kayo nakita, kung sa dyaryo or sa TV.. Pero I'm sure, nakita ko na kayo eh..
Napapangiti lang si Jhaizee "Kidlat" Velasco..
Rahamae : Ay ako rin! Parang nasa balita kayo lately.. Si ano.. Sino nga yun? (Bumaling sa nobyo) Daddy, sino nga yun? Yung new head ng MMDA?
Natawa lang ang nakikinig pa ring NBI Chief.
Lance : Aba malay ko sayo Mommy.. Alam mo namang pag andun tayo sa probinsya eh maghapon ako sa farm tapos magdamag kang nakatutok sa TV.
Hazel : Hindi ka naman ata taga government, mister.. Parang sa The Buzz kita nakita eh.. Artista ka ba? Mukha ka kasing artista eh.. Kamukha mo si Bong Revilla at ang macho-macho mo rin.. Artista ka ba?
Sasagot na sana si Jhaizee pero biglang kumulog at kumidlat..
Nagulat sila.
Hazel : Ayun! Naalala ko na! Kayo nga pala si Alias Kidlat!
Sumegunda naman si Rahamae.
Rahamae : Ay tama! Ang bagong talagang NBI Chief!
Agad naghanap ng mapapagpa-autographan ang dalawa.. Wala silang makitang papel kaya ang ginawa ni Hazel ay inutusan si Jay na hubarin ang t-shirt nito..
Hazel : Babes, hubarin mo yang damit mo dali at pa-autographan natin kay Mr Kidlat the NBI..
Jay : Ay ayoko nga! Regalo to sa akin!
Hazel : Naman eh! (Luminga-linga at nakita ang T-shirt ni Lance na hawak ni Rahamae) Ayan! Akina yan, Rahamae! Pa-autographan natin.
Rahamae : Ay ayoko nga! (Inilayo ang t-shirt) Magpapasign din kaya ako kay Mamang Kidlat! (Lumapit kay Jhaizee at nagpasign)
Naglabas ng sariling pentel pen si Rahamae mula sa shoulder bag nito.
Game namang nagsign ang NBI Chief. Nainggit si Hazel. Hinila ang laylayan ng T-Shirt ni Jay at nagpapadyak.
Hazel : Dali na kasi! Once in a lifetime lang nating makakaharap ang NBI Chief eh!
Sapilitang hinubad ni Jay ang t-shirt at ibinalibag sa lapag.
Jay : O ayan!! Hmp. (Sabay halukipkip para matakpan ang katawan)
Hazel : (Pinulot sa lapag ang t-shirt) Eto naman, sya pa ang galit.
Lumapit na rin ito kay Jhaizee at pinapirmahan ang damit ni Jay. Nang matapos, nagtanong ang NBI Chief..
Jhaizee : Parang meron kayong di pagkakaunawaan dito?
Nagsabay ang dalawang lalake sa pagturo sa isa't isa.
Jay & Lance : Sya ho kasi eh!
Lance : Anong ako? Ikaw nga eh!
Jay : Eh Mr NBI, nadatnan nyo kami dito na nakahubad yang mamang yan (Turo uli kay Lance) Naghamon ho ng away..
Lance : Hindi ho totoo yan!
Jhaizee : Syempre pag may away, may dahilan.. Ano bang pinagmulan nito?
Jay : Naku Mr NBI, para sinita ko lang sya na hindi maayos ang pagkakapark ng truck nya eh nagalit na.. At take note, mahinahon ko syang kinausap.
Napapantastikuhan naman si Lance sa narinig.
Lance : Hindi ho totoo yun! Grr!
KANINO MANINIWALA SI JHAIZEE?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 28, 2010, 05:15:08 PM
ahahaha.!go fight!ahaha..!
Bakit nawala na yung scene sa Pokia residence?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 28, 2010, 09:37:28 PM
Abangan mo na lang Ms AngelBrats yung pagkuha sa ticket sa concert ni Angel Meow.. (Kung makukuha nga)
*Wink*
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 29, 2010, 06:51:04 AM
90
Lance : Mr NBI, hindi ho totoo ang sinasabi ng payatot na yan!
Napadako ang tingin ni Jhaizee sa maggugulay.
Jay : Uweeh?? Eh kitang-kita naman ang ebidensya Mamang NBI na sya ang unang naghamon.. Ayan o, hanggang ngayon, hubad-baro pa rin sya.
Napalipat naman ng tingin si Jhaizee sa payatot.
Lance : Grr! (Hinablot ang t-shirt na kakapa-autograph pa lang mula sa mga kamay ng nobya)
Agad-agad itong isinuot.
Jay : See?! Natataranta na sya mamang NBI. Tingnan nyo at baligtad pa ang pagkakasuot ng kanyang damit. Di ba, pag nagpa-lie detector test, isang sign ng pagsisinungaling ang pagkataranta?
Jhaizee : Oh well, isang senyales nga yung ganun..
Lance : Lintek talaga! Ako pa ang nagsisinungaling ngayon! (Hinubad ang damit at isinuot muli ng tama) Ulbod ka nga lakay! ( Translation : Sinungaling kang matanda ka! )
Natawa si Jay
Jay : Ulbod? Pinna laengan lang dayta ti pinag-ulbod (Translation : Sinungaling? Pagalingan lang yan ng pagsisinungaling!)
Natigilan si Lance. Hindi nya akalain na pareho pala sila ni Jay na marunong magsalita ng isang diyalekto - ang Ilocano. Medyo nagmellow ang maggugulay.
Lance : Ay ilocano ka gayam? (Ilocano ka pala)
Jay : Ay wun! Apay ana pinagkunam? (Ay oo! Bakit ano ba sa akala mo?)
Lance : Uketnana, di mo met imbaga nga dagus tapno nagtinnarus ta kuma nga dagus! ( Tang.ina, di mo naman sinabi agad, e di sana, nagkaintindihan tayo agad!)
Jay : Ket di ka met gamen agsalsaludsod? ( Eh di ka naman kasi nagtatanong? )
Sumingit na si Alias Kidlat sa usapan ng dalawa.
Jhaizee : Teka, teka.. Mukhang nagkakaintindihan na kayong dalawa bagamat hindi kami makarelate sa inyo, puwede bang ayusin nyo na yang gusot nyo.
Rahamae : Naku mamang NBI, silang dalawa lang nagkakaintindihan talaga.. Ako man eh di pa rin makarelate sa salitang yan kahit ilocano ho at matagal na kaming nagsasama ng nobyo ko.
Hazel : Ay ako, ilocano rin ako..
Jhaizee : Ay siya, yaman din lang at mukhang nagkakaintindihan na tong dalawang to, (Tinuro si Jay at Lance), ako ay lalarga na at may iimbestigahan pa ako.. (Bumaling kay Lance) At ikaw naman, mukhang tama sya (Tinuro si Jay), alanganin ang pagkakapark ng truck mo.. Maluwag naman ang harap ng club na yan (Turo sa SUPER CLIMAX), eh itabi mo pa dun sa susunod ha.
Jay : Oh kitamo? Sabi ko na sayo kanina di ba? (Binalingan si Lance)
Medyo naningkit uli ang mga mata ni Lance.
Lance : Hindi naman yun ang pinag-ugatan nun eh! Buwiset.
Sinaway ni Rahamae ang nobyo.
Rahamae : Tama na yan Daddy.. Huwag na nating pahabain to..
Napangiti si Jay sa narinig. Tiningnan nito si Lance at nang asar sa pamamagitan ng iba't ibang ekspresyon ng mukha.
Lance : Aba't...?
Hazel : Hey tama na rin yan babes.. Masyado kang surdo!(Surdo-mapang-asar) Ay Mr NBI, one time, pasyal ka sa club ko ha?
Jhaizee : Oh sure! Legal ba yang club mo? Wala bang hanky-panky dyan?
Hazel : Naku, legal ho yan at walang anomang against the law..
Jhaizee : O sya, isa mga araw na to ay dadalaw ako.. Magpapaalam na ako.. Kayong dalawa, wag na kayong mag-aaway ha? (Ang 2 lalake ang tinutukoy)
Umoo naman ang dalawa bagama't parang napipilitan lang. Diretso na sa kanyang sasakyan si Jhaizee. At sa pagsakay nito sa driver's seat, naapakan nito ang repolyong tinadyakan kanina ni Jay.. At muntik na itong mapasubsob sa kalsada kung hindi lang magaling bumalanse.. Matikas pa rin itong nakabawi.
Palakpakan naman ang apat sa harap ng SUPER CLIMAX.
Hazel : Wooh! Yan ang NBI! (Sigaw nito)
Narinig ito ni Jhaizee. Ngumiti at simpleng sumaludo. Dinampot ang repolyo.
Jhaizee : Arbor ko na to ha? (Sabay lagay sa loob ng owner ang gulay)
Sumakay na rin ito. Ini-start ang owner at sumaludo pa rin ng simple sa apat saka pinaharurot..
Sa bilis ng owner ay talsikan ang nadaanan nitong tubig sa kalsada at nasabuyan si Al na noon ay kasalukuyang nagbababa ng bagahe ng pasahero nya mula sa compartment ng taxi nya.
Al : Naman eh! San Juan ba ngayon?? Grr.
PANG ILAN NA YAN AL HA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 29, 2010, 08:10:22 AM
91
Tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ni Al dulot ng tumalsik na tubig.
Al : Pambihira! Lagi na lang akong nabibiktima ng reckless driving resulting to unexpected bath! Buweset! Grr!
Samantala, balik tayo sa apat na kasalukuyan pa ring asa labas ng SUPER CLIMAX.
Rahamae : Madam, ito po si Lance. Ang future husband ko..
Hazel : Ah oo! Natatandaan ko na! Sya yung may malaking talong! Bago ka dumating iha dito sa club ko eh regular customer na dito yang maggugulay na yan though hindi ko man lang inalam ang pangalan nya.
Medyo napasimangot si Rahamae sa sinabi ni Hazel.
Rahamae : Hmp! Ikaw Daddy ha? Di mo naikuwento sa akin na madalas ka pala rito bago pa tayo nagkakilala.
Lance : Naman Mommy! Matagal na yun.. Tsaka ikaw naman ang pinili ko at inilabas ng panghabambuhay ah?
Nakasimangot pa rin si Rahamae.
Hazel : Oo nga iha! Tsaka dati, wala naman regular na tinetable yan dito.. Pero wag ka, gumasta yan ng P90,000 sa isang gabi lang nya dito.
Nagulat si Rahamae. Para namang nakagawa ng isang mortal sin si Lance sa ekpresyon ng mukha nito nang marinig ang sinabi ni Hazel.
Rahamae : Totoo ba yun?
Si Hazel na ang sumagot.
Hazel : Iha, ako ba yung tipong magsisinungaling? O di ba Lance?
Lance : Oo na Madam.. Pero wag na ho natin pag-usapan yun..
Rahamae : Hindi! Gusto ko malaman kung paano mo ginasta yun!
Hazel : Pag-usapan na lang natin yan sa loob mamaya.. Nagbabadya na namang pumatak ang ulan.
Kumulog! Kumidlat! Maitim na maitim ang kalangitan. Pumatak ang ilang butil ng ulan. Nagulat si Rahamae.
Rahamae : Shocks! Tama ka Madam! Mabuti pa'y pumasok na tayo sa loob. Bago pa tayo mabasa ng ulan! I hate ulan! I hate rain! I hate raaaain!!
(Voiceover : At bakit mo naman hate si Rain este ang rain??)
Hazel : Ay tama ka dyan! (Inakay si Rahamae papasok ng club) Hoy Babes! Tulungan mo si Lance talòng sa pagpulot ng gulay! Ei Lance Talong, bakit andami mong dalang gulay?
Nagpupulot na noon ng gulay si Lance. Itinigil sandali nito ang ginagawa. Tumingin kay Hazel.
Lance : Madam, regalo po namin sa inyo ito ni Rahamae. (Sabay kindat kay Hazel)
Para namang natouch si Hazel. Hindi lang sya sigurado kung sa gulay o sa kindat ng binata.
Hazel : Hang sweet mo naman! Hoy Babes! Tulungan mo na sabi si Lance talong eh!
Jay : Oo sandali! (Hindi nakatingin kay Hazel. Busy sa fone nya)
"Messagio Inviato" (Message Sent)
- nakalagay sa monitor ng cp ni Jay.
Ibinulsa uli ang CP at tinulungan si Lance sa ginagawa.
Jay : Balak pa atang magtayo ng talipapa (Bubulong-bulong)
Hindi na sya pinatulan ni Lance. Narinig pa nilang dalawa ang usapan ng dalawang babae habang papasok ng club.
Rahamae : Jowa nyo ba? (Ang tinutukoy ay si Jay)
Hazel : Ay hindi iha.. Pero malapit na.. Pagpasensyahan nyo na lang at iniwan ng asawa..
Rahamae : Ah kaya pala..
(Voiceover : Kaya pala ano ha?)
Narinig din pala ni Lance ang sinabi ni Hazel. Dumampot ito ng ampalaya at ibinigay kay Jay.
Lance : Ampalaya? You like.
Jay : (Umingos) Utot. (Tinuloy ang pagpupulot ng gulay)
And speaking of utot, kasalukuyang nanonood that time si BJ ng HOTSEAT on U.T.O.T. CH 3 Gulat na gulat ito sa panauhin ng programa.
BJ : I can't believe this. Chic? Ikaw ba yan?
AT SINO NAMAN SI CHIC?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 29, 2010, 10:26:28 AM
hehe.. Kaya pala..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 29, 2010, 12:24:48 PM
92
Sa studio naman ng HOTSEAT, kaharap ni Pokwang ang sinasabing CHIC ni BJ.. Walang iba kundi ang ampon ni Al, si Sharmaine
Pokwang : Salamat naman iha at pinaunlakan mo ang paanyaya ng Hotseat.. Nag-aalangan kasi ang staff na imbitahan ka kasi maraming may impressiòn sayo na suplada ka.
Sharmaine : Naku Miss Poke, sobra naman yang balitang yan.. Hindi naman ho ako sikat para magsuplada.. In fact, hindi naman dapat magsuplado o magsuplada ang sinomang sikat.
Pokwang : Well, tama ka dyan iha.. I like you Sharmaine..
Napapareact si BJ habang pinapanood ang HOTSEAT sa U.T.O.T. CH 3
BJ : Ano bang Sharmaine pinagsasabi nila? Hindi ako maaaring magkamali, si Chic yan!
Sa studio..
Sharmaine : If that would be the case Miss Poke.. Well thanks.. And how can I say "no" sa isang programang kagaya ng HOTSEAT na piling-pili lang ang mga igineguest.. Mataas ang ratings.. At maging sa States eh pinapanood yan hindi lang ng mga kapwa natin Pinoy kundi maging ng mga Kano dun.
Pokwang : Ay salamat sa ating UFC o ang Utot Filipino Channel.. At tama ka, hindi basta-basta ang mga nagiging guests dito.. Though, gaya nga ng sabi mo, hindi ka sikat pero alam mo ba ang reason kung bakit ka namin iginuest dito?
Sharmaine : Because Im pretty?? (Sabay tawa nang sobrang classy)
Pokwang : Hahaha! Syempre given na yun..
Sharmaine : Eh ano nga bang reason? Ang alam ko, isa lang akong hamak na performer sa mga clubs sa States.. Aside from that, wala na akong maisip pang rason.. Yun lang Ms Poke ang masasabi kong credential ko.. Kung credential mang matatawag yun..
Pokwang : Yeah, yaman at straightforward ka magsalita, sasabihin ko na.. Ang nakainspire sa amin para anyayahan ka sa programa namin ay ang iyong humble beginnings..
Sharmaine : Ah yun ba? Im proud of it Ms Poke.. And I would like to say "thanks" kung nakainspire pala ako sa inyong lahat..
Sa panonood naman ni BJ, natataranta na ito..
BJ : Oo, dati na syang maganda.. Pero lalo pa syang gumanda ngayon.. Hindi ako maaaring magkamali, si Chic sya..
(Voiceover : At paano mo naman nasabi na si Chic yan?)
BJ : Sinasabi at sinisigaw ng isip at puso ko, si Chic yan.
Sa studio..
Pokwang : Para sa aking unang tanong, Ahm, Sharmaine, totoo ba na ampon ka lang..?
Sharmaine : Yes Miss Poke, at hindi ko ikinahihiya ang bagay na yan..
Pokwang : Anong masasabi mo sa mga taong kumupkop sayo during your tender age?
Sharmaine : Kulang ang salitang walang katulad, ang mabait, ang anghel para maidescribe ko ang aking Tatay Al..
Pokwang : What if isang araw e sumulpot sa iyong harapan ang iyong tunay na mga magulang? Anong gagawin mo?
Sharmaine : Ayokong magsalita nang patapos pero I'll just cross the bridge when I get there..
Pokwang : Let's talk about fashion.. Mukhang gumagawa ka ng sariling statement pagdating sa fashion ha? Sino ba ang fashion icon mo?
Sharmaine : Sino pa ba? E di ikaw.. Gustong-gusto ko yung ginagawa mong pagrereinvent ng sarili mo araw-araw sa noontime show nyo sa kabilang istasyon.. Hahaha!
Pokwang : Ay flattered naman ako.. Ahm, Sharmaine, nasubukan mo na bang pumasok at magpaganda sa HELTERBRAND'S BEAUTY SALON?
Sa huling sinabi ni Pokwang ay nawala ang ngiti nito sa labi.. At kuhang-kuha yun ng mga camera sa studio..
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: chrizhel02 on July 29, 2010, 12:42:30 PM
Hala ka poke!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 29, 2010, 02:01:17 PM
93
Hindi rin nakaligtas sa mga matatalas na mata ni Pokwang ang naging reaksyon ng kanyang panauhin..
Pokwang : Sharmaine, iha.. May nasabi ba akong hindi maganda..?
Bigla ay nagliwanag ang mukha ni Sharmaine. Ngumiti ito. Bagamat kung matalas lang sana ang pakiramdam ng isang nakakapanood sa pagpalit ng emosyon sa mukha ni Sharmaine, mapapagtantong pilit iyon, kumbaga hinihingi lang ng pagkakataon.. In short, iniarte.. Plastic.
Sharmaine : Hmm, Miss Poke, ano nga uli yung tanong mo?
Pokwang : Naku iha, ang bata mo pa pero may pagkabingi ka na ha? Anyways, (Tumingin sa studio audience) O ha, nakapag ingles na rin daw ako.. Haha. (Muling humarap kay Sharmaine) Anyways, eto uli yung tanòng ko.. Nasubukan mo na bang pumasok at magpaganda sa Helterbrand's Beauty Salon?
Sharmaine : Now I heard it right and clear.. Well, all I can say is talagang pinangarap kong makapasok sa salon na yan eversince I was a child.. Pero as you can see, Ms Poke, hamak lang kami ng tatay Al ko kaya I can't afford to avail their services na barya lang sa mga famous personalities na pumapasok dun.. Barya that can be considered as fortune to us way back then..
Pokwang : Pakitagalog naman nung huli mong sinabi..
Sharmaine : Are you serious? Hahaha.
Pokwang : Of course, Im just kidding.. O ha? Ano? Go, Sharmaine.. Inglesan tayo at tingnan natin kung kaninong ilong ang unang dudugo..
Sa shop ni BJ..
BJ : Hindi ko maaaring palagpasin to.. Tsk tsk..
Pumunta ito sa gitna ng shop nya at sa medyo mataas na tono..
BJ : Guys! Kanino yung motor sa labas?
Lumingon ang may-ari. Sabay sumagot sa tanong ni BJ.
"Sa akin ho!"
BJ : Pahiram naman muna saglit.. Importante lang..
"Sige, kuya BJ.. Andun yung helmet.. Nakasabit sa side mirror nya.. Eto yung susi oh" Sabay itsa ng susi na maagap namang sinalo ng binata (?)
Nagmadali ito sa paglabas at nakasalubong nya si Angie.
Angie : Hoy! Saan ang punta mo?
Nakasakay na noon si BJ sa hiniram na motor at matapos maisuot ang helmet ay tinadyakan ang kick starter ng motor..
BJ : May pupuntahan lang akong importante.. Kaw muna ang bahala dyan sa shop.. Yung unit 13, extend pa yun ng 1 hour.. Makikita mo naman dun sa server.
Sabay pinaharurot ang sasakyan kung kaya't nasagasaan nito ang tubig sa kalsada at nagtalsikan ito kay Al na kasalukuyang nagkakarga ng bagahe ng kanyang pasahero sa compartment ng kanyang taxi.
Al : People, maghinay-hinay naman kayo sa pagmamaneho! Nakailang palit na ako ng damit! Grr!
Ang naiwan namang si Angie ay parang masaya. Pumasok ito ng shop at sumigaw.
Angie : Mga adik!
Sabay-sabay na lumingon ang mga customer.. Parang wala lang sa kanila ang sinabi ni Angie.
Angie : Umayos kayo ha! Wag kayong barat at magwawan-two-three!
Umupo ito sa counter na inuupuan talaga ni BJ. Napatayo ito nang mapansing parang basa ito.
Angie : BJ naman eh!! Di ka na naman nagsuot ng pampers! Hmp.
Sa studio..
Pokwang : Pero iha, sa estado mong yan ngayon na medyo angat na rin, wala ka bang balak pumasok at magpaganda sa salon na yun?
Sharmaine : Nice question Miss Poke.. My answer would be a yes and a no.
Pokwang : So ano'ng ibig mòng sa sinabi mo?
Sharmaine : Let's put it this way.. Papasok? Yes. Magpaganda? No. Papasok ako upang makita ko kung ano na kinahinatnan ng dating isang mantayog na icon.. Kung ano ang kaibahan nila noon at ngayon. Bankrupt na sila right? Magpaganda? No. Why. It's because maganda na ako.. Baka imbes na gumanda pa ako lalo, e pumangit ako sa paningin ng mga tao dahil sa pagpasok ko sa isang lugmok na negosyo..
Pokwang : May personal ka bang galit sa may-ari ng Helterbrand's beauty salon?
ANO ANG ISASAGOT NI SHARMAINE?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 29, 2010, 03:24:43 PM
94
Isang malutong na halakhak ang isinagot ni Sharmaine. Na halos pumuno sa studio na yun..
Sharmaine : What made you think Ms Poke na may galit ako sa may ari ng Salon na yun?
Pokwang : Wala naman.. Feel ko lang..
Sharmaine : Buhay pa ba sya? Hahaha.
Pokwang : Echusera ka rin pala eh.. Hahaha.. Teka, di mo pa sinasagot yung tanong ko..
Sharmaine : Haha! I know.. I heard it.. Baka ulitin mo na naman..
Pokwang : So may galit ka nga ba sa may ari ng Helterbrand's Beauty Salon?
Sharmaine : Ms Poke, wala.. Ano naman ikagagalit ko?
Pokwang : Kasi parang may laman yung sinabi mo dun sa sinundang episode ng episode na to sa thread na to..
Sharmaine : Ah yun ba? Yung papasok, yes. Magpapaganda, no? Ahm, Ms Poke, I'm just stating facts.. And the fact is Helterbrand's Beauty Salon gone bankrupt.. And according to my handler, wag na wag raw madidikit ang pangalan ko sa mga bagay na wala nang recall.. And that Salon is not an exception.. Nothing personal.. Just business.. Purely business..
Pokwang : Very well said, Sharmaine.. Now, Asa harap mo ngayon ang may-ari ng Salon, ano ang sasabihin mo sa kanya.
Sharmaine : Sasabihin? "Hi!"
Pokwang : And how about naman dun sa pagkakapili sayo personally ni China's singing sensation Angel Meow na magfront act sa upcoming concert nito?
Sharmaine : Sobrang saya ko Ms Poke.. Andami naman dyang sikat at established na pero ako pa ang napili nya to think na sa maliliit na clubs lang sa States ako kumakanta..
Pokwang : Eh may mga naglalabasang isyu na crush ka raw nya kaya personal kang pinili ni Angel.
Sharmaine : That.. I don't know..
Pokwang : Your final message?
Sharmaine : I'm back.. So you better watch out.. (Matiim ang pagkakatitig sa camera)
Pokwang : Salamat Sharmaine sa pagpapaunlak sa amin..
Sharmaine : It's my pleasure..
Pokwang : Sana, hindi ito ang last.
Sharmaine : I'd love to..
Sa kahabaan naman ng EDSA, mabilis ang patakbo ni BJ.. Sumisingit-singit ito sa pagitan ng mga kasabayan nyang sasakyan.
BJ : Nalintekan! Kailangan ko syang abutan! Tempura Whatta!
Sa studio naman, madilim na ang set.. Naglalakad na sa corridor ng TV Station sina Pokwang at Sharmaine.
Pokwang : Hindi ka nagsabi ng totoo kanina dun sa isang tanong noh?
Ngumiti lang si Sharmaine. Saka sumagot.
Sharmaine : I have to commend your researchers.. Magagaling sila.. Pero Ms Poke, sana maintindihan nyo na may mga bagay na hindi dapat sinasabi infront of National Television. Hope you understand.
Pokwang : Wag kang mag-alala, iha. Naiintindihan ko. O sya, aalis na ako. Mauna na ako. Teka may sasakyan ka ba? Puwede ka sumakay sa akin.
Asa parking lot na sila that time.
Sharmaine : That's very sweet of you.. Pero susunduin ako ni Tatay Al..
Pokwang : Okay. I'll go ahead.
Nagbeso-beso ang dalawang babae. Sumakay na sa kanyang sasakyan si Pokwang.. At nang makausad ang sasakyan ay saka naman natambad sa harap ni Sharmaine ang isang kararating pa lang na motor. Huminto ito mga ilang metro ang layo kay Sharmaine. Nanatiling nakatingin ito sa kung sinoman ang nasa likod ng helmet na yun.
*Slow Motion*
Hinubad ng nakamotor ang helmet at nalantad ang kanyang mukha.. Si BJ.
Napatda si Sharmaine at bumilis ang pintig ng puso.
Sabay papailanlang sa background ang isang kanta..
"Kapag ako ay nagmahal.. Umiyak man ako hindi ko ito ikakahiya.."
WOW! PARANG SI DEREK AT GRETCHEN LANG SA "MAGKARIBAL" HUH?
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 29, 2010, 03:48:09 PM
galeng....
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on July 29, 2010, 04:34:13 PM
Wahahahahaha.. Me ganun talaga.. Ang saya..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 29, 2010, 09:10:31 PM
95
Hindi maipaliwanag ni Sharmaine ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon.. Alam nya, isang masarap na pakiramdam iyon pero hindi nya dapat maramdaman.. Nang mailagay ni BJ ang helmet sa isang side mirror ng motor ay agad nitong nilapitan ang dalaga..
BJ : Kumusta ka na Chic?
Hindi pa rin makapagsalita ang dalaga. Ngayon, asa harap nya ang anak ng taong pinakasusuklaman nya.. Ang anak ng taong naging dahilan upang magpursige sya sa kanyang buhay.
Sharmaine : B-BJ? A-anong g-ginagawa mo dito?
For the first time mula nang madevelop ni Sharmaine ang kanyang self confidence ay ngayon lang sya nagstammer.. At sa harap pa ng taong minsan ay minahal nya..
BJ : Napanood kita kanina sa HOTSEAT ON U.T.O.T.. Kumusta ka na? Celebrity ka na pala.
Sharmaine : M-mabuti n-aman a-ako.. Ikaw?
BJ : Okay lang.. (Agad ginagap ang mga palad ng dalaga)
Nabigla si Sharmaine. Sa pagkakadikit ng mga balat nila ni BJ ay parang may mga dagang naghahabulan sa kanyang dibdib.. Isa lang ang sigurado si Sharmaine : May puwang pa rin sa puso nya ang binata (?) At ewan nya kung bakit nagpapanic sya. Alam nyang hindi nya dapat maramdaman muli ang naramdaman sya sa lalake ilang taon na rin ang nakakaraan.. At sa pagsagi sa kanyang kamalayan ng nakaraan ay muling nabuhay ang damdaming kanyang kinanlong sa kanyang kalooban simula nang tumapak sya sa Pilipinas. Hindi sya nagpahalata.
Sharmaine : It so nice seeing you again.. How about a hug? (Ibinukas pa ang mga braso)
Si BJ naman ang medyo nabigla. Bantulot ito ngunit sa bandang huli. Yumakap ito sa dalaga. At sa pagdadaiti ng kanilang mga katawan, nagsisi si Sharmaine sa ginawang pag-offer ng yakap dahil kung matalas ang pakiramdam ni BJ ay malamang naipagkanulo na sya ng kanyang tunay na nararamdaman sa binata (?)
Sa isip-isip nya
Sharmaine : My God, I miss him so much!
Sa isip-isip naman ni BJ
BJ : Amoy stateside!
Tumunog ang CP ni Sharmaine kung kayat awtomatikong naghiwalay ang kanilang mga katawan. Tumatawag ang tatay Al nya. Agad itong sinagot ni Sharmaine. Lumayo ito nang bahagya kay BJ bagamat naririnig pa rin sya nito.
Sharmaine : O Tay? Asan ka na?
"Hatsing! Nak, di kita masusundo eh.. Hatsing!"
Sharmaine : Whaaat?? At bakit di mo ako masusundo?
Hindi nakaligtas yun sa pandinig ni BJ.
"Nak! Lalagnatin ata ako! Hatsing!! Lang beses kasi akong nabasa ngayong araw na to.. Ha.. Haaa.. Hatsing!"
Sharmaine : Kaw naman kasi Tay, di ka nag-iingat.. O sige, magpahinga ka na lang at baka lalo pa lumala yan.
"Pasensya ka na anak ha?"
Sharmaine : Okay lang ho yan Tay.. Sige ho, magpahinga na ho muna kayo. Bye.
Matapos ang kanilang pag-uusap na mag-ama ay lumapit sa kanya si BJ.
BJ : May problema ba?
Sinabi ni Sharmaine ang napag-usapan nilang mag-ama.
BJ : Okay lang yan.. Ihatid na kita..
Sharmaine : Sigurado ka?
BJ : 100% sure! Oh ano? Tara na?
Naaalala pa ni Sharmaine ang sinabi ng kanyang handler
"Wag mong hayaang madikit ang pangalan mo sa mga walang recall sa tao or else, di ka pa man nakikilala ng masa eh nakalimutan ka na nila"
Alanganin si Sharmaine. Ang huling-huling gusto nyang mangyari eh ang mapalapit sa pamilya ng binatang (?) kaharap nya ngayon..
SASAMA KAYA SI SHARMAINE KAY BJ?
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 29, 2010, 09:55:32 PM
galing ah.. pede kang writer sir helt. love this episode here. :]
Title: Reply
Post by: 31raja01 on July 29, 2010, 10:01:06 PM
Bigla ko namiss c chic...
Hehe!
Musta n kaya un?
Next!
( nkahawak s panga kakatawa )
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 29, 2010, 10:07:52 PM
Thanks naman Ments.. Frustrated writer kamo.. Haha.. Unsupportive kasi sila nung binalak kong magjournalism nung nakagraduate ako ng Highschool eh.. Hehe.
Gusto ko pa ngang idiretso tong thread na to hanggang 100 episode bago ako matulog pero inaantok na ako.. Kaya nagnotes na lang ako para di ko makalimutan bukas. (Yun ay kung di pa finale nitong nag San Juan na CP ko..)
=}
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 29, 2010, 10:14:49 PM
ay sayang.. pramis, ok talaga. parang naramdaman ko yung emosyon netong last episode! hahay. natutuwa pa naman ako pag ganun. Ü
pangarap ko din maging writer.. makasulat ng isang novel, kasama sa bucket list ko. :]
ge po, aja aja go!
looking forward sa mga ganitong scenes! haha. makire!
Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on July 30, 2010, 01:31:20 AM
.. kuya heLt.. meganOn?.. hahah.. witTwiwW..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 30, 2010, 06:58:21 AM
96
Nagtatalo ang puso at isip ng dalaga kung sasama ba sya kay BJ o hindi.. Sabi ng puso ni Sharmaine, gusto nya muling makasama ang binatang (?) minsa'y naging bahagi ng puso nya.. Sabi naman ng isip nya, "tanga ka Sharmaine kapag pinairal mo na naman ang puso mo.. Kaya nga dinesign ng Diyos na ilagay sa taas ang isip upang ito ang maging 'direktor' ng iyong buhay.. Sa madaling salita, ang isip ang dapat na masunod hindi ang puso na parati na'y hindi nagiging maganda ang mga desisyon"
BJ : Oh ano Chic? Tara na? (Tumingala sa kalangitan) Ayan oh? Nagbabadya ang ulan.. Mahirap na kapag inabutan tayo ng ulan sa daan.
Nginitian pa ni BJ si Sharmaine. Ngiting minsa'y pumukaw sa damdamin niya.. At ngiting nagbabadyang gumiba sa pader na kanyang itinatayo sa pagitan nila ng binata at sa pamilya nito..
Kumulog. Kumidlat. At nakapagdesisyon ang dalaga.. Sa isip isip nya : "Walang masama kung ihatid ako ni BJ.. Magandang makuha ko ang loob niya at eventually, ng tiwala ng buong angkan nila. What the heck.. Hindi naman siguro makakaapekto sa umuusbong kong career ang pagsama sa kanya"
Sharmaine : Okay then.. Let's go..
Inakay ni BJ si Sharmaine papunta ng motor. "My Goodness! Napakagentleman pa rin nya hanggang ngayon!" Sa isip isip ni Sharmaine.
Nang maistart na ni BJ ang makina, sya naman ang nagulat sa paraan ng ginawang pagsakay ni Sharmaine. Sumakay ito na pabukaka taliwas sa inaasahan nyang patagilid na nakalaylay ang 2 paa sa isang side ng motor.. At naisip nya na hanggang ngayon ay "one of the boys" pa rin ang dalagang minsa'y naging bahagi ng kanyang mga pangarap.. In short, cowboy pa rin eto..
BJ : Kumapit kang mabuti ha?
At muli'y nagulat si BJ. Ang akala nya ay sa balikat nya kakapit ang dalaga.. Bagkus ay sa bewang nito na nagdulot ng milyong boltahe sa buong sistema nya.. Pinaandar na nito ang motor palayo sa parking lot ng U.T.O.T. Channel 3..
At habang binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA ay pumailanlang ang background music :
"Kapag ako ay nagmahal.. Ang lahat ng ito'y magagawa.. Di magdaramdam.. Di maghahangad ng anumang kapalit.."
(Puwede magreact kung mali ang lyrics)
Sa isip isip nila
BJ : Hindi ko maipaliwanag kung ano tong nararamdaman ko ngayon.. Ang alam ko masaya ako at muli'y nakita at nakasama ko sya.
Sharmaine : Come to think of it.. This is the best thing that ever happen mula nang bumalik ako.. Dati iniisip ko kung paano muling mapalapit sa pamilya hindi para matanggap nila kundi para maipamukha sa kanila ang lahat ng kasalanan nila sa akin.. Now, it has been served in a silver platter to me.. I made the right decision sa ginawa kong pagsama sa kanya..
BOOOOOOM!!
Naputol ang mga iniisip nila ng isang putok.
Sharmaine : What the hell is that?
At dahan dahang tumigil ang pagtakbo ng motor.
HMMM, BAKIT KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 30, 2010, 08:50:05 AM
haha. ang cute! busetssS.
"booom!" anu yun? flat? o flatulence? lol. Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 31, 2010, 05:51:08 AM
97
Dahan-dahang huminto ang motor na hiniram ni BJ.
Sharmaine : Hey, what happen?
BJ : Tsk.. Hula ko naflatan ata tayo.. Tsk.. Pasensya na sa abala ha? Tsk.. Baba ka muna..
Agad namang bumaba ang dalaga. Kapagkuway bumaba rin si BJ at tsinek ang gulong.. Flat nga ang hulihang gulong.. Napakamot sa ulo si BJ sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang mga daliri ng kanang kamay.
BJ : Namaaan!! Bakit ngayon pa? Nalintekan na! Tsk.
Nanatiling nakamasid sa kanya ang celebrity na pumapaimbulog pa lamang ang career. Si BJ naman ay hindi malaman ang gagawin. Naroong tsetsekin ang gulong. Pipisilin kung gaano kalambot ito. Iikutan ang motor. Tapos uupo at uugain ang gulong na naflat. Tatayo. Iistart ang makina. Pipihitin ang silinyador. Papatayin ang makina.. Iikutan uli ang motor. Uupo uli at muli'y pipisilin at uugain uli ang gulong na naflat.. Hindi na nakatiis si Sharmaine. Nagtanong ito sa binata.
Sharmaine : Teka teka.. Alam mo ba kung paano ayusin yang gulong na yan?
Muli ay napakamot sa kanyang ulong hindi naman makati si BJ. Apologetic ang mukha nito nang lumingon kay Sharmaine..
BJ : Pasensya na uli.. Nakakahiya mang aminin pero wala akong alam pagdating sa motor maliban sa patakbuhin ito..
Bumuntung-hininga si Sharmaine.
BJ : Okay lang ba sa yo? Lakad tayo nang konti habang aakayin ko to hanggang makakita tayo ng vulcanizing shop?
Sharmaine : Oh sure..
BJ : Nakakahiya naman sayo.. Celebrity ka pa naman..
Ngumiti lang si Sharmaine.. Sa ilang minutong paglalakad eh nadaanan nila ang talyer ni Raymond. Agad tumawag si BJ.
BJ : Tao po! Magpapavulcanize ho sana kami. Tao po!
Maya-maya ay lumabas ang katiwala ng shop. Isang patpating binatilyo.
"Naku, wala po si Kuya Raymond.. Umuwi ho sandali ng San Pablo.. Bukas pa sya babalik"
Nadismaya si BJ sa narinig.
BJ : Anak ng tipaklong naman oh.. Pag minamalas ka nga naman.
Papasok na sana sa loob ng bahay ang katiwala ng talyer nang magsalita si Sharmaine.
Sharmaine : Kuya, puwede makigamit na lang kami dito sa talyer?
Nabigla si BJ sa narinig. O mas tamang sabihing nahihiya.. Bumulong ito kay Sharmaine.
BJ : Ano ka ba Chic? Di ba sinabi ko na sayo kanina na wala akong alam sa motor maliban sa paliparin ito?
Hindi sya pinansin ng dalaga. Muli ay nagsalita ito sa katiwala.
Sharmaine : Ano kuya? Puwedeng makigamit na lang kami sa talyer mo at ako na mismo ang magvuvulcanize nitong motor namin?
Napalingon sa kanya ang nagulat na si BJ.
BJ : Chic? Nagbibiro ka ba?
Sharmaine : You heard it right BJ. Ako.. ang gagawa nyang gulong na yan..
SI SHARMAINE? MAGVUVULCANIZE??
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on July 31, 2010, 08:34:52 AM
i love it..!..ü..galing sumulat ng st0ry ni kuya heltz..!..ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 31, 2010, 10:38:19 AM
98
At literal na nagulat ang binatang (?) si BJ sa sinabi ni Sharmaine na ito ang magvuvulcanize sa gulong ng motor na hiniram ni BJ sa isa sa kanyang mga customers sa computer shop.
BJ : Teka, teka.. Sigurado ka ba na alam mo ivulcanize ang gulong nitong motor?
Nakangiti na may pagmamalaking sumagot ang batam-batang celebrity.
Sharmaine : Oo naman! Sisiw lang sa akin yang pagvuvulcanize na yan. Watch and learn. (Ipinakadiinan pa nito ang huling word na kanyang sinabi sabay baling uli sa taong inabutan nila sa talyer) Ano kuya? Puwede ba kaming makahiram ng ilang kagamitan dyan?
Alanganin ang katiwala ni Raymond. At parang nabasa naman ni Sharmaine ang nasa isip ng katiwala..
Sharmaine : Kuya, huwag kang mag-alala.. Hindi kami mga masasamang loob.. I can assure you of that.. (Sabay ngiti ala Mona Lisa para lubusang makuha ang loob ng katiwala)
Naisip naman ng katiwala na hindi myembro ng mga kawatan kagaya ng dugo-dugo gang ang dalawang kabataang nasa labas ng talyer.. Lumapit ito at binuksan ang di naman kalakihang gate at pinatuloy ang dalawa.
"Sabagay, mga ma'am at sir, ang ganda at ang pogi nyo, malayong-malayo sa itsura ng mga kawatan.. Tuloy po kayo.. Ipasok nyo na lang po yang motor dito sa loob at mukhang uulan pa.. Mababasa ho kayo." - Sabi ng katawala at nagpatiuna na ito sa maluwang na bakuran kung saan andun ang talyer ni Raymònd na may bubong naman.
Agad sinenyasan ni Sharmaine si BJ na ipasok ang motor. Saka sumunod sa katiwala.
"Ano po mga kakailanganin nyo Ma'am?" - Tanong ng katiwala.
Sharmaine : Naku, wag mo na akong tawaging Ma'am.. Maine na lang itawag mo sa akin. By the way, ahm, pahiram ako kuya ng jack, lyabe, bicegrip (Pakitama kung mali ang spelling).. Tsaka pahingi ng extrang interior ng gulong, yung pinaglumaan ha? Tsaka rubber patches, posporo at ga'as.. Salamat.
Nagulat si BJ sa mga sinabi ni Sharmaine.. Napagtanto nyang may alam talaga ito sa gagawing pagvuvulcanize. Agad namang inilabas ng katiwala ang mga kagamitang nirequest ng dalaga. At nang asa harap na nito ang mga nirequest na gamit ay mabilis itong gumalaw.. Tinanggal ang suot nyang long sleeves at nalantad ang pangloob nitong damit na tube. Napalunok si BJ. Iniabot ang long sleeves kay BJ. Kinuha ni BJ saka isinampay sa sariling balikat. Matapos hubarin ang may kataasan ding high-heels ay Inililis ni Sharmaine ang laylayan ng kanyang pantalon hanggang tuhod kung kaya't lumitaw ang mapuputi nitong mga binti. Muli ay napalunok si BJ nang makita ang mga binti ng dalaga.
(Voiceover : Binti pa lang yan ha?)
Sharmaine : I-center stand mo para madukot ko yung interior nya.
BJ : Ha? (Parang nagising naman mula sa isang magandang panaginip si BJ.
Sharmaine : Sabi ko, i-center stand mo.. Are you with me? (Nakangiti)
BJ : Of course (Sabay icinenter stand ang motor)
Mabilis ang mga kilos ni Sharmaine. Matapos madukot ang interior gamit ang lyabe ay para nang walang tao sa paligid nya.. Abala ito sa pagkukumpuni.. Nakatanga sa kanya si BJ..
Sharmaine : Hey, don't just stand there.. Hand me that thing (Turo nito sa bicegrip) and light that thing too (Turo nito dun sa bagay na sinisindihan na nalimutan ko na ang tawag)
Agad namang tumalima si BJ.. Maya maya..
Sharmaine : Pinapawisan ako.. Pakipunasan naman tong noo at likod ko..
Namilog ang mga mata ni BJ sa narinig.
PAGKAKATAON MO NA YAN! GO! BABY JANNAERRON!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on July 31, 2010, 01:14:29 PM
.. whahahah.. oh my gOsh.. ayus gyud.. hahah..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 31, 2010, 03:22:06 PM
99
Nataranta si BJ.. Agad itong dumukot sa mga bulsa nya kung may puwede syang ipamunas sa parte ng katawan ng dalaga na pinagpapawisan. At hindi naman lubusang minamalas ang ating binata (?) dahil andun sa isa sa mga pants nya ang kanyang hanky.
Umupo rin ito gaya ng pagkakaupo ni Sharmaine at pumuwesto sa likuran ng dalaga..
BJ : Alin ba ang pupunasan?
Sharmaine : Unahin mo muna itong noo ko.. (Sabay harap ng mukha sa binata)
Napalunok si BJ dahil ga-sinulid lang halos ang layo ng labi nila sa isa't isa.. At sa isip-isip nya : "Ano kaya? Halikan ko to?"
(Voiceover : Go! Dali!)
Pero sya na rin ang bumalewala sa kanyang pilyong iniisip. Dagli nyang pinunasan ang mga butil ng pawis sa noo ng dalaga.
(Voiceover : Boooo! Mahina. Para kang di anak ng Helterbrand)
Sharmaine : Oh thanks. Now, yang likod ko naman.. (Sabay itinuloy ang ginagawang pagkukumpuni sa gulong ng motor)
BJ : Ah eh, paano ko pupunasan ang likod mo?
Sharmaine : Aba natural, ipasok mo yang kamay mo sa ilalim ng damit ko.
BJ : Sabi ko nga.
Napapikit nang saglit si BJ at matapos magsign of the cross ay ipinasok na nito ang isang nanginginig na kamay na may hawak na panyo sa ilalim ng likurang bahagi ng damit ng dalaga.
Sa isip isip ni BJ
BJ : Jusko! Tulungan mo po ako na maayos kong magawa ito.
Sharmaine : Hey, you're shaking.. Are you okay?
Naputol sa kanyang pag-iisip si BJ. Naramdaman pala ni Sharmaine ang panginginig ng kanyang kamay.
BJ : Ah eh pasensya ka na Chic.. Pasmado kasi ang kamay ko..
Sharmaine : Dapat kasi hindi ka kaagad naghuhugas ng kamay kapag pagod ito.
Hindi na umimik si BJ. Nagconcentrate na lang ito sa ginagawang pagpunas ng pawis sa likod ng dalaga.
"Ang caring caring naman ng BF nyo Ms Maine" - Boses ng katiwala.. Napapanood pala nito ang ginagawa ni BJ.
Imbes na pabulaanan ang sinabi ng katiwala ay ising tipid na ngiti lang ang isinagot ni Sharmaine. Bagay na ipinagtaka ni BJ.
BJ : Bakit kaya di niya kinòntra yung sinabi nung katiwala na BF nya raw ako? (Sa isip isip nya)
Muli ay nagsalita si Sharmaine.
Sharmaine : Baka naman pati libag ko eh makuha na ng hanky mo?
BJ : Ay sorry (Inilabas na nito ang mga kamay sa ilalim ng damit ng dalaga)
Kasalukuyan na ngayong "niluluto" ang patches na nakadikit sa butas ng interior ng gulong.
BJ : San ka nga pala natutong magvulcanize? I mean paano ka natuto nito?
Sharmaine : Ah eto ba? Galawgaw kasi ako kaya nung maliit pa ako eh mahilig akong makialam kapag may sira ang motor ng tatay ko.. Nakulitan yata sa akin ang tatay kaya sa murang edad e tinuruan nya na ako.
BJ : Ganun ba? Ayos ah.
Sharmaine : Ikaw? Bakit di ka natutong magvulcanize?
BJ : Ewan.. Siguro kasi wala akong sariling motor (Sabay nagpaliwanag kung kanino ba talaga ang motor na asa harap nila)
Sharmaine : Ah ganun ba? (At sa isip-isip) Anong klaseng ama meron ka at parang pinalaki kang lampa?
(Voiceover : Hep. Hep. Yung nanay ang tanungin mo. Hmp.)
Lumipas ang ilang sandali ay tapos na rin ang pagvulcanize sa gulong. Nakahanda na ang dalawa sa pag-alis. Inaabutan ng konting halaga ni BJ ang katiwala bilang kapalit ng di sinasadyang abalang idinulot nila. Tumanggi ito.
"Naku salamat ho pero di ko matatanggap yan. Masaya ho ako at nakatulong ako sa inyong dalawa ng GF nyo"
BJ : Naku, hindi ko ho sya --
Sumabat si Sharmaine.
Sharmaine : Naku, maraming salamat Kuya.. (Humawak ito sa bisig ni BJ) Tara na (Sabay akay sa binata papunta sa motor na asa labas na ng talyer ng mga oras na yun)
Naguguluhan si BJ sa inaasal ni Sharmaine. Kaya nung andun na sila sa motor, tinanong nya ang dalaga.
BJ : Bakit di mo pinapabulaanan yung akala nung katiwala na may relasyon tayo?
Bago sumagot ang dalaga eh pasimpleng tiningnan ng dalaga mula sa sulok ng kanyang mata ang katiwala. At nang makasiguro syang nakatingin ito sa kanila ay isang mabilis na halik sa labi ni BJ ang isinagot nya sa tanong ng binata!
Nabigla si BJ.
Sharmaine : Satisfied ka na ba sa sagot ko?
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on July 31, 2010, 03:28:23 PM
Ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on July 31, 2010, 04:38:35 PM
hahahaha...ayos boss helt,..para daw akong tanga dito samen,.bigla nalang daw ako tatawa ng walang dahilan sb ng kapatid ko,.di nila alam astig tong binabasa ko..ahaha astig...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on July 31, 2010, 05:37:15 PM
100
At pagkatapos ng smack kiss na iginawad ni Sharmaine sa binata (?) ay kumindat. Bagay na lalong nagpalito sa dati nang nalilitong si BJ.
BJ : Anong ibig mong sabihin?
Sharmaine : Hindi pa ba malinaw sayo? (At sa isip-isip) Tingnan ko lang kung di ka mahulog sa bitag ko. It has started, Mang Jay.. It has started..
BJ : Ang alin ang malinaw? (Nakakunot na ang noo)
Sharmaine : Malalaman mo yan sa takdang panahon, BJ. Kaya bago pa tayo abutan ng ulan eh ihatid mo na ako.. (Hindi nawawala sa mga labi ang ngiti)
BJ : Ah oo nga pala.. Sige, naaabala na pala kita.. (Akmang sasampa na ng motor nang biglang may maalala) Puwede dumaan tayo sandali sa shop? Gusto kong makita mo yung maliit kong business.
Sharmaine: Shop? Don't tell me nagtayo ka na rin ng beauty salon kagaya ng sa tatay mo?
BJ : Hahaha. Hindi naman.. Isang maliit na internet shop.. Maliit pero maayos naman at kumikita rin kahit papaano.
Sharmaine : O sige. Gusto kong makita ang shop mo.. Nice.. Bata ka pa pero negosyante ka na pala..
BJ : Okay tara na.. tingnan mo at pumapatak na ang ulan..
Totoo ang sinabi ni BJ. May malalaking butil na nang ulan na nag-umpisa nang pumatak.. Tumingala si Sharmaine.
BJ : O baka gusto mong sumilong muna tayo? Talagang andyan na ang ulan oh.
Lumakas na nga ang ulan. Pero nanatiling nakatayo ang dalawa. Mukhang inenjoy naman ni Sharmaine ang sitwasyon. Para itong batang nagpaikot-ikot habang nakawidespread ang mga braso.. At sa isang iglap ay sumakay ito ng motor.
Sharmaine : Go BJ! Sagasain natin ang ulan! Wooooohh!
BJ : Sigurado ka?
Sharmaine : Yes! I guess blessing ito sa atin ni Lord. At kung naaalala mo nung mga bata pa tayo eh madalas tayong maglaro sa ulan.. Kaya lagi kang pinapagalitan ng tatay mo.
Nilalakasan na ni Sharmaine ang boses dahil maingay na rin ang bagsak ng ulan. Basang-basa na rin sya pati si BJ.
BJ : Oo nga! Sige taralets!!
Sabay pinaandar ang motor. At habang mabagal ang takbo ng motor na sumasaga sa rumaragasang ulan ay sabay din silang kumanta nang kantang nakasanayan na nilang kantahin nung mga bata pa sila kapag naglalaro sa ulan.
"Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan. Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito nang puso kong nagliliyab. Damdamin ko'y umaapaw. . . ."
Samantala, sa Pokia residence ay nagsasampay na si Tricia ng gabundok na nilabhan.. At nang maisampay ang kahuli-hulihang piraso ng damit na nilabhan ay bumigay ang sampayan.. Naputol ito.
Tricia : Naman eh! Halos dalawang oras bago kita maisampay tapos babagsak ka lang uli sa lupa?
Though Bermuda grass naman ang kinalagpakan ng mga damit eh uulitin uling banlawan iyon ni Tricia. Ganun sya kametikuloso sa kanyang propesyon.
Tricia : Teka, asan ba si Win at magpapatulòng ako?
ASAN NGA BA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 01, 2010, 12:43:33 PM
haha.. ang sweet ni bj at maine.. aww..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on August 01, 2010, 04:24:41 PM
kakatuwa nMn si trisha.. :D..uulitin lahat ng nilabhan..nak0w..!ahaha!
Title: Reply
Post by: 31raja01 on August 01, 2010, 09:30:25 PM
Ang sweet!!!
Buti n lang walang langgam pag tag ulan..!
Haha!
Pr0pesy0n n pala ang paglalaba ngay0n...
Hehe!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 02, 2010, 06:38:56 AM
August 2, 2010
8th Week
. . . . . . . . . . . . . .
101
Inumpisahan na ni Tricia ang pagpupulot sa mga nalaglag na damit.
Tricia : Hays! Uulitin ko na naman ito! Pambihira talaga.. Tsk.. Teka nga, asan na ba kasi si Win? Simula kaninang umpisahan ko ang maglaba eh di ko ata napansin yun..
Tumingala ito sa langit.. Madilim na rin sa parteng iyon ng kalangitan..
Tricia : Pero di bale, dun ko na lang ito isasampay sa may likod ng laundry area.. May bubong naman dun.. At kahit magdamag na umulan eh di mababasa ang mga ito.. Pero kailangan ko na talaga si Win.. Aba.
Dali-dali itong pumasok sa loob..
Tricia : Win! Yuhooo! Where are you?!
Umakyat ito sa taas sa pag-aakalang andun ang hinahanap at naglilinis sa mga silid na naka-assign sa kanya..
Ang Win na hinahanap nya ay kasalukuyang nasa kuwarto nya.. Busy ito sa ginagawang paghahanap sa ticket na pinapakuha sa kanya ni Win. Hawak nito ang isang ticket ng bus at kasalukuyang kinukumpara sa ticket na ginamit sa BENCH UNCUT.
Win : Eto kaya yung pinapakuha ni Rustom? Parang hindi naman..
Ang itsura ng kuwarto ni Tricia eh parang nilooban ng mga magnanakaw.. Nakataob na ang single bed.. Bukas ang cabinet.. Nagkalat na ang mga damit.. Pati ang tokador, nakatumba ang mga perfume, lotion, pulbos, alcohol at kung ano ano pa.. Bukas din ang mga drawers nito..
Sa taas naman eh nasilip na lahat ni Tricia ang mga kuwarto pero hindi pa rin nya nakikita ang hinahanap nya..
Tricia : Nasaan na ba kasi ang Win na yun?
Kumulog at kidlat.
Tricia : Tsk tsk, andyan na ang ulan.. Teka nga at matingnan nga sa baba at baka nagsiesta yun..
Bumaba siya at diretsong tinungo ang kuwarto ni Win.
Samantala sa computer shop, inip na inip na si Angie.. Di niya malaman ang dahilan.
Angie : Naiinip ba ako dahil boring dito o dahil wala si BJ? Bakit kaya hinahanap-hanap ko na sya? Nadedevelop na rin ba ako sa kanya?
"Ate, bayad oh."
- Boses ng batang lalaki.
Tiningnan ni Angie ang nagbabayad.. Mukhang estudyante ito kasi naka-uniform pa ito.. Hula nya ay Grade 1 or Grade 2 ito. Kinuha ang bayad. Tiningnan sa server kung nakailang oras ito.
Angie : Unit ano ka?
"16 ate"
3 hours ang nakalagay sa server. At magpofour na ng hapon noon. Sinuklian ni Angie ang bata.
Angie : O eto sukli mo.. Ke bata-bata mo pa eh adik ka na ha? Hindi ka rin pumasok noh? Tsk.. Isusumbong kita sa nanay mo..
Nang makaalis ang bata ay balik sa pag-eemote si Angie.
Angie : BJ! Asan ka na ba? Bakit hinahanap-hanap na kita?
Siya namang pagpasok nina BJ at Maine na nagtatawanan at parehong basang-basa pa ang mga katawan..
Hindi maipaliwanag ni Angie ang naramdaman nang makita ang dalawa..
Pakiramdam nya eh sinaksak ng punyal nang ilang ulit ang kanyang puso.
INLOVE NA RIN KAYA SI ANGIE KAY BJ?
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on August 02, 2010, 07:30:39 AM
awts! ayaw ko nyan.... x[
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 02, 2010, 12:23:30 PM
102
Hindi maipaliwanag ni Angie ang nararamdaman nang makita si BJ na tumatawa at mukhang masaya sa kasamang babae. Di sya sure kung nagseselos sya or naiinggit. Basta ang sigurado nya, hindi nya gusto ang nakikita nang mga sandaling iyon.. Naputol ang iniisip nya nang magsalita si Sharmaine.
Sharmaine : Loko ka ha? Talagang inasar mo yung nadaanan nating aso kanina para habulin tayo ha?
Humagalpak ng tawa si BJ.
BJ : Aba, malay ko ba na trip din pala nun maligo sa ulan kagaya natin? Hahaha! Pero huwag ka, kinabahan din ako dun ha?
Sharmaine : Loko loko ka talaga.. Eh paano kung naflatan uli tayo?
BJ : Aba, eh di una kang makakagat nung aso? Hahaha! At andyan ka naman para magvulcanize di ba?
Binuntutan pa ng tawa ni BJ ang huling sinabi.. Kunwari nama'y nagalit naman si Sharmaine.. Hinampas nang mahina ang mga braso ni BJ at sinundan pa ng kurot sa tagiliran.
Sharmaine : Ikaw talaga! Hanggang ngayon pilyo ka pa rin!
BJ : Aray! Aray! Biro lang yun.. Hahaha!
Aray din ang nararamdaman ng mga sandaling iyon ni Angie. Pakiramdam nya ay may kumurot din sa puso nya.
BJ : Halika muna sa kuwarto..
Napamulagat si Angie. Sa isip isip ay : "Kuwarto? At anong gagawin nila sa kuwarto?"
Nakita ni BJ ang pag-aalinlangan sa mukha ni Sharmaine..
BJ : Halika na muna dun sa kuwarto para makapagpalit ka.. May mga damit si Ate at si Inay dyan.. Pumili ka na lang ng gusto mo.. Halika na bago ka pa sipunin dyan para maihatid na kita sa inyo..
Nang marinig ni Sharmaine ay sari-saring emosyon ang naramdaman nya.. Nabuhay muli ang galit nya nang binanggit ni BJ ang ate at ina nito.. Sa kabilang banda naman ay parang hinahaplos naman ang kanyang puso.. Sa isip isip nya : "Hindi ako nagkamali na mahalin ang lalaking ito noon. Dangan nga lamang at umepal ang pamilya nya.. At ang masama pa dun, nagpa-epal naman ang lampang lalaking ito"
Sharmaine : Salamat BJ.. Nilalamig at giniginaw na nga ako.. (Sabay niyakap ang sarili)
BJ : Okay, sumunod ka sa akin..
Nagpatiuna na ang binata (?) sa paglakad papuntang kuwarto. Sumunod naman si Sharmaine habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng shop ni BJ. Naiwan nila ang hindi napansing si Angie..
Angie : Gosh! Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko dapat maramdaman to.. Pakialam ko ba kung may kasamang ibang babae si BJ?
Sa Pokia residence, nahalughog na ni Tricia ang buong kabahayan maliban sa sarilhng kuwarto pero di pa rin nya makita si Win. Sumigaw na ito.
Tricia : Asan ka na ba Win?! Wiiinnnn! Witwiww!
Narinig ito ni Win na asa kuwarto pa rin ni Tricia.
Win : Nakupo at mabubuking pa ata ako?
Narinig niya ang mga yabag papalapit sa kuwarto.
Win : Naku, patay kang bata ka!!
Sa labas naman..
Tricia : Imposible namang andito sya sa kuwarto ko? Pero tsetsekin ko na rin.
Binuksan ang pinto ng kuwarto nya at nagulat ito sa tumambad na tanawin sa kanya..
Tricia : Ohmyenchong!!!
MABUBUKING NA KAYA SI WIN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on August 02, 2010, 01:21:12 PM
.. ayos gyud..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 02, 2010, 03:18:33 PM
nice.. Haha..
next.. Gusto ko makita kong an0ng su0t ni maine paglabas nya..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 02, 2010, 03:25:25 PM
Puft. Wala ako alam sa mga damit ng gels. Haha.
=}
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 02, 2010, 03:26:57 PM
eh di sa mga damit ng sels.. Haha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 02, 2010, 04:33:52 PM
103
Sobrang magulo ang kuwarto ni Tricia na akala mo ay dinaanan ng ipo-ipo.
Tricia : Ohmyenchong! Anòng nangyari dito sa kuwarto ko? Gosh!
Hangos ito sa loob ng kanyang kuwarto kaya di niya nakita si Win na nagtatago sa likod ng pintuan ng kuwarto.. Sinamantala naman ni Win ang pagkakataon, lumabas ito ng kuwarto nang di namamalayan ni Tricia.
Tricia : Ano'ng nangyari dito sa kuwarto ko?! Hindi kaya't nilooban na kami ng mga magnanakaw?! Oh my god!!
Asa salas na noon si Win.. Pinagpapawisan pa ito dahil sa tensiyòn nang muntik nang pagkakahuli sa kanya ni Tricia.
Win : Whew! Muntik na ako dun ah?? Buti na lang at nakapagtago ako agad sa likod ng pinto! Whew!
Sa kuwarto ni Tricia
Tricia : Wiiiiiinnnnn!!
Narinig ni Win ang palahaw ni Tricia. Isang palusot ang pumasok sa kukote nya. Agad itong humarap sa salamin at iniba-iba ang ekspresyon ng mukha. At nang makita sa salamin ang ekspresyon na gusto nyang iproject...
Win : Aba sayang ang artistahin kong face kung di ako marunong umarte.
Agad itong sumugod pabalik ng kuwarto ni Tricia..
Win : Ano'ng nangyari?! Bakit ganito ang ayos ng kuwarto mo?
Para namang nakikisama ang pagkakataon. Mukhang kumbinsido si Tricia na may nanloob sa kuwarto nya.
Tricia : Mukhang nilooban tayo! (Panic ang nakalarawan sa mukha) Baka andito pa yun sa kabahayan! Hanapin mo! Hanapin natin! Pareho tayong malilintekan kay Madam kapag napagnakawan tayo dito!
Win : Naku! Sige! Teka at hahanapin ko sa buong kabahayan baka andito pa rin yun.
Hangos na lumabas si Win. Dumiretso ito sa labas sa may sulok ng naglalakihang pader at bakod sabay lingon sa pinanggalingan. At nang makasigurong di na sya nakikita ni Tricia ay naglabas ito ng sigarilyo at sinindihan.
Win : (Humithit) Lalalalala (Buga) Lalala lalala Hmm Hmm Hmm
Sa kuwarto naman ni BJ, kasalukuyan nang nakalatag sa kama ang iba't ibang klase ng damit pambabae..
BJ : Sige, maiwan na muna kita dyan.. Mamili ka na lang dyan.. Sa nanay at sa ate ang mga yan..
Sharmaine : Salamat BJ.
BJ : Sunod ka na lang sa labas pag tapos ka na.. Kung gusto mo naman, dumiretso ka na lang maligo..
Sharmaine : No. Magpupunas na lang ako ng katawan.. May towel ka ba?
BJ : Marami dito. (Pumunta sa napakalaking cabinet at naglabas ng isang kulay white na towel at iniabot kay Sharmaine)
BJ : Sige, mauna na ako sa iyo sa labas..
Isang tipid na ngiti ang isinukli ni Sharmaine saka tumango. Lumabas ng kuwarto si BJ..
Pagkalabas ni BJ ay sinimulan ni Sharmaine ang pagpili ng damit na isusuot. Isang oversized t-shirt ang napili nya..
Nang makapagbihis ay napansin nya sa table ni BJ ang isang picture. Ang table ni BJ ay napapatungan ng bubog at sa ilalim nun ay sari-saring pictures. Mula pagkabata hanggang magbinata kasama ang pamilya ang karamihan sa mga pictures. At isang partikular na picture ang nakatawag pansin sa kanya.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 02, 2010, 04:44:09 PM
nakakabitin naman.. :(
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on August 02, 2010, 04:59:32 PM
.. kuya hELt.. cge pa.. cge pa.. whahahahah..
.. naMmiSs ku tULoy si
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 02, 2010, 05:09:18 PM
Sino namang namiss mo? Hehe.
Bukas na ulet. Ang hirap magtype..
=}
Title: Reply
Post by: 31raja01 on August 02, 2010, 07:58:26 PM
Hmmf!
Nabitin ako...
Haizt...
Hehe!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 03, 2010, 06:35:42 AM
104
Nilapitan ni Sharmaine ang picture na nakaagaw ng atensyon nya. Picture nila ni BJ nung mga bata pa sila. Di nya na matandaan kung kelan kinuhanan yun.. Mga mukha lang nila yun na halos magkadikit na magkadikit.. Wala sa loob na hinaplos nya ang ibabaw ng mesang napapatungan ng bubog kung saan nakatapat ang mga larawan nya.
Sharmaine : Ibig bang sabihin nito e hanggang ngayon eh hindi ako kinalimutan ni BJ? Damn! Wala sanang problema ngayon kung hindi nakialam ang kanyang mga magulang.
Sa labas naman ng kuwarto...
"Kuya BJ, gagamitin mo pa ba yung motor ko?"
- Yung may ari ng motor
BJ : Sana.. Pero kung kailangan mo na, sige, ibabalik ko na sa yo.
Sabay nagpaliwanag si BJ kung bakit kailangan pa nya ang motor at ikinuwento rin ang pagkakaflat nito. Pagkatapos ay iniabot na nito ang susi. Kinuha naman yun nung may-ari ng motor..
"Pasensya ka na Kuya BJ ha? Gustuhin ko mang ipahiram pa eh kailangan ko na ring umalis.. Ihahatid ko pa kasi sa trabaho yung GF ko.."
Nakadama ng munting inggit si BJ. Kelan ba sya last na nagka GF? Ah matagal nang panahon.. At iyon ay ang babaeng asa kanyang kuwarto ngayon..
BJ : Okay lang bro.. Sige lumakad ka na at baka ma-late pa ang GF mo sa trabaho nito.
"Salamat Kuya.. Bayad na ako ha? Nagbayad na ako kay Ate Angie"
- Ang tinutukoy na binayaran ay ang rent sa pagnenet.
Para namang naalala ni BJ na andun nga si Angie sya sa shop.. Hindi maipaliwanag ng binata (?) kung bakit parang bigla nyang nakalimutan ito sa pagsulpot ni Sharmaine.. Nang makalabas ang may-ari ng motor eh saka lumapit ang binata (?) sa tila malungkot na si Angie..
BJ : Hey salamat sa pagbabantay sa shop ko ha?
Angie : Walang anuman yun.. Okay lang yun..
BJ : Bakit parang matamlay ka?
Umiwas sa pagsagot si Angie.. Sa halip ay nagpaalam na ito..
Angie : Kailangan ko nang umalis.. Wala nga pala si Itay ngayon sa amin..
Akmang lalabas na ito ng counter eh siya namang paglapit ni Sharmaine na nakatapos na ng pagbibihis..
Sharmaine : Im ready!
Parehong napalingon sina Angie at BJ sa dalaga.
BJ : Oh by the way, Angie, meet Chic.. Chic, I would like to introduce to you, Angie.
Sharmaine : Oh hi there Angie (Sabay beso)
Nabigla si Angie sa ginawa ni Sharmaine. Hindi nya akalain na ganun kafriendly ito. Nang makita nya kasi ito kanina eh nagkaroon sya ng impresyon na suplada ito.
Angie : Nice to meet you, Chic.
Sharmaine : (Ngumiti sabay baling kay BJ) GF mo?
BJ : Sana.. Pero ayaw nya sa akin eh..
Hindi alam ni BJ kung bakit iyon ang namutawi sa kanyang bibig.. Si Sharmaine naman bagaman nakangiti ay medyo tumamlay sa narinig.. Ang Angie naman na kanina ay matamlay ay biglang nabuhayan ng loob.
BJ : Oh paano Angie? Konting oras mo na lang ang hihiramin ko sayo.. Dito ka muna.. Ihahatid ko lang saglit si Chic sa kanila..
PAPAYAG KAYA SI ANGIE?
- - Itutuloy - -
Title: (empty)
Post by: mentoscandy on August 03, 2010, 10:25:49 AM
ramdam ko si kambal ah! x(
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on August 03, 2010, 10:28:10 AM
hehe, kakaaLiw.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: 13Nathanjoe on August 03, 2010, 10:59:39 AM
Hehehehe,nice story,ang galing mo,,sana my Part 2,ang SB CINEMA mo.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 03, 2010, 04:15:42 PM
105
Agad pumayag si Angie..
Angie : Oh sure BJ.. Kung konting oras lang naman pala eh di sige.. Wag ka lang magpapagabi masyado at wala rin si itay ngayon sa bahay (Sabay sulyap sa isang wallclock)
6:33pm ang sinasabi ng orasan. Napangiti si BJ. Ibang-iba na si Angie ngayon. Malayong-malayo sa nakasanayan nyang karakter nito : Ang pagiging mataray. Sa sobrang kasiyahan ay napingot ng banayad ni BJ ang ilong ni Angie.
BJ : Nakakapanibago ka ngayon ha?
Angie : Aray! Lumakad na nga kayo.. Wag itong ilong ko ang pagdiskitahan mo. (Nakangiti)
Hindi rin maipaliwanag ni Sharmaine kung bakit nainis sya sa eksenang iyon. Sa isip isip nya : "Namiss ko lang si BJ. Yun lang yun. Kung anuman yung pagmamahal na naramdaman ko sa kanya noon, matagal nang patay iyon"
BJ : Oh paano? Tara na Chic.
Para namang natauhan si Chic sa pagninilay-nilay.
Sharmaine : Ha? Ah sige.. (Bumaling kay Angie) Paano Angie? Tuloy muna kami.
Angie : Sige Miss Chic.. Mag-iingat po kayo..
Ngumiti lang si Sharmaine. Lumabas na ang dalawa mula sa computer shop.
BJ : Kuha na lang tayo ng taxi.. Para mas mabilis..
Sharmaine : Ano ka ba? Malapit na kaya dito sa amin.. Maglakad na lang tayo.. Para maexercise pa tayo..
Yun ang sinasabi ng isipan ni Chic pero taliwas sa puso nya.. Sinasabi ng puso nya na gusto pa nyang makasama nang matagal ang binata (?) kaya mas gugustuhin nyang maglakad na lang.
BJ : Ano masasabi mo kay Angie.
Natahimik sandali si Chic. Nag-isip saka sumagot.
Sharmaine : With all honesty, I guess she's pretty.. And she's inlove with you..
Natawa si BJ
BJ : Hahaha! Eh ang taray taray nga nun sa akin eh.
Mas pinili ni Chic ang manahimik.. Sa isip isip nya : "Man are so naive.. I've seen it.. I'm also a girl kaya alam ko kung ano ang tunay na nararamdaman ni Angie"
Sa Pokia residence naman, asa na bahay sina Mrs Pokia, Dale at Rustom.. Napagkasunduan nina Win at Tricia na wala muna silang pagsasabihan ng nangyaring paghahalughog sa kuwarto ni Tricia.
Nang magkasarilinan sina Rustom at Win, ikinuwento ni Win ang ginawa nyang pagransack sa kuwarto ni Tricia makuha lang ang mga tickets.. At sinabi nya rin ang muntik nang pagkakabuking sa kanya ni Tricia.
Rustom : (Nakasimangot) So anong ibig mong sabihin? Wala pala talaga akong aasahan sayo..?
Apologetic naman si Win.
Win : Rustom naman, maniwala ka sa akin.. Wala talaga akong nakita.. Sinearch ko bawat sulok ng kuwarto nya pero wala talaga! Wag ka naman magalit sa akin.
Rustom : Look, 3 days na lang at concert na ni Angel Meow! I need those tickets! At ito ang isaksak mo sa kukote mo, kapag wala kang maiabot sa akin na ticket, eh maghanap hanap ka na uli ng mapapasukan mo! Ako ang dahilan ng pagkakapasok mo dito at ako rin ang magiging dahilan ng pagkakasipa mo sa bahay na ito pag nagkataòn!
Win : Eh Rustom, marami ka namang pera.. Bakit di ka na lang bumili?
Rustom : Hindi mo talaga ginagamit yang isip mo noh? Ipapakuha ko ba sa yo yun kung may mabibili pa ako?
Hindi umimik si Win. Inilabas ang ticket ng BENCH UNCUT at pinag-aralan ang itsura nito..
Win : Wala talagang ganitong ticket akong nakita Rustom.
Tiningnan ni Rustom ang ticket. At nagliwanag ang mukha nito. Kinuha ang ticket mula sa mga kamay ni Win.
Rustom : (Evil grin) I guess we've solved the puzzle.. Alam ko na kung saan itinatago ng babaing yan ang mga tickets!
EH SAAN NGA BA?
- - Itutuloy - -
Title: ?
Post by: ylreveb1227 on August 03, 2010, 04:24:45 PM
Hahaha.. *_*
alam ko rin kung nasaan..
:-P
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on August 03, 2010, 05:37:51 PM
Ihh..!..ü..
Kakabitin nMn masyado..
Ehe..ü
+^_^+)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 03, 2010, 08:05:19 PM
106
At noon naalala ni Rustom na sa undies ni Tricia itinatago nito ang mga tickets. At yun ang isa sa mga mabibigat na "misyòn" na ipapagawa nya kay Win.. Mukhang mabigat at mahirap pero sabi nga.. "if there's a will, there's a way". Iba naman ang version ni Rustom ng kasabihan na yun..
Rustom : (Sa isip isip) If there's a will, there goes Win!
Naputol ang iniisip ni Rustom nang magsalita si Win.
Win : San nga ba Rustom itinatago ni Tricia ang mga tickets na yun? Eh talagang hinalughog ko na ang kuwarto nya pero wala talaga.
Rustom : (Ngiting kontrabida) Talagang di mo makikita yun.. Pero alam ko na ngayon kung san mo makukuha yun..
Win : Kukunin ko lang Rustom ha? Hindi ko nanakawin? Naku mahirap na..
Rustom : Oo, kukunin mo lang yun at ibibigay sa akin.. Hindi mo nanakawin.
Win : Ayos! O teka, saan ko ba makukuha ang mga maiilap na tickets na yan?
Ngumiti muna si Rustom saka sumenyas gamit ang hintuturo na ilapit ni Win ang mukha sa mukha nya.. Nakuha naman agad ni Win ang nais mangyari ni Rustom kung kaya't inilapit nito ang mukha kay Rustom.. At nang mailapit na ang mukha ay bumulong si Rustom sa mga tainga ni Win.
Win : Ahekhek... araguy!!!... Ah dun ba nakatago?.. Ahehekhek.. Ahihi!
Sabay inilayo ni Rustom ang bibig sa tainga ni Win na tuwang tuwa.
Rustom : Oh? Alam mo na ngayon kung saan kukunin ang mga tickets?
Win : (Tawa pa rin nang tawa) Ahekhekhek.. (Sabay sumeryoso) Teka.. San nga ba?
Napaikot nang di oras ni Rustom ang mga mata..
Rustom : Ay ang bopols!! Nakikinig ka ba sa akin? (Medyo galit na) Tawa ka nang tawa eh hindi mo pala naiintindihan yung ibinulong ko sa yo! Nakakapikon ka na!
Win : Hey, easy! Relax ka lang.. Nakikiliti kasi ako kaninang bumubulong ka.. (Sabay akbay kay Rustom at halos idikit na ang katawan) San nga ba itinatago ni Tricia ang mga tickets?
Bigla ay nawala ang namumuong galit ni Rustom sa ginawang pag-akbay at pagdikit ng katawan ni Win sa kanya.. Muli ay bumulong ito kay Win.. At pagkatapos ay napamulagat si Win..
Win : Sigurado ka Rustom? Dun itinatago ni Tricia ang mga tickets? Baka naman namamali ka lang..?
Rustom : Wala sa kuwarto nya kahit anong klaseng paghalughog ginawa mo di ba? Puwes, andun nga yun sa sinabi ko sa yo! Andun ang mga tickets!
Napalunok nang sunod sunod si Win..
Win : Ulk! ulk!
Rustom : Ano? Kaya mo ba kunin ho hindi?
KAKAYANIN KAYA NI WIN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 04, 2010, 06:35:30 AM
107
Patuloy pa rin ang paglunok ni Win.. Muli ay sinigurado nya kay Rustom ang mga ibinulong nito..
Win : Sure ka ba Rustom na dun nga sa may undies nya nakatago ang mga tickets?
Rustom : I am 100% sure, dun nya itinatago ito.. I saw it the other day..
Win : Pero napakaselan at napakadelikado nang ipinapagawa mo sa akin..
Rustom : Alam ko.. Kaya nagdesisyon ako na tritriplehin ko ang ibabayad ko sa yo.
Namilog ang mga mata ni Win sa sinabing iyon ni Rustom..
Rustom : Ayoko rin namang mabuko ka.. Kaya sa pagkakataong ito ay tutulungan kita.. Kailangan nating planuhing mabuti ito..
Win : Paano?
Rustom : Hmmm paano nga ba..? Let's see.. (Tumingin sa direksyon ng laundry area) Ano bang ginagawa nya ngayon?
Win : Naku, andun pa rin sa laundry area.. Inuulit ang mga nilabhan nya bumagsak lahat ang mga damit sa lupa kaninang nagsasampay sya..
Rustom : Good!! Siguradong pagod na pagod na sya ngayon.. Now, narito ang ating plano..
Excited na nag-intay si Win nang susunod na sasabihin ni Rustom.
Rustom : Pumunta ka na ngayon sa laundry area.. Help her.. Ipakita mo na friendly ka at matulungin.. At pagkatapos nang mga gawain dito sa house., ayain mo sya nang magdamagang inuman..
Win : Pero Rustom, paano kung di sya umiinom?
Rustom : Gawan mo nang paraan para uminom sya.. Base sa mga nakita at sarili kong mga karanasan, madali malasing ang mga taong pagod na.. At bentahe sa atin na babae si Tricia.. Mahina ang alcohol tolerance ng katawan.. A few rounds eh sigurado akong bagsak na sya..
Win : What a brilliant idea! Isa kang henyo Rustom!
Imbes na sumagot eh kinuha ni Rustom ang kanyang wallet at kinuha mula rito ang kanyang ATM card saka iniabot kay Win.
Rustom : Eto o, maglabas ka dyan ng pambili mo nang alak at mapupulutan nyo..
Nakangiting kinuha naman ni Win ang ATM Card.
Win : Bukas, hawak mo na ang mga tickets!
Rustom : Siguraduhin mo lang.. (Saka tumalikod at tinapos ang usapan)
Sa laundry area naman, asa huling pagbabanlaw na si Tricia nang pumasok si Dale.
Dale : Ang sipag naman ng honey ko.. Tsk tsk.. Magdamag ka na atang naglaba ah?
Ngumiti si Tricia sa kasintahan..
Tricia : Maaga sana akong nakatapos,
Saka ipinaliwanag ang nangyaring pagkakaputol ng sampayan.. Dahilan upang ulitin nya ang mga labada.
Dale : Kaya mo pa ba? Mukhang pagod na pagod ka na eh..
Tricia : Medyo pagod na nga ako.. Pero huwag kang mag-alala.. Sanay akong pumasan ng labada. (Saka kumindat)
Siya namang pagpasok ni Win...
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on August 04, 2010, 06:41:04 AM
ang aga naman yata nito.
hehe.
Title: ?
Post by: ylreveb1227 on August 04, 2010, 08:00:48 AM
--Itutuloy--
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 05, 2010, 06:59:25 AM
108
Nagbigay-pugay si Win sa mga nadatnan nito.
Win : Magandang gabi ho Sir Dale, sayo din Tricia!
Ngumiti lang si Tricia.
Dale : Magandang gabi din sa yo Win!
Win : Tsk tsk,Tricia.. Maghapon ka na dyan sa labada ah? Tumayo ka na nga dyan at ako na ang magtatapos nyang ginagawa mo.
Tricia : Naku Win, nakakahiya naman sa yo.. Hindi mo na trabaho ito..
Win : Hindi nga pero wala naman akong nakikitang masama.. Gusto ko lang sana makatulong..
Tricia : Naku wag na Win, kaya ko na to..
Win : Sige na pagbigyan mo na ang pangungulit ko.. Minsan lang tumulong ang tao eh.. Tsaka mukhang namimiss ka ni Sir Dale eh.. Asikasuhin mo na muna sya at ako na ang bahala sa mga labada mo.
Napapabilib naman si Dale sa mga sinabi ni Win.. Medyo napaisip naman si Tricia.. Mukhang sincere naman si Win sa pag-ooffer ng tulong at talagang pagod na sya.. Isa pa, namimiss nya na rin ang kasintahan..
Tricia : Okay lang ba talaga sa 'yo Win? Nakakahiya naman ata..
Win : Oo naman! Kaya hala, tumayo ka na dyan at ako na ang bahalang magtuloy dito at ako na rin ang magsasampay.
Lumapit na si Win sa kinauupuang bangkito ni Tricia at itinayo na ito.. Wala nang nagawa si Tricia.. Tumayo na ito saka ipinunas sa laylayan ng uniporme ang mga basang kamay..
Tricia : Maraming salamat sa yo Win!!
Win : Sus wala yun.
Napangiti si Dale.
Dale : Bibihira ang mga katulad mo Win! Hindi kami nagkamali sa pagha-hire sa yo..
Win : Okay lang yun Sir Dale. (Sinimulan na ang pagbabanlaw)
Dale : Oh paano? Kaw na muna ang bahala rito? Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng tip bukas.
Win : Kayo ho ang bahala Sir Dale.
Hinawakan ni Dale ang kamay ni Tricia at inakay ito palabas ng garden.
Dale : Tara na honey.. Dun tayo sa garden.
Umalis na ang magkasintahan at naiwan si Win na habang nagbabanlaw eh nagkukukot ang kalooban sa kanyang ginagawa.
Win : Amfootah!! Andami pala nito! Lintek! Never ko ginawa sa buong buhay ko ang magkusot ng ganito karaming damit! Kung hindi lang sa perang makukuha ko kay Rustom eh hindi ko gagawin to!!
Samantala, asa harap na ng AL TAPSIHAN sina BJ at Sharmaine. Nagulat si BJ nang malamang dito nakatira ang dalaga.
BJ : Wow! Sa inyo pala ito.. Kelan lang ay bumili ako dito ah? And I must say na masarap ang mga pagkain dito.
Sharmaine : Dahil yan sa kasipagan ni itay.. (Bumaling ito sa isang serbidora na kasalukuyang nagliligpit ng pinagkainan ng isang customer) Ah si itay andyan ba?
"Naku ate, asa kuwarto nya po at nilalagnat."
- Ang sabi ng serbidora..
Sharmaine : Tsk! Ayan at natuluyan na talaga si itay. Oh paano BJ, next time na lang ulit.. Gusto pa sana kitang ipakilala kay itay kaya lang eh mukhang may sakit ito..
BJ : Okay lang yun.. Kailangan ko na ring umalis at nakakahiya na rin dun kay Angie.
Hindi maipaliwanag ni Sharmaine kung bakit ayaw pa rin nyang maghiwalay sana sila ni BJ.
Sharmaine : Sige, lumakad ka na rin.
BJ : Sige.
Bagama't nagpapaalaman na sila eh hindi pa rin tumitinag ang isa man sa kanila.. Parang may iniintay ang isa't isa sa isa't isa.. Si Sharmaine na ang nagkusa.. Dumukwang ito at ginawaran ng isang kiss sa pisngi ang nagulat na si BJ.
Kasalukuyan naman na noong nag-uusap ang magkasintahang Dale at Tricia sa garden ng malaking bahay ng mga Pokia.
Dale : Syangapala, asan ang mga magulang mo?
Natigilan si Tricia sa tanong ni Dale.
ASAN NGA KAYA ANG MGA MAGULANG NI TRICIA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on August 05, 2010, 07:03:08 AM
ang aga ng sbc ngayon.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 05, 2010, 09:13:35 AM
109
Natahimik bigla si Tricia sa tanong ng kasintahan. Napuna naman iyon ng kasintahan.
Dale : Something wrong?
Umiling si Tricia.
Dale : Oh come on... I know you...
Napilitang magkwento ni Tricia.
Tricia : Matagal na silang patay, Dale... Magkakasama kami nun sa Barko... Pauwi kami ng probinsiya... Hindi alam ng kapitan ng barko na sasagasain namin that time ang isang bagyo... (Napasubsob sa palad at nag-umpisa nang umiyak)
Agad naman syang niyakap ni Dale.
Dale : Sssshhh... okay, kung ayaw mong pag-usapan natin, okay lang...
Tumingin nang diretso si Tricai kay Dale...
Tricia : No... Gusto ko ring malaman mo ang nangyari sa akin... Makakagaan sa aking kalooban..
Dale : Okay, go ahead.
Tricia : Sa madaling salita nagkaroon ng sakuna sa dagat... Madaling araw noon... Humahampas sa barko ang malalakas na alon at para itong bangkang papel na hinihipan sa lakas ng alon... At ayun, hindi nakayanan ng barko ang sungit ng panahon kung kayat nilamon na ito ng dagat...
Dale : Oh honey... I am so sorry to hear that...
Tricia : Subalit bago tuluyang mahigop ng dagat ang aking mga magulang, may ipinagtapat silasa akin... Hanapin ko raw ang tunay kong mga magulang...
Dale : You mean to say, ampon ka lang nila?
(Voiceover : Andami atang ampon huh?)
Tricia : Tama ka Dale...
Dale : So paano mo naman hahanapin ang mga ito...?
Tricia : Wala silang nabanggit maliban sa natagpuan daw nila ito (inilabas ang isang tsupon ng feeding bottle mula sa bulsa ng uniporme) nung napulot nila ako sa tapat ng Laundryshop nila.
Dale : Tsk! tsk! Mahirap yan... Paano natin mahahanap ang mga magulang mo?
Tricia : Sa ngayon, hindi ko muna sila priority pero nasasabik din akong makita sila...
Dale : May laundryshop pala kayo dati... Anong nangyari?
Tricia : Nalugi ito kung kayat nagdecide ang tatay noon na umuwi na lang kami ng probinsiya at magbukid... Sa kasamaang palad eh ganun naman ang nangyari sa amin sa gitna ng dagat...
Dale : Hayaan mo, tutulungan kitang hanapin ang future parents-in-law ko (ngumiti)
Tricia : Umaasa ka pa rin ba sa ating dalawa?
Dale : Bakit naman hindi? At anong klaseng tanong ba yan?
Tricia : Iniisip ko lang kasi kung ano ang maaaring gawin sa akin ni Madam kapag nalaman niyang may relasyon tayo...
Dale : Huwag mo munang isipin yun... Let's enjoy what we have right now (Kinabig ang kasintahan)
Humilig naman sa balikat ni Dale ang dalagang labandera. Kasalukuyan namang nakatingin sa kanila sa di kalayuan si Rustom.
Rustom : Magpakasaya ka na ngayon, babae ka dahil pagkatapos ng concert ni Angel Meow eh ipapaalam ko na kay Tita ang relasyon nyo!!!
Samantala, sa SUPER CLIMAX, magkakaharap sa VIP table sina Jay, Hazel, Rahamae at Lance. May mga drinks sa ibabaw ng mesa. Redhorse tsaka ladies drink. Tahimik lang bsi Jay at kasalukuyang may tinetext.
Rahamae : Tell me, Madam... Paano ba ginasta nitong Lance ko ang 90,000pesos?
PAANO NGA BA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 05, 2010, 05:52:15 PM
"Wala pa ba yung next episode?"
-PNOY
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 07, 2010, 05:55:28 AM
110
Nagprotesta si Lance nang marinig ang sinabi ni Rahamae na gusto nitong malaman kung paano nagawang gastahin nito ang P90,000.
Lance : Mommy, huwag na nating pag-usapan yan please, matagal naman nang tapos ang isyu na yan at matagal ko nang ibinaon sa limot ang bahaging yan ng aking nakaraan..
Napalingon si Rahamae sa kasintahan..
Rahamae : That's exactly my point, Daddy.. Past na yun kaya wala kang dapat ipag-alala kung aalamin ko ngayon yun..
Sumabat na si Hazel.
Hazel : Naku Rahamae, iha.. Mas makakabuti nga yatang huwag na nating pag-usapan yun.. Hindi maganda ang ganyan para sa dinadala mo ngayon sa iyong sinapupunan..
Natawa naman si Rahamae.
Rahamae : Naku Madam, wish ko lang eh sana nga may laman na to (Hinimas ang tyan) Pero wala pa talaga.. (Sabay ngiti)
Jay : (Pabulong) Naku, pustahan tayo, baog yang kasintahan mo.. Ang laki laki ng katawan pero wala namang kakayahang makalikha ng isang buhay.. Baka lang naman.
Hazel : May sinasabi ka ba Babes? (Lingon kay Jay)
Jay : Ha? Naku wala.. (Parang guilty) Kako, masyado kang exaggerated sa pag-iisip na may laman na ang tyan ng babaeng ito (turo kay Rahamae) eh tinatanong lang -
Sumingit sandali si Rahamae sa sinasabi ni Jay.
Rahamae : Rahamae ho ang pangalan ko..
Jay : Ah okay, Rahamae.. Ayun, para tinatanong lang ni Rahamae kung paano ginasta nyan (Turo kay Lance) ang -
Lance : Lancer ho ang pangalan ko..
Jay : (Tumingin kay Lance) Hindi ko tinatanong ang pangalan mo! (Tumingin kay Hazel) Ay bahala ka na nga magkwento sa 90,000 na yan.. Para malaman na rin ni Rahamae ang tungkol dyan.. (Itinuloy ang pagtetext)
Nagsimulang magkwento si Hazel.
Hazel : Isummarize ko na lang iha ha? Ganito kasi yun, mahilig noon sa away at basag-ulo itong nobyo mo.. Hindi ko na matandaan kung ano ang pinag-ugatan pero napatrouble ito sa mga teen ager dito.. Nagkainitan sila minsan dito at nagkarambulan.. Maraming nasirang gamit at nakulong sya, suma total ng kanyang binayaran dito pati ang pinangpiyansa nya eh 90,000 pesos lahat.. Oh ayan. Pero huwag mo nang alalahanin yun iha, past na yun kaya dapat nang kalimutan.
Hindi maiwasan ni Jay ang hindi magkomento.
Jay : Sabi ko nga ba at basagulero talaga eh.. (Sige pa rin sa kakatext)
Lance : Hindi ho ba talaga kayo titigil? Baka gusto nyo hong magkaroon ng Take Two ang istorya ng 90,000? (Naghahamon)
Jay : (Sa screen ng CP pa rin nakatingin) Eto nga at titigil na eh (At sa isip isip) Talaga palang papatulan ako nito kaninang hinamon ko sya.. Mabuti na lang pala at dumating si Mamang NBI
Sa Pokia residence, kasalukuyang kumakatok si Win sa pinto ng kuwarto ni Tricia na noon ay gising pa bagamat antok na antok na eto at pagod. Bumangon ito at binuksan ang pinto kung saan nakatayo si Win na may hawak na 2 bote ng matador at mga supot ng tsitsaron.
Win : Hi Tricia! B-day ko ngayon.. Baka puwede mo akong saluhan sa pagtagay ng konti..
MAPATAGAY KAYA SI TRICIA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 09, 2010, 07:23:34 AM
Week 9
(August 9, 2010)
. . . . . . . .
111
Tiningnan ni Tricia ang mga dala ni Win.. Napalunok..
Win : Ano? Mapagbibigyan mo ba ako? Boring kasi kung mag-isa lang na nagshashot.. Maganda kasi pag may kakuwentuhan.. Nakakahiya naman kung sina Sir Dale at Rustom ang iimbitahin ko.. Baka sabihin nila, feeling close ako sa kanila.
Tricia : Ganun ba Win? Teka at pag-iisipan ko yang alok mo (Tumungo at after 1 second eh nag-angat agad ng ulo) Tara! Ano pang hinihintay natin? Dun tayo sa garden.
Sabay hila kay Win na noon ay napapangiti dahil di nya akalain na ganun nya lang kadali mapapapayag si Tricia na uminom..
Samantala sa SUPER CLIMAX ay nagpapaalam na sina Lancer at Rahamae..
Rahamae : Madam, paano po? Kami po ng Lancer ko eh magpapaalam na.. Talagang kailangan na rin naming umalis at malayo-layo rin ang byahe namin.
Muli ay nakadama ng lungkot ang may-ari ng SUPER CLIMAX..
Hazel : Hindi ba puwedeng magpa umaga na kayo? May bakanteng kuwarto pa sa taas.
Rahamae : Gusto man namin Madam eh hindi puwede.. Wala pong tao ngayon sa garden ni Lancer.. Wala naman ho syang ibang mapagkakatiwalaan dun.
Jay : (Bubulong-bulong) Ay naku, kung hindi marunong magtiwala sa kapwa eh mamundok ka na lang..
Lancer : May sinasabi ka ba?
Jay : Wala! Kako, ano kayang feeling ng taga bundok? Parang gusto ko itry minsan.
Natunugan ni Hazel na mukhang magkakainitan na naman ang dalawang lalake kung kaya't agad na itong namagitan.
Hazel : Mabuti pa nga Lancer eh tumuloy na kayo.. Gabi na at delikado sa daan..
Jay : (Bubulong-bulong pa rin) Mabangga sana.. Joke.
Narinig pala yun ni Lancer.
Lancer : Ang sama naman ng ugali mo!
Jay : Hellow?! Kaya nga joke di ba? Duh?!
Inakay na ni Hazel palabas sina Rahamae at Lancer.
Hazel : Tara na sa labas.. At ikaw Babes, sumama ka, ihatid na natin sila sa labas..
Jay : Ay ayoko! Gusto kong panoorin itong mga dancers mo.
Kasalukuyan na noong may nagpeperform sa stage.. Mga anim na girls ang nagsasayaw sa entablado sa saliw ng kantang "Bad Romance".. Wala nang nagawa si Hazel.. Lumabas na ang tatlo..
Jay : Pang ilang ulit na ba nilang sinayaw yan? Wala na bang ibang kanta? (Sabay lagok sa bote ng Redhorse)
Sa labas naman ay nakabanggaan ni Lancer ang noo'y papasok na si BJ.. Wala namang violent reaction ang dalawa maliban sa nagkatinginan lang sila.
Hazel : Oy BJ, andyan ka na pala.. Pumasok ka na lang dun.. Andyan na ang tatay Jay mo..
Pumasok na si BJ. Sa isip-isip naman ni Lancer.
Lancer : Ah kaya pala may pagkamaangas din tong isang to... May pinagmanahan din pala..
Hazel : Oy Lance, tumuloy na kayo at gabi na.
Lance : Ah oho.. Tara na Mommy..
Matapos magbeso beso ang dalawang babae eh inalalayan na ni Lancer si Rahamae sa pagsampa sa truck saka lumigid sa passenger's seat. Kumaway si Rahamae at gumanti rin si Hazel ng kaway.. Pinaharurot na ni Lancer ang truck kung kaya't nagtalsikan ang mga tubig-ulan sa kalsada papunta kay Al na noon ay nagroronda sa kabila ng nararamdaman nito kanina!
Al : Hay ano ba naman kayo mga people?! Pang-ilan na to ngayong araw na to? Pang-ilan naaaah!! Hatsing!..
MAKULIT KA KASI EH. KUNG NAGPAPAHINGA KA NA LANG SA INYO?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 09, 2010, 08:40:54 AM
112
Kakamot-kamot sa ulo si Al dahil sa kapalaran nya nung araw na yun.. Habang sige pa rin ito sa pagbahing.
Al : Mabuti pa'y makauwi na nga lang.. Ipapahinga ko na talaga to.. Hatsing!.. Malas ata ako ngayong araw na to!! Hatsing!! (Sabay punta sa gilid ng kalsada at suminga nang suminga)
Samantala, ang nag-abroad na si Ian ay kasalukuyang asa himpapawid that time.. Kaaalis lang ng eroplano nito galing Bangkok, Thailand kung saan nagstop-over for the last time ang eroplano nya bago dumating sa susunod na araw sa destinasyon nito, ang Bahgdad, Iraq. Tuwang-tuwa si Ian sa loob ng eroplano..
Ian : Wuhaha! Ang sarap sumakay ng eroplano! Wooh! (Sige sa pag-aangat baba sa puwitan sa upuan na akala mo ay tinetesting ang kalambutan nito)
Dudungaw sa bintana ng eroplano.
Ian : Buset! Wala akong makita sa labas at baba! Sayang, di ko nadala yung flash light na ginamit ko nung nagpoll watcher ako last elections.
Tanging sina Ian at isang pinay stewardess na lang ang gising sa parteng iyon ng eroplano nang mga sandaling iyon. Tsinetsek ng stewardess ang mga pasahero sa mga maaaring kailanganin ng mga ito gaya ng kumot, pagkain at iba pa. Inilabas ni Ian ang kanyang CP na noon ay nakapatay.
(Voiceover : Huh?? Di ba, bawal na i-hand carry ang mga phones mula nung nangyari ang 9/11 attack sa New York?)
Ian : Iba ako eh.. Astig ata to, nagawa kong maipuslit ito kanina sa NAIA.
(Voiceover : Booo! Bopols talaga ang security ng NAIA.. Eh paano kaya nailusot sa Bangkok Airport yan?)
Ian : Para-paraan lang yan! (Akmang bubuksan ang CP) Kailangang maetext ko si Pareng Jay! Ishe-share ko ang experience ko dito sa eroplano.
Agad syang nasita ng stewardess.
Stewardess : Naku Sir, paano ho kayo nakapagdala nyan on-board? Bawal ho yan dito.
Ian : Naku, ipinuslit ko to kanina sa 2 airports.. Astig noh?
Stewardess : Naku, pakipatay ho yan at sumama kayo sa akin..
Ian : Bubuksan ko pa lang naman.. Etetext ko lang yung Kumpare ko.. Sandali lang naman..
Stewardess : Naku hindi talaga puwede Sir! (Nagpapanic na dahil sa posibilidad na isang suicide bomber si Ian)
Nakatawag ng attention ang usapan ng dalawa, Nagising ang ilan sa mga pasahero at nang mapagtanto ang kaganapan sa loob ng eroplano..
"Oh my, napasok tayo ng terorista"
-Pinoy
"What the hell is goin on?"
-British National
"One of the passengers here is a terrorist!"
-Pinoy na katabi ng British National.
"Mama mia!, Cazzo!"
- Italian National
"Mierda!"
-Spanish National
"Pambihira ka man Dong, magkababayan naman tayo! Ayaw guid pagtuluya ang imong ginaubra! Abo guid ang akong unga! Maluoy ka sa akong mga unga! Karahuya ka man! Pinoy ka man guid!"
(Huwag mo nang ituloy yang gagawin mo. Marami akong anak. Maawa ka sa kanila. Nakakahiya ka. Pinoy ka pa naman)
- Bisayang pasahero.
Dahil sa munting komosyon ay dumating na ang mga plane marshalls..
Plane Marshall : Akina yang CP mo! Pagdating natin sa Bahgdad eh iteturn over ka namin sa mga awtoridad doon!
PATAY KANG IAN KA! IBABALA KA SA KANYON PAGDATING NG IRAQ.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 09, 2010, 09:14:56 AM
Haha.. Lagot..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on August 09, 2010, 11:29:03 AM
hahaha...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 10, 2010, 07:26:01 AM
113
Hindi makapaniwala si Ian na nagaganap sa loob ng eroplano. Hindi man sabihin sa kanya ng diretsahan ay batid niyang isang terorista ang tingin sa kanya ng mga tao dun. Sinubukan pa rin niya na kumbinsihin ang mga ito na mali ang iniisip ng mga ito sa kanya.
Ian : Boss naman! Maniwala kayo sa akin! Hindi ako terorista!
Plane Marshall : Magkakaroon ng full investigation pagdating natin ng Bahgdad! For the meantime, sumama ka muna sa amin.
Ian : At bakit naman ako sasama sa inyo aber? Baka isalvage nyo ako o kaya eh ihulog nyo ako mula sa eroplanong ito! Hindi ako sasama sa inyo!
Plane Marshall : Huwag nang makulit ha? Sumama ka na lang.. Tingnan mo ang mga kapwa mo pasahero, natatakot na sa yo.
Iginala ni Ian ang paningin sa loob ng eroplano.. Mukha ngang takot na takot ang mga ito..
Ian : Hey yow!! I am not a terrorist!! I am just a fun-loving pinoy! (Itinaas pa ang CP) We're the texting capital of the world that is why I have this one inside the plane! (Iwinagayway pa ang CP)
"Hey man! Stop that!! Once we arrived in Iraq, Im gonna rip your ass wide open and feed it to the Iraqis!!"
- American national, galit.
Plane Marshalls : Mabuti pa'y sumama ka na muna sa amin.. Nagpapanic na mga tao dito.
Ian : Okay! Okay fine! Sasama ako kung yun lang ang makakapagpakalma sa kanila!
Plane Marshall : Mabuti naman kung ganun.. Halika na.
Ian : TAKNAYDOOO!!
"Hey, that's bad!"
-Yung American natiònal pa rin.
Ian : Huh?? Naintindihan nya?
Sumama na si Ian sa Plane Marshall.
Samantala, bumalik naman tayo ng Pilipinas.. Malapit nang maubos ang isang long-neck ng Matador na kasalukuyang pinagtutulungang itumba nina Tricia at Win. Si Win eh domodoble na ang tingin.. Kapag tinitingnan nya si Tricia eh parang may kaluluwang lumalabas sa katawan nito.. Samantalang si Tricia eh cool na cool pa rin..
Tricia : Tagay pa Win!! Sabi ko na nga ba at mabisang pantanggal ang alak sa sakit ng katawan eh (Sabay abot ng tagayan kay Win)
Inabot ni Win ang tagayan.. Sinalinan ng alak.
Win : Oo nga! Eto talaga ang the best sa lahat ng pain reliever (Sabay lagok) Aaaah!! Oh ikaw naman.. Hik. (Sabay abot ng tagayan kay Tricia)
Nang mahawakan ni Tricia ang tagayan, napansin nyang may tira pang alak.
Tricia : Ubusin mo ah.. May laman pa oh (Muling ibinalik ang tagayan sa harap ni Win)
Win : Oo ba! Gusto mo dagdagan ko pa eh? Hik. (Akmang sasalinan pa ang tagayan)
Pinigilan ito ni Tricia. Hinawakan ang kamay ni Win na may hawak sa bote ng Matador.
Tricia : Ay wag ganun.. Walang dayaan.. Tayong dalawa na nga lang, magdadayaan pa? Ubusin mo na lang yang tira..
Sa isip isip ni Win
Win : Matalas pala talaga ang babaeng ito kahit may alcohol na sa katawan! Paano ko kaya maitutumba ito eh mukhang mas mauuna pa akong malowbatt??
DAYAIN MO KASI SA TAGAYAN!!!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 10, 2010, 10:13:09 AM
Hay.. Bukas ulet..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on August 10, 2010, 05:16:45 PM
langya tawang tawa ako sa nangyari kay ian.. ahaha
Title: When & How Can You Say That You're Inloved?
Post by: DarylJab94 on August 10, 2010, 05:49:34 PM
Hahah... At pin0y na pin0y talaga ang plane marshall fr0m thai t0 iraq... Nagtatagal0g hahah! Kakatawa yung sa er0plan0...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 10, 2010, 10:08:48 PM
114
Walang nagawa si Win kundi ang inumin ang natira sa tagayan. Pagkatapos ay iniabot ang tagayan kay Tricia.
Tricia : (Sinasalinan ang tagayan) Ayus talaga! Ang tagal kong di nakatikim nito! (Tiningnan si Win) Alam mo ba Win? Ako ang pambato sa probinsiya namin sa inuman??Maraming tambay dun ang napatumba ko na sha amin? Hik.. Ang sharap! (Sabay lagok)
Inilapag ang tagayan sa harap ni Win sabay dampot ng tsitsaron. Isinawsaw sa sukang may sili. Isinubo.
Tricia : (Ngumunguya) Hano? Papanuorin mo na lang ako? Tagay pa! Hik!
Habang nagsasalin si Win ng alak sa tagayan eh napapaisip ito.
Win : Napasubo ata ako ah? Mukhang itutumba ako nito.. May isang bote pa sa ref.. Kailangang magkontrol ako.. Pero paano eto? Malapit na talaga akong bumigay.. Tsk tsk.. Hanep ang tibay ng babaeng ito.
Samantala, medyo tahimik na ang mga pasahero sa eroplanong patungo ng Iraq. May dalawang Pinay na nag-uusap tungkol sa naganap kanina.
"Sa tingin mo, terorista talaga yung kababayan natin?"
"Yung cute nyang yun, terorista? Mukhang hindi naman. Tsaka mukha namang totoo yung sinabi nya na nakatuwaan talaga nya ipuslit yung fone nya"
"Yun na nga eh! Palpak kahit kailan ang NAIA.. Pati rin itong PHILIPPINE AIRLINES na sinakyan natin! Palpak."
"Ay tama ka! Alin? Kung hindi dahil sa direct flight tong PHILIPPINE AIRLINES eh hindi ako sasakay dito.. Tsaka may promo sila eh"
"Ay tama ka! Sa dami ng luggage ko, naku, ako ang mahihirapan kanina sa STOP OVER sa Thailand kung CONNECTING FLIGHT ang kinuha ko.."
"Tama ka.. Kaya okay na rin eto.. Teka, may nabili ka ba kaninang nagstop over tayo sa Bangkok?"
At nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawang Pinay.
Sa Pokia Residence, nag-last tagay si Tricia sa unang bote ng Matador. At matapos nitong lagukin ang isinalin ay nagtanong ito kay Win.
Tricia : Pano yan Win? Wala na?
Gustong subukin ni Win si Tricia kung may itatagal pa ito at kung kaya pa nitong uminom.
Win : May isa pang bote sa ref, hik!! Kaya mo pa ba yun??
Tricia : Ko-a pa?? Astig to-its! Ikaw ang maunang matutumba! Tara, tagay pa!
Napakamot sa ulo si Win nang di oras.
Tricia : Oh ano pang inaantay mo? Kunin mo na yung isa pang bote sa loob at nang magkaalaman na!
Win : Sigurado ka??
Tricia : Oo naman! Ikaw? Kaya mo pa ba? Eh ampula-pula mo na oh (Inilabas ang maliit na salamin mula sa bulsa ng uniporme at itinapat sa mukha ni Win) Look oh? Rosy cheeks ka nah? (Saka tumawa nang nakakaloko) Hakhakhak!
Para namang nasaling ang pride ni Win bilang lalaki.
Win : Hindi ah? Teka at kukunin ko na yung isa pang bote..
Tumayo na si Win at lumakad na papuntang kusina upang kunin ang isa pang bote ng Matador. Narinig pa nyang kumakanta si Tricia
Win : Happy Birthday! Sana ay malasing mo ako!
SINO ANG UNANG MATUTUMBA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on August 10, 2010, 10:15:30 PM
.. kuya hELt.. siGe pa.. siGE pa.. heheh.. ayOs gyUd..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 10, 2010, 10:26:04 PM
Toinks!
Yung kumakanta eh si Tricia at hindi si Win.. Haha! Typo.
Tapos na ang last full show Kidbro.. Balik ka na lang uli bukas.. Hahaha!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 10, 2010, 10:28:34 PM
Lupang Hinirang na..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on August 10, 2010, 10:35:55 PM
.. siGe kuya hELt.. heheh.. wew..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 11, 2010, 09:54:50 AM
115
Tuloy pa rin sa kanyang ginagawang pagkanta si Tricia.
Tricia : Happy, Happy, Happy Birthday! Sa yo ang inumin, sa yo ang pulutan! Sana ay malasing mo ako! Hik! Yeah baby! Hik!
Sa kanyang kuwarto sa taas ay gising na gising pa si Rustom. Kasalukuyan itong nasa bintana ng kanyang kuwarto at nagmamatyag sa mga kaganapan sa garden. Nakapatay ang kanyang ilaw upang walang makapansin sa kanyang ginagawang pagmamatyag. Dinig na dinig pa nito ang pagkanta ni Tricia.
Rustom : Sige lang Tricia! Magpakasaya ka lang!! Tingnan lang natin bukas!! Hah! Kapag nakuha ko ang mga tickets sa yo, ako ang mag-aabot nito kay Tita at kaming apat nina Tita, Dale at Win ang manonood sa concert ni Angel Meow!! At ikaw eh maiiwan dito, kasama ang sandamakmak at sandamukal na mga labada!!
Kasalukuyan namang isinasara ni Win ang pinto ng refrigerator.. Sa kaliwang kamay eh hawak na nito ang isa pang long neck ng Matador.
Win : Grabe pala sa tagayan ang babaeng iyon! Eto at umiikot na ang paningin ko eh samantalang sya, parang wala lang... Tsk tsk. Masisira ata ako sa isang ito..
Lumakad na sya papuntang sala ng mga oras ng iyon.. Maya maya ay napapahinto at napakapit sa barandilya ng hagdanan..
Win : Shet! Natutumba na ako!! Hindi puwedeng mangyari ito.. (Ipinilig-pilig ang ulo) Brrrrrhh!! Gising Win, gising!! Hindi ka puwedeng magpatalo sa isang babae lamang pagdating ng inuman!!
Sa SUPER CLIMAX naman, magkakaharap na sina Hazel, BJ at Jay.. Bumalik ang kawalang-sigla ni Hazel.. Nagpaalam na ito sa mag-ama..
Hazel : Jay, kailangan nang magpahinga (Sinabayan ng tayo)
Tumayo rin si Jay at sinundan si Hazel na kakaalis lang.. Nagpang-abot sila sa puno ng hagdan.
Jay : Hazel, may problema ka ba? Kanina, ang saya saya mo, ngayon, bigla ay ang tamlay mo.
Hazel : (Pilit na ngumiti) Naku, ano ka ba naman Jay, wala akong problema.. Hala, bumalik ka na dun sa table mo, walang kasama ang anak mo..
Jay : Alam ko may problema ka.. Nararamdaman ko, may bumabagabag sa yo, bakit hindi mo sabihin sa akin?
Hazel : Naku Jay, wala nga..
Di pa rin kumbinsido si Jay.
Jay : Pag kailangan mo ng balikat na masasandalan, andito lang ako.. Nakahanda ring makinig.. Batid kong may bumabagabag sa yo kahit ayaw mong sabihin sa akin.. Anyways, di kita pipiliting magvoice-out sa akin.. Pero andito lang ako..
Medyo natahimik nang ilang sandali sa sinabi ni Jay.. Nag-isip ito.. Naisip nya, paano ba nya sasabihin dito ang mga bumabagabag sa kanya ilang araw na ang nakakaraan? Mauunawaan kaya sya nito kapag nagawa nyang ipagtapat ang (mga) lihim ng kanyang kahapon? Hindi kaya't layuan na rin sya nito gaya ng taong responsable sa kanyang (mga) lihim na yun?? Nang muling magsalita si Hazel ay nakangiti na ito bagamat malungkot pa rin.
Hazel : Napakabuti mòng kaibigan Jay.. Aaminin ko sa yo na may pinagdadaanan ako ngayon.. Sapat na sa akin yung mga sinabi mo.. Huwag kang mag-alala, pag kaya ko nang sabihin yun ay ikaw ang unang makakarinig nun.. (At humalik sa pisngi ng lalaki) Goodnight (Diretso pumanhik na sa taas)
Sinundan ni Jay ng tanaw ang kaibigan hanggang mawala ito sa kanyang paningin.
Samantala, ang kaninang kumakantang si Tricia ay napagod na sa kakakanta..
Tricia : Hmm, asan na ba yung kainuman ko? Ang tagal nya ha, in hik fairness.
Ganun din pala ang iniisip ni Rustom na kanina pa naiinip sa tagal ni Win.
Rustom : Ang tagal naman!! Teka nga at itsek ko sa baba ang lalaking yun.
Pumunta na sa may pinto ng kanyang kuwarto si Rustom habang si Tricia ay tumayo na rin mula sa pagkakaupo at tinunton ang daan papasok sa bahay.
Tricia : Kanina pa ako tagay na tagay.. Hik! Ano bang nangyari sa lalaking yun?!
ANO NGA BA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 11, 2010, 09:58:07 AM
116
Pakanta-kanta pa rin si Tricia habang papasok ng bahay..
Tricia : Ayoko sana,na ikaw ay hik mawawala hik, mawawasak lamang hik ang aking mundo.. Oohh hik!
Si Rustom naman ay ingat na ingat habang bumababa ng hagdanan.. Medyo napahinto ito sa kalagitnaan ng hagdanan nang marinig nito ang boses ni Tricia na kumakanta..
Tricia : Ang halik hik mo, namimiss ko! Ang halik mo, hik! Nami hik ko! Bakit iniwan mo ako ooh hik!
Nang makarating sa baba si Rustom ay huminto sandali at nanatiling nakikiramdam.. Sa sala naman ay nagulat si Tricia nang makita nya si Win na nakatihaya sa gitna ng sahig, nakabuka ang mga paa at nakadipa tangan pa rin sa kanang kamay ang bote ng Matador, kasalukuyan nang naghihilik.
Tricia : Ahekhekhek.. Sabi ko na nga at di ka uubra sa akin eh.. Ahekhekhek
Lumuhod ito at banayad na tinapik-tapik ang pisngi ni Win.
Tricia : Hoy birthday boy! Gising! Let's drink til we drop.. Ahekhekhek.. Pero dropped ka na pala! Ahekhekhek.
Hindi tumitinag si Win. Bagkus ay puro hilik lang nito ang maririnig.
Tricia : Ayun oh?! Hik! Umandar na ang barko!
Sa kinatatayuan naman ni Rustom eh halos umusok ang ilong nito sa galit dahil sa nakitang kalagayan ni Win.
Rustom : Pesteng yawa!! Paano mo pa makukuha ang mga tickets kung patay-lasing ka na?? Naku Win!! Grrrr!! Pasalamat ka at guwapo ka!! Yawa talaga!
Sa kinatatayuan naman nina Tricia at Win, panay pa rin ang tapik sa pisngi nito sa lalaki.
Tricia : Madaya ka Win, ahekhekhek! (Napatingin sa bote ng Matador na hawak ni Win) Hmmm, eto ang masarap!
At kahit medyo hilo na rin si Tricia ay pilit nyang inabot ang alak.. At nang makuha ito mula sa mga kamay ni Win ay sumalampak na rin ito sa sahig.. Binuksan ang alak at saka tumungga. Pagkatungga ay ibinaba nito sa sahig ang bote saka tumingin kay Win na himbing na himbing pa rin.
Tricia : (Nagpupunas ng alak sa labi gamit ang kamay) Ayaw mo magising ha? Puwes uubusin ko tong alak mo! Happy birthday!
Sabay dampot uli sa bote ng alak at muling tumungga. Pagkatungga ay si Win uli ang binalingan nito.
Tricia : Hoy ano ba? Hik! Gising!
Niyugyog na ang balikat nito at sinabayan na rin nito ng kiliti sa tagiliran ng lalaki.
Tricia : Akekekeke! Araguy! Gigising na yan! Akekekekeke! Hik!
Mukha namang epektibo ang ginawa ni Tricia. Medyo gumalaw si Win. Nahawakan nito ang kamay ni Tricia at yung pihit pakaliwa ni Win ay nakabig nya si Tricia at sa isang iglap ay nakubabawan na nito ang dalaga! Gulat na gulat si Tricia sa bilis ng pangyayari..
Tricia : Aba teka teka! Hik! Masyado kang agresibo ha??
Pilit itinutulak ni Tricia mula sa pagkakadagan nito sa kanya ang lalaki.
Tricia : Ohmyenchong! Hik! Ang bigat mo! Heeeyeaah!!
Muli ay nagtangkang itulak ni Tricia ang lalaki pero di nya talaga kaya ang bigat nito.
Tricia : Hmmm (Ipinaling ang ulo sa kaliwa)
Nakita nito ang malapit nang mangalahating bote ng Matador. Inabot nya ito.
Tricia : Kailangan ko ng konting super power.. (Tangan na nito ang bote ng Matador)
At inipon nya lahat ng kanyang lakas upang maiangat ang kanyang ulo palapit sa bibig ng bote.
Tricia : Heeeeeyaaah!!!
At nang bahagyang mailapit ang ulo sa bote ng alak ay tumunggang muli siya habang nakadagan pa rin sa kanya si Win.
Tricia : Glug glug glug gulp!
At nang mangalay at di makayanan ang bigat ng katawang nakadagan ay muling napahiga si Tricia.
Tricia : Hindi na ko natutuwa sa 'yo birthday boy ha??!
Sa kinaroroonan ni Rustom ay nagngingitngit na ito.
Rustom : Ako rin! Di na ko natutuwa! Pero teka, hmmm, magandang pagkakataon eto para masira kita kay Dale! (Dumukot sa bulsa at inilabas sa bulsa ang kanyang CP)
Rustom : Sira ka ngayon kay Dale!!
Iniopen ni Rustom ang videocamera ng kanyang CP at naghanda sa gagawing pagvivideo sa nakakubabaw na si Win sa katawan ni Tricia. Itinapat ang CP sa kinaroroonan ng dalawa. Izinoom in ng tamang-tama lang saka pinindot ang "capture" option!
NAKU! NAKU! NAKU SNACKU!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on August 11, 2010, 07:06:57 PM
Aha..ü..tumitindi na ang pangyayari..aha..ü
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 12, 2010, 07:43:35 AM
117
At nang maitutok kina Win at Tricia ang CP ay pinindot na ni Rustom ang "capture" option..
BATTERY EMPTY
Eto ang nagrehistro sa screen ng CP ni Rustom matapos mapindot ang "capture" option.. Nagpatay sindi ang CP bago tuluyang namatay for good..
Rustom : Yawa! Noooo!! Bakit naman ngayon pa???!
Medyo napalakas ang salita ni Rustom kung kaya't napansin sya ni Tricia na noon ay kasalukuyan pa ring asa ilalim ng nakakubabaw at naghihilik na si Win..
Tricia : Hik! May tao ba dyan? Hik!
Natutop ni Rustom ang kanyang bibig. Bahagya itong nagtago upang hindi sya makita ni Tricia kung sakali mang magawi ang paningin nito sa kinatatayuan nya bagamat madilim doon at ganun din sa sala bagamat nakadim ang chandelier sa may kisame. Hindi pa rin maiwasan ni Rustom ang mapamura nang mahina dahil mukhang ayaw makisama nang pagkakataon sa kanya..
Rustom : Yawa! Buwiset!
Tricia : May tao ba?? Pakitulungan hik! naman ako..
Napilitang umalis ni Rustom upang hindi maghinala si Tricia. Tumingkayad ito papunta sa hagdanan at nang nasa ikalawang baitang na ito..
Rustom : (Sa malakas na boses na hawig sa pusa) Meooooooow!!
Tricia : Huh? Paano nagkaroön ng pusa dito? Hik! Ang lekat na ito kasi hik! Ambigat!!
Tuluyan nang umakyat si Rustom at habang humahakbang ito sa mga baitang..
Rustom : Meoooowww!! (Sa isip isip) Kailangan kong makuha yung charger!! (Sa malakas na boses hayop) Meoooowww!!!
Hanggang sa marating nito ang hallway sa taas.. Lakad takbo ang ginawa nito upang
makarating kaagad ng kanyang kuwarto.. At nang makapasok sa sariling kuwarto ay medyo napalakas ang sara ng pinto..
BLAG!
Narinig ito ni Mrs Pokia na kagagaling lang sa sariling comfort room nito sa kuwarto dahil sa hindi maipaliwanag na pag e LBM.
Mrs Pokia : Huh?? May gising pa ba?
Kasalukuyan na itong naghahandang bumalik sa pagtulog.. Nakahiga na nga ito pagkatapos ng kanyang "Comfort Room Conquest"
Mrs Pokia : Baka guni-guni ko lang yun..
At akmang ipipikit na ang mga mata ay..
BLAG!
Napadilat na nang tuluyan si Mrs Pokia.
Mrs Pokia : Hindi na ito isang guni-guni..
Bumangon na ito.. Hinawi ang kumot na nakakumot sa kanya at tumayo.
Si Rustom naman ay kalalabas lang ng kanyang kuwarto. Hawak na nito ang charger at hindi magkandatuto sa pag-iinsert nito sa CP. Habang pababa ng hagdanan ay sige pa rin ito sa panggagaya sa ingay ng isang pusa.
Rustom : Meoooowwww! (Mas malakas na kaysa sa kanina)
Narinig iyon ni Mrs Pokia na kasalukuyang nakasungaw ang ulo sa bahagyang nakabukas nang pinto ng kanyang kuwarto.
Mrs Pokia : Lintek at mukhang napasok ata kami ng pusa! Naku Tricia! Malalagot ka sa akin!
At tuluyan na itong lumabas ng kuwarto, naghanda sa gagawing pagpunta sa baba kung saan ay naririnig pa rin nya ang "pusa" na sige sa pag-me-meow nang walang habas.
SINO ANG MALALAGOT PAGDATING NI MRS POKIA SA BABA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 12, 2010, 08:13:56 AM
118
Matapos maisara ni Mrs Pokia ang pinto ng kanyang kuwarto ay humarap na ito sa direksyon ng hagdanan. At para itong sundalo sa pagkakatayo.. At nang lumakad papunta sa hagdanan ay maluluma sa tikas at tindig ang apat na sundalong tumayo sa apat na sulok ng sasakyang nagdala kay late former Philippine President Corazon Aquino sa huling hantungan nito noöng nakaraang taon..
At habang "nagmamartsa" ang Presidente ng POKIA Cellphones Inc...
Mrs Pokia : Lagot ka sa akin Tricia kung totoo ngang napasukan tayo ng pusa! Galit na galit ako sa pusa! Di bale nang mag-alaga ako ng dinosaur, wag lang pusa!!
Dinig na dinig pa rin ni Mrs Pokia ang "pusang" nagma-meow..
Ang "pusang" nagma-meow ay kasalukuyan nang nasa dating puwesto nito kanina bago madrain ang baterya ng kanyang CP.. Kasalukuyan na ngayon itong nagchacharge.. Dali-dali nitong inopen ang CP..
Rustom : Oh come on, dali!! Letse! Ambagal!! Yawa!!
Sumulyap ito sa kinaroroonan ng dalawang kasambahay sa sala.. Wala pa ring ipinagbago ang ayus ng dalawa maliban sa pagpupumilit ni Tricia mula sa pagkakakubabaw sa kanya ni Win.. Muli ay pilit na inabot ni Tricia ang bote ng alak at kahit sa hirap ng posisyon nya ay nagawa pa rin nitong makalaklak..
Rustom : Sige, ubusin mo yan babae ka! Pasasaan ba at malalasing ka rin gaya ni Win.
Tiningnan nito ang screen ng CP at kasabay ng pagbukas nito ay siya ring pagliwanag sa kanyang likuran! Napasulyap sya sa gawi ng hagdanan kung saan nagmumula ang liwanag!
Rustom : Yawa!! Sinong nagising??
Patingkayad syang lumapit sa puno ng hagdanan at nang matantya nya na di sya makikita nang kung sinomang pababa ay kanya itong sinilip. At nang makita si Mrs Pokia na asa kalagitnaan na ng hagdan ay natutop ni Rustom ang kanyang bibig na akala mo ay isang beauty contestant na nanalo sa patimpalak!
Rustom : Oh hindi!! Hindi maaari ito!!
Lumayo sa puno ng hagdan si Rustom!
Rustom : Puwede kong iwanan sila dito at bahala na silang makita ni Tita!! Pero hindi puwede! Mahalagang makuha ko ang mga tickets!
Madilim pa rin naman sa kabahayan maliban sa chandelier na nakadim at sa ilaw sa hagdan na binuksan ni Mrs Pokia.
Rustom : Alam ko, mapapagalitan si Tricia! Pero magaling lumusot ang babaing ito!! Ngayon rin lang ang pagkakataon para makuha ko ang mga tickets! It's now or never!
"Rustom, iho! Ikaw ba yan?"
-boses ni Mrs Pokia na asa puno na ng hagdan that time.
Naputol sa pag-iisip ang nakatalikod na si Rustom!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 12, 2010, 09:43:39 AM
bukas ulet.. Hay..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 12, 2010, 10:42:50 AM
119
Napansin ni Mrs Pokia ang pagkabalisa sa mukha ni Rustom. Kung kaya't kanyang inusisa ito..
Mrs Pokia : Iho, are you allright? Para kang balisa at may kinatatakutan? At anong ginagawa mo eh dis oras na ng gabi? Bakit gising ka pa?
Rustom : Ho? Ahm kasi ho ahm... (Dinampot ang CP at ipinakita kay Mrs Pokia).. Nagchacharge po ako ng CP ko Tita..
Mrs Pokia : Bakit dun sa kuwarto mo?? Hindi ka ba makapagcharge dun?
Rustom : Ho? Ah eh kasi.. Ahm Tita kasi ahm...
Lumapit na si Mrs Pokia kay Rustom.. Bahagya namang umayos ng puwesto niya.. Iniharang ang katawan sa espasyong direktang makakatanaw sa dalawang kasambahay mga 3 metro ang layo mula sa kinatatayuan nila..
Rustom : Ahm, kasi po Tita, ayaw po magcharge ng CP ko dun sa kuwarto.. Mukha po yatang sira ang mga outlets..
Mrs Pokia : Ah ganun ba? Bukas eh patitingnan ko sa resident electrician namin yung mga outlets sa kuwarto mo..
Rustom : Ho?? Naku, wag na ho.. Di niyo naitatanong eh marunong ho si Win sa electricals (At sa isip-isip) Patay! Anong malay ko kung may alam nga ang damuhong iyon!
Bahagyang lumingon si Rustom sa magkakubabaw na mga kasambahay sa may sala.. Sinundan naman ni Mrs Pokia ang direksyong tiningnan ni Rustom.. Agad pumihit ang ulo ng lalaki (?) pabalik sa dati nitong puwesto.. Dali-daling inakbayan si Mrs Pokia at iginawi patungong dining area..
Rustom : Ikaw Tita, bakit gising ka pa?
Ikinuwento naman ng matanda ang pag-e-LBM nya hanggang sa pagbalik na sana sa pagtulog at ang narinig na "pusa".
Mrs Pokia : Ayun.. Ahm, iho, hindi mo ba napansin yung pusa? Sobrang ingay kasi kanina.
Rustom : Pusa? Ano hong pusa? Parang wala naman ho e..
Asa dining area na sila nang mga sandaling iyon.. Kaya medyo nakahinga na nang maluwag si Rustom subalit kailangan pa rin nyang ipaliwanag ang tungkol umano sa "pusang" narinig ni Mrs Pokia.
Rustom : Ah Tita yun ba? (Sabay tawa at inulit ang panggagaya sa pagma-meow ng pusa) Meooooooww!! Meooooooww!! Hahaha! Ako ho yun!
Imbes na matawa si Mrs Pokia, natakot at nagalit ito.
Mrs Pokia : Pambihira kang bata ka!! Ikaw pala yun!!! Papatayin mo ako sa galit at nerbiyos!!
Hindi naman natinag si Rustom.
Rustom : Hahaha!! Tita, wag ka nang magalit! Meooooooww!! Hahaha!
Nakitawa na rin ang matanda.
Mrs Pokia : Eh ano ba kasing pumasok sa kukote mo at naisipan mong manggaya ng pusa?
Rustom : Wala lang ho Tita.. Pusa kasi ang role ko sa school-play namin kaya pinapractice ko na ho..
Mrs Pokia : Ikaw talaga.. Nagulat talaga ako kanina ha..?
Iniba ni Rustom ang usapan.
Rustom : Ganito na lang Tita, para mawala ang nerbiyos at yang LBM mo (Humila ng upuan at iniupo ang matanda) Eh ipagtitimpla kita ng tea.. Isang mainit na tea.. And how is that Tita? (Kumindat)
Natouch ang matandang nakaupo na.
Mrs Pokia : Ooohh you're such a gentle, sweet and thoughtful young boy!
Napangiti si Rustom.. Pumunta na ito sa malapit sa lababo.. Binuksan ang cupboard at inilabas ang titimplahin.
Mrs Pokia : Ang suwerte ng babaeng mapapangasawa mo..
Napangiwi ang nakatalikod na si Rustom sa sinabi ng matanda..
Rustom : Ewwww...
Samantala, pagkatapos ng matinding pagsisikap eh nakaalis na rin si Tricia mula sa pagkakakubabaw ni Win na noo'y nakatihaya na uli.
- - Itutuloy - -
Title: HEART or BRAIN : Which Is More Important?
Post by: DarylJab94 on August 12, 2010, 06:37:15 PM
Hala! Imp0sible yatang mangyari yun!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 23, 2010, 09:32:35 AM
120
Tiningnan muna ni Tricia ang nahihimbing pa rin na si Win..
Tricia : Hmmm.. Talagang nasobrahan sa alak si birthday boy.. Ako naman eh matutulog na at talagang lasheng hik na rin ata ako.. Hik.
Gumegewang na nilapitan ni Tricia ang wall clock at pilit na inaninag ang oras..
3:29am ang sinasabi ng orasan.
Tricia : My god!! Ilang oras na lang pala at oras na ng almusal!
Dali dali nitong tinungo ang kuwarto na hawak pa rin ang paubos nang bote ng matador at manaka-naka ay tinutungga ito.
Tricia : Bahala ka na dyan birthday boy.. Matutulog na talaga ako!
Nang makapasok sa kuwarto ay agad isinara ang pinto.. Sa kalasingan siguro eh nakalimutan na nitong maglock.. At paglapat na paglapat ng kanyang likod sa kanyang malambot na kama ay agad na rin syang nakatulog..
Samantala sa kitchen naman, paubos na rin ni Mrs Pokia ang tinimplang tea para sa kanya ni Rustom.. At nang maubos ng matanda ang iniinom ay nagtanong ito kay Rustom..
Mrs Pokia : Iho, hindi ka pa ba matutulog? Malapit nang sumikat ang araw.. Maaga pa ang pasok nyo mamaya ni Dale..
Rustom : Naku, mamaya pa ho ako matutulog.. Mahaba rin ho ang naging tulog ko kanina kaya medyo nahihirapan na rin ho akong bumalik sa pagtulog.
Napahikab si Rustom nang sabihin nya iyon.. Nakita naman iyon ni Mrs Pokia at natawa na lamang ang matanda.. Tumayo na ito..
Mrs Pokia : Buweno, kung wala ka pang balak matulog.. Aba mauuna na ako sa yo.. Marami pa akong trabaho sa opisina bukas..
Rustom : Sige ho tita.. (Sabay niligpit ang tasang pinagtimplahan ng tea at mabilis na hinugasan)
Mrs Pokia : Good night iho!
Rustom : Umaga na ho tita.. Haha.
Mrs Pokia : Ah ganun ba? Good mornight then!
Lalo nang natawa si Rustom.
Rustom : Hahaha.. San ka natuto nyang term na yan Tita? Haha.
Mrs Pokia : Saan pa? Eh di sa Mama mo.. Ganyan lagi nya sinasabi kapag inaabot kami ng madaling araw sa pagkukuwentuhan sa Facebook at sa telepono..
Rustom : Ngayon ko lang nalaman Tita na may Facebook ka pala.. Add kita ha?
Mrs Pokia : Sure iho.. But now, kelangan ko na talagang magpahinga..
Rustom : Would you like me to accompany you upstairs, Tita?
Mrs Pokia : No iho, I can manage.. But if you will insist...
Rustom : Then I insist.. (At inakay na ang matanda)
Nang mapadaan sila sa lugar kung saan natatanaw ang magkakubabaw na sina Tricia at Win ay pasimpleng sumulyap si Rustom.. At sa isip isip..
Rustom : Hmmm, nakaalis na rin ang labandera.. Nakatulog na kaya yun?? Ngayon na ang pagkakataon ni Win para makuha ang mga tickets.. Pero paano nya ito makukuha kung tulog na sya dahil sa kalasingan?
PAANO NGA BA? MAKUKUHA KAYA ANG MGA TICKETS?
- - Itutuloy - -
Title: (half empty)
Post by: mentoscandy on August 23, 2010, 10:49:11 AM
i missed this thread on my unread replies. :]
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on August 23, 2010, 10:56:25 AM
Hay salamat..
we're back on the game!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on August 23, 2010, 11:32:29 AM
ui nag balik din tagal kong hinintay toh..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 23, 2010, 11:55:57 AM
121
Mrs Pokia : Anong tickets ang sinasabi mo iho?
Ang tanong ni Mrs Pokia.. Asa kalagitnaan na sila noon ng napakaraming baitang na hagdanan (Ha? Ano raw?) . Para namang naputol sa pagmumuni-muni si Rustom.. Gulat ito.
Rustom : Ho? Tickets? Anong tickets tita? (Namumutla)
Para namang na-amuse si Mrs Pokia kay Rustom.
Mrs Pokia : Haha.. Hindi ko alam sa 'yo iho.. Kaw na lang tong biglang nagsalita ng "tickets".. Para ka pang galit..
Lalo nang nagulat si Rustom.. Di nya akalain na sa pagnanais nya na makuha ang concert tickets ni Angel Meow eh talagang actual nyang nasabi ang word na "tickets"..
Rustom : I..? I... ? I did s-say t-that tita? (Ang tanging nasabi)
Napangiti si Mrs Pokia.
Mrs Pokia : Yes iho.. You did,. Ganito pa pagkakasabi mo, (Ginaya ang paraan ng pagkakasabi pati ang expression ng mukha ni Rustòm) TICKEETS!
Hindi nakaimik si Rustom..
Mrs Pokia : Para kang nagmomonologue kanina..
Nakasilip ng palusot si Rustom sa huling sinabi ni Mrs Pokia..
Rustom : (Tumawa ng peke) Haha.. Tita, part yun ng role ko school play.. Isa akong pusang may kakayahang magsalita..
Mrs Pokia : Oh really? Nice to hear that.. Ako na ang magsasabi na isa kang magaling na actor..
(Voiceover : Ay agree naman ako sa 'yo Madam! Apir nga?!)
Napangiti na lang si Rustom sa sinabi ng matanda.. Asa tapat na sila noon ng pintuan ng kuwarto ni Mrs Pokia. Binuksan na ito ng matanda at bago ito tuluyang pumasok..
Mrs Pokia : Good mornight iho!
Rustom : Mornight din sa yo Tita!
Nagbeso-beso pa ang dalawa at bago tuluyang isara ng matanda ang pinto ng kuwarto nya ay nagbilin pa ito kay Rustom.
Mrs Pokia : Matulog ka na rin ha..?
Rustom : Opo Tita.. I-charge ko lang po ng konting oras tong CP ko.
Tumango ang matanda at tuluyan na nitong isinara ang pinto.. Para namang nakahinga nang maluwag si Rustom.. Dali dali itong nanaog..
Rustom : It's now or never!! Malapit na ang concert ni Angel Meow! Kailangang makuha ko na ang mga tickets!
Dahil alam nyang nakaalis na si Tricia sa pagkakakubabaw ni Win ay ang kuwarto ni Tricia ang una nyang pinuntahan upang madouble check kong tulog na talaga ito..
Rustom : Kailangan kong makasiguro na asa neverland na ang babaeng yun! And I swear, never nya nang mahahawakan ang mga tickets!
Narating ni Rustom ang kuwarto ni Tricia.. Agad nyang pinihit ang seradura at napangiti siya nang mapagtantong bukas iyon!
Rustom : Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Marunòng makisama!
Sumilip sya.. Nakita nyang tulog na tulog na si Tricia.. Katabi nito ang bote ng matador na wala nang laman.. Bahagyang nakanganga ang babae at mahinang naghihilik.. Bahagya rin itong nakabukaka..
Rustom : Ayus yan! Madaling makukuha ang tickets! Now, kailangan ko namang gisingin si Win! Yawa!
Dali-dali itong pumunta sa sala at inabutan nya pa ring tulog si Win bagamat may mga katagang itong sinasabi.. Nananaginip ata.
Win : Eday... Edaaay!!
Nangunot ang noo ni Rustom.
Rustom : Huh?? Eday? Ano yun??
?
- - Itutuloy - -
Title: Reply
Post by: Guestwho329 on August 23, 2010, 12:02:30 PM
Lupet talaga nito...
M0re!!!
Title: (half empty)
Post by: mentoscandy on August 23, 2010, 12:38:24 PM
natatawa kong totoo! haha. anung "eday"? bwiset.. xD
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on August 23, 2010, 06:40:49 PM
tagaL ding waLang posts dito.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: ceLineteK on August 23, 2010, 06:50:12 PM
Ou nga.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 23, 2010, 07:18:26 PM
Nagpunta po kasi ako ng Tarlac kaya di ko naharap to.. Di ba nga, bago ako pumunta ng Tarlac eh inadvance ko na rin ang "taping" ng GKNB? ?
Eh punta uli ako sa Central Luzon sa August 30.. Don't worry, matatapos na ang kuwento by 1st week ng September.
=}
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: ceLineteK on August 23, 2010, 07:35:48 PM
Naku. Kung ako sa author nito, maghahanap na ako ng publishing house.. Hahaha.. Ü
Title: Reply
Post by: Guestwho329 on August 23, 2010, 07:56:46 PM
Tama k celine...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on August 23, 2010, 08:45:50 PM
dapat Lang.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on August 24, 2010, 06:42:02 AM
122
Sige pa rin sa pag-usal si Win ng salitang "Eday"...
Win : Ooooohh! Eday!!... Eeeedaaay!!!
Lalo nang nangunot ang noo ni Rustom.. Takang-takang ito at walang ka-aydi-idea kung ano ba tong "Eday" na sinasabi ngayon ng mukhang nagdedeliryo/nananaginip na si Win.
Rustom : Ano bang Eday ang pinagsasabi nito?? Yawa!
Sinipat na mabuti ni Rustom si Win kapagkuwa'y ang wallclock naman ang inaninag.. Almost 4am na ang sinasabi ng orasan.. Napahikab si Rustom..
Rustom : Yawa! Inaantok na ako! Pero hindi maaari ito! Kailangang makuha na ang mga tickets! At kailangang magising na rin ang kumag na ito!!!
Lumuhod sa sahig malapit kay Win si Rustom at tinampal-tampal ang pisngi nito.
Rustom : Hoooyy!! Gumising ka!! Lintek!
Win : Ngoooooorksss!! Zzzhh!!
Rustom : Yawa!! Ano bang gagawin ko para magising ang lalaking ito??
Win : Eday... Eeeddaaayy!
Rustom : Huh?? Ano na namang Eday yan?? Yawa talaga!! Paano ko ba gigisingin ang lalaking ito?
Pinasadahan nya ng tingin ang nakatihaya pa ring si Win.. Mula ulo.. Leeg na may kuwintas na ang palawit ay parang maliit na sungay ng kalabaw.. Ang malaman nitong dibdib na kasalukuyang nasa ilalim ng basketball jersey na suot nito.. At dumako ang paningin sa may... Dyandyararan!! (Drumbeat) ...Sa may harap ni Win na kasalukuyang nakaumbok sa loob ng suot nitong basketball shorts.
Rustom : Ulk! Ulk! (Lunok) Ano kaya kung...
(Voiceover : Kung ano?)
Rustom : Kung... Ah never mind.. Forget muna yun.. Ang mahalaga eh magising na ang lalaking to!
(Voiceover : Asus! At nahiya pa sya! Go! Gawin muna ang gusto mo.. Pagkakataon mo na yan..)
Rustom : Buwiseet!! Ayaw ko tong gawin pero ito na lang ang alam kong paraan para magising ka!!
Pagkasabi nun ay tumayo si Rustom at tumalikod saka iniharap sa mukha ni Win ang kanyang puwitan!!
PROOOOOOOOOTTTT!!!
At makaraang magpasabog ng lagim si Rustom ay muli itong lumuhod paharap sa mukhang hindi man lang natinag na si Win..
Rustom : Ay baket?? Bakit ganun?? Bakit parang walang nangyari???
Sa kadesperaduhan ay tinampal nya na ng malakas ang pisngi ni Win.
PLAAAKKK!!
Rustom : Gisiiingg!
Win : Ugggh.. Eday. (Tulog pa rin)
Rustom : Anong Eday ba yan?? Gisiiing!
PLAAAKKK!
Win : Uggh... Sadista ka Eday (Tulog pa rin)
Rustom : Huh?? At tao pala yung binabanggit nyang Eday.. What the.. Kailangang magising ka!
Sa pagkakataong ito ay dalawang palad na ang ginamit ni Rustom sa pagtampal sa magkabilang pisngi ni Win at sunod sunod at malalakas na tampal na talaga ang ginawa nya!
PLAK! PLAK! PLAK! PLAK! PLAK! PLAK! PLAK!
Win : (Tulog pa rin) Uggggh! Hindi ako lalaban sa 'yo Eday!!
Rustom : Grrr! (Naiiyak na) Gumising ka na naman!! Boyset!!
Tumayo si Rustom.. Kinuha ang isang kamay ni Win.. At bumuwelo ito upang maibangon ang tulog pa rin na si Win.
Rustom : Heeeyah!!
At natumba si Rustom.. Namalayan na lamang nya na asa ilalim na sya ng nakapatong na sa kanyang si Win!
Win : (Tulog pa rin) Ngayong andito ka na uli Eday ay susulitin natin ang matagal na panahon nating di nagkita.
At inumpisahang tanggalin ang suot na basketball jersey...
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: horoscope on August 24, 2010, 07:12:44 AM
hahaha.
grab mo na ang chance rustom.
Title: Hi
Post by: essai517 on August 24, 2010, 12:20:46 PM
Ayiih.. Kinilig ako kay win at rustom.. :D
Title: Reply
Post by: Guestwho329 on August 24, 2010, 12:54:29 PM
Nyahahaha!
R18 ata toh...
Mali ang pas0k ko...
Pang shrek m0vie lang ako...
Wahahahaha!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on August 24, 2010, 05:57:19 PM
langya napatawa ako ng malakas..ahahaha
Title: TUP-MANILA: ANG FORUM THREAD NI TEK
Post by: Algern0n on August 25, 2010, 10:01:28 AM
Dulang Pampelikula ba t0h kuya helter? Ano yung kasun0d?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 02, 2010, 09:24:39 PM
i miss this..
Title: Pangungumusta
Post by: Butch730 on September 05, 2010, 09:26:33 PM
Sabik n ako sa karugtong na kabanata...hehe
Title: Pananabik
Post by: Butch730 on September 05, 2010, 09:28:39 PM
Ano na kya ang kasunod xcited nmi...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on September 11, 2010, 03:16:32 AM
hoy.!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on September 11, 2010, 07:38:25 AM
ihh..wala pa rin yung next episode.. :'(
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 11, 2010, 08:15:36 AM
123
At habang hinuhubad ni Win ang kanyang damit ay walang kakurap-kurap si Rustom sa pagtitig sa unti-unting nalalantad na katawan ni Win.. Sunod-sunod pa rin ang paglunok nito..
Rustom : Oh my goodness! Pesteng yawa! Ang laki pala talaga ng katawan nitong si Win!
At nang ganap na mahubad ni Win ang kanyang damit ay kanya itong iniitsa sa isang tabi at inumpisahang paghahalikan sa may bandang leeg ang nabigla at di pa rin makapaniwalang si Rustom..
Nang ganap na lumapat ang labi ni Win sa balat ni Rustom ay nanindig ang mga balahibo ng kababata ni Dale.
Win : (Nakapikit pa rin at mukhang wala sa huwisyo) Ohhh Eday! Umhh umhh.
Napapikit si Rustom.. Hindi mawari kung nandidiri o ninanamnam ang bawat sandali. Napatigil sandali si Win sa ginagawa..
Win : Amoy lalake ka na ngayon, Eday? Pero hindi bale, mabango ka pa rin.. Umh umh umh..
At muli ay pinupog ng halik sa leeg ang naguguluhang si Rustom.
Rustom : Pagkakataon ko na to.. Pero paano ang mga tickets? Ano ba ang mas importante? Tsk, naguguluhan na ako! Yawa.
At nang maglumikot na ang kamay ni Win papunta sa kaselanan ni Rustom ay nakapagdesisyon ito na sampalin si Win.
Isang malakas na sampal sa pisngi ni Win ang ibinigay ni Rustom.
PLLAAAAAAKKKKKK!
Win : Ugh
Sa lakas at sakit ng sampal ay napaalis si Win mula sa pagkakakubabaw nito kay Rustom. Napahiga nang patahiya ito sa tabi ng binatang (?) Cebuano.
Win : Ngoooooooorrrkks!
Naiinis na bumangon si Rustom.. Di sya sigurado sa dahilan ng pagkainis nya.. Kung ang muling pagpunta ni Win sa "neverland" o ang pagkakaudlot ng ginagawa kanina sa kanya nito.
Rustom : Yawa! Animales cortes! Paano ang ticket?
Tumayo si Rustom at pinag-iisipan ang susunod na hakbang.. Tumingin sya sa orasan.. 4:30am ang sinasabi nito..
At nakapagdesisyon ito.
Rustom : Aaaahh! It's now or never! Ako na ang kukuha ng mga tickets! Yawa!
Tiningnan muna nya ang nahihimbing pa rin na si Win.. Sa kabila ng kanyang inis ay di pa rin nya maiwasang haplusin ang malaki nitong dibdib..
Rustom : Awts!
Sabay alis.
Dali-dali itong pumunta sa kuwarto ni Tricia.. At nang asa harap na sya ng pintuan ay huminga muna sya nang malalim saka nanginginig ang kamay na pinihit ang seradura.. Bumukas ito at maingat syang pumasok at maingat nya ring isinara ang pinto..
Rustom : Grrr! Paano ko makukuha ang tickets? Nandidiri ako!
Huminga uli sya ng malalim.
Rustom : Kaya mo yan, Rustom! Isipin mo na lang, lalong babango ka kay Tita kapag ikaw ang nakapagbigay ng Tickets sa kanya at siguradong makakatikim ng di pa nya natitikman ang mutsatsang ito kapag wala syang naibigay na tickets!
Lumapit sya sa nakadapang si Tricia na hawak pa rin sa isang kamay ang bote ng Matador na wala nang laman..
Rustom : Yawa! Talagang pinapahirapan ako! Paano ko makukuha ang mga tickets kung ganitong nakadapa sya?
PROBLEMA BA YUN? EH DI PATIHAYAIN MO.. KUNG KAYA MO.
- - Itutuloy - -
Title: :| HSvotes
Post by: Dareen117 on September 11, 2010, 08:39:46 AM
:D
Title: : )
Post by: ylreveb1227 on September 11, 2010, 08:45:56 AM
Natatawa ako,
haha..
Nanlaki mata ko woh..
O_O
Title: (half empty)
Post by: mentoscandy on September 11, 2010, 02:37:11 PM
haha. bwiset.. natatawa ko!
Next . . . ! (by kidlat) xD
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 11, 2010, 03:06:07 PM
Tiningnan ni Rustom ang nakadapang si Tricia at in-analyze kung papano nya makukuha ang tickets.
Rustom: Yawa! paano ko madudukot ang ticket?
KUya ituloy mo na toh.. :(
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 11, 2010, 03:56:23 PM
124
Mukhang sarap na sarap si Tricia sa pagkakadapa.. Para itong nanaginip nang napakaganda base sa ekspresyon ng mukha nito.. Kung gaano kaaliwalas ang mukha ni Tricia ay kabaligtaran naman ang kay Rustom na akala mo ay batang inagawan ng lollilop (literal).
Rustom : Yawa! Papahirapan talaga ako ng bruhang ito! Grr.
Lumapit si Rustom sa kama nang mahimbing pa rin na natutulog na si Tricia.. Kapagkuwa'y lumuhod.. At pagkaluhod ay tinantya niya ang lalim ng pagkakahimbing ni Tricia..
Una ay kinalabit nito nang madiin ang likod ng dalaga.. Hindi ito tuminag. Bagay na ikinainis ni Rustom..
Rustom : Kung buhusan ko na lang kaya to nang malamig na malamig na tubig? Ahh! Hindi puwede! Magigising sya panigurado at mawawala ang pagkakataon ko na makuha ang tickets.
Nag-isip pa rin si Rustom nang paraan.
Rustom : Kung bakit sa dinami-dami ng puwede nyang paglagyan ng mga tickets eh dun pa nya naisipang itago ang mga ito!
(Voiceover : Marunong ka pa kay Tricia)
Rustom : Puwede namang sa pagitan ng mga dibdib nya ito ilagay.. Wais talaga ang bruhang ito! Hmmm, kaya siguro hindi nya mailagay ito sa pagitan ng kanyang mga dibdib eh hindi kayang ipitin nito ang mga tickets sa sobrang liit ng kanyang mga dibdib.. Ahihihi.
(Voiceover : At least, sya may dibdib..)
TIT-TI-LAOOOKK!!
Natigilan si Rustom.. Ilang sandali na lang eh puputok na ang liwanag! Kung hindi pa sya gagalaw eh maaaring wala nang pagkakataong gaya nito ang dumating pa..
Rustom : Ahhh bahala na! Yawa!
Dahil sa kadesperaduhan ay dali dali nyang isiniksik ang mga kamay sa ilalim ni Tricia sa tapat mismo ng kaselanan nito!
Kung gaano kabilis nyang naipasok ang kamay ay ganun din kabilis nyang binawi ito na akala mo ay nakahawak ng mainit na bagay. Mangiyak-ngiyak itong tumayo saka nagpapadyak at maluha-luha..
Rustom : Ehhh! Nandidiri ako! Nandidiri talaga ako! Naman eehh.
Kagat pa nito ang mga labi.. Medyo tumagilid si Tricia.. Mukhang naistorbo ito sa mahinang ingay na nilikha ng pagpadyak ni Rustom bagamat tulog pa rin ito.
Exaggerated na tinakpan ni Rustom ang bibig (Ala beauty contestant na nanalo ng international title)
Tinesting uli ni Rustom si Tricia.. This time, ipinadyak niya ang mga paa nang mas malakas
BLAG!
Inobserbahan niya si Tricia.. Muli ay tumagilid ito nang mas maluwag bagamat hindi pa rin talaga ito naaalis sa pagkakatihaya..
Napangiti si Rustom.
Rustom : Hmmmm.. Isa pa nga uli.
Ipinadyak nya muli ang mga paa.. Dalawang beses.
BLAG! BLAG!
At talagang tumagilid na si Tricia.. Patalikod kay Rustom..
Rustom : Hmmm, puwede na! Pero gusto ko, yung tihayang-tihaya! Kaya etong sa 'yo!
Nagtumbling nang nagtumbling si Rustom na parang contestant sa Showtime..
Rustom : Hee-yah!! Hee-yah!!
At nang ganap nang nakatihaya si Tricia ay tumigil ito sa ginagawang pagtumbling.
Rustom : This is it! This is really is it!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: renshago on September 14, 2010, 10:56:12 PM
sna mtloy na ung story.. sbra akng nag-e2njoy.. ang galing m nman mr.helt
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 16, 2010, 11:46:21 AM
nakapage 18 na ako, wala.. Di ko makita yang utot na yan.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 20, 2010, 06:58:58 AM
125
Ganap nang nakatihaya si Tricia. At hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Rustom.
Rustom : Yawa, yun lang pala ang kailangan kòng gawin para tumihaya sya..
Ngunit tumatagilid na naman si Tricia nang mga sandaling yun.. Muli ay ipinadyak ni Rustom ang kaliwang paa nang malakas..
BLAAAAGG!
At presto, balik sa pagkakatìhaya si Tricia.. Napangiti si Rustom.. Ngunit dagli ding napalis ang mga ngiti nito nang maalala kung saan nakalagay ang mga tickets...
Rustom : Hmmpp! Segurista talaga ang babaing ito!.. Pero di bale, bago magising ang mga tao sa bahay na ito, sisiguraduhin kong asa mga kamay ko na ang mga pesteng yawang tickets na yan!
Nagsign of the cross ang binatang (??) Cebuano at huminga nang malalim saka lumapit sa himbing na himbing pa rin na dalaga.. At nang ganap na nakalapit na rito si Rustom ay pikit-mata nitong inilapit ang nanginginig na mga kamay sa garter ng suot na shorts ng dalagang labandera..
Rustom : Ooohh Dear Lord, give me the strength I needed to do this!
Asa loob na ng shorts ni Tricia ang kanang kamay ni Rustom nang mga sandaling iyon.. Lalong naging mapangahas ang mga kamay na yun nang ang underwear naman ang tinangkang pasukin.. Matagumpay naman na naipasok ni Rustom ang kamay sa loob ng underwear at doon ay nakapa nya ang.. Ang mga tickets!
Rustom: Sinasabi ko na nga ba eh!! Andito ang mga maiilap na tickets!! Kaya pala kahit anong paghahalughog ang gawin ni Win sa kuwartong ito eh hindi makita ang mga tickets na ito!
Nang biglang tumagilid si Tricia.. Papunta uli talaga ito sa pagkakadapa at huli na para bawiin ni Rustom ang pagkakadukot sa mga kamay nito sa loob ng underwear ni Tricia.. Wala nang nagawa si Rustom nang ganap nang nakadapa ang labandera.. Naipit na ang kanyang mga kamay mula sa pagkakadapa nito.
Nataranta si Rustom.. Hindi malaman ang gagawin..
Rustom : Ohh hindi!! Hindi ito ang inaasahan ko!! This is sooooo yucky!!! My God!!
At hindi pa dun nagtatapos an "kalbaryo" ni Rustom dahil mukhang naramdaman ni Tricia na may kamay sa loob ng underwear nya.. Nagsalita ito bagamat himbing na himbing pa rin..
Tricia : Oooohh Dale!! Agresibo ka pala.. Sinasamantala mo ang pagkakataon ha?
Napamulagat si Rustom.
Rustom : Napaka ambisyosa naman ng gagang ito! Oh my.. Paano ko ba maiaalis ang kamay ko?
Nanginginig pa rin ang kamay ni Rustom mula sa pagkakadukot sa loob ng underwear ni Tricia.. Sa pagkakataong iyon ay lumakas na rin ang loob ni Rustom.. Inapuhap nito ang mga tickets sa loob ng underwear ni Tricia.. Hindi naman sya nabigo.. Nakapa niya ang isang makapal na papel na ang hinuha nya ay ang maliit at makapal na sobre ng TICKETNET na kinaroroonan ng apat na maiilap na tickets..
Rustom : Bingo!! Got yeah!! Now, isang malaking effort na lang ang kailangan ko.. Ang mailabas ko ang kamay ko nang hindi sya nagigising!
Hawak na ni Rustom ang mga tickets nang mga sandaling iyon at kailangan nya na lang mailabas ang naipit na kamay mula sa pagkakadukot sa underwear ni Tricia..
MAGTAGUMPAY KAYA SI RUSTOM?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 21, 2010, 08:10:47 AM
126
Napapikit si Rustom.. Nananalangin na sana ay huwag magising ang dalaga dahil pag nagkataon ay masisira lahat ang kanyang effort..
Rustom : Diyos miyo huwag naman ngayon.. Hawak ko na ang mga tickets.. Kailangan ko na lang maalis ang kamay ko..
Ipit pa rin ang kamay ni Rustom dahil sa pagkakadapa ni Tricia.. At dahil nanginginig ang kamay na nakadukot sa loob ng underwear nito, nakaramdam ng kakaiba si Tricia.. Animo ay nananaginip ito nang pagkaganda-ganda..
Tricia : Ohhh.. Ahhh
Napatingin si Rustom sa dalaga..
Rustom : Huh? What the...?
Nanginginig pa rin ang kamay ni Rustom..
Tricia : Ooohhh Dale... Please be gentle...
Rustom : Feelingera naman talaga ang babaing ito..
Tricia : Kay tagal kong iningatan to Dale kaya please be gentle.. Huwag mo akong pababayaan..
At hinawakan at hinimas na ni Tricia ang kanang braso ng gulat na gulat na si Rustom..
Rustom : Sheeedaah!! Sobra na to! Sobrang nakakadiri na ito!!
Bumuwelo si Rustom para maialis ang naipit na kamay..
Rustom : Kailangang makaalis na ako rito.. Ilang sandali na lang eh magigising na ang mga tao sa bahay na ito.. At ayaw ko mangyari na magising sila na wala sa aking mga kamay ang mga tickets na ito!! At kapag wala syang naiabot kay Tita ay tiyak kong matitikman ng babaing ito ang bagsik ni Tita!!
At yung buwelo na iyon ni Rustom ay naialis din niya ang kamay mula sa pagkakaipit tangay ang mga tickets!
Rustom : Yeeeess!!! I made it..!
Subalit napabalikwas ng bangon si Tricia.. Naramdaman pala nito ang pagkakaalis ng kamay ni Rustom mula sa kanyang kaselanan!
Ngunit maagap din si Rustom.. Agad syang nakadapa sa sahig sa mismong tabi ng kama ni Tricia..
Rustom : Oh no! Not now.. Mabuti na lang at medyo madilim dito..
Nagsumiksik sa masikip na espasyo ng ilalim ng kama at ng sahig si Rustom..
Tricia : Huh?? Panaginip lang ba ang lahat?? Bakit parang totoo??
Hinaplos ni Tricia ang mga braso.. Parang ninanamnam nito ang kanyang "panaginip"..
Tricia : Kung panaginip lang yun, isa iyong napakagandang panaginip..
Iginala ni Tricia ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanyang medyo may kadilimang kuwarto.. Kapagkuway muling humiga..
Sa sahig naman ay pinakikiramdaman ni Rustom ang dalaga.. At nang makasiguro syang muling nakabalik na sa kanyang "panaginip" ang dalaga ay agad na itong umalis sa pagkakasiksik sa ilalim ng kama ng dalaga.. Tiningnan nya one last time ang dalaga..
Rustom : Ipagpatuloy mo ang iyong panaginip! Nasa akin na ang mga ito!
Sabay iwinagayway ang maliit na sobre ng TICKETNET na kinalalagyan ng apat na tickets.. At sa sobrang kasiyahan ay kiniss pa nya ang sobre..
Rustom : Ummuuuahh!! Ako ang nagwagi!
At nang maalala kung saan nanggaling ang mga tickets na iyon ay exaggerated itong naduwal..
Rustom : Guaaaarkkk!! This is yucky!!
At tumalilis na ito na akala mo ay nasa karera.. Mula sa kuwarto ni Tricia ay maingat itong lumabas saka binanatan ng takbo mula hallway.. Papuntang sala kung saan wala na si Win.. Halos magkandarapa sa pagtakbo paakyat sa hagdanan.. Takbo uli sa hallway kung saan dahil medyo madilim pa ay nakabangga nito ang mukhang kagigising pa lang na si Dale.. Bagsak sa sahig si Rustom..
Dale : Hey bro?! Where have you been? Kanina pa ako kumakatok sa kuwarto mo ah?
SAAN HAHANTONG ANG EKSENANG ITO?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 21, 2010, 10:49:45 AM
127
Gulat na gulat ang bumagsak sa sahig na si Rustom.. Bagamat hindi ito handa sa sitwasyon eh agad nyang naibulsa ang mga ninakaw na tickets.. Hindi maitago sa mukha nito ang pagkabalisa.. Bagay na napansin ni Dale..
Dale : Are you okay? Parang haggard ka ah?
Hindi malaman ni Rustom ang sasabihin.. Pinasadahan nya ng tingin mula ulo hanggang paa.. Nakasando ito kung kaya't halos litaw ang malaking katawan nito.. Nakamaikling shorts kung kayat lantad na lantad ang mabalahibo nitong hita at legs.. Nakarubber shoes na Nike at maikling puting medyas.. Napagtanto ni Rustom na mukhang magdyajogging ang kababata..
Dale : San ka ba nanggaling?
Naputol ang iniisip ni Rustom.. Iniabot ni Dale ang isang kamay sa kababata.. Agad namang tinanggap ni Rustom ito at sa pagkakadaiti ng kanilang mga kamay ay sobrang naapektuhan si Rustom.
Rustom : Grabe na talaga itong nararamdaman ko para sa yo, Dale. (Sa isip isip)
At nang ganap nang nakatayo ang binatang (?) Cebuano eh muli syang tinanong ng binatang heredero ng POKIA CELLPHONES, INC.
Dale : San ka ba nanggaling?? Kanina pa ako kumakatok sa kuwarto mo.. Ayain sana kita magjogging..
Rustom : Naku Tol.. Tapos na ako'ng magjogging eh..
Dale : Ang aga mo naman.. (Sabay tingin sa kanyang wristwatch) 5:30am pa lang ah?
Rustom : (Nagpakawala ng sunod-sunod na pekeng hingal) Hah.. Hah.. Hindi kasi ako makatulog kanina (Bagamat antok na antok na) Hah hah..
Dale : Ah ganun ba? O sige, magjogging na lang ako mag-isa..
Rustom : Okay.. Sige.. See you later..
Tumango si Dale at tumalikod na ito.. Pinasadahan pa ng tingin ni Rustom ang nakatalikod na naglalakad na kababata.. Napapikit ito at kinilig.
Rustom : Oh my gulay! Pati puwet nya, malaman!! Rawr!
Eh eksaktong lumingon si Dale..
Dale : Hey? Okay ka lang?
Rustom : Huh? Of course.. Okay lang ako.. Hehehe.
Sabay pasok sa kanyang sariling kuwarto si Rustom.. Napapailing si Dale..
Dale : He's acting strange lately..
Napakibit-balikat na lang ang binatang heredero.. Dali-dali na itong bumaba upang makapagjogging..
Sa kuwarto naman ni Rustom eh nakasandal pa rin eto sa saradong pinto.. Ninanamnam ang nakita nya kay Dale. Napabuntong-hininga ito nang maalala ang malamang puwet ng kababata..
Rustom : Haist.. He's almost too perfect.. Grabe na talaga ito.. I'm falling sa aking kababata..
Nag-iba ang hilatsa ng mukha nya nang maalala ang relasyon ng kababata sa tsimay ng pamilya.
Rustom : Hindi! Hindi maaari ito! Gagawa ako ng paraan para malaman ni Tita ang tungkol sa inyong dalawa ni Tricia. Sorry Dale.. Magalit ka na sa akin pero hindi ang isang katulad ni Tricia ang nararapat para sa pamilya nyo.. Para sa yo.
(Voiceover : Eh sino? Ako?)
Rustom : Kailangan ko ng alcohol.. Kanina pa ako diring-diri nung nakadukot ako sa underwear ng babaing iyon..
Inamoy nya ang kamay na ginamit sa pagdukot sa mga tickets.. Bagamat walang amoy eh napangiwi pa rin ito..
Umalis sya sa pagkakasandal sa pinto at pumunta sa tokador.. Kinuha ang alcohol sa ibabaw ng tokador at binasa ang mga kamay.. Inilabas ang sobre ng TICKETNET at winisikan din iyon ng alcohol saka tumawa..
Rustom : Hahahaha! Pagkatapos ng lahat ay napasakamay din kita!
At pinupog nya ng halik ang sobre..
Rustom : Ummuuaahh! Ummuuaahh!
. . . . . . . . . . . .
Samantala, asa Embahada ng Pilipinas sa Iraq na si Ian.. Kaharap nito ang konsulado sa opisina nito..
Ian : Ah Sir, ano gagawin nila sa akin?
Konsulado : Ah Mister.. (Sabay tingin sa pasaporte ni Ian) Mister Great Taste, ganda ng apelyido, wala naman talaga silang makitang ebidensyang isa kang terorista.. They're just doing a background check sa yo.. Don't worry, di ka nila ibabala sa kanyon..
Hindi pa rin mawala ang aprehensiyon sa mukha ni Ian..
TOK TOK TOK!
Konsulado : Come in..
Pumasok ang isang Amerikanong sundalo na may mataas na position.. Nagtama ang paningin nila ni Ian..
Kinabahan si Ian
- - Itutuloy - -
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 21, 2010, 11:20:32 AM
Itutuloy! Itutuloy!
Bili muna [textspelling] ng merienda daw! Commercial muna
Title: Ayaw mo ng ano? (THE I DON'T WANT THREAD)
Post by: Algern0n on September 21, 2010, 11:22:11 AM
Kuya helt, excited nak0ng lumabas yung 'lalaki sa kabila'.,hehe. Lalabas b siya?
Title: FINAL MESSAGEs
Post by: Kidlat10176 on September 21, 2010, 11:25:03 AM
Si jjdevera kaya ang sundalong yun?
Hmm..
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 21, 2010, 11:34:38 AM
Algernon lalabas ung lalaki s kabila whahag
Title: Ayaw mo ng ano? (THE I DON'T WANT THREAD)
Post by: Algern0n on September 21, 2010, 11:36:38 AM
Hahaha. Talagang may tagline na'ko niyan ah,.
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 21, 2010, 11:42:15 AM
Tama! Algernon ANG LALAKI S KABILA
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 21, 2010, 12:15:25 PM
nice, nice.....keep going helt.
Kaya lang spoiler naman tong smart. Kung kelan me aabangan na tayong medyo makabuluhan eh dun pa mag sasara ang forum.
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 21, 2010, 04:08:10 PM
Taaaa maaah! Kung kelan ng iinit na tska pa nwla
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 21, 2010, 05:21:10 PM
128
Bagamat takot na takot si Ian eh hindi ito nagpahalata.. Nag-iisip ito..
Ian : Kapag sinaktan ako ng mga ito, lalaban ako nang sabayan.. Mapapatay muna nila ako bago nila ako maisama at maibala sa kanyon.
Pumasok ang sundalong Amerikano sa opisina ng Konsulado.. Hindi nito inaalis ang pagkakatingin kay Ian.. Lumalaban din ng titigan si Ian.. At sa isip-isip nito
Ian : Kung inaakala mong natatakot ako sa yo, tama ka!! Pero hindi ako magpapahalata!! Titigan tayo poreber kung gusto mo! Pangkyu!
Naputol sa pag-iisip si Ian nang magsalita ang sundalong Amerikano..
Sundalong Amerikano : Can I talk with this guy for a minute or two, Sir?
Konsulado : Of course.. Please do have a seat.. (Sabay turo sa bakanteng upuan sa tapat ni Ian)
Maagap namang umupo ang medyo may edad nang Amerikanong sundalo..
Amerikano : Oh thank you Sir..
Ang sabi nito makatapos makaupo.. Kapagkuway muling tumingin kay Ian..
Amerikano : We've done a background check on you and I want to verify all those informations we've gathered from you.. Can you tell me what's your full name again?
Nagprotesta si Ian.. Binalingan nito ang konsulado..
Ian : Ser, ano na naman ba to? Interview ba ito? Nak ng tokwa naman oo! Tapos na ang interview sa akin ng agency sa Pilipinas bago pa ako pumunta dito sa Iraq!
Mabait naman ang konsulado..
Konsulado : Iho, okay lang yan.. Standard operating procedure lang yan.. Masuwerte ka nga at hindi ka sa barracks nila dinala.. Naku pag dun ka dinala, ewan ko lang..
Napalunok si Ian.. Muli ay tumingin ito sa sundalong Amerikano...
Inulit ng Amerikano ang tanong..
Amerikano : Now, young lad.. Can you tell me your full name?
Ian : Okey, okey kokey!!
Amerikano : Is that your name?
Sininghalan ni Ian ang Amerikano.
Ian : Sira!! Syempre hindi noh?! Baliw ka ba?! My name is Jay Ian Capunpon Greattaste.. They call me Iandgreat.. My favorite color is blue.. My favorite reading material is Abante Tonite? Know that? My favorite past time is visiting SUPER CLIMAX in the Philippines with my kumpare.. Drink Red Horse as many as we can.. My favorite in that strip bar is Tarcila and my Kumpareng Jay is the favorite of the owner of the bar.. You should visit the Philippines one time.. Hmm, ano pa ba? (Nag-iisip pa ng sasabihin) Ah ayun, my greatest moment is when I ride the Philippine Airlines yesterday and my embarrasing moment and when they arrested me in front of so many people!
Hindi naman malaman ng konsulado kung matatawa o maiinis sa sinabi ni Ian.. Halatang amused naman ang Amerikano kay Ian..
Amerikano : Hey that's enough, young man.. You're saying a while ago that your Middle name is Capunpon and your surname is Greattaste, right?
Ian : Hindi ka naman siguro bingi ano?? (Dinampot ang kanyang pasaporte sa ibabaw ng mesa ng konsulado) Here!! Here is my passport!! Pasensya ka na kung masyadong guwapo yung picture ka dyan ha!
Kinuha ng Amerikano ang pasaporte ni Ian.. Binuklat iyon at binasa ang mga entries na nakasulat doon.. Maya-maya ay isinara na nito ang pasaporte at maluha-luhang napayakap sa nabiglang si Ian.
Amerikano : Oh my son!!
HALA ANO ITO?? SUB-PLOT NA NAMAN?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 21, 2010, 09:15:02 PM
Wahahahahaha.. Oo nga.. Sub plot ulit?..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 22, 2010, 08:15:10 AM
129
Maluha-luha ang sundalong Amerikano habang mahigpit nitong yakap ang nabigla at nanlalaki ang mga mata na si Ian..
Amerikano : At last we've met! Oh son, please forgive me for abandoning you and your Mom! When the Philippine government decided to lift the US Military base there in Pampanga, we've no choice but to go back to the United States.. (At talagang napaiyak na) Huhuhuhu.
Kumalas sa pagkakayakap si Ian. Iritado.
Ian : Ano'ng son-son ka dyan?? Baliw ka ba?!
Amerikano : Can't you see? I'm your father.. Aren't you happy to see me?
Saka lang napansin ni Ian ang nameplate sa suot na uniporme ng sundalo.
GENERAL ALEXANDER GREATTASTE ang nakalagay sa nameplate nito.
Ian : No! Hindi ito! Maraming magkakaapelyidong hindi magkakamag-anak!
Alexander : If you'll just listen to me, I can prove to you that I am really your father..
Naningkit ang mga mata ni Ian.
Ian : Father father ka dyan! Matagal nang patay ang tatay ko sabi nang nanay ko! At yun ang papaniwalaan ko.
Amerikano : Mekeneg ke nemen se eken enek..?
Ian : Ang lintek na ito at marunong palang magtagalog eh pinahirapan pa ako! Kung lagyan kaya kita ng gripo ngayon sa tagiliran?! Walang general general sa akin!
Amerikano : Of course, I can speak your language cos Ive been there in the Philippines where your mom and I met.. She's the one who patiently taught me tegelog..
Undaunted pa rin si Ian.. Matigas pa rin ang mukha nito.. Halatang nagtitimpi.
Ian : The hell I care! Wala akong pakialam kung nagkita kayo ng nanay ko sa Pilipinas.. Hindi naman yun ang isyu dito eh.. Hindi ako terorista kaya if you'll just excuse me, aalis na ako.. Nagpunta ako dito sa Iraq upang magtrabaho hindi para makipagbolahan sayo!
Akmang tatayo na si Ian pero pinigilan sya ng Amerikano..
Amerikano : Why are you so hostile, Ian?? I'm here.. Informing you that I am your father.. Why are you so hard on me?
Napika si Ian.
Ian : Magtagalog ka, takneydo!! Kung ama kita, bakit di ka gumawa ng paraan para hindi maputol ang ugnayan nyo ni nanay?? Bakit hindi mo sya kinontak nung napatalsik ang base militar sa Pilipinas?? Kung ama kita, bakit wala ka nung grumaduate ako sa elementarya, highschool at college? Kung ama kita, bakit wala ka sa tabi ko kapag napapaaway ako sa kalye?? Kung ama kita, bakit sa iba ko pa natutunan ang lumaklak?? At kung ama talaga kita, bakit wala ka nung takot na takot ako magpatuli? Di ba dapat andun ka? Nagbibigay ng lakas ng loob? Now sagot, General Alexander Greattaste..!!
Medyo natahimik naman ang Amerikano.. Nakikinig lang sa usapan ang konsulado.. Pagkuway binalingan ng binata ang konsulado..
Ian : Ser, sa tingin ko naman nalinis na ang pangalan ko kaya siguro, puwede na akong umalis..
Tumango ang konsulado.. Tumayo na si Ian.. Kinolekta nito ang mga bagahe niya sa isang sulok ng opisina saka lumabas.. Narinig pa nya ang sinabi ng Konsulado sa Amerikano.
Konsulado : Just give him some time and space.. He's just upset right now..
Sa isip isip naman ni Ian.
Ian : Upsetin nyo mga mukha nyo!
. . . . . . . . .
Samantala, sa POKIA Residence, mainit ang ulo ni Mrs Pokia. . .
HALA.. BAKIT KAYA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Paranormal on September 22, 2010, 08:32:27 AM
ang haba naman ng story, nasa page 14 plang ako, hehehe
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 22, 2010, 09:54:15 AM
haha! Track mo kasi para. Me maikli bang sine?? Ako parang baliw na tumatawa mag isa ng na discover ko to. At nasipa pa ni sanday dahil sang oras mahigit "inactive"
helt,
me ending po ba tayo bgo mag 30th?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 22, 2010, 10:03:03 AM
@Xpress
Yeah.. Kaya nga hinahapit ko na to.. Ayokong abutin ng October 1, 2010 na hindi ito tapos..
May 2nd offering na nga ako.. Yung "Mga Lihim ni Chrizhelda" kaso di ko na mauumpisahan yun dahil nga sa nakaambang pagkawala ng Forums.
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 22, 2010, 10:24:26 AM
Idol hindi ba pdeng ituloy yan sa MG?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 22, 2010, 11:26:13 AM
helt,
sad, so sad... Those f¤¤¤¤n people at smart, why can't they spare some disk space???
This is good stuff! Di bale helt, your cinema patrons would still be here till the BITTER end (30th).
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on September 22, 2010, 08:37:05 PM
boss helt eto palang nag patawa saken ng malakas ngayon... isa kang alamat boss helt..!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 08:01:22 AM
130
Kasalukuyan na noong nag-aalmusal ang mag-ina habang pinagsisilbihan sila ni Tricia.. Kapansin-pansin na wala sa hapag kainan si Rustom.. Habang humihigop ng kape ang matanda ay galit ito sa pakikipag-usap sa kung sinoman sa kanyang cellphone..
Mrs Pokia : Ah ganun?! Yang welga ang ipapanakot nila sa akin?! Huwag nila akong takutin! Kung sobrang bait sa kanila ng kanilang Sir Fidel noon, ibahin nila ako! Mga ingrato sila!
Manaka-naka ay tinitingnan ni Dale ang ina..
Mrs Pokia : Wala akong panahong makipag-usap sa kanila!! Sobra-sobra na ang mga benefits nila noong ang Sir Fidel nila ang may hawak sa kompanya!! Magshashut down ang POKIA kapag ipinilit nila ang mga gusto nila!! Kapag nagkaganun, pare-pareho tayong pupulutin sa kangkungan! Damn it!
Naiiling si Dale habang kumakain.. Napansin ni Tricia na paubos na ang puswelo ni Mrs Pokia.
Tricia : Ahm Madam, gusto nya pa po ba ng coffee?
Tinakpan ni Mrs Pokia ang mouthpiece ng kanyang cellphone at sininghalan ang kanyang labandera.
Mrs Pokia : Ilang beses ko bang sasabihin sa yo na huwag na huwag kang sisingit kapag may kausap ako?! Hihingi ako kapag gusto ko! Atribida!
Medyo napahiya si Tricia. Napagtanto nyang hindi talaga maganda ang timplada ng kanyang employer bagamat alam nyang masarap naman ang tinimpla nyang kape gamit ang kanyang.. alam nyo na.. Ipinagpatuloy ni Mrs Pokia ang pakikipag-usap sa kanyang telepono..
Mrs Pokia : Hindi ako ang Sir Fidel nila! As long as ako ang may hawak ng kompanya, hinding hindi ako magpapauto sa mga kapritso nila!! Magresign sila kung gusto nila!! Tingnan ko lang kung hindi magdildil sa asin ang kanilang mga pamilya..!
Sabay higop sa kanyang kape.. Sinaid nito ang laman niyon.. Binalingan nito si Tricia matapos mapansing wala nang laman ang kanyang tasa.
Mrs Pokia : Ang tasa ko, wala nang laman! Tonta! Wag ka ngang basta na lang nakatunganga dyan!
Tricia : Ay sorry po Madam...
Agad lumapit ang dalaga sa Matanda at agad nyang sinalinan ng kape ang tasa nito mula sa pitcher na kinalalagyan ng mainit pa rin na kape..
Mrs Pokia : Isa ka pang tatanga-tanga! Problema ko na nga ang mga taga POKIA, poproblemahin pa din ba kita?! Makisama ka naman, Tricia.
Tricia : Aba Madam, sino bang maysabi kasi na problemahin nyo ako?
Mrs Pokia : Aba't sumasagot ka pa talaga eh noh?! Buwiset ka! Huwag ka nang dumagdag pa sa kabuwisetan ko sa araw na to!
Muli ay ipinagpatuloy nito ang pakikipag-usap sa kung sinoman sa kanyang cellphone.
Mrs Pokia : Sabihin mo sa kanila, tapos na ang usapan..! Puwede silang lumayas at lumipat dun sa pipitsuging kompanyang SUNNY JERIKSON na poor second-rate trying hard copycat!! Buenas dias!
Sabay pindot sa "end button" ng kanyang cellphone.. Inilapag ang cellphone sa tabi ng mesa..
Dale : Easy ka lang Ma! Huwag ka masyado magpakastress.
Mrs Pokia : Paanong di ako maeestress? Eh nagbabadya ng welga ang mga tauhan natin?? Akala naman nila, natatakot ako sa kanila.. Sa dami nang mga graduate na magpapakamatay para lang makapasok sa POKIA eh hindi ako mangingiming patalsikin sila!
Dale : That's bad, Ma.. Isipin mo na lang ang mga pamilya ng mga taong ito..
Mrs Pokia : Iho, iho.. You are just like your Dad.. Tsk tsk.. We're not a charity.. Ano ang mangyayari sa kumpanya kung puro charity ang magiging priority natin? Kasalanan ito ng ama mo!
Hindi na lang umimik ang binatang heredero para huwag na lang humaba ang usapan.. Ipinagpatuloy nito ang pagkain.. Nang biglang may napansin si Mrs Pokia..
Mrs Pokia : Teka, asan ang Rustico Tomas ko?? Tanghali na ah? Hindi ba papasok ang batang yun??
HUWAG NA HUWAG BIBITAW SA NALALAPIT NA PAGTATAPOS!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 23, 2010, 08:33:40 AM
NNeeeeexxxxxtttttt!!!!!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 09:10:32 AM
131
Ang hinahanap ni Mrs Pokia ay kasalukuyang asa hagdanan nang mga sandaling iyon at nag-eavesdrop sa mga taong kumakain sa dining area..
Rustom : Ayus na ayus ito! Timing.. Masama ang timpla ni Tita.. Lalong sasama ang timplada nito kapag wala syang nakuhang ticket mula kay Tricia.. At para syang bulkang sasabog kapag nalaman nya ang relasyon ng kanyang anak at ng kanyang muchacha! At si Tricia ang tatanggap ng lahat ng 'lava' na ibubuga ni Tita! Kakain ka ng lava, lavandera soon! Bwahahahahahahahaha!
Naputol sa kanyang pagmumuni-muni si Rustom nang marinig ang sumunod na sinabi ni Mrs Pokia..
Mrs Pokia : Silipin mo nga Tricia yung batang yun.. Baka kung ano nang nangyari dun.. Tanghali na eh di pa bumabangon.. Malelate na sya sa klase nya..
Akmang tatalikod na si Tricia upang puntahan sa kuwarto nya si Rustom nang tumayo si Dale sabay pahid ng napkin sa bibig nito..
Dale : No Tricia.. You stay here.. Ako na ang pupunta kay Rustom...
Nagpanic si Rustom sa narinig.. Dali-dali itong pumanhik.. Nang asa hallway na sya papunta sa kanyang kuwarto ay may kung anong nalaglag mula sa kanyang dalawang kilikili.. Dali-dali nya itong dinampot at muling iniipit sa kanyang kilikiling babago pa lang tinutubuan ng balahibo..
Sa dining area naman..
Mrs Pokia : Mabuti pa nga iho eh ikaw na ang pumunta dun sa kababata mo.. Naabutan ko yun kaninang madaling araw na gising pa.. Nagpapraktis ng kanyang role sa kanilang school play.. Baka tinanghali na ng gising ang pobreng bata..
Natigilan si Dale..
Dale : Play?? Magkaklase kami sa halos lahat ng subjects pero wala naman akong alam tungkol sa play na sinasabi nya..
Mrs Pokia : Malay mo naman, sa ibang subject na di kayo magkaklase sya may play..
Dale : Ma, sa College Algebra kami hindi magkaklase.. Paanòng magkakaroòn ng play ang College Algebra?
Napaisip din ang matanda.. Si Dale na rin ang nagbigay ng katuwiran tungkol sa play na sinasabi ni Rustòm..
Dale : Baka audition yun dun sa Theatre group Ma.. May on-going audition kasi ngayon para sa mga gustong maging bagong miyembro sa Teatro sa university..
Mrs Pokia : Ah siguro nga.. Namisunderstood ko siguro yung sinabi nya kanina.. Hala puntahan mo na yun at pare-pareho tayong tatanghaliin sa mga pasok natin..
Tumango si Dale at nang magtama ang paningin nila ni Tricia ay palihim niya itong kinindatan.. Bagay na ikinakilig ni Tricia.. At sa isip isip ni Tricia..
Tricia : Sabi ko na nga ba at hindi isang panaginip lang yung kagabi..
Dale : Excuse me for a while..
At tuluyan nang nilisan ni Dale ang dining area.. Naiwan si Tricia sa isang tabi, nag-aantay nang maaaring iutos ng kanyang employer na kasalukuyang nagbubuklat sa mga pahina ng isang broadsheet.. Napangiti ang matanda sa nakita..
"TO ALL THE GIRLS IVE LOVED BEFORE"
September 24, 2010
8:00pm * Araneta Coliseum
ANGEL MEOW
China's singing sensation
With special guests
*CHAROSCALDO PENGPENGMO
*HARAS HERONICO
*POPSICLE FERNUÑEZ
*ARAGUY PINEDA
*JOPET BALDEVISAYA
*LANI MEKULANGOT
*GAYA
and SHARMAINE
Mrs Pokia : Hmm, puro bigatin pala ang mga guests ni Angel..
Bumaling ito kay Tricia..
Mrs Pokia : Ahm Tricia..
Tricia : Yes Madam? Ano po yun?
Mrs Pokia : Kumusta na pala yung sinalihan mong promo para sa mga libreng tickets sa concert ni Angel Meow?
HALA KA TRICIA! PATAY KA NGAYON.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 10:25:52 AM
132
Napangiti si Tricia.. Batid nyang nawala ang "FMS" ng matanda nang maalala nito ang nalalapit na konsiyerto ng China's Singing Sensation na si Angel Meow.. Kung kaya't binitin nya muna ito..
Tricia : Ay opo Madam! Naraffle na ho yung mga entries kagabi at nanalo po ako ng 2 tickets.. At ang 2 tickets na ay akin pong ibibigay sa inyo nang walang kapalit..
Napangiti si Mrs Pokia.. Nalimutan na nito ang nakaambang suliranin sa POKIA CELLPHONES, INC..
Mrs Pokia : Ah talaga?? Ano'ng gusto mong kapalit? Load? Isang linggong day-off?
Tricia : Naku Madam, gaya nga po ng sinabi ko eh wala po akong inaantay na kapalit.. Buong puso ko po iyong ibibigay sa inyo..
Napangiti pang lalo ang matanda..
Mrs Pokia : Naku, napakabait mong bata.. Buweno, asan ang mga tickets?
Tricia : Naku Madam, wag naman po kayong masyadong excited.. Kagabi lang ho niraffle yung mga entries.. Tinawagan ako kaninang umaga ng mga taga U.T.O.T. Channel 3 at pinapapunta nila ako ngayon sa estasyon nila para makuha ko na ang mga napanalunang tickets..
Hindi pa rin nawawala ang kagalakan sa mukha ni Mrs Pokia.
Mrs Pokia : Hay salamat at dininig ng Diyos ang mga panalangin ko.. Sa wakas, magkikita na rin tayo, Angel Meow.. My man.. Meow! Meow! (Sabay higop sa kape)
Lihim namang tumaas ang kilay ni Tricia at naduwal.. Inilapag ng matanda ang tasa sa mesa at napansin ni Tricia na wala nang laman ito..
Tricia : You want more Madam?
Mrs Pokia : Naku bawal na ata sa akin kung makakatatlong tasa pa ako.. Baka di na ako makatulog nyan hanggang bukas..
Tricia : Bawal ka dyan.. Decaffeinated yata ito kaya makakatulog pa rin kayo..
Mrs Pokia : Ah ganun ba yun? Sige nga, isang tasa pa nga uli.
Maagap namang sinalinan ni Tricia ang tasa ng employer nyang kasalukuyang pinag-aaralan ang kanyang kabuuan.. Nang masalinan ang tasa ay nagsalita ito..
Mrs Pokia : Alam mo Tricia, may hitsura ka.. Maayusan ka lang ng konte, lilitaw ang ganda mo..
Nahihiya naman si Tricia sa papuri ng amo..
Tricia : Naku, hindi naman ho..
Mrs Pokia : Hindi ako nagbibiro.. Maganda ka.. Ang weak point mo lang eh isa ka lang mutsatsa..
Tumahimik si Tricia.. Napansin iyon ng amo..
Mrs Pokia : Pagkatapos ng concert ni Angel Meow eh ipapamake over kita.. Dadalhin kita sa Helterbrand's Beauty Salon.. Huwag kang tatanggi cos I insist..
. . . . . . . .
Samantala sa Helterbrand's Beauty Salon eh kasalukuyang binubuksan ng may ari nito ang mga venetian blinds habang may kausap ito sa kanyang telepono.. Ang nag-iisang beautician nyang si Ursula eh kasalukuyang pinupunasan ang mga salamin gamit ang mga pahina ng lumang diyaryo..
Jay : Akalain mo yun pare, may dugong Amerikano ka pala..
"Wag ka nga pare! Kahit ama ko nga yun, wala akong paki sa kanya"
- Ian
Jay : Eto naman, huwag ka nang magalit dun sa Tatay mo..
"Hindi ko sya matatanggap! Ganun-ganun na lang ba yun?"
Jay : Eh sino bang maysabing tanggapin mo? Just show him the respect tapos ayun.. Hindi naman hinihingi ng pagkakataon na magsama sama kayo as one big happy family..
"Hindi ko alam pare.. Ngapala, mamaya pupuntahan ko ang Maggie mo para maiabot ko na tong mga padala mo"
Katahimikan
"Pare? Hello?"
Walang sagot.
"Pare, andyan ka pa ba?"
Si Jay ay natulala sa isang taong pumasok sa kanyang salon at hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman.. Matagal na panahon na syang hindi kinabahan nang ganun.. Ngayon lang ulit.
SINO ANG TAONG PUMASOK SA SALON NI JAY?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 23, 2010, 12:48:56 PM
wahahahaha.. Kilala ko kilala ko yan!! Hahaha..
Title: Mensahe
Post by: Algern0n on September 23, 2010, 02:22:07 PM
Si bh0nji yan!
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 23, 2010, 02:54:37 PM
Ndi taya! Kaw yan algernon kasi kaw ung lalaki sa kabila
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 03:02:22 PM
133
Hindi makapagsalita ang lalaking hiwalay sa asawa na si Jay sa napakagandang dalagang pumasok sa kanyang beauty salon.. Para syang nakakita ng anghel nang mga oras na iyon.. Halos tambol ng kanyang sariling dibdib na lang ang kanyang naririnig kung kaya't parang nabingi na sya at di nya na marinig ang boses ng kanyang kumpareng Ian sa kabilang linya..
(Voiceover : Ah, isa palang napakagandang dalaga ang pumasok kaya parang nastarstruck.. Kala ko pa naman, bombay na nagpapa 5-6 ang dumating at maniningil ng utang.. Okay, neeexxxt!)
"Hello pare! Andyan ka pa ba?"
BLAG! POK! TOK!
(Ipinukpok na pala ni Ian ang kanyang cp sa dingding ng kanyang kuwarto)
Para namang natauhan si Jay.
Jay : Oh pare, andito pa ako.. May sinasabi ka? (Sabay senyas sa dalaga na mag-intay sandali)
Tumango at ngumiti naman nang pagkatamis-tamis ang babagong dating na pagkaganda-gandang dalaga.. Bagay na lalo pang nagpahina sa nanghihina na atang si Jay.
"Kako, pupuntahan ko mamaya ang Maggie mo at nang makuha nya na itong mga padala mo sa kanya"
Jay : Ah.
"Pare, okay ka lang? Para kang natuklaw ng ahas dyan ah? Umamin ka, may ginagawa kayong milagro ni Ursula noh? Hahaha!"
Jay : Baliw! Wag mo akong igaya sa yo.. Ikaw tong may ginawa kay Ursula nung gipit ka sa pera.. Kala mo, hindi ko malalaman yun ha?
"Pare, wala namang ganyanan.. Sekretong malupet lang natin iyon"
Jay : O sya, sya.. Mamaya ka na lang tumawag at may customer na ata ako..
"Gusto ko pang makipagkwentuhan sa yo pare eh"
Subalit napindot na ni Jay ang "End button" sa CP nya.. Ibinulsa nito ang CP saka hinarap ang napakagandang dalaga.. Patuloy pa rin ang pagkabog ng kanyang dibdib..
Jay : Uhuurmm.. At ano po ang maipaglilingkod ko sa iyo, napakagandang binibini?
"Good morning! Gusto ko ho sanang magparebond"
Jay : (Sa isip-isip) Waley! Pati boses, anghel na anghel.. Pagkaganda-ganda naman talaga ng aking dati nang magandang umaga (Tumikhim) Eherm, tuloy ka..
Iginiya ni Jay ang napakagandang dalaga sa lugar kung saan irerebond ito saka nag-utos sa baklang si Ursula..
Jay : Ula, ihanda ang mga gamit.. Ako ang babanat este magrerebond sa napakagandang binibini..
Nagulat ang dalaga.
"Ho? Sigurado ho kayo?"
Sumabat si Ursula.
Ursula : Teka kuya, marunong ka ba magrebond?
Jay : Ako ang may-ari ng salòn di ba Ula? Di ba? Sa tingin mo, wala akong alam..?
Ursula : Ay sabi ko nga kuya..
Jay : Hala, ihanda mo na ang mga gamit.. Nang maumpisahan na ang pagrerebond..
Dagli namang tumalima si Ursula.. Mukhang nakahinga naman nang maluwag ang magandang binibini..
. . . . . .
Samantala sa kuwarto ni Rustom.. Nakatalukbong ito ng kumot at nanginginig.. Nakaupo sa tabi ng kama si Dale..
Dale : Ang taas ng lagnat mo.. Magpahinga ka na lang muna.. Huwag mong kalilimutang inumin tong mga gamot mo..
Inilapag ni Dale ang mga sari-saring gamot sa ibabaw ng tokador saka tumayo..
Dale : Sige papasok na ako.. Get well soon.. Ipapahatid ko mamaya kay Tricia ang breakfast mo..
At tuluyan nang lumabas ng kuwarto ni Rustom si Dale.. Ilang sandali pa ay narinig na ni Rustom ang pag-alis ng Everest ng kababata.. Tumayo ito saka inalis ang tig-isang butil ng bawang mula sa kanyang kilikili.
Rustom : Hahaha! Nalansi ko rin kayo! Now, babawi ako sa puyat ko kanina! Hahaha!
. . . . . . . .
Sa Helterbrand's Beauty Salon naman, kasalukuyan nang nakasalang sa steamer ang buhok ng napakagandang binibini.. Manaka-naka ay nag-ooffer si Jay dito nang kung anong makakaplease sa kanilang customer.. Kape.. Magazine.. Dyaryo.. Kung mahina raw ba ang aircon..
"Okay lang ako Mr....?" Ang sabi ng napakagandang dalaga na hindi napapalis ang ngiti sa labi..
Jay : Jay.. Just call me Jay.. Alam mo bang lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka Miss...?
"Rivera.. Nile Rivera.. You can call me NILE" Ang pagpapakilala ng napakagandang dalaga..
- - Itutuloy - -
Title: :| HSvotes
Post by: Dareen117 on September 23, 2010, 03:07:19 PM
Hahaha.. Napaka sweet naman..
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 23, 2010, 03:10:49 PM
OLAYCHEE ba yn?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Arcangel on September 23, 2010, 03:47:43 PM
parang familiar yung name na rivera..
kamag anak ba yan ni Marianne Rivera?
o
Mae Rivera?
18 years old ba iyan?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 03:54:03 PM
Pinilit ko lang Daddy Arc yung Nile River.. Haha.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 23, 2010, 03:56:40 PM
Hahaha.. Child abuse.. Para akong tangang napapangiti dito sa kalye ng dagupan.. Hahaha..
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 23, 2010, 03:59:39 PM
Idol issakto mo ba ang pagkawala ng forums sa pasan ko ang labada? (baligtad ba tanong ko)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: Arcangel on September 23, 2010, 04:17:00 PM
Quote from: helterbrand on September 23, 2010, 03:54:03 PM
Pinilit ko lang Daddy Arc yung Nile River.. Haha.
ahhh ok..
:-)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 04:18:12 PM
@Bhonjitot
Gusto ko sana sa Sunday matapos na to.. Pipilitin ko.
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 23, 2010, 04:20:49 PM
Idol pero dami mo rin ggwn! Yaka mo yan idol
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 04:22:45 PM
You're right Bhonjitot.. Pero ayokong maiwan to nang hindi tapos
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 04:55:07 PM
134
Mukhang pati sa pangalan ni Nile Rivera ay nabighani si Jay.. Ninanamnam nito ang pangalan nya..
Jay : What a beautiful name.. Bagay sa isang napakagandang kagaya mo..
Nagblush si Nile na kasalukuyang may nakabukas na pahina ng YES! Magazine sa kandungan nito..
Jay : Bakit Nile ang pangalan mo? I guess, may konek to sa Nile River?
Nile : Yup.. Dun ako ipinanganak eh..
Jay : Kahit san ka pa ipinanganak.. Talagang maganda ka.. You are really beautiful..
Nile : Salamat naman kung ganun..
Jay : You're pretty.. Siguro bingi ka na sa mga papuring sobrang ganda mo..
Ngumiti lang si Nile.
Jay : How about a hot pandesal para dyan sa kape mo?
Nile : No thanks.. Okay na ako dito..
Jay : Cake? Puwede ako magpabili ngayon kay Ula dyan sa may Red Ribbon..
Halatang amused naman si Nile sa may-ari ng Salon.. Nahihiwagaan si Ursula sa mga inaasal ng amo.
Ursula : Hindi naman ganyan dati si Kuya.. Ano bang nangyayari dito? Eh alam ko sobrang kuripot nyan.. Ngayon lang yan nagpakape sa isang customer at ngayon nya lang itinodo ang aircon eh lagi yang nagtitipid sa kuryente.
(Voiceover : Kasi nga, sabi nga ni Bhonjitot eh OLAYCHEE ka.. Kaya di mo maiintindihan ang mga inaasal ng Kuya Jay mo ngayon okay? Neexxxtt!)
Iniwanan pansamantala ni Jay ang customer.. Siya namang pagpasok ni BJ na may kasamang dalawang lalaki na halos kaedad nya..
BJ : Good morning Tatay! (Sabay nagmano)
Tinanggap naman ni Jay ang kamay ng anak.
Jay : Kaawaan ka ng Diyos.. Uhm may mga kasama ka ata?
BJ : Oo nga Tay.. Mga dati kong kaklase nung college.. Magpapagupit itong isa.. Itong isa eh may pinagpaplanuhang negosyo at gusto nyang sumosyo ako..
Jay : Aba, ayus yan ah.. Talagang mana ka talaga sa akin sa pagka-negosyante.. (Sabay ginulo-gulo ang buhok ng anak)
Kunway nainis naman si BJ sa ginawang paggulo ng ama nya sa kanyang buhok..
BJ : Tatay naman eh.. Binebaby mo na naman ako eh..
Ngumiti lang si Jay sabay tango sa dalawang kasama ng anak.
BJ : Ahm Tay, eto nga pala si Jibhon.. Matinik sa chicks yan nung college kami.. Sya yung magpapagupit..
Jibhon : Kumusta po kayo?
Jay : Ayus lang iho! Ula, gupitan mo tong si Jibhon..
Lumapit si Ursula sa grupo at iginiya si Jibhon.
Ursula : Pogi, halika. Sumunod ka sa akin..
Jibhon : (Bumaling kay BJ at sa isa pang kasama nila) Maiwan ko muna kayo mga parekoy..
Tumango ang dalawang binata saka sumunod na ito kay Ursula.. Narinig pa nila ang sinabi ni Ursula..
Ursula : Ang pogi mo naman.. Para kang si Christian Bautista.. May GF ka na?
Natawa lang ang tatlong lalaking naiwan..
BJ : Ahm Tay, eto naman si Gernon! Sya yung lalaki dun sa kabilang kalye ng shop ko.. May publishing sya dun.. Sya yung gustong magtayo ng business..
Tumango si Jay saka nagtanong kay Gernon kung ano'ng negosyo ang balak nitong itayo.
Jay : Gusto ko yan.. Sa murang edad nyo eh marunong ng magbusiness.. Teka, ano bang balak nyong itayo?
Gernon : Ang Lalaki sa Kabila po ang pangalan ng pinaplano naming itayo..
Napakunot-noo si Jay.. Si BJ naman ay pinipigil matawa na parang nahihiya..
Jay : Ang Lalaki sa Kabila?? Eh ano ba tong business na ito..
BJ : Sabihin mo na kasi parekoy.. (Pigil pa rin ang tawa)
Nanatiling nag-hihintay ng sagot si Jay..
Gernon : Gay bar ho sir..
Mabilis pa sa speed of light sa paglingon ang kasalukuyan na noong naggugupit na si Ursula..
Ursula : I like it!!
- - Itutuloy - -
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 23, 2010, 05:03:44 PM
Idol iyak na kami sa kakatawa! Pnabasa ko sa mga kalaro ko hahahah! Ang galing idol! Tnx deen pala
Title: Mensahe
Post by: Algern0n on September 23, 2010, 05:24:02 PM
Nakakaasar na nakakahiya. Tawa ako ng tawa dito sa lrt eh andami pa namang tao! Hahaha, gaybar pala ang lalaki sa kabila! Akala ko naman , isang publicati0n or enterprise or wat. Hahaha, galing mo kuya heltz!
Hehe, may mga r0les na tayo bh0nji. Grabe ang taping n0h, pinahirapan tayo ni direk! Tnt.tnt.tnt.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 23, 2010, 06:39:22 PM
patay ko kadlaw! Haha!
Nice, nice helt. Teka nauna pa eto sa niloluto ko, tink me update maya. Mka log off muna.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 23, 2010, 08:04:17 PM
135
Nagulat din si Jay sa pinaplanong negosyo nina BJ at Gernon.. Tigas naman sa katatawa si BJ.
Jay : Teka teka.. Bakit naman sa dinami-dami na puwedeng pasuking negosyo eh gay bar pa ang naisipan nyo?
BJ : Yun nga rin Tay ang sinabi ko kay Gernon eh pero nakumbinse nya ako..
Gernon : Sir, bago nyo ho husgahan ang proyekto namin ni BJ eh hayaan nyong ilahad ko sa inyo ang aming panig..
Jay : No iho.. Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang inyong proyekto.. It is just that, nabigla lang ako.. Okay, kumbinsihin mo ako na magkiclick itong niluluto nyong proyekto..
Tumikhim muna si Gernòn bago magsalita.
Gernon : Sir, wala naman ho sigurong masama sa pagbubukas namin ng ganung uri ng negosyo.. Kung may strip bar para sa mga straight guys, wala naman po sigurong masama kung magkaroon din ng haven para sa mga miyembro ng third sex.. In fact, they're everywhere, growing like a mushroom..
Jay : Ano ang tinutukoy mo dun sa kabute? Ang mga gay bar? O ang mga miyembro ng third sex?
Gernon : Both sir.. At iba po itong Ang Lalaki sa Kabila kung ikukumpara sa mga malalaswang gay bar..
Jay : Paanong naiba? Meaning, hindi sya malaswa? Aba, hindi kaya kayo malugi niyan?
Gernon : Kaya nga po ang naisip ko maglagay ng mga stand-up comedian dun.. Sila ho bale ang magpoprovide ng comic relief sa pinaplano naming proyekto.. Maybe sa simula, malabel ito as gay bar talaga pero in the long run, entertainment bar na ho ang magiging tingin ng mga parokyano..
Sumingit si Ursula.. May pakumpas pa ito ng kamay na may hawak pang suklay..
Ursula : Ay Pilipinas win na win ka dyan papa!
Napabilib naman si Jay sa sinabi ng dating classmate ng kanyang anak..
Jay : Maganda ang plano nyo.. Bakit naman Ang Lalaki sa Kabila ang napili nyong pangalan ng inyong gay slash entertainment bar?
Gernon : Kasi ho sa Kabilang side ho ng street kung saan matatagpuan ang SUPER CLIMAX namin balak namin itayo ang bar..
Jay : Hmmm.. Hindi naman kaya masamain ng SUPER CLIMAX ang itatayo nyong proyekto.. Close friend ko ang may-ari nun..
Gernon : Hindi naman ho siguro kasi magkaiba naman kami ng target market.. Isa pa ho nakausap ko na ho yung may-ari nung SUPER CLIMAX nung minsang napadalaw ho ako at wala naman ho syang tutol sa proyekto lalo na nang malaman nyang kasosyo ko si BJ.. Natutuwa nga ho sya at mabibigyan ng trabaho ang ilang tambay dyan..
Jay : Maganda ang plano nyo.. Sana magtagumpay kayo..
Sa kinauupuan namin ni Jibhon, napatingin ito sa salamin sa tapat nang kinauupuan ni Nile.
Jibhon : Ate? Ikaw ba yan?
Napatigil naman sa ginagawang pagtetext nya si Nile.. Napatingin din ito sa salamin sa tapat ni Jibhon..
Nile : Uy Bhon! Andito ka rin pala.. Agang-aga eh nagpapapogi na ah?
Jibhon : Syempre ate, may date kami mamaya nung GF ko eh..
Nile : Puro ka na lang date dyan.. Kung inuuna mo ang paghahanap ng trabaho eh di mas maganda..
Natawa si Jibhon
Jibhon : Hindi ko na kailangang maghanap ng trabaho ate.. Dun na ako sa "Ang Lalaki sa Kabila" magtratrabaho..
Nile : Mabuti naman kung ganun..
Lumapit si Jay sa dalawang customer..
Jay : Kitamo nga naman ang pagkakataon.. Magkapatid pala kayo,.. Small world..
Ngumiti lang ang magkapatid.
Jibhon : Ate, si Kuya? Di mo sya kasama?
Ursula : (Sa isip-isip) Wow at may Kuya pa pala sya! Pogi rin siguro ang Kuya nya..
Nile : Naku mamaya pa ang Kuya mo.. Alam mo naman yung Kuya mo, mainipin.. Eh matagal ang magparebond kaya ayun, naglamyerda muna.. Susunod na lang daw sya dito..
Napatingin si Ursula sa pinto at nanlaki ang mga mata nito sa nakita. Napatili ito.
Ursula : Eeeeeeeeeehh!!!
ANO ANG NAKITA NI URSULA?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 24, 2010, 08:49:37 AM
136
Napalingon ang lahat sa may bubog na pinto ng salon ang lahat at nakatayo sa labas ang guwapo at matangkad na lalake.. Ang tipo nito ay yung boy-next-door.. Sa ayus nitong naka long sleeves at necktie pa tsaka slacks with matching leather shoes pa eh mapapagtanto ng sinomang makakakita rito na isa itong yuppie (Young professional).. Exaggerated na hinahabol ni Ursula ang kanyang hininga na akala mo eh mamamatay na..
Ursula : Hah hah hah! Ang guwapo! Maging jowa ko lang sya, ako na ang pinakamasuwerteng nilalang na baklush ni God!
Jay : (Natatawa) At sinong may sabing nilikha ka ng panginoon??
Ursula : Kuya naman eh! Walang basagan ng trip.. Hmp. (Sabay umirap na halos nagkakandahaba na ang nguso)
Jibhon : Ate, andyan na si kuya.
Nile : Oo nga.. (Ngumiti sa lalaking asa labas ng pinto)
Ngumiti rin ang lalaking asa labas ng pinto.. Sinenyasan ni Jay ang anak na papasukin ang lalaki.. Lumapit si BJ sa may pinto at pinatuloy ang lalaki..
BJ : Tuloy po kayo..
Pumasok ang lalaki.
"Salamat tol!" Ang wika nito.
Lumapit ang lalaki sa magkapatid.. Nakipag-high five ito kay Jibhon saka humalik sa pisngi ni Nile.. Bagay na labis na ikinagulat ng may-ari ng salon na si Jay..
Nile : Babes, sya nga pala ang may-ari ng salon.. Si Jay.. Jay, eto nga pala si Brandon De Vera.. My Fiancé..
Daig pa ni Jay ang nasabugan ng bomba sa sinabi ni Nile.. Hindi nya mawari kung bakit sya nasaktan gayung wala naman silang koneksyon ng dalaga.. Pakiramdam nya ay nasira ang napakaganda nyang umaga..
Jay : Ga-ganun ba? Si-ge, ma-maiwan ko muna kayo.. (Sabay bumaling kay Ursula) Ula, ikaw na ang bahalang magtuloy dito sa rebonding..
Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Jay na parang basang-sisiw ay tinungo ang pinto na nagbabadyang pumatak ang mga luha.. Nang mapadaan ito kina BJ at Gernon..
Jay : Pagmeryendahin mo yang kasama mo sa kitchen, 'Nak.
BJ : Opo Tay. (Sabay aya sa dating kaeskwela) Tara dun sa kitchen.
Tumayo ang dating magkaeskwela at tinungo ang direksyon ng Kitchen.. Samantala, asa labas na ng salon nya si Jay at naninigarilyo.. Hindi maipinta ang mukha nito..
Jay : Damn! I thought.. Ahh! Ako lang ang nagbigay ng meaning sa mga actuations nya!! Natural, friendly lang talaga sya sa yo! Walang kahulugan yun!! Ikaw lang ang umasa!! Ang tanga tanga mo Jay!! O mas tamang sabihing napakatanda mo nang tanga!! Damn!
Sabay pitik sa upos ng sigarilyo.. Muntik pa tuloy tamaan ang karterong maghahatid ng sulat na naka-address sa kanyang salon.. Iniabot sa kanya ng kartero ang white-legal sized envelope.. Tiningnan niya.. Nakapangalan ito sa kanya.. Tinanguan niya ang karterong papaalis na.. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang pangalan ng sender..
PARANDEZ LAW FIRM
(Papio-Miranda-Fernandez)
Wala syang alam na pagkakautang nya sa alinmang institusyon o kaso.. Dali-dali nya itong binuksan at talagang nasira na ang kanyang araw sa nabasa!
Jay : Damn it talaga!! Bakit?? Ahh! I wanna die!
ANO ANG NILALAMAN NG SULAT NA GALING SA PARANDEZ LAW FIRM?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 24, 2010, 08:51:50 AM
137
Pumasok sa salon si Jay.. Talagang hindi na maipinta nang kahit sinong magaling na pintor ang mukha nito.. Bagay na napansin ni Ursula.
Ursula : Kuya? Bakit sambakol yang mukha mo? At yang nguso mo, mas mahaba pa sa bisugo sa talipapa?
Jay : Huwag mo akong kakausapin na baklita kaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!
Dumagundong ang boses ni Jay sa kabuuan ng salon na umabot hanggang sa kitchen kung saan nilalantakan na ng dating magkaklaseng sina BJ at Gernon ang mainit pa rin na pandesal na may palamang egg omelette. Nagulat si Gernon.
Gernòn : Huh? Ano yun parekoy? May nag-aaway ba?
BJ : Wala parekoy.. Kasalukuyan lang na may "nagduduyan" sa mga oras na ito.
Clueless si Gernon sa sinabi ng dating kaklase..
Gernon : Huh? I don't understand.. Ano'ng ibig sabihin nun?
Natawa si BJ dahil sa kainosentehan ni Gernòn.. Wala itong idea sa "Pamosong duyan" ng kanyang ama..
BJ : Huwag mong intindìhin yun.. Ang lalaki sa kabila (Sabay turo sa panig ng salon) ay kasalukuyan ngayong masama ang timplada kaya quiet ka na lang.. Batid kong may kinalaman ito sa guwapong lalakeng kararating lang..
Magtatanong pa rin sana si Gernon nang biglang pumasok si Jay. Hawak pa rin nito ang sobreng galing sa PARANDEZ LAW FIRM.
Jay : Nak, maiwan ko muna kayo sandali.. Kaw na ang bahala dyan sa kaibigan mo.. Goodluck sa "Ang Lalaki sa Kabila"..
BJ : Opo Tay.
Gernon : Kain po tayo Sir
Napatingin si Jay sa mga pandesal sa mesa.. Dumampot ito ng isa at buong isinubo.. Nginuya.. Sabay kinuha ang tasa ng kape ng anak at lumagok..
Jay : (Ngumunguya pa rin) Sige maiwan ko na kayo dyan.. May pupuntahan lang ako sandali..
Lumabas ng kitchen si Jay.. Maingat na tinupi ang sobreng galing sa PARANDEZ LAW FIRM saka isinuksok sa likurang bulsa ng kanyang pantalòn. Diretso ito uli sa Salon.. Tinawag ang patapos na sa kanyang paggugupit na si Ursula..
Jay : Ula!
Hindi umiimik ang nakasimangot na rin na si Ula.
Jay : Ula!
Deadma ang baklita.
Jay : Ursulaaa!
Napilitang sumagot ng baklita bagamat nakasimangot pa rin..
Ursula : Pooo!
Medyo magkalayo ang mag-amo kung kaya't halos nagsisigawan na sila.. Walang kiber si Jay kung naririnig nina Jibhon, Brandon De Vera at Nile Rivera (Wow! Rhyme!) ang kanyang pagtutungayaw.
Jay : Tinatawag kita, hindi ka sumasagot!
Ursula : Eh sabi mo kasi kanina Kuya eh huwag kitang kakausapin!
Jay : Pilosopo!! Kanina yun!! Aalis ako at may papasyalan akong kaibigan.. Kaw na ang bahala dito..
Ursula : Eh paano Kuya itong nirerebond?
Jay : Bomplangs! Di ba sabi ko, ikaw na ang magtuloy??
Ursula : Hindi yun Kuya ang ibig kong sabihin.. Mekenush ang fat-da givesung nitetch na mujer na paysung? Anda Kuya.. Andaaa! (Translation : Magkano ang sisingilin ko na bayad mula sa girl na ito? Pera Kuya.. Peraaaa!)
Jay : Ah yun ba?? Sa haba ng buhok nyan, singilin mo ng P10,015.00!
Wala na talagang pakialam si Jay kung naririnig ng kanilang mga customers ang sinasabi nya tungkol sa mga babayaran ng ito.
Ursula : P10,015 ?? Ano yung putal na P15? VAT?
Jay : Hindi! Para dun sa kape nya yung P15!
Saka tuluyan nang lumabas ng salon.. Nang biglang may naalala.. Bumalik ito at sumungaw sa may pinto at nagbilin pa uli kay Ursula.
Jay : Kapag dumaan yung dalawang bumbay, sabihin mo wala ako.. Sabihin mo nagpunta ako ng Iraq!! Mahina kamo ang shop.. Bumalik na lang kamo sa isang buwan..
Sabay alis at dali-daling pinara ang paparating na pedicab na minamaneho ni Al.. Tumigil ang pedicab. Sumakay si Jay sa sidecar.
Jay : Dun tayo pare sa SUPER CLIMAX!
Samantala sa Unibersidad na pinapasukan ni Dale, vacant time nila noon at kausap ng binata ang kasintahan sa kanyang cellphone.
Dale : Huwaaaat?! Baka naman namisplace mo lang?? Tsaka paano'ng mangyayaring mawawala iyon eh super secured ang pinaglalagyan mo nito?
"Yun na nga ang di ko maintindihan Dale eh! Ilang ulit na akong nagpabalik-balik sa banyo.. Nagbabakasakaling nalaglag ko ito nang di namamalayan pero wala talaga!"
Naisuklay ni Dale nang di oras ang mga daliri ng kanyang kamay sa buhok..
Dale : Problema ito, Tricia tsk.. Ano ang iaabot mong tickets mamaya kay Mama?
"Yun na nga ang pinoproblema ko eh.. Patay ako nito.. Kung bakit naman kasi hindi ko na lang ibinigay sa kanya noon pa ang mga tickets! Di bale nang mawala yung sa atin, huwag lang yung sa kanya.."
Dale : Hindi kaya sa pagwiwi mo eh nakalimutan mo itòng tanggalin at di mo namalayan eh naiflush mo na??
"Yun na nga rin ang naiisip ko Dale eh lalo pa't -- "
Lasing ako kagabi kaya di ko siguro namalayan na naiflush ko ito --> Eto ang gustong idagdag ni Tricia sa sasabihin pero pinigilan nya ang sarili.. Batid nyang pagagalitan sya ng kasintahan sa oras na malaman nitong lumaklak sya ng alak nang lingid sa kaalaman nito.
Dale : Lalo pa't ano?
"Ah wala Dale.. Sige, baka nakakaistorbo na ako.. Hanapin ko na lang uli ang mga nawawalang tickets"
Dale : Andyan lang yun.. Hanapin mo na lang mabuti.. Si Rustom, napakain mo na ba ng breakfast?
"Hinatiran ko kanina.. Ewan kung kumain na.. Mahimbing ang tulog kaya di ko na inistorbo"
Tumunog na ang alarm bell ng Unibersidad..
Dale : O sige, mamaya na lang uli.. Papasok na ako.. Bye.. I love you..
"Love you din"
. . . . . . .
Sa Iraq
Kasalukuyang naglalakad sa isa sa mga kalye sa Baghdad si Ian.. Hawak nito ang maliit na package na padala ni Jay para sa anak nitong si Maggie.. Nakasulat sa ibabaw ng package ang address ni Maggie..
Ian : (Palinga-linga sa mga bahay na makikita sa magkabilang side ng kalye) 523 ang numero ng tinutuluyan nya... Ah ayun..!
Lakad-takbo ang ginawa ni Ian patungo sa bahay na may nakasulat na 523 sa gate..
Ian : Maganda rin kaya sya sa personal?
Nang asa tapat na ng gate 523 si Ian ay huminga ito nang malalim..
Ian : Tao po! (Sabay katok sa gate)
Makalipas ang ilang sandali, walang sumasagot.. Inulit ni Ian ang pagtawag at pagkatok.. Mas malakas this time..
Ian : Tao poooo!!!!
BLAG! BLAG! BLAG!
Dalawang minuto ang lumipas ay wala pa ring lumalabas na tao..
Ian : Wala yatang tao?
Saka lang nito napansin ang doorbell sa may kongkretong haligi kung saan nakakabit ang gate.
Natawa na lang si Ian..
Ian : Hahay! Wala kasi kaming door bell sa Tarlac.. Tsk.
Pinindot ni Ian ang button.
DING! DONG!
Naghintay si Ian.
MGA FANS NG STORMIAN, HANDA NA BA KAYO?
- - Itutuloy - -
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 24, 2010, 09:40:49 AM
Wow aman... DALAGA na rin c stOrm... Witwew
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 24, 2010, 10:08:44 AM
ready as we are helt!
¤ chuckles ¤
Title: :)
Post by: bh0nji21 on September 24, 2010, 10:15:44 AM
Iniintay din nung fans club ni jibhon kung my ka loveteam daw siya! Kala nya nung una ung ate nile nya ang kloveteam! Hahahabear
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 24, 2010, 10:20:42 AM
Direk : Pack up! Pack up! (Fuming)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 24, 2010, 11:44:48 AM
Pack up na?.. Okay..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 24, 2010, 01:54:30 PM
138
Sabik na nag-intay sa labas ng gate na may numerong 523 si Ian.
Ian : Makikita ko na rin nang malapitan sa wakas ang dalaga ni Pareng Jay.. Matingnan nga kung karapat-dapat sya sa kaguwapuhang ito! (Sabay pisil sa sariling pisngi)
Nainip ata.. Mulang pinindot ni Ian ang doorbell saka sinabayan pa ng pagkalampag sa gate..
DING DONG! BLAG! BLAG! BLAG!
Bang! Kaboom! Boom! Ratatatatatatatat! <--- Ang naririnig sa paligid..
Sa wakas ay may lumabas na babaeng sa unang tingin pa lang ay isang Pilipina.. Lumapit ito sa may gate..
Ian : Gandang umaga!
Pinay : Woi! At may Pinoy na napadpad sa aming abang tinutuluyan.
Napangiti si Ian.. Batid nyang hindi sya mahihirapan sa pakikipag-usap sa isang kapwj nya Pinoy.
Ian : Magandang umaga!!
Pinay : Magandang umaga naman! Ano ba ang maipaglilingkod ko sayo??
Ian : Ako nga pala si Ian! Bagong salta dito sa Iraq!
Pinay : Uy welcome!! Nakakagaan naman ng pakiramdam at may mga pinoy na nagsisidatingan dito.. Ano nga pala ang maipaglilingkod ko sa yo kababayan? Kung pera eh wala ha? Kapapadala ko lang sa Pinas kahapòn ang almost 100% ng suweldo ko..
Natawa si Ian.
Ian : Ay hindi naman yun ang sadya ko dito eh.. Hehehe.
Napangiti rin ang Pinay sa nakikitang disposisyon ni Ian.. Iba pala talaga kapag kalahi.. Eto ang naisip nya.. Madaling pakibagayan..
Pinay : Eh ano bang sadya mo Ian??
Ian : Ehem.. Andyan ba si Maggie Helterbrand?? Anak sya nung kumpare ko.. Kararating ko lang kaninang umaga mula sa Pinas.. May padala ang Tatay nya eh..
Napakunot ang noo ng Pinay..
Pinay : Maggie Helterbrand?? As in si Magz??
Jay : Ah sya nga siguro yun.. Eto yung package eh.. Andito pangalan at address nya.. (Sabay abot ng maliit na package sa kausap nya)
Inabot naman ng Pinay ang maliit na package.. Binasa ang nakasulat sa ibabaw nito.. Kapagkuway muling ibinalik sa nagtatakang si Ian.
Pinay : Ah oo! Si Magz nga yan.. Dito nga sya dati nakatira.. Pero sorry Ian, wala na sya dito..
Nabigla si Ian sa narinig..
Ian : Huh?? Ano'ng wala na sya dito? Ano'ng nangyari sa kanya? Nasalvage ba sya? Tinamaan ba sya ng ligaw na bala?? Ibinala ba sya sa kanyon? Ano'ng nangyari kay Maggie??
Natawa ang pinay sa exaggerated na reaction ni Ian..
Pinay : Baliw! Syempre, Hindi noh! Hahahaha! Malamang sa mga oras na ito, asa Italia na sya.. Kakaalis nya lang kahapon.. Hopefully, makasunod na ako sa kanya next year..
Sa narinig ni Ian ay nalaglag ang balikat nito.. Hindi akalaing ang dalagang pumukaw sa kamalayan nya ay wala na pala sa Iraq..
Nang mga sandaling yun, kasalukuyan namang lumalapag sa MALFENSA airport ang eroplanong kinalululanan ni Maggie..
Maggie : Ciao Italia! At last, nakarating din ako nang legal dito.. Andyan na kaya yung sundo ko?
. . . . . . . .
Sa SUPER CLIMAX naman eh halos paubos na ni Jay ang kalahating case ng San Mig Lights..
Hazel : Ano bang problema mo? Pinagbigyan kitang uminom dito kahit hindi pa business hour.. Ayaw mo pa rin sabihin kung anong gumugulo sa yo!
Kasalukuyan nung tumutungga si Jay sa bote ng Redhorse.. Nang mailapag ang bote sa mesa ay dinukot nito mula sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon ang sulat na natanggap mula sa PARANDEZ LAW FIRM at iniabot kay Hazel.. Nang mabasa ni Hazel ang nilalaman ng kalatas mula sa PARANDEZ LAW FIRM ay napangiti ito ala-Mona Lisa..
ANO BA KASI ANG NILALAMAN NG SULAT NA YAN MULA SA PARANDEZ LAW FIRM?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 24, 2010, 02:07:31 PM
tawa ako ng tawa sa background sa Iraq.. Hahahaha.. Perandez Law Firm, hahaha.. My hunch ako jan sa envelope na yan..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on September 24, 2010, 03:14:30 PM
langyang ian yan kawawa naman,,..hehehe nice! ;D
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 25, 2010, 07:41:36 AM
139
Hazel : Totoo ba ito? Teka nga at mabasa uli.. Baka naman mali yung pagkakabasa ko..
Ngayon nga ay halos abot-tenga na ang ngiti ni Hazel habang inuulit-ulit nito ang pagbabasa sa nasabing kalatas mula sa PARANDEZ LAW FIRM..
Hazel : Umh tama nga ang nabasa ko..
Tinupi ang kalatas, ibinalik sa sobre saka iniabot sa kaibigan na halos malahigay na.. Maluwag pa rin ang pagkakangiti.. Bagay na napansin ni Jay..
Jay : Bakit mukhang masaya ka pa? (Sabay tungga sa bote ng alak)
Hazel : Aba natural Jay! Hindi ako ipokrita para hindi matuwa dyan sa sulat na yan! Nagpapakatotoo lang ako..
Napailing si Jay.
Jay : Hindi mo naiintindihan ito Hazel (Ikinampay sa ere ang sobreng galing sa Parandez).. Annulment papers namin ito ng ina ng mga bata! For God's sake!
Hazel : At nagpapakaemo ka naman dyan? My God Jay, kill the drama! Kelan mo ba tatanggapin sa sarili mo na wala na kayo? Na tapos na ang lahat sa inyo?! Hindi pa ba malinaw sa yo ang gustong mangyari nung heredera ng zoo?! For Christ's sake, come out, Jay! Come out!
Jay : Come out from what huh?
Hazel : From your mourning!!
Jay : Im not mourning! Damn! (Sabay tungga uli sa bote)
Hazel : Then act like one! (Sabay dampot sa isang bote ng wala pang bawas na Red Horse sa ibabaw ng mesa at tinungga rin)
Tuloy-tuloy sa pag-inom si Hazel at nang ilapag nito sa mesa ang bote ay wala na itong laman.. Bottoms up.. Nagpupunas pa ng kanyang labi si Hazel habang ipinagpatuloy ang pagsasalita..
Hazel : Sinisira mo ang sarili mo para sa isang taong wala namang pakialam sa yo! (Burp 2x) Alagaan mo ang sarili mo para sa mga taong nagmamahal at nagkecare sayo... Andyan ang mga anak mo.. Andito ako.. (Burp! Burp! Burp!) Gumising ka!
Sabay binanatan ni Hazel ng tayo at iniwan ang hindi pa rin makapagsalita at mukhang tinamaan na si Jay.. Lumingon si Hazel sa lalaki.
Hazel : Kung may kailangan ka pa, mag-utos ka lang dyan sa mga serbidora.. Magpapahinga muna ako, hindi maganda ang pakiramdam ko.. (Burp!)
. . . . . . . . . . . . .
Kinagabihan, umaalingawngaw na parang armalite sa buong kabahayan nina Dale ang boses ng ina.. Nadiskubre na kasi nito na wala talagang maibibigay si Tricia.. Asa paborito nyang lugar si Rustom, ang hagdanan, at nakikinig sa mga kaganapan sa bahay.. Tuwang-tuwa ito..
Rustom : Yes! Sana lang eh talagang palayasin ka na ni Tita sa bahay na ito! Hakhakhak! Tapos ieexpose ko pa kay Tita ang relasyon nyo ni Dale.. Naku malapit nang magwakas ang maliligayang araw mo, Tricia labandera!
Muli ay maririnig ang boses ng matandang POKIA.
Mrs Pokia : Tonta! Boba! Masyado ka kasing burara kaya hindi mo na malaman kung saan mo na inilagay ang mga tickets!
Sabay sinabunutan ni Mrs Pokia ang katulong.. Maagap namang umawat si Dale.. Asa sala sila nang mga oras na iyon..
Dale : Ma, will you please just shut up! It is just a ticket!
Natigilan si Mrs Pokia.
Mrs Pokia : Aba at ipinagtatanggol mo pa ang mutsatsang ito??? Ano mo ba ito Dale??
Dale : Ma, kahit kanino gagawin ko ito basta alam kong di makatarungan ang ginagawa sa mga ito!
Mrs Pokia : You're just like your Dad talaga!! Dahil sa sobrang kabaitan, lumalaki ang ulo ng mga taong ipinagtatanggol nila! And that trash (Sabay turo kay Trisha) is not an exception!!
Napayuko na lang si Tricia.. Sa kinatatayuan naman ni Rustom..
Rustom : Nawawalang tickets pa lang yan, Tricia.. Paano na lang kung ang relasyon nyo ni Dale ang mabunyag kay Tita?? Hmm, I can almost smell the sweet scent of revenge! Humahanap lang ako ng tiyempo!!
Mrs Pokia : Oh baka naman may hindi pala ako nalalaman sa inyong dalawa ng babaing ito? (Turo uli kay Tricia)
Halos pumalakpak ang tenga ni Rustom sa narinig. Para namang nakakita ng multo ang magkasintahan..
Rustom : Go Tita! Probe Dale! Probe them!! Spill the beans!! Now na!
ABANGAN ANG NALALAPIT NA PAGTATAPOS!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 25, 2010, 09:35:24 AM
140
Saka naalala ni Rustom na sa mga nagdaang araw eh nakuhanan nya pala ng video ang magkasintahang Dale at Tricia sa isa sa mga intimate moments ng mga ito sa garden.. Dali-dali nyang dinukot sa bulsa ng kanyang shorts ang kanyang CP at tsinek kung hindi pa nya nabubura ito.. Napangiti ito nang makitang andun pa ito.. Ang video clip ay may mahigit 10 minutes at iyon ay ang pag-uusap ng magkasintahan noon tungkol sa future nila at ng nawawalang kahapon ni Tricia..
Rustom : It's a good thing may extra SIM card ako na hindi alam ninuman sa kanila.. It's about time na isend ko na ito kay Tita!
Sa sala naman ay nagpapatuloy ang hostilidad..
Dale : Ano ba'ng pinagsasabi mo, Ma? My God, I'm just defending her dahil napaka-unreasonable mo!
Mrs Pokia : Aba! Aba! Kinakampihan mo pa ang mutsatsang yan?! Bakit napakalakas ng loob mo ngayon na salungatin ako ngayon?!
Dale : Dahil hindi tama ang ginagawa nyo! Tickets lang yan! Akala nyo naman, katapusan na ng mundo!
Mrs Pokia : Hindi maganda ang pakiramdam ko sa inyong dalawa ng babaing ito!
Dinuro-duro ng matanda sa sentido ang nakayuko pa rin na si Tricia.. At hindi pa nakuntento, sinabunutan pa nya ito!
Mrs Pokia : Pinaasa mo ako sa wala!! Bukas na ang concert!
Pumagitna si Dale sa dalawang babae at niyakap ang kasintahan para maprotektahan ito sa mga susunod pang gagawin ng ina.. Hindi na rin nakapagpigil si Dale.. Binulyawan nito ang ina habang nakayakap pa rin sa kasintahan
Dale : Ma! Tumigil ka na puwede?! Boses mo na lang ang naririnig dito sa buong subdivision!! Concert lang yan!! Panoorin mo na lang sa "Friday's Best" ng U.T.O.T. Channel 3 ang concert na yan!! You're acting like a senile!!
Nabigla si Mrs Pokia.. Una ay sa ginawang pagtataas ng boses ng kanyang anak.. Ikalawa, ay ang pagkakayakap nito sa kanilang muchacha.. Sinoman ang makakakita sa ayos nina Dale at Tricia ay mabubuo ang konklusyon na may relasyon nga ang mga ito.
Mrs Pokia : Pinagtataasan mo na ako ng boses dahil lang sa babaing yan?! Dale, may namamagitan ba sa inyo ng babaing yan?! Yes or No?!!
Hindi kaagad nakasagot ang binatang tagapagmana ng POKIA CELLPHONES, INC.
Dale : You're crazy, Ma?! This is absurd!!
Matigas pa rin si Mrs Pokia.
Mrs Pokia : Yes?! Or No?!
Magsasalita na sana si Tricia para umamin pero naunahan na sya ng kasintahan.
Dale : Nooo!! Damn!!
Magsasalita pa sana ang ina ni Dale nang tumunog ang kanyang (Mrs Pokia) CP na asa kanyang mga kamay lang.. Gusto sanang balewalain ni Mrs Pokia pero naisip nyang baka importanteng message ito na may kinalaman sa kumpanya nila or mga business deals na pinasukan nito.. Tiningnan nito ang screen ng kanyang CP..
1 MMS RECEIVED
Agad nyang binuksan ito at nanlaki ang mga mata.. Dinig din nina Dale at Tricia ang sounds mula sa MMS na natanggap ni Mrs Pokia
"Wala akong makitang dahilan para hindi ka matanggap ni Mama, Tricia"
"Kelan ba natin ipapaalam sa kanya ang relasyon natin? Natatakot ako Dale sa maaari nyang gawin sa akin kapag nalantad ang ating relasyon"
"Kapag nakagraduate na ako, ipapaalam natin sa kanya.. Maiintindihan ako ni Mama.. Ginawa ko ang gusto nya.. Ang kumuha ng business course kahit labag ito sa kalooban ko.. It's my freedom naman na piliin ang babaing makakasama ko habambuhay at magiging ina ng aking mga magiging anak"
Hindi na tinapos ni Mrs Pokia ang video clip.. Sapat na sa kanya ang unang mga bahagi ng nasabing video clip para marealize kung ano'ng ugnayan ng kanyang anak at ng kanilang muchacha.. Sinugod nito si Tricia at pinagsasampal ito..
Mrs Pokia : Walanghiya kang babae ka!! Ambisyosa!! Isa ka lang tsimay!! Humanap ka ng kauri mo!!
Isinasalag naman ni Tricia ang mga kamay.. Nagsimula na itong umiyak..
Dale : Ma, tama na yan!!
Mrs Pokia : Tumahimik ka Dale! (Dinuro ang anak) Kailan mo pa ako niloloko?! Kailan nyo pa ako niloloko ha?! (Palitan ang pagduro sa magkasintahan)
Sa kinalalagyan naman ni Rustom ay wala itong pagsidlan ng kanyang kagalakan
Rustom : Wohohohoho! I wish malaman ni Tricia kung gaano kaganda kong plinano ang lahat!
SAAN HAHANTONG ANG PAG-IIBIGAN NINA DALE AT TRICIA?? ABANGAN ANG HULING 10 EPISODES.
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 25, 2010, 04:28:37 PM
141
Rustom : Yeah baby! Hakhakhakhak! Mapapalayas ka na ngayon, Tricia!! Masosolo ko na si Dale!! Bwahahahahahahaha!!
Sa may terrace naman ay hindi lingid kay Win ang nangyayari sa loob.. Kasalukuyan nitong binabalangkas sa isip ang kanyang "plano".. "Plano" na mag-aakyat sa kanya ng limpak-limpak na salapi.. Nadidistorbo lang ang kanyang ginagawang pagbalangkas sa kanyang "plano" ng kasalukuyang pagtutungayaw ni Mrs Pokia..
Win : Tsk tsk.. Kawawang Tricia.. Wala naman syang kasalanan para pag-initan ni Mrs Pokia.. Nagmahal lang sya.. Masyado lang kasing matapobre ang ginang.. Hahaist.. Nakakarelate ako sa kanya.. Gaya rin nya ako na nagmahal lang sa isang mayaman na si Eday.. Tsk tsk.. Teka nga? Bakit ba ako nakikisimpatiya sa kanya? Pakialam ko ba sa mga problema nila?? Ang dapat kong problemahin ay kung paano ko maiimplement bukas ang aking plano nang walang sabit..
Maya-maya ay natigilan ito.. Kanina pa nya napapansin ang isang owner-type jeep na ilang ulit nang padaan-daan sa harap ng bahay ng mga Pokia..
Win : Hmmm, diyata't asset ng pulisya ang mokong na ito ah? Kaninang umaga pa ito padaan-daan dito.. Nalintekan.. Natunugan yata nila na dito ako nakatira.. Tsk tsk.. Kailangan kong maging maingat..
Ang nagmamaneho ng owner-type jeep ay walang iba kundi ang NBI Director na si Jhaizee "Kidlat" Velasco..
Jhaizee : Kahit san ka magpunta ay masusundan ka namin.. Kung si Jason Ivler nga eh hindi nakaporma, ikaw pa kaya? Malapit ka na naming matimbog.. Humahanap lang kami ng tiyempo..
Nagdesisyon ang NBI Chief na lisanin na ang subdivision.. Buong araw na syang nagmanman kung kaya't nakaramdam na sya ng pagod at antok..
Jhaizee : Let's call it a day (Napahikab) Kailangan ko na ring magpahinga..
Asa may gate na sya ng subdivision nang namatayan sya ng makina.. At kahit ano'ng start nya dito eh hindi na talaga umandar ito.. Nahampas nya ang manibela..
Jhaizee : Ubeeeeerrrr!! Tumirik ako.. Nawalan na ako ng ga'as!
(Voiceover : Uber ka talaga Mr NBI.. Buong araw ka ba namang magtest drive sa subdivision eh hindi ka mauubusan ng ga'as.. Neeeexxxtttt!)
Sa bahay ng mga POKIA ay patuloy pa rin ang mga eksena..
Mrs Pokia : Napaka-ambisyosa mo!! Ilang ulit mo na akong inisahan in the past!! Sa gagawim ko sayo ngayon, sa funeraria ka na dadamputin!
Pinagsasampal nito ang umiiyak ng si Tricia..
Tricia : Madam, maawa na ho kayo! Huhuhu! Tama na ho! Patawarin nyo kami ni Dale sa ginawa naming paglilihim sa inyo! Maawa na ho kayo sa akin!
Mrs Pokia : Maawa?? Inisip mo ba yan bago ka kumerengkeng sa anak ko ha?!
Dale : Ma, puwede ba? Tumigil ka na?! Tumigil ka naaa!!!
Dinuro muli ni Mrs Pokia ang anak.
Mrs Pokia : Ikaw ang tumigil!! Wala ka pa sa hustong edad at ako ang nanay mo!! Kaya ako pa rin ang masusunod sa bahay na ito!!! (Bumaling kay Tricia na nakaduro) At ikaw na ambisyosang babae ka?! Sa tingin mo ba, matatanggap kita sa pamamahay na ito ha?! Hindi!! Hinding-hindi kita matatanggap sa pamilyang ito kahit kailan!! Hindi ko matatanggap ang isang labanderang kagaya mo!!
Medyo tumigas ang mukha ni Tricia.. Pakiramdam niya ay namanhid na ang kanyang buong pagkatao sa ginawang pananakit sa kanya ng amo.. Sinubukan nitong lumaban..
Tricia : Huwag nyo akong tatawaging labandera!! Hindi ako labandera!! I'm a LAUNDRYGIRL!! Naiintindihan nyo?!
Natigilan si Mrs Pokia.. Subalit saglit lang yun.. Muling bumalik ang dating bangis..
Mrs Pokia : Sumasagot ka pa ha?!! Halika nga rito!
Hinawakan nya sa buhok si Tricia at pilit na hinila ito papuntang laundry area.. Wala ring magawa si Dale dahil everytime na subukan nyang pigilan ang ina ay binabantaan sya nito sa pamamagitan ng pandidilat, at pagporma ng kamao na animo ay makikipagsuntukan..
Mrs Pokia : Huwag kang makikialam dito Dale!!
Dale : Ma, please..
Mrs Pokia : Shut... Up!!
Kaladkad pa rin ni Mrs Pokia si Tricia.. Helpless lang na nakatingin si Dale..
Tricia : Aray ko Madam! Nasasaktan ako..!
Mrs Pokia : Talagang masasaktan ka!
Asa laundry area na sila nang mga oras na iyon.. Agad inilublob ni Mrs Pokia sa washing machine na may banlawin pa..
Mrs Pokia : Bukas na bukas ay lalayas ka sa pamamahay na ito!! Pero bago ka lumayas ay labhan mo lahat ng labada sa bahay na ito!
At iniwan na ni Mrs Pokia ang dalaga.. At pilit na hinila ang anak.. Walang nagawa si Dale..
Inumpisahan nang maglaba ni Tricia.. Impit pa rin sa pag-iyak.. Manaka-naka ay pinupunasan nito ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata..
Habang umaandar ang washing machine ay sinabayan na nito nang pagkukusot ng mga de-kolor sa batya.. Nang biglang may naglanding na mga bunton ng mga damit sa kanyang batya.. Nag-angat sya ng paningin.. Nakita nya ang nakangiting-aso na mukha ni Rustom..
Rustom : Labhan mo na rin ang mga damit ko bago ka lumayas bukas.. Farewell to you, Laundrygirl!
Sabay alis.
Tricia : (Tumiim ang mukha at mahigpit ang hawak sa pinipigang isang T-shirt) Matitikman nila. . . ! Ang ganti. . . ! Ang poot. . . ! at galit!! Ng isang alipiiinnn!!
HMMM.. SANG SOAP KO BA TO NARINIG?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 25, 2010, 04:59:51 PM
hahahaha.. Uubbeeerrrrr!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 25, 2010, 08:40:12 PM
142
"Hahahaha! Amor Powers, ikaw ba yan??"
Napalingon si Tricia sa pinto kung saan nanggagaling ang tinig. Nakita nya roon si Win. Sincere itong nakangiti sa kanya.. Wari'y nakikisimpatiya sa kanya.. Isang genuine na ngiti rin ang sumilay sa mga labi ni Tricia na nauwi sa halakhak.
Tricia : Hahahahahaha!
Nakitawa na rin si Win at tuluyan na itong pumasok sa laundry area..
Win : Hahaha! Seryoso ka ba na maghìhiganti? Ano nga ulet yun? Ganti? Ng alipiiin! (Ginaya ang pagkakasabi ni Tricia)
Tricia : Syempre hindi noh.. Para lang akong napunta sa sitwasyon ni Amor Powers nun sa Payatas.. Kaya ayun, fineel ko lang yung moment na yun.. Haist.. Ano pa nga ba ang puwede kong gawin ngayon?? Eh di ang tumawa na lang..
Bagamat nakangiti si Tricia eh bakas pa rin sa mukha nito ang kanyang kalungkutan..
Win : Tama ka dyan.. Nakakarelate din ako sa yo..
Ewan ni Win pero natural na magaan ang loob nya sa dalaga.. Natagpuan nya ang sarili na ikinukuwento ang kanyang love story.. At nang matapos itong magkuwento...
Tricia : Ang ganda naman pala ng love story nyo.. Eh hindi ka na ba nag-attempt na hanapin si Aling Eday??
Win : Hindi ko na rin hinangad pang hanapin sya.. Baka may pamilya na rin siguro sya ngayon.. O sya maiwan na muna kita..
Tricia : A okay sige.. Tatapusin ko na rin itong mga labahin ko.. Hindi ko na hihintayin ang umaga para umalis sa bahay na ito..
Win : Eh saan ka tutuloy nyan?
Tricia : Bahala na.. Magaling naman akong dumiskarte eh..
Inumpisahang checkin ni Tricia ang mga di pa nababasang pants at shorts ni Dale na asa bandang ibabaw ng bunton ng kanyang mga labada gaya nang nakagawian nya kapag ipinaglalaba nya rin noon si Dale.. Nagpaalam na rin si Win sa dalaga.. Tumango si Tricia.
Tricia : Goodnight Win!
Ipinagpatuloy ni Tricia ang pagtsetsek-up sa mga bulsa ng pants at shorts ni Rustom..
Tricia : Hmmm, malinis ang mga bulsa ng mga damit ng baklitang yun ngayon ah?? Naging maingat na ata sya mula nang mabuking ko ang pagsusuot nya ng T-back na pambabae..
Maya-maya ay natigilan ito nang may makapang isang makapal na papel sa isa sa mga bulsa.. Dali-dali nya itong dinukot at halos mapahiyaw sya sa sobrang galak kung ano ang makapal na papel na kanyang nadukot.
Tricia : Ohmyenchong! Ang mga nawawala kong tickets!! Yes! Yes! Tenchu tenchu Lord!!
At dagli ring napalitan ang kanyang emosyon nang marealize kung saan nya natagpuan ang mga nawawalang Tickets..
Tricia : Rustoòommm!! Grrrrr! Makakalbo kitang baklita ka!!
Sa kuwarto naman ni Mrs Pokia ay masinsinang nag-uusap ang mag-ina..
Mrs Pokia : Ang hindi ko lang maintindihan sa yo, Dale eh kung bakit nagawa mong ilihim sa akin ang pakikipagrelasyon mo sa babaing yun!
Bagamat malumanay na ang tinig ni Mrs Pokia eh naroroon pa rin ang galit.
Dale : Ano ang kaibahan Ma kung noon at ngayon mo nalaman? Hindi ba magagalit ka rin?
Mrs Pokia : Natural! Dahil alam mong hindi ko mapapayagan ang inyong kahibangan!
Dale : Ma, naging masama ba akong anak sa yo?? Mula pagkabata ko eh ikaw na ang sinunod ko.. Kahit may mga pagkakataon na naramdaman kong I'm just your crowned-prince.. Just your heir.. And not your son.. All that matters to you eh ang company..
Medyo natahimik ang matanda dahil batid nyang medyo may katotohanan ang sinasabi ng kanyang anak.. Napansin iyon ni Dale kaya nagpatuloy ito sa kanyang litanya..
Dale : Lahat nang ginusto mo para sa akin eh sinunod ko.. Dahil ayon sa yo eh ito ang makakabuti sa akin.. 'Dale, gawin mo to.. Dale, huwag mong gagawin yan.. Dale ito ang isuot mo.. Dale, ready ka na ba sa pagtake-over sa POKIA Cellphones, Inc.. Dale! Dale! Puro na lang Dale!'.. Ngayon ko narerealize Ma.. Yung hindi mo nagawa kay Papa, sa akin mo ginagawa! Ma, kailangan mong malaman na may sarili akong pag-iisip!
Mrs Pokia : Hindi totoo yan!
Dale : Sinunod ko lahat ng gusto mo pero sa pagkakataong ito, ako! Eto! (Turo sa dibdib sa may tapat ng puso) Eto naman ang masusunod!
Mrs Pokia : Kung wala ka nang sasabihing maganda, maaari ka nang lumabas ng silid na ito..
Nagmakaawa si Dale..
Dale : Ma naman eh.. Please.. Just this òne.. Lahat gagawin ko huwag lang itong sa amin ni Tricia..
Ngunit bato na ata ang puso ng matanda.. Humiga na ito sa kama..
Mrs Pokia : Gusto ko nang magpahinga..
Walang nagawa si Dale.. Tahimik itong lumabas ng kuwarto ng ina..
Makalipas ang isang oras, may kumatok sa pinto ng silid ng matanda..
TOK! TOK! TOK!
Napilitang bumangon ang matanda.. Binuksan ang pinto at nandun si Tricia.. Napadako ang mga mata ng matanda sa isang travelling bag sa bandang paanan ng dalaga..
Tricia : Magpapaalam na ho sana ako.. Tapos ko na ho ang mga labada.. Hindi ko na ho hihintayin na abutin pa ako dito nang umaga..
Hindi na inantay ni Tricia na makapagsalita ang matanda.. Iniabot kaagad ang mga Tickets..
Tricia : Nakita ko na po ang mga Tickets.. Apat po lahat ito.. Ibibigay ko po lahat sa inyo..
Inabot ng matanda ang mga tickets..
Mrs Pokia : Pumasok ka rito.. Isara mo ang pinto..
Tumalima si Tricia.. Samantala sa kabilang kuwarto ni Dale eh hindi ito makatulog.. Lalo pa at panay ang kalabugan sa katabing kuwarto naman ni Rustom..
Dale : Ano bang meron sa kuwarto nya? Teka nga at macheck..
Bumangon si Dale at tinungo ang pinto..
ANO'NG MERON SA KUWARTO NI RUSTOM?
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 26, 2010, 07:51:27 AM
143
Sa kuwarto naman ni Rustom ay hindi ito magkandaugaga sa paghahanap sa ninakaw nyang mga tickets..
Rustom : Buset! Yawa! San ko ba inilagay yun? Hindi maaaring mawala ang mga iyon! Halos mamatay ako sa pandidiri, makuha ko lang ang mga tickets na yun!
Lahat ng drawers sa kuwartong iyon ay binuksan nya na.. Pati ang kanyang kabinet ay bukas lahat at ilan sa kanyang mga damit eh nakakalat na sa labas.. At ang huli nga ay ang kanyang kama, matapos nyang itagilid ito eh muli nyang ibinalik nang pabagsak sa dati nitong pagkakaayos kung kaya't nakalikha ito nang ingay na dahilan upang makagambala sa kabilang kuwarto ni Dale.. Sa kadesperaduhan ay napasigaw ito..
Rustom : Aaaaaahhh! Yawaaaa!
Sa labas ng kanyang kuwarto eh akmang kakatok na si Dale eh nagulat ito nang marinig ang hiyaw na nanggagaling mula sa kuwarto ng kababata.. Kaya imbes na kumatok ay binuksan nya na ito.. Nang mabuksan ito ay tumambad sa kanya ang magulong kuwarto ni Rustom na mistulang dinaanan ng ipo-ipo..
Dale : Hey tol! Ano'ng nangyayari dito?
Kasalukuyan noong naghahalughog si Rustom sa iba pang damit nya sa kabinet.. Wala sa loob na sinagot nya ang tanong ng kababata..
Rustom : Yung mga tickets nawawala! Hinahanap ko! Yawa!
Clueless naman si Dale sa sinabi ng kababata.. Bagamat parang may idea na rin sya..
Dale : Tickets? Nawawalan ka rin ng tickets? Tickets ba ito para sa concert ni Angel Meow?
Dale : Oo! Kinuha ko kaninang madaling araw sa ilalim ng underwear ni Tricia! Yawaaa!
Sa narinig ay para namang nakarinig ng bomba si Dale.. Unti-unti ay mistulang jigsaw puzzle na nabuo sa kanyang isipan ang misteryo nang pagkawala ng mga tickets na ipinagkatiwala nito sa kasintahan..
Sa kuwarto naman ni Mrs Pokia..
Mrs Pokia : Saan mo natagpuan ang mga nawawala mong tickets?
Tricia : Hindi na ho mahalaga yun.. Ayaw ko hong mandamay ng ibang tao..
Mrs Pokia : Buweno, sumunod ka sa akin sa library..
Nagpatiuna na ang matanda sa library na asa loob din ng kuwarto nya.. Dingding lang ang pagitan.. Sumunod si Tricia.. Iniwan ang kanyang travelling bag.. Nang makapasok na sya sa library eh nakaupo na sa kanyang study table ang matanda at kasalukuyang may sinusulatan ito sa isang maliit na pad ng makakapal na papel.. Pagkuway pinigtas ito saka iniabot kay Tricia.. Taka namang tinanggap ito ng dalaga.. Binasa..
Pay to CASH
2,000,000 pesos only
At hindi naman tanga ang dalaga para hindi malaman kung ano ang hawak nya..
Tricia : Madam, ang laki ho nito? Gaya ho nang sinabi ko sa inyo dati, hindi ho ako naghahangad nang anumang kapalit dyan sa mga tickets na ibinigay ko sa inyo..
Mrs Pokia : Hindi para sa mga tickets yan.. Para yan kay Dale..
Tricia : Ho? Hindi ko ho maintindihan..
Mrs Pokia : Kunin mo yan.. Kapalit ng paglayo mo sa anak ko.. Huwag ka nang magpapakita kahit kailan sa pamilyang ito!
Sa narinig ay naningkit ang mga mata ni Tricia.. Pagalit nyang ibinalibag sa mukha ng matanda ang tseke.. Parang balewala naman sa matanda ang ginawa ni Tricia.. Naglanding ang tseke sa ibabaw ng study table..
Tricia : With all your money and power Madam, you're a thing of pity! Hangga't hindi ka nagbabago, hangga't matigas ang puso mo, marami pang Triciang darating kay Dale!
Mrs Pokia : At kahit ilang Tricia pa ang dumating sa anak ko, nakahanda akong magbigay uli ng two million pesos..
Tricia : Kunin nyo na yang two million nyo dahil kung hindi ay --
Mrs Pokia : Pupunitin mo? Oh come on Tricia.. Tigilan mo na kasi ang panonood ng mga soap operas sa U.T.O.T. Channel 3! Maging practical ka! Magagamit mo ang halagang yan para makapag-aral ka! Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil inisip ko pa rin ang kinabukasan mo kahit trinaydor mo ako..
Tricia : Aalis na ho ako.. Maraming salamat ho sa pagkupkop nyo sa akin.. Tatanawin ko ho itong isang malaking utang na loob..
Pagkatapos nun ay lumabas na ng study table si Tricia.. Tuloy-tuloy na bumaba at lumabas ng bahay.. Sa kalsada, habang naglalakad at bitbit ang travelling bag, lumuluha si Tricia kasabay ng music background..
"...Ipaglalaban ko, sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig.. Upang di magkalayo.. Kailanman.. Pagkat ang tulad mo.. Ay minsan lang sa buhay ko.."
HULING PITONG EPISODES!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 26, 2010, 09:32:06 AM
144
Sa kuwarto naman ni Rustom... Mukhang natauhan ito... Medyo alanganin itong napatingin sa kababata...
Rustom : Tol........
Dale : Tama ba ang narinig ko? Ikaw ang nagnakaw sa mga tickets mula kay Tricia??
Rustom : Tol, Let me explain please... Huwag ka naman basta-basta magagalit oh...
Dale : I'll give you a minute... Speak up
Halata sa mukha ni Dale ang tinitimping galit...
Rustom : Tutal nabuking mo na... Magpapakatotoo na rin ako sa 'yo...
(Voiceover : Yeeeessss! Yeeeeesssss! Maglaladlad na sya... Neeeeeexxxtttttt!)
Rustom : Kinuha ko ang mga tickets para wala syang maiabot kay Tita...
Dale : Bakit?
Rustom : Para magalit si Tita sa kanya... Dale, hindi ko gusto ang babaing iyon para sa 'yo!
Dale : PAti ba naman ikaw? Bakit? Ano'ng kasalanan sa iyo ni Tricia?
Rustom : Hindi sya nararapat at nababagay para sa yo!
(Voiceover : Sabihin mo na kasi na may pagnanasa ka sa kababata mo.... Baka sakaling maintindihan ka pa nya... Neeeexxxxxtttt!)
Rustom : Ang bagay sa yo ay yung.......
(Voiceover : Yung??? Come obn, spill it... Spill it! Neeeexxxxtttttttt!)
Rustom : Yung kauri mo... Isang babaeng may pinag-aralan... Isang babaeng mayaman at kilala ang angkan sa lipunan!
(Voiceover : Boooooooooooooo!!!! Neeeeexxxtttttttttt!!!!)
Hindi makapagsalita sa Dale sa narinig.... Hindi nya akalain na puro kaplastikan lang pala ang ipinakita ng kababata sa kanyang kasintahan... Nang napansin nito ang nakabukas na laptop ni Rustom sa ibabawa ng tokador.... Andun, nageestream ang video nila ni Tricia na natanggap ng kanyang ina kanina lamang... Dahilan upang malantad ang kanilang relasyon... Lumapit ito at hindi makapaniwala sa nakitang video clip nila ng kasintahan...
Dale : Pati ba ito? Ikaw din ba ang nagpadala kay Mama ng videoclip?
Sabay tingin uli sa monitor ng laptop... Sa pagkakakuha ng video ay mahahahalatang palihim ito nang kung sinoman ang kumukuha ng shot.... Lumapit si Rustom sa kababata...
Rustom : Dale, let me explain....
Sapat na ang sinabing iyon ni Rustom upang magdilim ang paningin ni Dale... At iyong pagharap nyang iyon ay isang straight ang pinakawalan nito...
BOOOOGGGG!!!!
Sapol sa pagitan ng kanyang mga mata si Rustom... Bagsak ito sa sahig at parang ang mga bituin sa kalangitan (na madalas na tinitingala ni Mentoscandy) ay lumipat sa kanyang ulo... Nagmukha tuloy halo ng anghel ang mga star na kasalukuyang umiikot sa itaas ng ulo ni Rustom sanhi ng pagkakasuntok sa kanya ni Dale...
Rustom : Araguy! Huhuhuhu!!! Ang sakit!!! Huhuhuhu!!! Mama, uuwi na ako dyan sa Cebu!!! Huhuhuhuhu!
Akmang tatadyakan pa ni Dale ang kabababata...
Rustom : Huwwwwaaaahhhh!!! Tama na Dale... Huhuhuhu!!! Patawarin mo ako!!! Huhuhuhu!!! Mahal kasi kita kayo ko nagawa yun...
Inihaharang ni Rustom ang kanyang mga kamay sa nakaambang pag-atake ni Dale... Natigilan si Dale sa sinabi ng kababata...
Rustom : Oo Dale!!! Mahal kita hindi bilang isang kababata kundi kagaya ng pagmamahal na ibinibigay mo kay Tricia!!! Kaya ko nagawa ang lahat ng ito!!! Huhuhuhu!!! Mula pagkabata pa natin eh inalagaan ko na sa puso ko ang damdamin na yan!!!! Huhuhuhu!
Natadyakan ng di oras ni Dale ang isang paa ng kama ni Rustom... Madilim ang mukha nitong tumalikod... Lumabas ng kuwarto... Malakas na isinara ang pinto...
BLAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGG!!!
Sa sobrang lakas ay natanggal ang seradura...
Rustom : Huhuhuhuhu!!! Ngayon, sana naiintindihan mo na kung bakit ko yun nagawa... Mahal kita, Dale!!!!! Huhuhuhuhuhu!
Samantala, palabas na ng subdivision si Tricia nang nakasalubong nya si BJ na kagagaling lang nagmami sa tapsihan nina Al...
BJ : Hey Miss, excuse me... Parang kilala kita...
Napansin ni BJ ang mga dala-dala nito... Napatingin ang dalaga sa binata (?)
Tricia : Ah oo... Kaw yung may-ari nung computer shop di ba?
Napangiti si BJ
BJ : Mabuti naman at naalala mo pa... Teka, saan ka pupunta? Gabi na ah? At bakit parang nag-alsa balutan ka?
Alanganin si Tricia kung sasagutin ang tanong ni BJ... Sa huli ay pinili nitong ikuwento ang nangyari sa kaniyang pinagsisilbihang pamilya... Naawa si BJ after na magkwento ng dalaga...
BJ : Awtsss... Sorry to hear that... Naku, Tricia, delijkado na sa mga oras na ito... Mabuti pa, dun ka na lang muna tumuloy kina tatay...
Tricia : Naku, nakakahiya naman ata sa Tatay mo...
BJ : Naku ayus lang yun...
Saka pinara ang paparating na taxi na minamaneho ni Al
(Voiceover : Si Al lang ba ang may taxi sa palabas na ito? Ubbbeeeerrrrr.... Neeeexxxxtttttt!!!)
Huminto ang taxi...
BJ : Halika na....
Ipinagbukas pa sua ng pinto ni BJ... Minabuti ni Tricia na pumasok na ng taxi kesa naman yung magbakasakali pa sya sa labas ng subdivision... Baka mapagtripan pa sya ng mga lasenggo't adik... Nang makapasok ang dalaga ay sumunod na pumasok si BJ... Sinabi sa driver ang destinasyon saka humarurot ang sasakyan...
KINAUMAGAHAN....
Walang imikang nag-aalmusal ang mag-inang Pokia... Tanging ang pingkian ng mag kubyertos at china ware lang ang maririnig... Pumasok si Rustom, may dalang maleta at nakasukbit ang backpack nito... Sabay na napatingin sa kanya ang mag-ina...
Rustom : Gusto ko lang ho ipaalam sa inyo na uuwi na ho ako ng Cebu.....
Sa Helterbrand's beauty salon naman eh nakatagpo na ng bagong pagsisilbihan si Tricia... Nagluluto ito sa may kitchen habang si Ursula naman ay may kausap sa landline... Ang may-ari ng salon ay kasalukuyang nagtsetsek ng mga accounts... Binabadyet ang kakarampot na lamang ng kaha niya... Binabadyet ang babayaran sa NAWASA at sa MERALCO...
Isang hindi inaasahang bisita ang dumating...
Sharmaine : Kumusta ka na Mang Jay?
MAY CONFRONTATION KAYANG MAGAGANAP?
- - Itutuloy --
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 26, 2010, 12:07:08 PM
145
Hindi namukhaan ni Jay ang bagong-dating na panauhin.. Napalabas nang di-oras mula sa counter si Jay.. Nilapitan si Sharmaine at sinipat ang upcoming singer..
Jay : Ahmm I guess hindi kita kilala pero medyo may familiar sa 'yo.. I guess nakita na kita somewhere pero hindi ko na lang maalala.. Have we met before in the past?
Natawa nang may pagkasarkastiko si Sharmaine.. Pinasadahan nito nang tingin ang kabuuan ng salon ni Jay..
Sharmaine : May memory gap ka na siguro.. Isa lang ang ibig sabihin nun, tumatanda ka na, Mr. Helterbrand!
Inikot ni Sharmaine ang kabuuan ng salon.. Nang mapatapat ito sa isang upuan ay kanyang hinaplos ang medyo kinakalawang nang arm rest nito..
Sharmaine : Tsk tsk.. Hindi ba natetetano ang mga customers mo dito? Ouch.. Let me rephrase it.. May pumapasok pa bang customer dito??
Nahigingan ni Jay na may hinanakit ang kanyang unwanted visitor.. Natutunugan niya iyon base sa pagkakabitaw ng mga salita nito.. Napahinto naman sa kanyang pakikipag-usap si Ursula sa telepono nang mapatapat sa kanya si Sharmaine.. Halatang nagandahan ang baklita..
Ursula : Artista ka ba? Parang nakita kasi kita nung isang linggo sa Hotseat ng U.T.O.T. Channel 3..
Hindi sinagot ni Sharmaine ang tanong ng baklita.. Ipinagpatuloy ang animo'y pag-iinspeksyon sa salon..
Sharmaine : Balita ko, ito na lang ang natitirang branch ng iyong salon mula sa mahigit isang daan dito at sa ibang bansa..
Pakiramdam naman ni Jay ay may isang damdamin sa kanyang kalooban na nagbabadyang sumabog anumang oras..
Sharmaine : This salon is the best example of the popular word "karma".. Ohh haha..
Para namang nainsulto si Jay sa huling sinabi ni Sharmaine..
Jay : Sino ka bang talaga?!
Para namang walang narinig si Sharmaine..
Sharmaine : And I heard, your wife dropped you like a hot potato?? That was a double-edged sword dropped onto your stupid head!!
Nagsimulang kumulo ang kung ano mang nararamdaman ni Jay nang mga sandaling iyon..
Jay : Kung wala kang kailangan dito sa aming salon ay makakaalis ka na!
Nakumpleto ni Sharmaine ang ginawang pag-ikot sa salon.. Humarap sya kay Jay..
Sharmaine : Huwag kang mag-alala.. Aalis na rin ako.. I came just to give you this..
Sabay abot ng dalawang complimentary tickets kay Jay.. Tickets iyon para sa concert ni Angel Meow.. Kinuha ni Jay ang mga tickets at pahapyaw na binasa ang mga detalyeng nakaimprenta doon..
Sharmaine : Guest ako dyan sa concert na yan.. Ako si Sharmaine.. Ang nilait-lait mo noon! Ang inalipusta't pinagsalitaan mo nang masasakit noon! Sa pamamagitan man lang ng tickets na iyan ay maipamukha ko sa yo na ang tinapak-tapakan mo dati ay nag-uumpisa nang pumaimbulog sa kalangitan!!
Gulat na napatingin si Jay sa kausap..
Jay : Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Sharmaine.. Wala akong matandaan na inagrabyado ko..
Sharmaine : Ah talaga?! Oo nga pala, hindi mo na nga matatandaan dahil ang batang si CHIC noon ay matagal mo nang binura sa isip mo! Na ayon pa sa yo ay hindi nararapat na maging parte ng pamilya mo! Oo, Mr. Helterbrand! Ako si CHIC!
Gulat na gulat na napatingin sa mukha ng kanyang kausap si Jay..
Samantala kina Dale naman eh naipaliwanag na ni Rustom kay Mrs Pokia ang pagkakadiskubre ng binatang heredero sa kanyang mga kasalanan dito.. At mukhang sa binatang (?) Cebuano pa pumapanig ang matanda..
Mrs Pokia : You did the right thing iho.. Ako ang masusunod sa bahay na ito kaya you stay!
Hindi nagustuhan ni Dale ang narinig.. Wala itong balak makipagtalo sa ina kaya tumayo na lang ito sa hapag-kainan..
Dale : Excuse me..!
At padarag na inilapag ang napkin na ginamit sa pagpunas sa bibig saka binanatan ng alis..
Rustom : Tita, nakapagdesisyon na ho ako.. Huwag ho kayong mag-alala, ako na ho ang bahalang mag-explain kay Mama..
Napatayo ang matanda at maluha-luhang napayakap kay Rustom..
Mrs Pokia : Oh Rustico Tomas, mamimiss kita.. (Impit na napapaiyak)
Rustom : It's Thomas.. Not Tomas.. Sige Tita.. I really need to go..
Mrs Pokia : Teka at ipapahatid na kita kay Dale.. Sabado naman ngayon.. Wala syang pasok..
Rustom : Huwag na ho Tita.. Nakakuha na ho ng taxi si Win..
(Voiceover : Oh pustahan? Taxi na naman ni Al yang sasakyan ni Win..? Ubeeeeerrr!! Neeeeexxxxttt!!)
Maya-maya pa ay naikarga na ni Win ang mga bagahe ni Rustom sa Taxi ni... Oo na! Taxi ni Al.. Matapos sumenyas ni Rustom kay Al ay agad nyang binalikan si Dale sa terrace na kasalukuyang nagbabasa ng isang sports magazine..
Rustom : Dale, hihingi lang ako ng paumanhin sa ginawa ko.. Hindi ko na hahangarin pa na bumalik yung dati lalo pa't alam mo na ang tunay kong nararamdaman para sa yo pero sana lang mapatawad mo ako.. Welcome ka pa rin sa Cebu kahit binigyan mo ako ng ube dito sa pagitan ng mga mata ko..
BEEP! BEEP!
Napalingon si Rustom sa taxi..
(Voiceover : Walanjo naman, mukhang nagmamadali na nga ata ang palabas na ito eh nagmamadali na rin si Al.. Ubeeeerrrr! Neeeeexxtt!)
Direktor : (Lumitaw sa eksena) Ikaw voiceover ang puro neeeeexttt nang neeeexxxtt dyan! Ubeeeerrr!
(Mawawala sa eksena ang direktor)
Rustom : Paalam, Dale..
Saka tumalikod at tinungo ang taxi na umiiyak na may music background na :
"Ayoko sana.. Na ikaw ay mawawala.. Mawawasak lamang ang aking mundo oohh oohh.. Ngunit ano'ng magagawa, kung talagang ayaw mo na.. Sino ba naman ako para pigilin ka.. Lumayo ka man ay maiiwan ang bakas ng ating pagmamahalan..
(Voiceover : Boooo! Dun yan sa thread ni Aerron! Neeexxxtt!)
Sa Helterbrand's Beauty Salon. . .
Jay : Chic?? Is that you?? Come and give me a hug!!
Napapangiti na si Jay samantalang ang nangbabadtrip na si Sharmaine na ngayon ang mukhang nababadtrip na..
Sharmaine : Oo! Ako nga si Chic! Ang inalipusta mo noon!! Ang sinabihan mo ng "You're just a face!" sa harap mismo ng mga anak mong sina Maggie at BJ!!
Lalo nang bumulanghit ng tawa si Jay.
Jay : Bwahahahahahahahahaha!
BAKIT KAYA? NAKAKALOKO NAMAN NA ITO..
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 26, 2010, 08:12:21 PM
146
Hindi makapaniwala si Sharmaine na ganun lang ang naging reaksyon ng taong may pinakamalaking kasalanan sa kanya..
Sharmaine : Ang kapal naman ng mukha mong tumawa pa? Pagkatapos nang lahat nang sinabi mo sa akin in the past?!
Lalo nang tumawa si Jay.
Jay : Hahahahahahahahaha!
Sharmaine : Nakakaloko ka na ha? Hindi ka na nakakatuwa!
Jay : Eh ano naman ang gusto mong gawin ko? Magluksa? Eh sa natatawa talaga ako eh..
Sharmaine : Nakakatawa ba yung nilait-lait mo ako in the past?!
Jay : Okay, past na nga iyon.. Now let me ask you Chic kung ano ang ginagawa nyo nina BJ at Magz nung kamo eh "nilait-lait" kita?( Pinipigil ang tawa )
Nag-isip nang ilang saglit si Sharmaine.. Saka sumagot..
Sharmaine : Nagbabahay-bayan kami nung nilait-lait mo ako! Nung sinabihan mo ako ng "You're just a face!"
Amused na nagtanong uli si Jay..
Jay : At ilang taon nga kayong dalawa ni BJ nung nagbabahay-bahayan pa kayo?
Saglit na nag-isip saka palaban na sumagot..
Sharmaine : 5 years old si BJ at 3 years old naman ako!
Muli ay tumawa si Jay.. Nagtanong uli
Jay : At sino nga ang kunyari ay tatay nyo sa bahay-bahayan nyong yun noon??
Nag-isip uli si Sharmaine.. At nang sumagot ay medyo kimi na ito at nabawasan ang hostilidad sa boses nito..
Sharmaine : Ka-kayo ho (Sabay yuko)
Jay : See, we're just playing lang nun.. Chic, mga bata pa kaya nun.. Bahay-bahayan lang yun at hindi mo dapat dinibdib.. Haha.
Nang mag-angat ng mukha si Sharmaine, halong pagtatampo at pagkainis na lang ang mababakas sa napakagandang mukha nito..
Sharmaine : Eh kasi naman kayo eh! (Hikbi) Ayaw kayong isali ni BJ noon pero nakikisali pa rin kayo.. Nakikibata pa kayo sa amin tapos sinabihan nyo pa ako nang mga ganung bagay.. (Hikbi)
Jay : (Inakap ang dalaga) Ssssh tahan na.. Huwag mo nang dibdibin yun.. Okay sorry kung nasaktan pala kita sa pakikipaglaro kong yun.. Di ko akalain na seseryosohin mo.. Ganun kasi ako sa mga anak ko.. Kung kailangang makibata, gagawin ko.. Kung kailangang makipagkulitan, go! Ayokong magkaroòn ng barrier sa pagitan namin ng mga anak ko.. Naniniwala kasi ako na sa ganung paraan eh mapapalapit lalo sa akin ang mga anak ko at hindi sila makakaisip ng kalokohan pag nagdalaga't nagbinata na sila.. Na nagkatotoo naman.. Kaya I'm proud of them..
Medyo childish pa rin si Sharmaine.. Nakasubsob pa rin ito sa dibdib ng Tatay ng pinakamalapit na lalaki sa buhay nya ngayon..
Sharmaine : Pero sinaktan nyo pa rin ako.. (Hikbi) Hindi ho ako napalapit sa inyo gaya ng mga anak nyo (Hikbi)
Inialis ni Jay ang ulo ni Sharmaine mula sa pagkakasubsob sa kanyang dibdib at hinawakan sa magkabilang pisngi ang dalaga.. Eye to eye ang dalawa..
Jay : Ano ka bang bata ka? Tingnan mo nga ang naging epekto ng "panlalait" ko sa yo? Isa ka nang celebrity.. Naging motivation mo yung negative feelings mo sa akin para abutin ang iyòng mga pangarap.. Kung nasaktan pala kita dati, I'm sorry.. And I'm proud of you, anak???
Sa sinabing yun ni Jay ay tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Sharmaine.. Maagap namang pinahid iyon ni Jay sa pamamagitan ng mga daliri..
Jay : Sssh.. That's enough.. May performance ka pa mamayang gabi.. Baka mamaos ka pa nyan.. Come, let's have some nice cup of coffee sa kitchen.. Ipapakilala kita kay Tricia.. May similarity kayo na di ko mapinpoint.. I assure you, you'll gonna like her..
At hindi nga nagkamali si Jay.. Nang asa kitchen na sila ay magkasundo agad ang dalawang dalaga.. Parang magkapatid na nawalay sa isa't isa.. Hindi rin maipaliwanag ni Sharmaine ang nararamdaman.. Magaan ang pakiramdam nya kay Tricia at ganun din si Tricia kay Sharmaine.. Makalipas ng ilang sandali ay inihatid na nina Jay at Tricia sa labas si Sharmaine..
Jay : Goodluck iha mamaya!
Sharmaine : Huwag ho kayong mawawalang dalawa ni Tricia mamaya.. Hey girl, pag nakaluwag ako sa schedule ko, gimik tayo..
Nakangiting tumango si Tricia..
. . . . . . . . . .
TÒNIGHT AT THE BIG DOME..
"To All the Girls I've Loved Before"
ANGEL MEOW'S FIRST CONCERT IN THE PHILIPPINES
Eto ang sinasabi sa (Di ko alam ang tawag dito) may bandang taas sa may bulwagan ng Araneta Coliseum..
Dagsa na ang manonood mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay.. Maingay na rin sa parteng iyon ng Cubao, Quezon City..
HUWAG NA HUWAG BIBITAW SA NALALABING HULING APAT NA EPISODES
- - Itutuloy - -
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 26, 2010, 08:17:34 PM
Hahaha nice twist
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 26, 2010, 08:43:40 PM
nakakawala ng pagod.. hehe.
Next..! (by kidlat)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 26, 2010, 08:46:39 PM
Direktor : Pack up na kami.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: jannaerron on September 26, 2010, 09:01:55 PM
.. ayos..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 26, 2010, 09:08:58 PM
Napanood ko natoh sa pirated eh.. Hahahaha.. Pero iba parin pag blu ray.. Ang galing..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on September 26, 2010, 09:48:23 PM
lanya paantok nako naalis antok ko sa katatawa.. nice
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 09:18:36 AM
147
At pagpatak ng eksakto alas otso ng (syempre, gabi), ay nag-umpisa na ang concert.. Kung igagala ang paningin sa buong venue ay mapapagtantong isang big success ang concert dahil hindi mahulugang karayom ang tao.
Pagkatapos na pagkatapos ng pagkanta ng natiònal anthem na pinangunahan ni CHAROSCALDO PENGPENGMO ay naglinawag ang entablado at inilantad ng mga ilaw sa big dome ang performance ng 1st grand winner ng Showkietime : Ang "SB GAY SON".. Sa una ay sumasayaw ang mga ito nang maangas at may chant pa "Kaliwa!.... Kaliwa!... Kaliwa!... Kanan!!... Kaliwa! Kanan! Kaliwa! Kanan! Kaliwa!" Lalaking-lalaki talaga ang itsura ng mga ito bagamat nakabra lahat sila at boxer shorts na napapaibabawan ng half slip..
Pagkatapos sumayaw ay may lumitaw na alambre sa magkabilang dulo ng entablado na ang dalawang dulo ng alambre ay nakapulupot sa tainga ng dalawang members ng SB GAY SON at mula sa kung saan ay lumitaw pa ang isang member, tumalon at presto! Tumutulay na ito sa alambre habang nagtetext!
Pinapakita pa sa giant LCD screen na matatagpuan mismo sa pinakasentrong likod (Pinakapartition bale na naghihiwalay sa stage at backstage) na nagtetext talaga ang member ng SB GAY SON habang tumutulay sa alambre.. Hiyawan ang mga manood mula patron hanggang gallery.. Sa kinauupuan ng mag-inang Dale sa may patron side ay naaliw ang matanda habang blangko naman ang ekspresyon ng mukha nito..
Pagkatapos ng part na iyon ay lumambot ang SB GAY SON.. Lumabas ang tunay na kulay ng mga ito habang nagsasayaw sa saliw ng kantang may opening lyrics na "Babae po ako.. Mali ka dyan sa inaakala mo.. Di ako clone.. Lalong di ako isang ilusyon"
Hiyawan ang mga manonood.. Sa kinauupuan nina Jay at Tricia ay abot tenga ang mga ngiti nila.. Pansamantalang nakalimutan ang mga personal na problema nila.. Kay Jay ay ang annulment papers nila ng asawa habang kay Tricia naman ay ang pagkakalayo nila ni Dale..
"Di ako bakla, kla kla kla kla kla.. Di ako shokla kla kla kla kla kla.. Nililinlang ko lang ang iyong paningin, babae po ako"
At pagkatapos ng kanilang performance ay umentra naman ang bagong grupo na sumasayaw sa saliw ng kantang "Bad Romance"... Batid nila na live ang kanta pero di nila makita kung nasaan ang kumakanta.. At mula sa gallery ay lumitaw ang nagmamay-ari ng boses na si Sharmaine na nakaharness.. From gallery ay diretso ito sa stage.. Pagkalapag ng stage ay dalawa sa mga back-up dancers ang nagtanggal ng harness..
Sa front row ng lowerbox kung saan nakaupo sina BJ at Angie ay napanganga ang binata (Walang question mark this time).. Muli ay parang ninakaw ng napeperform sa entablado ang kanyang puso..Bagay na napansin ni Angie.. Napasimangot lang ito..
After magperform ng isang song & dancer number ay isang love song naman ang binanatan ni Sharmaine.. "I'll Never Get Over You" ang title.. Nang asa chorus na ito ay napadako ang tingin nya sa kinauupuan ni BJ.. Bagamat may kalayuan ay batid nyang si BJ iyon.. Medyo naapektuhan ang fast-rising singer pero di ito nawala sa ginagawang pagperform..
"And as long as the stars shine down from the heaven.. As long as the rivers run to the sea.. I'll never get over you, getting over me."
At sa pag-ulit nya sa parteng chorus ay talagang nakipagtitigan na sa kanya si BJ dahilan para hindi nya ma-hit ang huling note ng kanta.. Nakaramdam ng pagkapahiya si Sharmaine sa audience kung kaya't agad nyang nilisan ang stage.. Bagay na ipinagtaka ng audience..
Asa gallery that time si Win na hindi nag-eenjoy.. Asa pinaplanòng pagpapayaman sa sarili ang kanyang kamalayan.. Lumabas sandali ito at pumunta ng CR.. Nagdial ito sa kanyang CP..
Win : Hello?! Alam mo na ang gagawin mo mamaya.. Ayokong sumablay tayo..
Sa parking lot naman ng Big Dome ay asa loob ng isang volkswagen ang kausap ni Win..
"Areglado Boss! Basta 50-50 ang hatian natin ha?" Ang sabi nito na hawak sa kaliwang kamay ang picture ng taong mag-aakyat sa kanila ng limpak-limpak na milyones..
Nagpatuloy ang concert.. Hindi magkamayaw ang mga manonood everytime magpeperform si Angel Meow kasehodang hindi nila naiintindihan ang lyrics ng kanta.. At sa finale, binanatan ng China's Singing Sensation ang halong version ng Chinese, English at Tagalog ng "To All The Girls I've Loved Before"..
Parang teenager sa kanyang kinauupuan ang matandang Pokia.. Tumayo na ang hindi rin nag-eenjoy na si Dale.. Bumulong ito sa ina..
Dale : Mauna na ako sa yo Ma.. Hintayin na lang kita sa parking lot..
Wala sa loob na tumango ang matanda.. Nakafocus pa rin ang attention sa kumakantang si Angel Meow..
Tuluyan nang nilisan ni Dale ang venue at nang makarating ito sa kanyang Everest ay ininsert ang susi sa may pinto sa may bandang puwesto ng driver.. Maya-maya ay may umakbay sa kanyang lalaki sabay tutok sa tagiliran nya ng baril..
"Sumama ka sa akin nang maayos kung ayaw mo'ng taniman ko ng bala ang loob ng tiyan mo!"
Nagulat si Dale sa lalaking umakbay sa kanya't nanutok ng baril.. Ang lalaki ay walang iba kundi ang kausap ni Win kanina!
TUMUTOK NA RIN KAYO SA HULING TATLONG EPISODES!
- - Itutuloy - -
Title: :) pROXY FOR FB!.
Post by: bh0nji21 on September 27, 2010, 09:55:51 AM
Hanla bat ganun?!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 12:35:18 PM
148
"Dadalhin kita ngayon dun sa may volkswagen ko" sabay turo sa sasakyan na nasa di kalayuan "Huwag na huwag kang magpapahalata dahil kung hindi ay hindi rin ako magdadalawang-isip na kalbitin ito" Lalo pang idiniin ang dulo ng baril sa tagiliran ng binatang heredero..
Bagama't medyo kinakabahan si Dale ay pinanatili nito ang kanyang senses.. Sa kanyang kalagayan ngayon, naisip nyang walang ibang makakatulong sa kanya kundi ang kanyang sarili.. Pumasok sa isip nya na lansihin ang lalaking nakaakbay sa kanya at inaakay na sya papunta sa kinaroroonan ng Volkswagen..
Jay : Sino'ng nag-utos sa yo para gawin ito? I'm sure malaki ang ibinayad sa iyo.. Baka kaya kong tumbasan.. O baka triple pa..
"Napanood ko na yan Dale Pokia sa mga pelikula.. Huwag mo na akong lansihin pa!"
Dale : Hindi ako nagbibiro.. Pero binabalaan kita, sa prestige ng kumpanya namin, at sa power nito, kapag natimbog ka, kayo ng mga kasama mo, sisiguraduhin kong lethal injection ang magiging katapat ninyo.. At kahit mapatay nyo ako, andyan ang Mama ko para lalo kayong maidiin.. Gusto mo ba yun? Kaya kung ako sa yo, mag-isip isip ka na..
Kalmado na si Dale nang mga sandaling iyon dahil nakita nya sa mukha ng lalaki ang bahagyang takot. Isa- isa na ring naglalabasan ang mga tao.. Palatandaan na tapos na ang concert.. Nakarating sila sa Volkswagen.. Marahas na itinulak ng lalaki si Dale sa tabi ng driver's seat at pagkabagsak na pagkabagsak nya sa upuan ay may humawak sa kanyang kamay at sapilitang pinosasan saka ikinabit ang other half ng posas sa may manibela.. Napatingin si Dale sa taong nakaupo sa driver's seat nagposas sa kanya.. Hindi makapaniwala si Dale.
Dale : Winnn??
Win : Ako nga Dale.. Kumusta?
Biglang sumabat ang lalaking nagdala kay Dale sa kanya sa sasakyan.
"Boss Win! Ayoko na! Out na ako dyan! Ayoko malethal injection! Bye!"
Nagulat si Win sa ginawang pagbaligtad ng kasama.. Lumabas ng sasakyan si Win. Nagbilin pa ito kay Dale.
Win : Huwag kang aalis dyan!
Dale : Sa kalagayan ko bang ito, makakaalis ako? Hello??
Saka hinabol ni Win ang papalayong lalaki..
Win : Hoy hintay!!
Waring bingi na ang lalaki.. Ayaw nyang magpaabot kay Win dahil baka itumba sya nito dahil sa kanyang pagbaligtad kapag naabutan sya nito.. Papunta na sa may direksyon ng EDSA ang lalaki, sa may pagitan ng Farmer's Wet Market at Farmer's Department Store.
Win : Hoy! Akina yang baril ko! Isoli mo muna!
(Voiceover : Huh? Iisa ang baril? Bòooo! Neeeeexxt!)
Sinamantala ni Dale ang pagkakataon.. Humanap ito ng paraan upang matanggal ang pagkakaposas.. Gamit ang isang free hand (Kanan) ay kanyang dinukot ang kanyang Swiss Knife at inumpisahang kalikutin ang posas..
Sa dalawang naghahabulan naman, nakita ng lalaki ang kumpol ng mga taong galing sa concert.. Naglalakad ang mga ito papunta sa direksyon ng Aurora Boulevard.. Bago makihalo sa mga ito ay iniitsa ng lalaki ang baril kay Win saka nakihalo sa kumpol ng mga naglalakad na tao..
"Ayus! Kung may plano syang barilin ako eh hanapin nya ako dito sa kumpol! Hahaha!"
Maagap namang nasalo ni Win ang baril.. Plano nyang magpaputok ng warning shot para mahawi ang kumpol ng tao pero nagdalawang isip sya..
Win : Si Dale! Si Dale ang importante!
Saka bumaling sa pinanggalingan.. Lakad-takbo ang ginawa nito..
Sa kinaroroònan naman ni Dale ay hindi na to magkandaugaga sa pagkalikot sa posas..
Dale : Oh come on! Come òn! (Hinga nang malalim) Relax, Dale.. Inhale, exhale.. Kaya mo yan.. Para san pa yung mga natutunan mo nung boyscout ka pa kung posas lang eh di mo pa makalas?
Marami nang tao sa parking lot.. Si Mrs Pokia naman eh palinga-linga that time.. Hinahanap ang anak..
Mrs Pokia : Asan ba yung batang yun? Teka nga at matawagan..(Dinukot ang CP sa bag saka idinial ang # ni Dale)
Sa kinaroroonan ni Dale.
Riing! Riing!
Asa bulsa ni Dale ang CP nya.
Dale : Damn! Not now! Istorbo! Mamaya ka na tumawag! Damn!
Nakailang dial si Mrs Pokia pero hindi pa rin sinasagot ni Dale.. Nagsawa ang matanda.. Iginala ang paningin sa paligid.. Marami pa ring taong papunta na sa iba't ibang direksyon.. May papunta sa kani-kanilang mga sariling sasakyan sa parking lot,.. May mga papunta rin sa direksyon ng EDSA-MRT.. Ang grupo naman ng mga kababayan ni Mentoscandy ay papunta sa direksyon ng sakayan ng jeep patungong Rizal.. Dun din sa sakayan ng pa-Crame papunta ang mga katsokaran ni Direk.
Dale : Ahhh! Makisama ka naman!! Holy sh.it!!
Makalipas ang ilang sandali, ay na-unlock din ni Dale ang posas!
Dale : Yes!! (Dali-daling lumabas)
Nakita nya ang ina sa tabi ng Everest..
Dale : Ma!!
Napalingon ang matanda..
Mrs Pokia : Dale??
Mga 10 meters ang agwat nila sa isa't isa.. Sa pagitan nila ay mga taong naglalakad pa rin.. Akmang tatakbo si Dale papunta sa ina nang sumulpot sa harap nya si Win na nakatutok ang baril sa tapat ng noo nya..
Win : San ka pupunta? Kung sa tingin mo eh mas mabilis kang makakarating sa iyong ina kaysa sa bala ng baril na ito, go, Dale Pokia!
Dale : Anong kasalanan namin sayo Win? Bakit mo to ginagawa?!
Win : Wala naman Dale.. Ang naging kasalanan mo lang eh naging mayaman ka.. Hindi ka naman masasaktan eh basta makisama ka lang.. Kikidnapin lang kita saka ipatutubos sa iyong ina ng 10 million pesos! Chicken lang sa inyo yun!
Agad sumigaw si Dale upang makahingi ng saklolo.
Dale : Tuloonng! Kikidnapin ako!! Maaa!
Sa isang iglap ay bìhag na uli ni Win si Dale.. Nakapulupot ang kanang kamay ng kanyang abductor sa leeg ni Dale habang ang kaliwang kamay na may hawak na baril ay nakatutok sa sentido ni Dale.. Nakaagaw ng atensyon ang dalawa.. Kanya-kanyang pulasan ang mga tao.. Sa di kalayuan ay nakita ni Tricia ang nagaganap..
Tricia : Dale! Ohmyenchong! Hindi!
Galit na sumugod si Mrs Pokia.
Mrs Pokia : Walanghiya ka Win TheRamAss!! Isa kang traidor!
Win : Hanggang dyan ka lang Mrs Pokia!! Hindi ako mangingiming pasabugin ang coconut shell ng anak mo!! Or uunahin kita kung gusto mo kapag lumapit ka!
Pero parang balewala kay Mrs Pokia ang sinabi ni Win..Sumugod pa rin ito!
Mrs Pokia : Hindi ako natatakot sa yo!!
Itinutok ni Win ang baril sa matanda saka kinalabit ito.. Mula sa kawalan ay sumulpot si Tricia.. Naiharang ang katawan patalikod sa baril..
Tricia : Madaaam!
BANG! BANG!
Natumba si Mrs Pokia na nakapatong ang dating katulòng na may dalawang tama ng baril sa likod..
Dale : Triciaaa!!
Sinamantala ni Dale ang pagkakataon.. Isang malakas na balya ang ginawa nya kay Win.. Natumba si Win at agad na tumakbo si Dale sa direksyon ng ina at ng kasintahan.. Agad nakabangon sg Win at maagap na iniumang ang baril kay Dale.. Saka kinalabit ang gatilyo..
BANG!
May baril na naglanding sa paa ng nag-oobserba sa kaganapan na si Jay.. Tumingin ito sa pinanggalingan ng putok..
Sa di kalayuan ay andun si NBI Chief Jhaizee "Kidlat" Velasco.. Nakaumang pa rin kay Win ang baril nito na kasalukuyang umuusok pa ang dulo..
HUWAG NA HUWAG BIBITAW SA HULING DALAWANG EPISODES!
- - Itutuloy - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 01:01:35 PM
galeng.. sayang.. sana napursue mo journalism kuya helt..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 01:19:52 PM
Thanks Ments..
Lack of support kasi from the 'authorities' kasi sabi nila, lack of moolah sa field na iyon.. Hehehe.
¤ Biglang tinamad ituloy ¤
Hahahaha!
Title: Mensahe
Post by: Algern0n on September 27, 2010, 03:05:21 PM
Try mo kuya helt mag Journalism or Creative Writing kapag may sup0rta na ng 'auth0rities'. May future ka kuya helt, pramiz! Idol kita talaga!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 03:16:10 PM
Hey, may future naman talaga ako.. Literal.. Hahaha.
¤ Nakabreak sa taping ng hospital scene.. Nag-iinarte ang female lead.. ¤
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 04:46:03 PM
Status ng last 2 episodes :
Episode 149 - Taped/Complete (Ready for posting)
Episode 150 - Currently on taping/50% complete.
To view the last two episodes, please subscribe to "Pay-per-view"
Thanks.
¤ chuckles ¤
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 04:51:29 PM
adik..
excited pa naman ako sa pag-open ng thread.. hehe.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 05:02:01 PM
Pay-per-view premium rates :
Episode 149 - 5peso pasaload
Episode 150 - 15 peso load
¤ chuckles ¤
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 05:04:17 PM
ganun???
¤ c
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 27, 2010, 05:08:11 PM
hala! naging PPV sa signal TV. Teka ano po number na tatawagan para maka subscribe?? 1.800.1.888.SBCP?
Un po ba tatawagan helt?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 05:10:15 PM
ay, putol.. t
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 05:15:19 PM
Hahahaha!
Just stay tuned..
. . . . . . . . . . . . . .
ANG PAGWAWAKAS
Sept 27, 2010
6:30pm
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 27, 2010, 05:25:10 PM
helt, please check your PM. Thank you!
Ay 6.30 pa? Nice, nice...siguro dami pang commercials yan at sponsors mamaya tulad ng LUCKY YOU Instant Pancit Molo. Maka gawa nga ng tasks muna, baka mapagalitan ng "powers-that-be". Maabutan ko pa maya last episode sa O.T.U.T.3 ! Yehey!
¤ chuckles, and logs off. Poof! ¤
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 05:40:03 PM
hmp..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 06:47:25 PM
149
Jhaizee : Huwag ka nang magtangkang lumaban, kundi isusunod kita dun sa hostage-taker sa Quirino Grandstand! Natimbog din kita, Win TheRamAss!
Agad nagtaas ng kanyang mga kamay si Win, palatandaan na hindi ito lalaban.. Kapagkuway nagsilapitan na ang mga rumespondeng pulis.. Dumating na rin ang member ng media, kabilang na ang 2 giant networks ng bansa, ang magkaribal na ABS-CBN at producer ng Angel Meow's concert na U.T.O.T. Channel 3.. Lumapit si Jay sa NBI Chief at iniabot ang baril ni Win na pinatalsik ni Jhaizee "Kidlat" Velasco sa pamamagitan ng kanyang sariling baril.
Jay : Asintado po pala kayo.
Ngumiti lang ang NBI Chief..
Sa kinaroroonan nina Dale..
Dale : Triciaaa! Lumaban ka! Huhuhu!
Habol ni Tricia ang hininga..
Mrs Pokia : Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon, Dale! Dalhin na natin sya sa ospital..!
Para namang natauhan si Jay.. Lumapit ito kina Dale..
Jay : Pasensya na Dale! Di pa rin ako makagetover dun sa ginawang pagpapatilapon ng baril kanina eh (Sabay pinangko ang agaw-buhay na si Gelato) Hala madali ka Dale!! Buksan mo na ang sasakyan mo para maisugod na sya sa ospital!!
Agad tumakbo si Dale sa kanyang Everest.. Buhat-buhat ni Jay si Tricia na kasalukuyang pinalalakas ang loob ni Mrs Pokia..
Mrs Pokia : Mabubuhay ka Tricia!! Isusugod ka namin sa ospital! Mabuhay ka lang, pinapangako ko, magbabago na ako! Huhuhu!
Ngumiti lang si Tricia.. Blurred na ang tingin ni Tricia sa paligid.. Sumunod dun ay wala na syang natandaan pa..
. . . . . . . . . . . .
Sa kuwarto ni Hazel ay asar na asar ito.. Nanonood ito ng kanyang paboritong drama anthology sa U.T.O.T. Channel 3, ang "Malala Na Kaya?", nang biglang maputol ang programa upang bigyang daan ang News Break kaugnay ng nangyaring insidente sa Araneta Coliseum..
Hazel : Buwiset naman oo!! Tsk! Tsk! Wala na talagang magawa ang mga tao ngayon! Ayaw magbanat ng buto! Gusto ay manglamang sa kapwa!
Ifinocus ang mukha ni Win na nakokonsortehan ng mga alagad ng pulisya at isinakay sa mobile patrol.. Patda si Hazel..
Hazel : Hindi ako maaaring magkamali!! Sya si Winifredo ko!! Ang kauna-unahang lalaking nanakit sa akin at. . .
Hindi na naituloy ang sasabihin.. Isang masaklap na ala-ala ang muling nagmulto sa kamalayan nyan.. Napasubsob ito sa kanyang mga palad. . . At humagulgol. . .
Hazel : Oh huhuhu! Bakit kailangang makita pa kita, Winifredo! Dahil sa yo ay. . . Oh huhuhuhu!!
. . . . . . . .
After 3 days ay nagkamalay si Tricia sa ospital na pinagdalhan sa kanya, ang SBGH.. Nang magmulat ito ng mata ay ang nurse na si Mitch ang nakita nya.. Asa tabi nito ang anak na si Gee-Ann..
Gee-Ann : Nay! Nagkamalay na sya...
Mitch : Kumusta na ang pakiramdam mo?
Tricia : Pa-parang manhid ang pakiramdam ko.. Pero okay lang po.. Ano pong nangyari? Bakit ako naririto?
Sa kanyang pagkakahiga ay kanyang iginala ang paningin sa kabuuan ng silid na yun ng SBGH.. Ikinuwento naman ni Mitch ang nangyari.. Saka pa lang naalala ni Tricia ang lahat..
Tricia : Si Dale? Andito ba sya?
Mitch : Lumabas sandali,bumili ng mga gamot mo..
Gee-Ann : Hi Tricia! Ako nga pala si Gee-Ann.. (Ngumiti)
Ngumiti rin si Tricia kahit sobrang effort na ang pagngiti dahil sa sobrang panghihina.. Magaan din ang loob nya kay Gee-Ann.. Ewan nya kung bakit. . Maya maya ay pumasok si Sharmaine.. Lumapit agad ito kay Tricia..
Sharmaine : Kumusta ka na? Huwag ka nang mag-alala.. Asa kulungan na yung bumaril sa yo..
Napangiti lang si Tricia.. Napadako ang tingin ni Sharmaine kay Gee-Ann.. Ewan nya pero magaan din ang pakiramdam nya rito kung kaya't nginitian nya ito.. Gumanti ng ngiti ang anak ni Mitch..
Gee-Ann : Pa-autograph naman Miss Sharmaine.. (Sabay naghanap ng papel at ballpen sa kanyang shoulder bag)
Sharmaine : Oo ba! Pero Chic na lang ang itawag mo sa akin.. (Sabay abot ng papel at ballpen na iniaabot ni Gee-Ann)
Sa labas ng ospital..
Jay : Rahamae? Kaw ba yan?
Napalingon si Rahamae.. Papasok na ito that time sa loob.. Napangiti ang babae..
Rahamae : Uy Mr. Jay, kayo pala.. Oho, ako nga ito.. Kumusta na kayo? Ano nga ho palang ginagawa nyo dito?
Jay : Mabuti naman ako.. May pasyente kasi kami dito.. Eh ikaw? Asan si Lancer?
Rahamae : Sya nga ho ang pupuntahan ko eh.. Nadengue ho kasi sya..
Jay : Ganun ba? Pag may time ka mamaya, dumaan ka sa room 329 ha? Andun ako..
Rahamae : Tingnan ko mamaya..
Nang maghiwalay ang dalawa ay papasok naman ang Everest ni Dale..
. . . . . . . . . .
Masayang nagkwekwentuhan sina Jay, Sharmaine, Gee-Ann at Tricia.. Wala na noòn si Mitch.. Naground ito sa iba pang pasyente.. Maya-maya ay may kumatok..
TOK! TOK!
Dahil si Gee-Ann ang pinakamalapit sa pinto, eto na ang nagprisintang magbubukas.. Nang mabuksan ang pinto, pinatuloy ang panauhin. Si Rahamae. Tulog pa raw ang pasyente nya kaya nakapagdesisyon itong dumaan muna.Ipinakilala ni Jay ang isa't isa. Wala namang hassle or friction sa apat na babae.. May napansin si Jay.
Jay : Kung hindi lang sa may mga magulang kayo, iisipin ko, magkakapatid kayo??
Magkokomento sana si Sharmaine nang bumukas ang pinto.. Pumasok ang mag-inang Pokia.. May mga dalang prutas na nakabasket ang matanda.. Samantalang flowers naman ang dala ni Dale.
Sumenyas si Jay sa tatlong dalaga na lumabas muna..Tumalima ang mga ito..Nang makalabas ang tatlo, sumunod din si Jay matapos tapikin sa balikat ang binatang heredero...
Nang tatatlo na lang sila, nagsalita si Tricia.
Tricia : Ano hòng kailangan nyo? Magkano na naman this time ang iaalok nyo para layuan ko si Dale..
Tumingin si Mrs Pokia kay Dale na tila nagpapasaklolo.. Tinalikuran ni Tricia ang dalawa.. Lumapit si Dale at humalik sa pisngi ng nagulat na si Tricia..
Dale : Lalabas muna ako sandali para makapag-usap kayo nang maayos ni Mama..
Hindi umimik si Tricia.. At bago lumabas ng silid, sinenyasan ni Dale na ang ina na kausapin na ang dalaga..
Nang sila na lang dalawa ang asa kuwarto, nagsalita na ang matanda..
Mrs Pokia : Bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa ginawa mong pagliligtas sa akin.. Kung hindi dahil sa iyo eh malamang patay na ako ngayon.. Maraming-maraming salamat Tricia!
Sumagot ang dalagang nakatalikod pa rin sa kausap.
Tricia : So magkano nga ang iaalok nyo sa akin? 2 million? 3 million? 4 or 5 million? Sabihin nyo na dali!! Nang makapagdesisyon na ako! This time eh hindi ko kayo tatanggihan!
Napaiyak ang matanda..
Mrs Pokia : Pinatigas na ba ng balang pumasok sa katawan mo ang iyong kalooban?? (Singhot) Alam kong hindi ikaw yan Tricia.. Ginagawa mo yan para pasakitan lang ako..
Nanggigil na humarap si Tricia..
Tricia : Magkano ba kasi ang alok nyo at nang makapagdeal na ako at nang makaalis na kayo?!
Mrs Pokia : Inaalok na kitang bumalik sa bahay! Hindi bilang isang kasambahay kundi isang kapamilya.. Pag-aaralin kita gaya nang pangarap mo.. Pumapayag na ako sa inyong dalawa ni Dale.. Mapagbibigyan mo ba ako, Anak??
Gulat na gulat si Tricia sa narinig.. Hindi ito ang inaasahan nya..
TUNAY NGA KAYANG MAY HAPPY ENDING SA LAHAT NG ISTORYA? KABILANG DIN KAYA SINA DALE AT TRICIA DUN?
ABANGAN ANG HULING EPISODE!
- - Tatapusin - -
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 27, 2010, 06:57:50 PM
Nakakaiyak naman.. Haha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on September 27, 2010, 07:31:03 PM
winifredo... ahaha...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 07:36:10 PM
Mamaya na lang yung finale.. Pag naka 100 pages na to.. Hahaha.
2 lang ba ang viewer ko?
={
Title: Mensahe
Post by: Algern0n on September 27, 2010, 07:58:26 PM
Here c0mes the third viewer. Sayang, di ko pa nababasa yung bndang unahan na epis0des eh. Page 14 pa lang ata ako dun,.
C0ngratz kuya helt sa nalalapit na pagwawakas ng drama anth0l0gy m0. Hehe, may nakasalang na bang sequel?
Title: [Unofficial] Hotseat REWIND! (Sept. 25-30) DarylJab94
Post by: DarylJab94 on September 27, 2010, 08:07:17 PM
Hahah! 4th audience here...
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 08:14:31 PM
O sya, narito na ang finale..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 08:20:59 PM
FAREWELL EPISODE
(150)
Hindi makapaniwala si Tricia sa narinig. Totoo ba ang sinabi ng matanda? Ang dating matayog na amo, ngayon nagpapakumbaba sa kanyang katulong? Too good to be true.. Nirendahan muna ni Tricia ang sarili..
Mrs Pokia : Tiklop-tuhod akong pumunta rito Tricia.. I know, I was harsh on you.. Nagkamali ako ng pagjudge sa pagkatao mo.. Patawarin mo ako, please bumalik ka na sa bahay.. (At tuluyang nalaglag ang mga luha)
Gusto na ring bumigay ni Tricia pero nagpigil pa rin ito.. Sinubok ang matanda..
Tricia : Pero di ba sabi nyo dati Madam, hindi ako nababagay sa pamilya nyo? Maaatim nyo ba na ang kagaya kong katulong na hindi alam kung nasaan ang mga magulang e mapabilang sa tinitingalang angkan ng mga Pokia?
Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Mrs Pokia.. Malambot at pagmamakaawa pa rin ang makikita dun..
Mrs Pokia : Noon yun.. Nagbabago ang lahat at hindi ako exception.. Ang ayaw kong mangyari eh ikaw ang magbago kay Dale.. Alam kong ikaw ang buhay ni Dale.. Alam ko kung gaano ka nya kamahal at kahit itanggi mo ngayon, alam kong andun pa rin ang pagmamahal mo sa kanya.. Pagmamahal na hindi ko na hahadlangan this time..
Hindi na napigilan ni Tricia ang mapaiyak.. Masaganang luha ang umagos mula sa mga mata nito..
Mrs Pokia : Makakabalik ka na ba sa bahay, Tricia?
Tricia : Hindi pa raw ho ako makakaalis dito sa SBGH sabi ni Mitch, yung nurse kanina.. (Natawa kahit umiiyak)
At sapat na ang sinabing iyon ni Tricia para malaman ni Mrs Pokia ang tugon ng kasintahan ng kanyang anak sa kanyang alok.. Niyakap nya nang mahigpit si Tricia..
Mrs Pokia : Maraming salamat! Maraming maraming salamat..
Ngumiti lang si Tricia.. Maya-maya ay napangiwi ito..
Tricia : Aray! Madam.. Masakit..
Nagets naman ng matanda.. Agad itong kumalas sa pagkakayakap..
Mrs Pokia : Ay sorry, sariwa pa nga pala ang sugat mo...
At nagbungisngisan na lang ang future magbiyenan/magmanugang
. . . . . . .
Dalawang taon ang mabilis na lumipas.. Graduate na si Dale.. Eto na ngayon ang officially may control sa kumpanya nila bagamat wala pa sya sa hustong gulang..
Si Tricia naman eh sophomore HRM student ng SandBox University.. Napagkasunduan nila na sila'y magpapakasal kapag asa hustong gulang na si Tricia..Graduate na sya pagdating ng panahon na yun.. With the blessing of Mrs Pokia of course..
Mas pinili naman ni Mrs Pokia ang magretiro nang maaga.. Gamit ang power at koneksyon ng POKIA CELLPHONES, INC ay nakuha ng matanda ang personal at private contact #s at email at FB accounts ni China's Singing Sensation Angel Meow.. Kung kaya't napupuyat na rin ang matanda sa magdamagang pakikipagharap sa kanyang laptop kung saan kadalasang ka FB nya si Angel..
Mrs Pokia : Tapos na ang pagluluksa ko Fidel kaya it's about time naman na makahanap na rin ako.. Ayaw ko namang mapag-iwanan ng anak mo..
Naging guest rin si Jhaizee "Kidlat" Velasco sa Hotseat on U.T.O.T. Channel 3.. Tinalakay dun ang pagkakatimbog nya kay Win TheRamAss na nasentensyahan ng life imprisonment..
Naipatayo na rin nina BJ at Gernon ang "Ang Lalaki sa Kabila".. Halos break-even lang sila pero hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa lalo at pumayag si Sharmaine na magperform dun.. Ayaw nga mag-ask ng TF ang dalaga pero mapilit si BJ.. Paminsan-minsan eh dumadalaw dun si Jay, na annulled na ang kasal sa asawa.. Nakikipag-inuman at minsan eh nakikipaglandian sa mga male dancers doon..
Si Magz ay nagdesisyon na 2 more years na lang ang aantayin nya at uuwi na sya ng Pinas upang magpakasal sa boyfriend nyang si Vincent na dun nya rin nakilala sa Italia.. Si Ian naman ay kayod-marino sa pagtratrabaho upang makalimutan ang kabiguan sa dalaga ng kanyang Pareng Jay.. Paminsan-minsan ay dumadalaw sa kanya ang kanyang Tatay Alexander..Bagamat hindi pa nya ito napapatawad eh pinakikiharapan naman nya nang maayos..
Samantala, sa opisina ng executive producer ng U.T.O.T. Network na si Charot Santos-Concious ay excited ito sa pakikipag-usap sa kanyang mga underlings..
Charot : Madali! Emergency meeting! Papuntahin sa conference room ang creative team! Isang letter-sender ang nakapukaw ng atensyòn ko! Hindi bagay sa "Malala Na Kaya?" ang kanyang kuwento.. Gagawin natin tong pelikula at isasali natin sa SSFF, Solar System Film Festival!
Muli ay binasa nya sa isip ang sulat..
Charot : Dear Ate Charot, Magandang araw sa yo, di gaya ng iba mòng letter sender, tawagin mo ako sa tunay kong pangalang CHRIZHELDA.. Nagdesisyon po akong ibahagi ang aking karanasan upang mahanap ko na ang mga sagot sa aking mga katanungan.. Bunso po ako sa tatlong magkakapatid.. Kahit may bulong-bulongan na ako'y isang ampon, balewala po sa akin.. Kahit tuksuhin ako ng mga kalaro ko na "Waaah! Eday ampon! Eday ampon!" ay okay lang po sa akin.. Nagulo po ang lahat nang mahalin ko ang isang magnanakaw sa aming lugar na si Winifredo.. Ayaw po sa kanya ng mga magulang ko.. Hindi birong lait ang natikman nya mula sa aking mga magulang.. At dahil sa sobrang sama ng loob ni Winifredo ay nagawa po nya akong pagsamantalahan bagamat gusto ko rin po.. Nagbunga po ang kapangahasang iyon at ako po ay itinakwil ng aking mga magulang.. Isang gabing malakas ang ulan ay nanganak po ako sa gitna ng kalsada.. Nang mailabas ko ang aming anak, imbes na saya ang maramdaman ko ay poot at galit dahil sa pang-iiwan sa akin ni Winifredo at sa isipin na baka nga ampon lang talaga ako.. Kaya sa unang bahay na aking nadaanan, isang patahian ay aking iniwan ang aming anak na babae at agad kong nilisan ang patahian.. Nang mapatapat ako sa isang laundryshop ay hindi ko akalaing may lalabas pa mula sa matris ko.. Isa uling babae..Agad ko rin itong iniwan sa tapat ng laundryshop.. At hindi pa dyan nagtatapos ang lahat, sabay na lumabas uli ang dalawang babaeng sanggol nang mapatapat ako sa talyer.. Isa lang po ang naiwan ko dun dahil may taong nakakita sa akin.. Ang isa ay sa SBGH hospital ko iniwan.. Ate Charot, kala ko wala na pero isa pa uli ang lumabas nang mapatapat ako sa isang sikat na beauty salon.. Iniwan ko po uli ito dito ang ikalimang sanggol.. Tama ka Ate Charot, may ikaanim pa.. Pero last na iyon, iniwan ko ito sa isang kariton na pag-aari ng isang streetsweeper.. . . . . .
Puro lahat sila babae Ate Charot. . . . . . .
Itinigil sandali ni Charot ang pagbabasa..
Charot : Kailangan kong makausap ang Chrizeldang ito.. May naiisip na akong title para sa pelikulang ito.. "Mga Lihim Ni Chrizhelda"
Saka muling ipinagpatuloy ang pagbabasa sa liham. . . . . . .
. . . . . . WAKAS . . . . . . .
Cast of Characters
Gelatociao - Tricia
"Enchong Dee" - Dale
"Bella Flores" - Mrs Pokia
Jannaerron - BJ
Storm0523 - Maggie
Chrizhel02 - Hazel
Iandgreat196 - Ian
Abegail09 - Angie
Mentoscandy - Gee-Ann
DarylJab94 - Rustom
Kidlat10176 - Jhaizee Velasco
07meKisses11 - Mitch
Kyuubi07 - Raymònd
angLumad - Al
Asianchic22 - Sharmaine
31raja01 - Rahamae
Lhanskidot - Lancer
Jerwin10 - Win TheRamAss
Arcangel - Angel Meow
Poach3r27 - Ivo
Yung gumanap na David Garcia Sr. - Alexander Greattaste
"Pokwang" - Pokwang
"Charo Santos-Concio" - Charot Santos-Concious
Antataroesomething - Lalaking accomplice ni Win
Gigicosomething - Philippine Ambassador to Iraq
Enedsomething - Ursula
Boses ni Helterbrand - Voiceover
Jay - Helterbrand
"Toni Gonzaga" - Selya
In cameo roles
Bh0njitot21 - Jibhon
Algernòn - Gernon
Jjdevera - Brandon de Vera
Nylede018 - Nile Rivera
ACKNOWLEDGEMENT
Storm0523 (Sa pagsasuggest nya na ipasok ko sa kuwento si Mentoscandy as kakambal ni Abegail09)
Arcangel (Sa pagpoprovide nya ng mga positions ng US Soldiers.. Kala ko kasi magkaiba ang RP at US)
Mentoscandy (Sa pagpoprovide nya ng chorus lyrics ng kantang "I'll Never Get Over You")
angLumad (Dahil sa pag-a-unlock nya ng thread na ito at eventually eh pagmerge sa inumpisahan kong bagong thread nung mailock ang orig thread)
Written and directed (For SB Forums) by YOURS TRULY..
. . . . . . . . . .
NO PART OF THIS THREAD MAY REPRODUCE AT ANY FORM WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION FROM THE AUTHOR.
Copyright 2010
"SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
June 21, 2010
To God be the Glory
.
.
.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: iandgreat196 on September 27, 2010, 08:27:57 PM
ayos ah astig...
Title: :) pROXY FOR FB!.
Post by: bh0nji21 on September 27, 2010, 08:35:33 PM
Wow ganda ng ending! Kakaiyak at nkktuwa.! Thank you idol at napasama kami! Idol pde din bang ipaprint to?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: storm0523 on September 27, 2010, 08:40:31 PM
Shemay.. Ang ganda.. Naiiyak ako.. Ipapaprint ko toh! Swear! Congrats kuya helt! Im so proud of you..! Apir.
Title: [Unofficial] Hotseat REWIND! (Sept. 25-30) DarylJab94
Post by: DarylJab94 on September 27, 2010, 08:53:22 PM
Hahah! Galing2x!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: nylede018 on September 27, 2010, 08:56:01 PM
Congrats!
Great job well done ^_^
Title: [Unofficial] Hotseat REWIND! (Sept. 25-30) DarylJab94
Post by: DarylJab94 on September 27, 2010, 09:02:44 PM
Tap0s na palabas, punta naman tayo sa Hotseat Thread dun tay0 tatambay! Pack up na! Hahah!
Title: Mensahe
Post by: Algern0n on September 27, 2010, 09:05:02 PM
Hahaha! Ang galing, parang s0ap opera lang. Nakakamiss naman to pag nawala na ang f0rums,.c0ngratz! O, kuya helt, ayan na ang c0nfetti, here's the b0uquet of sampaguita!
Ladies and gentlemen,
mr. Helterbrand!
B0w. Dim lights. Cl0se curtain.
Fin
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 09:15:13 PM
Kung may mga tanong kayo regarding sa 'hirap' ko kada isang post, feel free to ask..
Share ko lang to..
Usually, umaga lumalabas ang mga latest episodes.. Ewan ko rin pero mas maraming pumapasok na idea sa akin sa umaga kasehodang I'm nursing a hangover.. Gustuhin ko mang ituloy ito sa gabi, wala talaga akong mapiga..
Salamat sa di pagbitiw.. Salamat at kasama ko kayo hanggang ending..
So sad lang at wala yung iba na may mga major roles dito..
Title: [Unofficial] Hotseat REWIND! (Sept. 25-30) DarylJab94
Post by: DarylJab94 on September 27, 2010, 09:20:49 PM
K lang yan, helt...!!!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: kyuubi07 on September 27, 2010, 09:34:06 PM
...9 tails UP!!!!
... 2 thumbs up pla ^_^
... nice ending, hehe nakakatuwa talaga eto, isa ito sa ndi ko malilimutan pag nawala na ang sandbox, so panu ba yan? pwede bagn icopy ito? hehe
...job well done kuya helt!!!! Cheers!!! ^_^
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: nylede018 on September 27, 2010, 09:38:55 PM
Sagot ko isang case !
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 09:50:24 PM
Of course puwede nyong iprint ito.. Magiging proud ako pag nagkataon..
Nakabookmark sa akin ang thread na ito.. Di ko lang sure kong maaaccess ko pa pag wala na ang forums.. Kaya ipiprint ko din to.. Copy paste sa WORD ang mga episodes then print.. Gusto ko rin kasing mabasa ito nang buo..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 10:13:14 PM
naluha ako habang iniiscroll down mga cast.. haay.. personally, kalinya na to ng mga novels na nababasa ko.. mga pinaluha ako ng endings... hehe.
we're proud of you and your work kuya helt! galeng galeng..
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 10:24:55 PM
Nice,. Pero wala lang akung role hahaha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 10:43:55 PM
Salamat Ments..
Dareen, ikaw kaya yung member ng SB GAY SON na tumulay sa alambre habang nagtetext... Hahahaha.
(Honga? Bakit nga di ko nabigyan ng role si John Michael? Si Russein nga balak ko ring bigyan ng role.. Nawala na lang sa isip ko)
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 10:46:06 PM
Hahaha print ko muna to bukas,.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 10:50:52 PM
onga kuya helt! si dareen pa naman sana kapartner ko! haha. xD
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 10:52:06 PM
Naks naman ments.. Hahaha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 27, 2010, 10:55:35 PM
Late na rin kasing naexpose na crush mo Ments si Dareen.. Hehehe..
Sayang at mawawala na ang forums.. Sa "Mga Lihim Ni Chrizhelda" pa naman sana magkakaroon ng sariling moment ang 7 "lihim" ni Chrizhelda.. Pati sina Mitch at Raymond... Tsk.
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 11:01:57 PM
Hahaha..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 11:16:43 PM
haha. magkabati kami nyan ni dareen! (me utang kase ko jan!) xD
onga.. palpek talaga tong pagtigil nila sa forums!
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 11:18:25 PM
Owws,.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 11:21:29 PM
^ spam oh! bale quits na sa upa dun sa lupa mo! (anung konek?) haha. xD
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 11:22:13 PM
Di nga..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: kyuubi07 on September 27, 2010, 11:26:49 PM
sariling moment? hehehe
well, salamat ulet kuya helt dahil naging part ako dito ^_^
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 11:27:22 PM
weh? haha. labas nakong sinehan, ingay ni dareen! xD tapos na pati palabas uy! nagsasalitang tulog ka lang! wahaha. xD
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 11:29:12 PM
Huwag muna hihintayin ko ang next showing
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 27, 2010, 11:33:34 PM
*lights off*
eeeengggkk...
*curtains down*
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 27, 2010, 11:34:34 PM
Last showing na pala..
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 28, 2010, 12:27:05 PM
excellent! Job WELL done helt! This is one of the most memorable threads I tracked!
¤ now without authority. (bec i'm a nobody at SB) ¤
We at the IT & computing industry usually loves acronyms like HDD, HSDPA, HTTP, HDMI. From now henceforth helterbrand you will be assigned your own acronym and would be known as mr.H!
HIGHLY CRITICAL REVIEWS:
International headlines:
The New York Times: hot new Filipino author/director mr.H's "Laundry Girl" (translated) still on top of our book best seller list after 16 weeks!
Washington Post: Filipino author visits the Library of Congress for the "Laundry Girl" (translated) official cataloguing.
The Daily Telegraph: mr.H visits London for the "Laundry Girl" (translated). Pays a courtesy call at the Buckingham Palace with the queen.
Wall Street Journal: Alger's & Associates Publishing stocks rise to 33%. Closes at $280 a share bouyed by the strong demand for the "Laundry Girl" (translated) by author/director mr.H !
Vouge Magazine, Oct. 2010: forget about the Dior fall 2010 collection. "Laundry Girl" (translated) by mr.H Is even HOTTER!
GQ oct.2010: Thinking about that new suit by Zegna? Ditch the shirt and be a man. Read "Laundry Girl" (translated) by new author/director mr.H
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 28, 2010, 12:44:14 PM
Local Headlines:
Philippine Daily Inquirer: author/director mr.H visits inquirer head office for a read along session with kids.
The Philippine Star: P-Noy's US trip successful. Meets with hot new author/director mr.H in malacanang.
Manila Bulletin: author/director mr.H pays a courtesy call with the MB chairman Dr. Emilio Yap
Cosmo Philippines: Oh we would gladly trade in a cosmo batchelor for HOOOOT new author/director mr.H
Mens Health Philippines:
How to be healthy and famous, an inside look at the lifestyle of mr.H . And oh, we were right with our reviews a few months ago.
Top Gear Philippines: Screw the new chevy camaro. mr.H deserves a ride on a pimped up Jaguar XJ
Title: Mensahe
Post by: Algern0n on September 28, 2010, 01:15:22 PM
Haha, nice one xpreszu0ou! W0w, bigtime ka na mr.H,!
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 28, 2010, 01:23:09 PM
Hahaha.. Natawa naman ako dun..
Anyways, may mali sa closing credits..
Eto ang tama
"SBCinema Presents : Pasan Ko Ang Labada"
June 14, 2010
All Rights Reserved.
Not June 21, 2010.. Sa GKNB? ang petsang ito.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 28, 2010, 01:29:51 PM
fresh from the Bloomberg news service:
Stocks of Alger's & Associates Publishing (NYSE code: APP) countinues to ride high with brisk demand for "Laundry Girl" (translated) by Filipino author/director mr.H. Stocks closed at $313.6 (12% increase) at the NYSE monday (09/27/2010).
Title: Mensahe
Post by: Algern0n on September 28, 2010, 01:39:09 PM
Who0o0h! Laki-laki ng kita ng kumpanya namin (pabul0ng:ano b ibig sabihin ng mga sinabi dyang st0cks?) yehey! Successful ang business.!!
Title: In honor to NILE,. :)
Post by: Dareen117 on September 28, 2010, 01:39:58 PM
Wahahaha
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 28, 2010, 01:46:22 PM
NYSE - New York Stock Exchange???
Hehe.
Title: FINAL MESSAGEs
Post by: Kidlat10176 on September 28, 2010, 03:13:19 PM
Congrats!
Gusto ko ang ending!
.
1 month or 3 weeks and a half ago, kinopya ko ang thread na ito, then nilagay sa blogsite ko.
Pakopya rin lahat ng episodes ha?
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: mentoscandy on September 28, 2010, 04:03:35 PM
Hanla ka.. (by bhonji)
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: helterbrand on September 28, 2010, 04:41:22 PM
REPLAY
. . . . . . .
FAREWELL EPISODE
(150)
Hindi makapaniwala si Tricia sa narinig. Totoo ba ang sinabi ng matanda? Ang dating matayog na amo, ngayon nagpapakumbaba sa kanyang katulong? Too good to be true.. Nirendahan muna ni Tricia ang sarili..
Mrs Pokia : Tiklop-tuhod akong pumunta rito Tricia.. I know, I was harsh on you.. Nagkamali ako ng pagjudge sa pagkatao mo.. Patawarin mo ako, please bumalik ka na sa bahay.. (At tuluyang nalaglag ang mga luha)
Gusto na ring bumigay ni Tricia pero nagpigil pa rin ito.. Sinubok ang matanda..
Tricia : Pero di ba sabi nyo dati Madam, hindi ako nababagay sa pamilya nyo? Maaatim nyo ba na ang kagaya kong katulong na hindi alam kung nasaan ang mga magulang e mapabilang sa tinitingalang angkan ng mga Pokia?
Walang nagbago sa ekspresyon ng mukha ni Mrs Pokia.. Malambot at pagmamakaawa pa rin ang makikita dun..
Mrs Pokia : Noon yun.. Nagbabago ang lahat at hindi ako exception.. Ang ayaw kong mangyari eh ikaw ang magbago kay Dale.. Alam kong ikaw ang buhay ni Dale.. Alam ko kung gaano ka nya kamahal at kahit itanggi mo ngayon, alam kong andun pa rin ang pagmamahal mo sa kanya.. Pagmamahal na hindi ko na hahadlangan this time..
Hindi na napigilan ni Tricia ang mapaiyak.. Masaganang luha ang umagos mula sa mga mata nito..
Mrs Pokia : Makakabalik ka na ba sa bahay, Tricia?
Tricia : Hindi pa raw ho ako makakaalis dito sa SBGH sabi ni Mitch, yung nurse kanina.. (Natawa kahit umiiyak)
At sapat na ang sinabing iyon ni Tricia para malaman ni Mrs Pokia ang tugon ng kasintahan ng kanyang anak sa kanyang alok.. Niyakap nya nang mahigpit si Tricia..
Mrs Pokia : Maraming salamat! Maraming maraming salamat..
Ngumiti lang si Tricia.. Maya-maya ay napangiwi ito..
Tricia : Aray! Madam.. Masakit..
Nagets naman ng matanda.. Agad itong kumalas sa pagkakayakap..
Mrs Pokia : Ay sorry, sariwa pa nga pala ang sugat mo...
At nagbungisngisan na lang ang future magbiyenan/magmanugang
. . . . . . .
Dalawang taon ang mabilis na lumipas.. Graduate na si Dale.. Eto na ngayon ang officially may control sa kumpanya nila bagamat wala pa sya sa hustong gulang..
Si Tricia naman eh sophomore HRM student ng SandBox University.. Napagkasunduan nila na sila'y magpapakasal kapag asa hustong gulang na si Tricia..Graduate na sya pagdating ng panahon na yun.. With the blessing of Mrs Pokia of course..
Mas pinili naman ni Mrs Pokia ang magretiro nang maaga.. Gamit ang power at koneksyon ng POKIA CELLPHONES, INC ay nakuha ng matanda ang personal at private contact #s at email at FB accounts ni China's Singing Sensation Angel Meow.. Kung kaya't napupuyat na rin ang matanda sa magdamagang pakikipagharap sa kanyang laptop kung saan kadalasang ka FB nya si Angel..
Mrs Pokia : Tapos na ang pagluluksa ko Fidel kaya it's about time naman na makahanap na rin ako.. Ayaw ko namang mapag-iwanan ng anak mo..
Naging guest rin si Jhaizee "Kidlat" Velasco sa Hotseat on U.T.O.T. Channel 3.. Tinalakay dun ang pagkakatimbog nya kay Win TheRamAss na nasentensyahan ng life imprisonment..
Naipatayo na rin nina BJ at Gernon ang "Ang Lalaki sa Kabila".. Halos break-even lang sila pero hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa lalo at pumayag si Sharmaine na magperform dun.. Ayaw nga mag-ask ng TF ang dalaga pero mapilit si BJ.. Paminsan-minsan eh dumadalaw dun si Jay, na annulled na ang kasal sa asawa.. Nakikipag-inuman at minsan eh nakikipaglandian sa mga male dancers doon..
Si Magz ay nagdesisyon na 2 more years na lang ang aantayin nya at uuwi na sya ng Pinas upang magpakasal sa boyfriend nyang si Vincent na dun nya rin nakilala sa Italia.. Si Ian naman ay kayod-marino sa pagtratrabaho upang makalimutan ang kabiguan sa dalaga ng kanyang Pareng Jay.. Paminsan-minsan ay dumadalaw sa kanya ang kanyang Tatay Alexander..Bagamat hindi pa nya ito napapatawad eh pinakikiharapan naman nya nang maayos..
Samantala, sa opisina ng executive producer ng U.T.O.T. Network na si Charot Santos-Concious ay excited ito sa pakikipag-usap sa kanyang mga underlings..
Charot : Madali! Emergency meeting! Papuntahin sa conference room ang creative team! Isang letter-sender ang nakapukaw ng atensyòn ko! Hindi bagay sa "Malala Na Kaya?" ang kanyang kuwento.. Gagawin natin tong pelikula at isasali natin sa SSFF, Solar System Film Festival!
Muli ay binasa nya sa isip ang sulat..
Charot : Dear Ate Charot, Magandang araw sa yo, di gaya ng iba mòng letter sender, tawagin mo ako sa tunay kong pangalang CHRIZHELDA.. Nagdesisyon po akong ibahagi ang aking karanasan upang mahanap ko na ang mga sagot sa aking mga katanungan.. Bunso po ako sa tatlong magkakapatid.. Kahit may bulong-bulongan na ako'y isang ampon, balewala po sa akin.. Kahit tuksuhin ako ng mga kalaro ko na "Waaah! Eday ampon! Eday ampon!" ay okay lang po sa akin.. Nagulo po ang lahat nang mahalin ko ang isang magnanakaw sa aming lugar na si Winifredo.. Ayaw po sa kanya ng mga magulang ko.. Hindi birong lait ang natikman nya mula sa aking mga magulang.. At dahil sa sobrang sama ng loob ni Winifredo ay nagawa po nya akong pagsamantalahan bagamat gusto ko rin po.. Nagbunga po ang kapangahasang iyon at ako po ay itinakwil ng aking mga magulang.. Isang gabing malakas ang ulan ay nanganak po ako sa gitna ng kalsada.. Nang mailabas ko ang aming anak, imbes na saya ang maramdaman ko ay poot at galit dahil sa pang-iiwan sa akin ni Winifredo at sa isipin na baka nga ampon lang talaga ako.. Kaya sa unang bahay na aking nadaanan, isang patahian ay aking iniwan ang aming anak na babae at agad kong nilisan ang patahian.. Nang mapatapat ako sa isang laundryshop ay hindi ko akalaing may lalabas pa mula sa matris ko.. Isa uling babae..Agad ko rin itong iniwan sa tapat ng laundryshop.. At hindi pa dyan nagtatapos ang lahat, sabay na lumabas uli ang dalawang babaeng sanggol nang mapatapat ako sa talyer.. Isa lang po ang naiwan ko dun dahil may taong nakakita sa akin.. Ang isa ay sa SBGH hospital ko iniwan.. Ate Charot, kala ko wala na pero isa pa uli ang lumabas nang mapatapat ako sa isang sikat na beauty salon.. Iniwan ko po uli ito dito ang ikalimang sanggol.. Tama ka Ate Charot, may ikaanim pa.. Pero last na iyon, iniwan ko ito sa isang kariton na pag-aari ng isang streetsweeper.. . . . . .
Puro lahat sila babae Ate Charot. . . . . . .
Itinigil sandali ni Charot ang pagbabasa..
Charot : Kailangan kong makausap ang Chrizeldang ito.. May naiisip na akong title para sa pelikulang ito.. "Mga Lihim Ni Chrizhelda"
Saka muling ipinagpatuloy ang pagbabasa sa liham. . . . . . .
. . . . . . WAKAS . . . . . . .
Cast of Characters
Gelatociao - Tricia
"Enchong Dee" - Dale
"Bella Flores" - Mrs Pokia
Jannaerron - BJ
Storm0523 - Maggie
Chrizhel02 - Hazel
Iandgreat196 - Ian
Abegail09 - Angie
Mentoscandy - Gee-Ann
DarylJab94 - Rustom
Kidlat10176 - Jhaizee Velasco
07meKisses11 - Mitch
Kyuubi07 - Raymònd
angLumad - Al
Asianchic22 - Sharmaine
31raja01 - Rahamae
Lhanskidot - Lancer
Jerwin10 - Win TheRamAss
Arcangel - Angel Meow
Poach3r27 - Ivo
Yung gumanap na David Garcia Sr. - Alexander Greattaste
"Pokwang" - Pokwang
"Charo Santos-Concio" - Charot Santos-Concious
Antataroesomething - Lalaking accomplice ni Win
Gigicosomething - Philippine Ambassador to Iraq
Enedsomething - Ursula
Boses ni Helterbrand - Voiceover
Jay - Helterbrand
"Toni Gonzaga" - Selya
In cameo roles
Bh0njitot21 - Jibhon
Algernòn - Gernon
Jjdevera - Brandon de Vera
Nylede018 - Nile Rivera
ACKNOWLEDGEMENT
Storm0523 (Sa pagsasuggest nya na ipasok ko sa kuwento si Mentoscandy as kakambal ni Abegail09)
Arcangel (Sa pagpoprovide nya ng mga positions ng US Soldiers.. Kala ko kasi magkaiba ang RP at US)
Mentoscandy (Sa pagpoprovide nya ng chorus lyrics ng kantang "I'll Never Get Over You")
angLumad (Dahil sa pag-a-unlock nya ng thread na ito at eventually eh pagmerge sa inumpisahan kong bagong thread nung mailock ang orig thread)
Written and directed (For SB Forums) by YOURS TRULY..
. . . . . . . . . .
NO PART OF THIS THREAD MAY REPRODUCE AT ANY FORM WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION FROM THE AUTHOR.
Copyright 2010
"SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
June 14, 2010
To God be the Glory
.
.
.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 28, 2010, 04:47:00 PM
According to an article at forbes.com, Alger & Associates Publishing is a company headquartered at Chicago, Illinois and headed by the 20ish Mr. Alger Non a highly successful Filipino entreprenuer. Although mr. Non is a licensed engineer he used is journalism savvy to start a publishing firm banking on numerous Filipino talents usually translating literary works of his country to the english medium.
According to publicly avialable information and research conducted by the forbes correspondent, mr. Nor or commonly known as Alger in the business circles holds about 62% shares of stocks or ownership of the publicly traded company at the prestigeous New York Stock Exchange (code:APP) currently there are about 70million shares traded at the said exchange.
The company currently rides high on consumer interest with Filipino literary works and those 62% of the stocks worth $316.6 a share is valued at roughly 13.6 billion dollars making him the richest Filipino edging out old rich Filipino taipans like the Zobel families, Henry Sy, Lucio Tan and others.
His assests lands him in the forbes 500 richest people of the world joining the likes of youngish technopreneours like Larry Page and Sergey Brin of Google, Mark Zukerberg of Facebook and David Karp of Tumblr .
With reports from Xpedito Mee in Manila, Bloomberg news service and Forbes reasearch dept.
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: xpressme on September 28, 2010, 04:55:30 PM
umm...some got me started on what i know of stocks and stockmarket so i played along.
Hope you guys don't mind little news piece. (or if you do, i'll simply delete it. )
¤ chuckles ¤
Title: Re: SBCinema Presents : "Pasan Ko Ang Labada"
Post by: AngelBratz25 on September 29, 2010, 08:48:25 AM
Ganda ng ending... :) ...
Powered by SMF 1.1.6 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
http://yrforum.mysandbox.com/index.php?action=printpage;topic=7923.0
859bc93a-ea28-4c8b-9724-99790aa9824f
1.03.01
Kumusta, i ako ay pinangalanang MORAIDA Luna. Gusto kong gamitin ang medium na ito upang alertuhan ang lahat ng mga naghahanap ng utang upang maging napaka-ingat dahil may mga scam sa lahat ng dako. Ilang buwan na ang nakakaraan ako ay pinansiyal pilit, at dahil sa pagkawalang-taros, ako nai-scammed sa pamamagitan ng ilang online na nagpapahiram. Halos ako nawala pag-asa hanggang sa isang kaibigan ng minahan-refer ako sa isang maaasahan tagapagpahiram na tinatawag na Mrs Amanda na ninyo bang ipahiram sa akin ang isang hindi secure na pautang ng $ 53,000 sa mas mababa sa 24 na oras nang walang anumang presyon o magbigay-diin sa isang interes rate ng% 2 lamang. Ako ay kaya magulat kapag naka-check i balanse ang aking bank account at nalaman na ang halaga inilapat i para sa ay tuwid na ipinadala sa aking account nang walang anumang pagkaantala. Samakatuwid ipinangako ko sa kanya i ay pagpunta upang ibahagi ang mabuting balita sa gayon mga tao ay maaaring makakuha ng mga pautang madali nang walang anumang stress. Kaya kung ikaw ay nangangailangan ng anumang utang ng anumang uri, makipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang email: amandarichardssonloanfirm@gmail.com or amandaloan@qualityservice.com.
ReplyDeleteMaaari ka ring makipag-ugnay sa akin sa aking email moraidaluna@gmail.com.
Ngayon, lahat ng gawin i ay subukan upang matugunan up sa aking pautang pagbabayad na i magpadala nang direkta sa kanyang account buwanang.